Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44083 articles
Browse latest View live

Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla! — Cindy Miranda

$
0
0

Cindy Miranda at John Arcilla

SUPER fan pala ng premyadong aktor na si John Arcilla ang beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda.

Aminado ang dalaga na kinikilig siya sa unang araw palang ng lock-in shoot nila para sa pelikulang “Reroute” mula sa Viva Films at idinirek ni Lawrence Fajardo na mapapanood sa Vivamax sa Jan. 21.

Base sa kuwento ni Cindy sa ginanap na solo mediacon niya ngayong tanghali, “This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla.  Nabigyan ako ng chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.

“Sobrang (tuwa) I had to level up talaga, I was so worried na of course he’s a very, very good actor, yes best actor of the Philippines.

“Nu’ng sinu-shoot ko ito (Reroute) sabi ko siguro pag tinanong ako kung anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng nagawa ko, sabihin ko sa kanila na panoorin nila itong Reroute. This is my best movie yet,” aniya.

Nabanggit pa ni Cindy na sa unang araw ng shooting nila ay nakiusap siya sa executive producer ng pelikula na magpapa-picture siya bago sila magsimula at napagbigyan naman.

Teka, magaling ding aktor si Sid Lucero bukod kay John kaya hindi ba kinabahan si Cindy na kaeksena niya ang dalawang mahusay na aktor ng Philippine showbiz.

“I came from a shooting before Reroute so hindi ko alam kung ready ako. Tinatanong ko sarili ko kung ready ba akong makipagsabayan kina John Arcilla, Sid Lucero and Nanthalie Hart and wala naman akong choice kasi ang ganda ng script,” kuwento ng aktres.

At ang natutunan ni Cindy sa dalawang batikang aktor, “Si sir John Arcilla po at si kuya Sid ay magkaibigang-magkaiba po sila ng personality and how they prepare sa set. Si John Arcilla po pareho kami sa set, seryoso, naka-isolate before the scene.  

“Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla kasi nasasabihan ako na very serious ako sa set kasi I don’t really talk sa set. Hindi ako nakikipag kuwentuhan kasi in character nap o ako at ayaw kong ma distract.

“With kuya Sid naman sobrang makuwento ganu’n siya, kukuwentuhan ka niya talaga.  Ikukuwento nila ‘yung mga experiences nila before na eventually magre-relax ka rin. 

“But I saw myself kay John Arcilla, very seryoso siyang aktor talagang naka-isolate, prepared siya reading his script and he really wants to know what gonna happen,” pagkukumpara ni Cindy sa dalawang aktor.


Anyway, ang “Reroute” ay isang sexy-suspense-thriller, gagampanan ni Cindy ang karakter na Trina at asawa niya si Dan (Sid) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ng huli na may ibang lalaki ang kabiyak.

Napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya sa kanilang pagbyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute.

Sa pinagkamalas-malasan ay masisiraan pa ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan, dito nila makikilala ang isang misteryosong lalaki na aalukin sila ng tulong, si Gemo (John).

Iimbitahan ni Gemo ang mag-asawa na magpalipas ng gabi sa kanyang bahay at kinabukasa’y tutulungang ipaayos ang nasirang sasakyan pero pinaghihinalaan na ni Trina ang mga galaw at mga pagtatanong ni Gemo tungkol sa buhay nila ng kanyang asawa.

Si Nathalie ang asawa ni Gemo bilang si Lala na misteryosa rin at bihira lang kung magsalita. Sa pagtuloy ni Trina at Dan sa bahay ni Gemo ay siya ring patuloy nitong pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nilang mag-asawa, at lalo nang maghihinala ang dalawa.

Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya

Cindy Miranda naging emosyonal sa presscon nang mapag-usapan ang hiwalayang Aljur at Kylie

The post Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla! — Cindy Miranda appeared first on Bandera.


Katarina Rodriguez umapela sa publiko: Wag namang mag-donate ng maruming damit at underwear

$
0
0

Katarina Rodriguez

NAKIUSAP si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa publiko na huwag namang mag-donate ng sira-sirang damit at lumang underwear sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Nakakatanggap daw kasi ang mga biktima ng kalamidad sa Siargao mula sa mga donors ng mga sira-sira at maruruming damit pati na ng mga gamit at napaglumaan nang underwear.

Kaya naman, umapela si Katarina sa mga nagpapaabot ng donasyon ay relief goods na huwag mag-donate ng mga damit na ayaw na nilang gamitin.

Nag-repost sa kanyang Instagram Stories ang Pinay beauty queen kagabi, Jan. 4 ng isang mensahe ng netizen tungkol sa pagdo-donate ng ilang tao sa mga nawalan ng bahay at kabuhahan sa Siargao at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Ang nakasaad sa post ni Katarina, “Don’t donate clothes you won’t wear….

“Hindi naman dahil walang wala na sila ay deserve nila ang basura ng mga tao….. sorry pero yung ibang nakuha namin na donation sobrang dumi at butas butas na,” paalala pa ng beauty queen.

Dagdag pa niyang mensahe sa madlang pipol, “Repost from @ruumac If there are holes in your clothes do not donate them.”

May isa pang post si Katarina kung saan naka-tag ang isang netizen, sabi niya sa caption, “Also don’t donate your dirty panty or dirty underwear….

“If it’s not wearable (essential) clothes don’t send it. Please donate appropriate clothing!!! @ruumac,” aniya pa.

Napamahal na kay Katarina ang Siargao at itinuturing na rin niya itong pangalawang tahanan dahil doon siya nanirahan nang matagal nang abutan ng pagpapatupad ng community quarantine noong March, 2021.

Aniya sa isang post, “One thing I always tell people is everybody who’s been in Siargao since lockdown in March, parang nasa bubble kami.

“Like we’re in this snow globe away from the pandemic kasi wala pa kaming case dito. So they’ve been very strict.

“And it’s really odd to see someone wearing a face shield. And even if it’s a protocol to wear masks, we don’t wear masks all the time.

“Only parang yung last week pa lang because they finally opened the island…

“I think we’re just super blessed to not have been affected so much by the pandemic,” mensahe pa ng beauty queen.

Rabiya Mateo mapapanood na sa GMA 7; Katarina Rodriguez tinawag na ‘mental game’ ang pagbubuntis

Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!

The post Katarina Rodriguez umapela sa publiko: Wag namang mag-donate ng maruming damit at underwear appeared first on Bandera.

Hirit ni Heart kay Chiz: Grabe…mawala na lahat, ‘wag lang ako!

$
0
0

Chiz Escudero at Heart Evangelista

MAGKASAMANG sinalubong ng Kapuso actress na si Heart Evangelista at ng asawa niyang si Chiz Escudero ang Bagong Taon with matching party-party!

Nakasama rin nila sa pagse-celebrate ang ilan sa malalapit nilang kaibigan pati na ang fraternal twins ni Gov. Chiz na sina Chesi at Quijo na talagang super nag-enjoy din sa pag-welcome nila sa 2022.

Nag-post pa nga ang tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations ng ilang litrato sa social media na kuha sa Las Vegas, Nevada.

Sabi ng Kapuso star sa caption ng kanyang IG post, “Sometimes all we need is a fresh start. Cheers to a whole new chapter of our lives!”

Bago tuluyang magpaalam ang 2021, nagkuwento pa si Heart tungkol sa relasyon nila ni Chiz at kung paano niya nalaman na si Gov. Chiz na nga ang “the one” para sa kanya.

Nagbigay din siya ng ilang detalye kung paano siya ipinaglaban ni Chiz noong panahong halos buong mundo ay kumokontra sa kanilang relasyon at pagmamahalan.

Idinaan ni Heart sa isang TikTok video ang pagkukuwento kung paano pinagtibay ng mga pagsubok ang samahan nila ng politiko at kung bakit hanggang ngayon ay solid na solid pa rin sila bilang mag-asawa.

“I just thought that he has this sort of gravitas. He was so dignified, and so calm… he was like an encyclopedia. 

“He was nice, he was smart, he was so romantic, eventually. I met a lot of wonderful people, but I just met somebody greater than all of them and I felt that I think this time around I should fight for him,” pahayag ng aktres.

Inalala rin niya kung paano nag-react ang kanyang mga magulang nang malaman ng mga ito na nagde-date na sila ni Chiz. Alam naman ng publiko kung paano kinontra ng parents ni Heart ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak sa governor ng Sorsogon.

Pero sabi ng aktres, “Surprisingly, he did something that I couldn’t imagine…especially it was election time. People were telling him, break up na, but yeah, he fought for me.

“It was the first time anyone did that for me, and he wanted me to be in his life, no matter what, kahit na mahirap — okay lang,” diin pa ng Kapuso star.

At sa huling bahagi ng kanyang TikTok video, buong-ningning na nasabi ni Heart ang mga katagang, “And — grabe…mawala na lahat, ‘wag lang ako.”


Samantala, aliw din ang “cheese burger collab” ng mag-asawa na mapapanood sa Instagram reel ni Heart na may titulong, “Chiz Burger.” Dito sabay gumawa ang mag-asawa ng homemade burgers.

Ipinakita ng aktres kung paano niya inihanda ang burger buns with cheese on top pati ang paglalagay nito sa oven toaster habang si Chiz ang nagluto ng burger patties.

Sey ni Heart, “Ipapatong ko na ‘yung cheese dito, tapos i-toast na natin para beautifully mag-melt ‘yung cheese.

“Wala pa ‘yung burger. Habang niluluto mo ‘yung burger, ito ‘yung gagawin ko,” aniya pa.
Pero may ibang style raw na naiisip  ang politiko sa pagpe-prepare ng cheeseburger.

Kaya naman sabi na lang ni Heart sa asawa, “Kung ano na lang tama na gusto mong gawin.” 

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’

The post Hirit ni Heart kay Chiz: Grabe…mawala na lahat, ‘wag lang ako! appeared first on Bandera.

Jo Berry nagtatrabaho habang nagluluksa: Kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangang kayanin

$
0
0

Jo Berry

“GIRL power” ang ibabandera ng bagong Kapuso family drama na “Little Princess” na pagbibidahan ng “Onanay” star na si Jo Berry.

Dito, patutunayan ng buong production kung gaano kahalaga ang pamilya at mga tunay na kaibigan sa pakikipaglaban sa mga hamon at problema ng buhay. 

Pero knows n’yo ba na muntik na palang hindi matuloy ang lock-in taping ng “Little Princess” dahil sa sunud-sunod na pagsubok na kinaharap ni Jo Berry.

October, 2021 nang magkakasunod na namatay ang kanyang tatay, lolo at kapatid. Matinding sakit ang idinulot nito sa Kapuso actress kaya talagang bagsak at wasak ang kanyang puso.

Dahil dito, naisip ng production na baka hindi na gawin ni Jo ang serye at maiintindihan naman daw nila kung ito ang magiging desisyon ng aktres. Pero mas pinili nga ng dalaga na ituloy ang proyekto.

“Naging idol ko nga po si Princess. The whole time po kasi bago ako pumasok ng lock-in taping, may mabigat akong pinagdaraanan.

“So, nu’ng nandoon ako, si Princess ang naging takas ko for awhile. Alam ko na kailangan ko muna siyang gampanan. And, at the same time, yung mga hugot ko nu’ng time na yun, nagamit ko kay Princess,” ang pahayag ni Jo sa ginanap na online presscon ng “Little Princess” kahapon  sa virtual media conference kahapon, Jan. 5.

Pagpapatuloy pa niya, “Natutunan ko sa kanyang mas maging malakas at ipagpatuloy yung buhay. Lahat ng challenges na dumarating sa atin, dumarating ‘yan dahil kaya nating harapin, kaya nating solusyunan.

“So, kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangan nating kayanin kasi nandito pa tayo sa mundong ito.

“And yun lang naman ang purpose natin. Si Princess po yung naging purpose ko para ipagpatuloy pa muna.

“Hindi ako nabigyan ng chance na mag-pause for awhile dahil sa mga nangyari kasi nakita ko na kailangan kong maging si Princess. Pinalakas niya po yung loob ko,” sabi pa ng dalaga. 

Pinasalamatan din niya nang bonggang-bongga ang lahat ng kasamahan niya sa “Little Princess” na nagsilbing second family niya habang malayo sa kanyang pamilya.

Talaga raw naging bahagi na ng kanyang buhay ang mga ito lalo noong nagluluksa siya, “More than 100 percent po na suporta. Lahat ng pag-a-adjust, ginawa nila para sa akin.

“Hindi nila ipina-feel sa akin na malayo ako sa family ko nung time na yun. Nandoon sila. So, nagawa ko din lang naman yung pag-portray kay Princess kasi sila yung mga kasama ko.

“Sobrang big factor na itong team ng Little Princess ang nakasama ko sa isa sa pinakamasalimuot na parte ng buhay ko. Sobrang thankful po ako sa kanila,” pahayag pa ni Jo Berry.


Magsisimula na ang “Little Princess” sa Lunes, Jan. 10, 2022 kung saan makakasama rin ni Jo sina Rodjun Cruz, Juancho Triviño, Angelika dela Cruz, Geneva Cruz, Chuckie Dreyfuss, Lander Vera Perez, Therese Malvar at Jestoni Alarcon. 

Ito’y sa direksyon nina Don Michael Perez at L.A. Madridejos.

Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 ‘Bubble Gang’ babes susugod sa ‘TBATS’

The post Jo Berry nagtatrabaho habang nagluluksa: Kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangang kayanin appeared first on Bandera.

Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay

$
0
0

Anna Vicente

KAMBAL ang magiging panganay na anak ng Kapuso actress na si Anna Vicente at ng non-showbiz partner niyang si Paolo Mercado.

Ito ang masaya niyang ibinalita  kahapon sa kanyang mga tagasuporta at social media followers sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon nga sa aktres na huling napapanood bilang kontrabida sa afternoon series ng GMA 7 na “Ang Dalawang Ikaw” nina Ken Chan at Rita Daniela, twins ang ipinagbubuntis niya.

“I knew that this would be the best journey of my life,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa litratong ipinost niya sa IG kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Dagdag pa niyang mensahe patungkol sa pagdadalang-tao niya, “From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life.

“I’m so excited to share this good news with all of you! Yes, I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022,” sabi pa ni Anna.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati para sa future mommy mula sa mga netizens kabilang na riyan ang ilang kapwa Kapuso stars.

“Be extra safe, Anna! Praying for you and for your new family. God bless you,” ang komento ni Rita Daniela sa IG post ni Anna.

Ayon naman kay Angela Alarcon, “I love you, babe! Can’t wait to meet the angels!”

Bukod sa pagiging kontrabida sa “Ang Dalawang Ikaw”, napanood din si Anna sa iba pang serye ng GMA tulad ng “Magkaagaw” at “Bilangin Ang Bituin sa Langit.”

Kapuso kontrabida Anna Vicente ka-look-alike raw nina Bea Alonzo at Emma Watson, agree?

Elijah Alejo pahinga muna sa pagiging kontrabida; Anna Vicente binigyan ng big break ng GMA

The post Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay appeared first on Bandera.

Luis ibinuking si Edu: pumasok sa klase ni Joey Reyes nang nakatuwalya lang

$
0
0

Luis Manzano at Edu Manzano

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang bagong vlog ni Luis Manzano sa YouTube kung saan special guest ang kanyang amang si Edu Manzano.

Naikuwento kasi rito ng mag-ama ang tungkol sa nakakalokang karanasan ni Edu noong estudyante pa lamang siya sa De La Salle University Manila.

Pambubuking ni Luis sa kanyang tatay, minsan na raw itong pumasok sa klase na nakatapis lamang ng tuwalya.

At nangyari pa ito sa klase ng award-winning veteran director na si Joey Javier Reyes. Nag-aaral pa lang noon si Edu ng kursong Economics sa DLSU Manila.

Chika ng mister ni Jessy Mendiola, “Si Daddy, varsity dati ng La Salle. Alam mo ba si Daddy ang kauna-unahang pumasok sa classroom na naka-tuwalya lang? Totoo ‘to. Totoo. Ang teacher ni Daddy nun ay si Direk Joey Javier Reyes.

“Si Daddy, part ng varsity. Tapos sabi ni Direk Joey, ‘pag na-late pa siya isang beses, dropped na ‘yung class niya. Eh kelangan niya kasi varsity. Eh napasarap ‘yung ligo niya after practice,” pahayag pa ng TV host-comedian.

Hirit naman ni Edu, kinailangan daw kasi niyang magmadali para hindi ma-late dahil baka mawala ang kanyang scholarship kapag tuluyan siyang na-drop sa klase ni Direk Joey.

“Sabi nga niya, one more time, isang beses lang na ma-late ka, eh talagang ida-drop kita. E, three units din ‘yun. 

“Malalagot ‘yung scholarship. So napilitan ako, umakyat agad ng klase, tumakbo na naka-tuwalya lang,” pagbabalik-tanaw ng veteran actor at TV host.

But wait there’s more! Dugtong na kuwento ni Doods, “Tapos pagpasok ko na nakatuwalya. Sabi nga ni Joey, ‘Ano ka, nagpapatawa? Ano ka, komedyante?’ Sabi ko, ‘Hindi ho, ganito ho ‘yan.’ Sabi niya, ‘O sige, diyan ka, umupo ka na.’

“So umupo ako sa upuan ko. Ang ginawa niya, ‘Hindi, doon ka sa isang upuan, ‘yung pinakamalapit sa aircon.’ So doon ako umupo buong klase. Tatlong araw akong nagkasakit,” sey pa ni Edu.

Hirit naman ni Luis, kung sa kanya raw nangyari yun ay baka naghubo’t hubad na lang siya, “Ako, gagawin ko iyan. Pero yung tuwalya sa ulo ko ilalagay. Dito, bahala na ang lahat!”

Sagot ni Edu sa anak, “Bimpo lang nilagay ko, ha!”

“Hindi, tissue!” hirit naman ulit ni Luis.


Samantala, nagseryoso naman sina Luis at Edu nang dumako ang usapan sa relasyon nila bilang mag-ama. Dito, sinabi nga ng aktor kung gaano siya ka-proud sa anak.

“You have no idea. I don’t have to hear it from other people. It’s what I see in you. Kung papaano tayo mag-usap. The kind of relationship we have. And how we are honestly true to one another that tells me.

“I did not see a need kung bakit pa ako kailangan mangialam sa buhay mo. Kasi alam mo na kung anong dapat mong gawin.

“And whatever you did, you did it well. So doon ang pride ko. Kaya sinasabi ko, wala akong regrets. My son did it all, and did it well,” pahayag pa ni Edu.

Luis ka-join sana sa 1986 movie na ‘Ninja Kids’: Ako dapat ang bida roon, pero…

Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

The post Luis ibinuking si Edu: pumasok sa klase ni Joey Reyes nang nakatuwalya lang appeared first on Bandera.

‘Mystery actor’ ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much!

$
0
0

Dingdong Dantes

TODO ang pasasalamat ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa “mystery actor” na naging ka-double niya sa mini-series ng GMA, ang “I Can See You: AlterNATE.”

Dual role ang gagampanan ni Dingdong sa “AlterNATE” at aminado ang award-winning actor na napakahirap gawin ng mga eksenang magkasama ang dalawang karakter niya sa serye.

Kaya naman may special shoutout siya sa kanyang ka-alternate during their lock-in taping na kahit paano’y nagpadali sa kanilang trabaho.

Hindi binanggit ni Dingding ang pangalan ng kanyang stand-in actor sa naganap na virtual mediacon ng “AlterNATE” nitong nagdaang Lunes, Jan. 3, 2022 dahil may pasorpresa raw ang production sa ending ng serye.

“Sa totoo lang, kung anu-anong klase ng paghahanda ang sinubukan ko. Pero noong pagdating ko sa set, na-realize ko na talagang parang, teka hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko siya gagawin,” pahayag ni Dingdong.

Aniya pa, “Pero alam mo ‘yung magic kasi ng film making, it really allows us to explore so many things with our fellow artists. 

“And I think ‘yung totoong paghahanda ay nangyari sa set, sa pamamagitan ng pag-interact namin, when we were reading the script while we were in quarantine,” lahad pa ng aktor.

At bago nga magtapos ang presscon, may pahabol na mensahe si Dong, “Meron lang akong pahabol. Siguro narinig na nila halos lahat yung experiences namin.

“Pero gusto ko lang sabihin na hindi rin mabubuo itong AlterNate na ito kung hindi dahil sa literal na alternate ko.

“At siguro, pretty soon, iri-reveal namin kung sino siya after the run, kasi hindi talaga namin magagawa ang lahat ng ito, hindi lang ako kung hindi dahil sa isang artistang ito, sa isang aktor na ito na taga-GMA na, literal, siya talaga si AlterNate.

“Napakahusay and I respect him so much and excited na excited ako na maipakilala siya sa inyo soon!” aniya pa.

Ayon sa isang taga-production team, talagang siniguro nila na pareho ng height, body built at pati style ng buhok ni Dingdong ang mystery actor.

Ang “I Can See You: AlterNATE” ay idinirek ni Dominic Zapata at kasama rin dito sina Beauty Gonzalez, Joyce Ching, at ang dating mag-asawang sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. Magsisimula na ito sa Jan. 10 sa GMA Telebabad.

Dingdong umaming ‘masokista’: Gusto kong natsa-challenge at nahihirapan lagi sa ginagawa ko

Dingdong naka-survive sa 1 buwang lock-in taping dahil sa pa-lafang ni Marian

The post ‘Mystery actor’ ginamit na ka-alternate ni Dingdong sa I Can See You: Napakahusay and I respect him so much! appeared first on Bandera.

Andrea nagpa-therapy agad kontra anxiety: Pero hindi naman talaga ako kinain ng kadiliman

$
0
0

Andrea Brillantes at Seth Fedelin

MAS alam na ngayon ng Kapamilya loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin kung paano haharapin at lalabanan ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang career at personal na buhay.

Hindi rin nakaligtas sa iba’t ibang challenges ang tambalang SethDrea nitong nagdaang taon lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa bansa.

Napakalaki raw talaga ng naging epekto sa kanila ng COVID-19 pandemic, kabilang na nga riyan ang kanilang mental health.

“Mentally, na-challenge talaga ako. Very mentally challenging talaga ‘tong pandemic lalo na kasi ako naman po before, talagang dati pa akong may anxiety. 

“Naalis ko na ‘yung insomnia ko pero bumalik po siya. Tapos parang lahat ng naayos ko, bumalik. Nag-relapse ako because of the pandemic,” pahayag ni Andrea sa isang entertainment podcast.

Aniya pa, “Pero ngayon dahil nga second time around, mas kaya ko na siyang i-handle at familiar na ako sa feeling. 

“Tumawag na agad ako ng therapist kasi ayaw ko na ulit pagdaanan. Mas aware na ako ngayon, so hindi naman talaga ako nakain ng kadiliman,” pahayag pa ng dalaga.

At sa kabila nga ng mga kanegahang nangyayari sa kapaligiran, kailangan daw na mas maging positibo ang pananaw ng bawat isa sa buhay, lalo na sa mga kabataang tulad nila.

Ayon kay Seth, “Sa lahat ng kabataan diyan, lalo na mga ka-generation namin, mahirap po talaga ‘yung set-up na ganito, na puro tayo online at iba po ang pakiramdam nu’n. 

“At ‘yung mga nagsisimula pa lang ho, ‘yung bago pa lang ‘yung pandemic, lahat tayo nag-adjust,” sabi pa ng binata.

“Gusto ko lang ho sabihin sa inyo, ipaalala, na sa kabila ng mga nangyayari sa atin eh, may nangyayari pa rin, meron pa rin tayong ginagawa. 

“Nakakapag-aral pa po tayo. Kahit online, nandyan pa rin ‘yung school. Kami, kahit ganu’ng nahihirapan kami na kami ang nag-aasikaso sa sarili namin, kailangan ho, eh. 

“Dahil hindi naman natin ‘to ginagawa dahil pandemic lang, ginagawa natin ‘to para matuto tayo, matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Huwag natin ‘tong titingnan na nakaka-bad trip. 

“Oo, nakakaiinis at the moment pero mare-realize din natin na, ‘Uy, nakakapag-aral pa rin ako kahit pandemic.’ ‘Kahit pandemic makaka-graduate pa rin ako.’ Magpasalamat pa rin tayo kasi kahit paano meron pa rin tayong natatanggap na blessing,” lahad ng binata.


Paalala naman ni Andrea, “Isipin na lang po natin na lahat ng nangyayari sa atin ay may rason.

“Hindi man po natin maintindihan ngayon, pero I’m sure darating ‘yung araw na makikita na lang natin, na itong pandemic na ‘to mas pinalakas ako, mas naging matalino ako, mas naging aware ako, mas naging selfless ako. Alam ko dadating ang araw na ganu’n na natin titingnan itong pandemic,” sey pa ni Andrea sa nasabing panayam.

Ito naman ang message ng aktres para sa mga dumaranas din ng depresyon, anxiety at stress, anxiety, depression nang dahil sa pandemya.

“Sa mga kapwa Gen Z ko na mentally nahihirapan na, lahat naman tayo pinagdadaanan ‘yan so it’s normal, it’s okay to reach out for help. 

“And it’s okay to not be okay lalo na ngayon na grabe rin naman talaga ‘yung pinagdadaanan natin. And ‘yung nararamdaman niyo is valid,” paalala pa ng dalaga.

Andrea ilang beses nang nagbalak mag-quit sa showbiz: Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

The post Andrea nagpa-therapy agad kontra anxiety: Pero hindi naman talaga ako kinain ng kadiliman appeared first on Bandera.


Ang hirap pa ring mag-convince ng tao na manood sa sinehan – Paulo Avelino

$
0
0

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

NANINIWALA ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino na darating din ang araw na babalik din ang sigla ng movie industry at mapupuno muli ng tao ang mga sinehan sa bansa.

Nalungkot din ang aktor nang malaman niyang mahina ang naging takbo sa takilya ng mga pelikulang kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival ngunit hindi raw sana ito maging dahilan para ma-discourage ang mga film producer na gumawa ng pelikula.

“We eventually have to start from somewhere. It’s hard to get people back in cinemas especially with the new variant out. 

“But we really have to start from somewhere and it saddens me na ang hirap pa rin mag-convince ng tao na manood sa sinehan pero safety muna ng mga kababayan natin.

“It’s nice also that they started viewings in the cinemas kasi parang it could help the people go back to the cinemas.

“And hopefully it could help the film industry in the long run dahil medyo hirap na rin yung industriya natin. But I’m happy how it turned out,” magandang paliwanag ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon para sa finale ng “Marry Me Marry You” kamakalawa, Jan. 4. 

Natanong din si Paulo sa nasabing presscon kung ano ang pinakamami-miss niya ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng teleserye nila ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

“Siguro mami-miss ko yung kulitan, yung palagi ko na lang siya hinahanap kasi siya na lang yung hinihintay sa set. And yung sabay-sabay kaming kumakain as a cast. 

“I’m grateful for being given the chance to work with a beautiful cast with so many young talented actors. Of course with a rock star as well.

“I’m just grateful that I’ve been given the chance. I think I didn’t just learn about craft but I learned about life even more kaya salamat,” pahayag ng aktor.

Samantala, nagkuwento rin si Paulo tungkol sa pagse-celebrate niya ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.

“Finally after two years nakabalik na rin ng Baguio. So I spent it in Baguio with family. Intimate lang din. Residente ako so, puwede naman ako bumalik. 

“It was really cold but during the Christmas season it kept on raining. So namamatay lagi yung bonfire namin,” pagbabahagi pa ni Paulo.

Mapapanood ang huling tatlong linggo ng “Marry Me Marry You: Merrily Ever After” weeknights, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, and Jeepney TV. Also available on iWantTFC, TFC at WeTV iflix.

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Janine atat na atat nang manood sa sinehan; JC magta-travel abroad pagkatapos ng lockdown

The post Ang hirap pa ring mag-convince ng tao na manood sa sinehan – Paulo Avelino appeared first on Bandera.

Cindy Miranda hinding-hindi makikipag-sex sa loob ng kotse: Baka mahuli pa ako, di ba?

$
0
0

Sid Lucero at Cindy Miranda

NEVER, as in never daw gagawin ng sexy actress at dating beauty queen na si Cindy Miranda ang makipag-sex sa loob ng kotse.

Ito ang mariing sagot ng Viva Entertainment artist nang tanungin tungkol sa isang eksena nila ni Sid Lucero sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Reroute”.

Mag-asawa sina Cindy at Sid sa kuwento ng upcoming suspense-thriller ng Vivamax kung saan makakasama rin nila sina John Arcilla at Nathalie Hart.

Sa trailer ng movie, ipinakita ang pagtatalik nina Cindy at Sid sa loob ng sasakyan hanggang sa may taong nakahuli sa kanilang ginagawa.

Sa virtual mediacon ng “Reroute” kahapon, Jan. 5, natanong si Cindy kung keri ba niyang gawin ang ginawa ng karakter niya.

Sagot ng dalaga, “May mga kaibigan akong nahuli, ginagawa yun sa car but, you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it.

“So far, hindi ko pa siya nata-try, pero sana, hindi ko gawin. Baka mahuli rin ako, di ba?” ang pahayag ni Cindy.

Aniya pa, “Feeling ko talaga bawal, kasi respect yun. Ayaw natin na magulo yung ibang tao kasi siyempre gumagalaw yung car.

“Nakaka-disturb yun sa ibang tao. Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip.

“May iba, conservative. May iba, very open to that. Yung iba, walang pakialam. Maybe, we respect na lang people and do it in private,” chika pa ng former beauty queen.

“I’m not against naman sa mga taong gumagawa nun. Sometimes, it’s just for fun. Sometimes, you just need it,” diin pa niya.

* * *

May kasabihan na “minsan kailangan mong mawala para mahanap ang iyong sarili,” pero paano kung hindi mo ito magawa? 

O, mas malala, paano kung hindi ka na mahanap? Ng kahit na sino man. I-fasten ang mga seat belt at i-ready na ang GPS dahil parating na ang “Reroute” sa Vivamax ngayong Jan. 21, 2022.

Isa itong sexy-suspense thriller na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla. 

“Ang “Reroute” ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy Miranda) at Dan (Sid Lucero) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may iba si Trina. 

Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya.

Sa kanilang pagbiyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute at dito na nga magaganap ang mga nakakawindang at nakakalokang eksena sa buhay ng mag-asawa na ni sa panaginip ay hindi nila akalaing mangyayari sa kanila.

Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla! — Cindy Miranda

Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: ‘First time ko po sa lalaki’

The post Cindy Miranda hinding-hindi makikipag-sex sa loob ng kotse: Baka mahuli pa ako, di ba? appeared first on Bandera.

True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

$
0
0

Anjo Yllana at Jomari Yllana

MAY bahid kaya ng katotohanan ang lumabas na chika tungkol sa tunay na dahilan ng pag-atras ni Anjo Yllana sa pagtakbong kongresista sa 4th District ng Camarines Sur?

Napanood namin ang vlog ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” kung saan tinalakay ang gusot sa pagitan ni Anjo at ng kapatid niyang si Jomari Yllana.

Ito ang hot topic nina Ogie at Mama Loi kasama si Tita Jegs at dito nga nabanggit na may kumausap umano kay Anjo na iurong na ang kanyang kandidatura kapalit ng P5 milyon.

Sabi ni Ogie, “Sabi ng source ko sa CamSur, hindi ko naman po kino-confirm ito na totoo ah, hindi ko naman sinasabing hindi siya (source) reliable pero ito lang ‘yung nasagap namin na puwede namang pabulaanan ng kung sinuman ang tatamaan nito.

“Na si Anjo ay umatras sa kanyang kandidatura bilang congressman at sinabi niya sa sponsor niya na kumuha na lang ng substitute dahil hindi na niya kinakaya ‘yung mga nagaganap dahil medyo gipit na rin si Anjo financially.

“Ngayon merong tsika na inawitan daw si Anjo na umatras na at bibigyan ng P5M. ‘Yun ang nakarating na balita sa source ko.

“Kaya nagagalit daw si Jomari kay Anjo kaya itatanong din namin kay Anjo kung totoo ba na may natanggap siyang P5M,” ang pahayag pa ni Ogie.

Ayon kay Anjo, umurong siya sa pagtakbo dahil wala na siyang perang pangtustos sa pag-iikot niya at nalaman niya na may kaltas pala ang natatanggap niyang budget mula sa “katiwala” niya na eventually ay pinangalanan niyang sina Jomari Yllana at Abby Viduya.

“According kay Anjo hindi niya ma-imagine at maatim na ang sariling kapatid (Jomari) ang gagawa ng ganu’n sa kanya,” sabi pa ng talent manager at vlogger.

Hindi rin daw nasunod ang pangakong may matatanggap na bonus si Anjo pagkatapos niyang mag-file ng COC.

Nagtanong si Mama Loi kay Ogie, “So pareho silang at fault dito kasi ‘yung isa (Jomari) hindi ibinigay ang buo (budget) tapos (Anjo) umatras tinanggap ‘yung ano (offer)?”

Say ni Ogie, “’Yun nga, kina Jomari parang naakusahan naman na kinakaltas nila ‘yung kalahati ni Abby Viduya na hindi naman natin confirmed kung totoo ‘yun, ha? Na kalahati lang napupunta kay Anjo, e, siya ‘yung pagod na pagod na for how many months niya itong ginagawa na ikinalulungkot daw ni Anjo.”

Sabi pa ni Ogie, “Ito’y malungkot na balita para sa industriya dahil nu’ng una ay nasanay na tayo na Barretto sisters (Marjorie, Claudine at Gretchen) ang nag-aaway, sinanay na tayo niyan.

“Ito (Yllana brothers) hindi, eh. Hindi tayo sanay na mga Yllana nag-aaway. Ang masaklap nito, parang si Jomari nagkuwento sa nanay (nila) at sa mga kapatid. At kumpampi ang pamilya kay Jomari kaya medyo masama ang loob ni Anjo. Kasi ang totoo raw ay siya ‘yung naisahan kasi hindi ibinigay sa kanya ‘yung buong budget,” pahayag ni Ogie.

At dito na naglabas ng sama ng loob si Anjo na pinuputol na raw niya ang pagiging magkapatid nila ni Jomari. Balita rin namin na galit na rin ang mga anak ng komedyante kina Jomari at Abby.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag nina Anjo, Jomari at Abby. Agad naming ilalathala ang magiging official statement nila hinggil sa isyung ito.

Anjo umatras sa Eleksyon 2022 dahil sa pera: Masama ang loob ko sa katiwala ko, hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to

Hamon ni Anjo kina Jomari at Abby: Magpa-lie detector test kami sa Camp Crame

The post True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022? appeared first on Bandera.

Kuya Kim, Atom Araullo, Julius Babao inokray ng basher: May nanonood ba sa palabas nila?

$
0
0

Atom Araullo, Julius Babao at Kim Atienza

HINDI pinalampas ng Kapuso TV host na si Kim Atienza ang mga pang-asar na komento ng bashers tungkol sa mga programa niya sa GMA 7. 

Hanggang ngayon ay may mga tao pa ring hindi nakaka-move on sa paglipat ni Kuya Kim sa Kapuso Network at patuloy pa rin ang pangnenega at panlalait sa kanya.

October, 2021 pa nang magsimulang maging Kapuso ang dating Kapamilya TV host after 17 years ng pagtatrabaho sa ABS-CBN. Maayos naman ang pagpapaalam niya sa dati niyang mother network.

Pero in fairness naman kay Kuya Kim, never siyang nakipagtalakan o nakipagsagutan nang bastusan sa mga haters, marespeto pa rin ang pagpatol niya sa mga ito.

Nito nga lang nakaraang araw, Jan. 4, isang basher na naman ang nangnega kay Kuya Kim pati na sa mga dating Kapamilya na sina Julius Babao at Atom Araullo na pare-parehong naging bahagi ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Tweet ng basher patungkol kay Julius, “Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila…Hahaha.”

Reply ni Kuya Kim sa kanya, “Hmmmmm parang meron pa naman last time I checked.”

Ipinagtanggol din ng mga netizens si Kuya Kim at sinaluduhan ang chilax na pagsupalpal nito sa basher na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin maka-move on sa paglipat ng TV host sa GMA.
Sagot naman ni Kim sa netizen, “Always done with respect.”

Isang Twitter user naman ang nagkomento na regular niyang napapanood ngayon si Kuya Kim sa TV kumpara noong nasa kabilang network pa siya. 

Nireplayan din siya ng Kapuso host,  “Salamat sa Diyos at sa bago kong tahanan @gmanetwork.”

Sa nagsabi naman na nag-eenjoy siya sa style ng pagho-host ni Kuya Kim sa mga show niya sa GMA 7, ito ang naging reply niya, “Doing my best for His glory.”

Nagbigay din siya ng paalala sa responsableng paggamit ng social media, “Let’s make twitter a nice place again!”

Bukod sa segment niya sa Kapuso news program na “24 Oras”, kasama rin siya bilang co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa daily morning talk show na “Mars Pa More.”

Isa rin siya sa nga host ng news-magazine program na “Dapat Alam Mo!” sa GTV kasama sina Emil Sumangil at Patricia Tumulak.

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022

The post Kuya Kim, Atom Araullo, Julius Babao inokray ng basher: May nanonood ba sa palabas nila? appeared first on Bandera.

64th Grammy Awards hindi na muna itutuloy dahil sa Omicron

$
0
0

HINDI na muna itutuloy ang nakatakda na sanang 64th Annual Grammy Awards dahil na rin sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Naglabas ng joint statement ang Recording Academy at CBS ng joint statement para ipaalam sa publiko lalo na sa lahat ng nag-aabang sa awards night ang nasabing postponement. 

“After careful consideration and analysis with city and state officials, health and safety experts, the artist community and our many partners, the Recording Academy and CBS have postponed the 64th Annual Grammy Awards Show,” ang bahagi ng nasabing statement.

Dagdag pa rito, mas pinahahalagahan pa rin daw ng organizers ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng taong involved sa production at ng mga dadalo sa event.

“The health and safety of those in our music community, the live audience, and the hundreds of people who work tirelessly to produce our show remains our top priority,” ayon pa sa Recording Academy at CBS.

Naka-schedule sana ang awarding ceremony sa darating na Jan. 31 pero kinailangan nga nilang i-postpone ang event dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

“Given the uncertainty surrounding the Omicron variant, holding the show on January 31 simply contains too many risks. We look forward to celebrating Music’s Biggest Night on a future date, which will be announced soon,” ang nakasaad pa sa nasabing joint statement.

Beyonce nangunguna sa dami ng nominasyon ngayong 2021 Grammy Awards

BTS target na masungkit ang Grammy sa bagong single na ‘Butter’

The post 64th Grammy Awards hindi na muna itutuloy dahil sa Omicron appeared first on Bandera.

‘Snowdrop’ Korean actress Kim Mi Soo pumanaw na, K-drama fans nagluluksa

$
0
0

Kim Mi Soo

NAGLULUKSA ngayon ang mga K-Drama fans sa South Korea at sa Pilipinas nang dahil sa pagkamatay ni Kim Mi Soo.

Kinumpirma ng talent management ng Korean actress ang biglaan nitong pagpanaw kahapon, Jan. 5, 2022. Siya ay 29 years old.

Napapanood si Kim Mi Soo sa umeereng K-drama series ngayon sa Korea (JTBC) na “Snowdrop” kung saan muli siyang nagpakita ng kahusayan sa aktingan. Bida rito sina Jung Hae In at Kim Ji Soo.

Ikinabigla ng mga K-drama fans ang biglaang pagpanaw ni Kim Mi Soo na napanood din sa seryeng “Hi, Bye, Mama”, “Hellbound”, “The School Nurse Files” at “Yumi’s Cells.”

Hindi binanggit ng management ng Korean star na Landscape Entertainment, ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng aktres kasabay ng pakiusap sa publiko na huwag mag-post sa social media o magpakalat ng haka-hala o ispekulasyon tungkol dito.

Narito ang bahagi ng official statement ng Landscape Entertainment, “We are relaying sorrowful and heartbreaking news.

“Kim Mi Soo suddenly passed away on January 5.

“The bereaved family is currently very heartbroken by the sudden mournful news.

“We sincerely ask you to refrain from making up rumors or speculative reports so that the bereaved family, who are in shock and grief-stricken, can reverently commemorate the deceased. 

“As per her family’s wishes, the funeral will be held quietly in private.

“Please wish for Kim Mi Soo to rest in peace, and once again, we offer our deepest condolences to the deceased,” pahayag pa ng Landscape Entertainment.

K-drama stars Park Shin-hye, Choi Tae-joon magkaka-baby na; ikakasal sa January, 2022

Erich type bumida sa Pinoy version ng K-drama na ‘Mine’; walang balak mag-quit sa showbiz

The post ‘Snowdrop’ Korean actress Kim Mi Soo pumanaw na, K-drama fans nagluluksa appeared first on Bandera.

Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

$
0
0

Jeff Camus

HOW true na may unawaan na ang aktor at aktres na magkatambal sa isang programa na ayaw pang umamin dahil may mga inaayos pa silang mga bagay-bagay.

Nang ikuwento ito sa amin ng aming source ay napakunot noo kami dahil ano ba ang dapat nilang ayusin, e, pareho naman silang single? Wala naman silang maaagrabyadong tao kung aaminin na nila.

“E, surprise raw, ewan ko kung masu-surprise pa ang lahat, e, marami namang nakakaalam na matagal nang sila.

“Ganitung-ganito ‘yung senaryo noong si ____ (aktres) nang naghiwalay sila ng boyfriend niya, umabot muna ng isang taon bago umamin na may dyowa na siya ulit.

“So, malamang si ____ (aktres) ang nagsabi kay ____ (aktor) na huwag muna silang aamin kasi siguro gusto munang paabutin ng isang taon, pero feeling ko hindi na ‘yan aabot kasi bumibigay na, eh. May mga pahapyaw na si guy,” tsika ng aming source.

Sabi pa sa amin na kung noong hindi pa uso ang lock-in shoot at taping ay nagkakagustuhan ang mga artista ay mas lalo raw ngayon na halos isang buwan kayong magkakasama at wala kayong ibang kausap kundi ang isa’t isa.

“More than 100% ang possibility na magkakadyowa ka talaga sa taping o shoot kaya kapag napansin mo ‘yung dating mga artista na kaswal lang sa simula at pag nagtagal e, naiba na ang body language, asahan mo, me something na.

“Lalo na kung magkapareha pa ay may mga intimate scenes, susme hindi ka ba tatamaan no’n?  Bato ka na lang pag wala kang naramdaman lalo na kung alam mong gusto ka o crush mo naman,” detalyadong kuwento pa ng kausap naming laging present sa lock-in shoot at taping.

Dagdag pa, “Sa totoo lang marami namang kababalaghang nangyayari now sa lock-in shoot  pakiramdaman lang.”

Naniniwala naman kami diyan dahil marami na kaming alam na nagkadebelopan dahil sa tagal ng pagsasama nila sa taping.

Going back sa aktor at aktres na hindi pa umaamin, sabi pa ng aming source, “Wait mo ‘til 2nd quarter of this year (2022). Aamin ‘yan.”

* * *
                                                               
Tuwang-tuwa si Jeff Camus nang manalong Mister Globe Asia crown at naging 3rd Runner-up placing last year sa international pageant na Mister Globe dahil napili siyang magbida sa isang short film ng kilalang canned goods brand na idinirek ng award-winning director na si Antoinette Jadaone.

Ito ang matagal nang pangarap ni Jeff bilang bit roles lang lagi ang naibibigay sa kanya kaya nu’ng alukin siya ay halos hindi siya makatulog lalo na nu’ng binanggit sa kanya kung sino ang direktor na isa sa idolo niya dahil lahat ng mga pelikula ng gusto niyang direktor ay pinapanood niya.

“Parang na-possess ako kay Direk! Natakot kaya ako!” bungad na kuwento ni Jeff.

Ito’y tungkol sa isang anak at kung paano nito ipinakita ‘yung pagmamahal nito sa kanyang ina, simula nang pagkabata hanggang sa lumaki ito. May kurot sa puso.”

Naging smooth naman daw ang shooting pero may mga eksena raw na halos nakailang beses ang takes dahil hindi niya makuha at maibigay ang tamang emosyon na hinihingi sa kanya ni direk Tonette.

“Natatakot ako actually. Kasi kala ko nairita na sa akin si Direk. Nangatog ako. Kaya pinagbutihan ko na lang.

“Paulit-ulit ‘yung instructions niya. Parang na-possess ako. In the end, I hope na ibigay ko naman ‘yung tamang hinihingi ni Direk,” kuwento ni Jeff.

Pagkatapos naman daw ng shoot ay humingi kaagad ng paumanhin si Jeff kay direk Antoinette na akala niya ay galit sa kanya.

At mukhang totoong sinubaybayan nga ni Jeff ang mga project ni direk Tonette dahil idolo rin nito sina Paulo Avelino at James Reid na parehong artista ng direktora sa TV series na “On The Wings of Love” na kasama rin si Nadine Lustre na isa sa dahilan kung bakit bumulusok paitaas agad ang tambalang JaDine love team.

Dahil sa kanyang challenging experience kay Direk Antoinnete, na -inspire siya na magtuloy tuloy na sa pag-arte.

“Nurturing kasi si Direk. Parang Nanay. Sobrang inspiring itong experience ko with her. Kaya I’ll be joining a number of acting workshops soon. Hoping na mas mapagbuti ko at sana makatrabaho ko si Direk ulit,” pagtatapos ni Jeff.

Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

The post Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette appeared first on Bandera.


Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife

$
0
0

Allan K

IBINUKING ng isang psychic at tarot reader ang veteran TV host at comedian na si Allan K sa nakaraang episode ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”

Sa segment na “Bawal Judgemental”, binasa ni Jovi Vargas ang kapalaran ni Allan K base sa request ng mga Dabarkads na sina Wally Bayola ay Jose Manalo.

Mga kilalang psychic at fortune tellers kasi ang naging choices sa “Bawal Judgmental” kabilang na si Jovi Vargas na nagbigay nga ng prediksyon tungkol sa magiging kapalaran ni Allan K ngayong 2022.

Dito nga ibinuking ni Jovi ang komedyante patungkol sa lovelife nito at sa kanyang pakikipagrelasyon.

“Si Allan K naman kasi talaga is more of planning, so ang dami niya pa rin talagang gustong gawin sa buhay at tulungan so hindi siya puwedeng hindi kumikilos,” simulang pagbasa ng tarot card reader sa kapalaran ni Allan K.

Patuloy pa niya, “He always trust himself na ‘Kaya kong gawin patutunayan ko, magagawa ko’ ‘yun ang kagustuhan ko kay Allan K.”

May nakikita raw siyang mga lugar na posibleng pagtuunan ng pansin ng TV host ngayong 2022 na  tumutukoy sa house and lot at iba pang properties.

“I see some place maybe a house, basta there is something to do with a place that you are going to build or you plan to do something on that location,” pahayag pa ni Jovi.

At sa aspeto naman ng lovelife, “Hindi ko masyadong makitang priority ang love life, para lang siyang naglalaro, whoever comes in puwede niyang i-entertain.

“Pero hindi pa niya makita ‘yung seryoso talaga e. Kasi minsan medyo maloko rin si Allan when it comes to love,” pahayag pa ng psychic.

Natawa naman si Allan K at ang iba pang Dabarkads sa pambubuking sa kanya ni Jovi pero na-excite siya sa mga hula sa kanya.

Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko

Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…

The post Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife appeared first on Bandera.

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

$
0
0

Brenda Mage at Alexa Ilacad

NANAWAGAN ang Kapamilya actress at dating “Pinoy Big Brother Season 10” celebrity housemate na si Alexa Ilacad na tigilan na ang pagkunsinti sa mga tsismosa o ang mga tinatawag na “Marites”.

Ipinagdiinan ni Alexa na walang maganda at positibong maidudulot kahit kanino ang pagpapakalat ng tsismis lalo na kapag ito’y mga fake news naman. 

Nabanggit ito ng aktres sa “Pinoy Big Brother” Big Celebrity Reunion sa Kumu kamakailan kasabay ng pakiusap na mas maging maingat at responsable na sana ngayon ang mga netizen sa pagpo-post at pagkokomento sa social media.

“If we are all good people and if we have that friend who is a ‘Marites,’ we should not be enablers na lang. 

“Let’s just stop them instead of listening and agreeing. Because even if you’re not spreading it, if you’re enabling it, it’s the same banana,” pakiusap ni Alexa. 

Nauna rito, nagpaliwanag kasi ang isa pang celebrity housemate na si Madam Inutz tungkol sa pamba-bash sa Kapamilya comedian na si Brenda Mage.

Ito’y dahil nga sa mga offensive remarks nito laban sa mga kapwa nila housemates, lalo na kay Alexa at sa Kumu streamer na si Eian Rances.

“Siguro ‘yung pagtambay-tambay namin sa…kapag umupo ako, nandiyan si Brenda, nagkakaroon ng usapan. Napa-oo na lang ako. Hindi nga ako ‘yung taong kapag sinabi ni Brenda na ganito ay sasabihin ko naman kay Alexa,” sabi ng viral online seller.

“Kasi hindi na kailangan sabihin dahil pagmumulan lang ng hindi pagkakaunawaan. As nanay sa bahay, nag-iingat ako sa mga ganyang bagay. Hindi ko naman talaga alam ang takbo ng showbiz,” sabi pa ni Madam Inutz.

Binigyan din ng chance si Brenda na magpaliwanag sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya noon kontra sa mga kasamahan niya sa “PBB” house. 

Aniya, wala siyang personal na galit o issue kay Alexa, “Unang-una alam po ng housemates ‘yan na ako po talaga ‘yung bridge nina Eian at Alexa. Ako po ‘yung nagtulak-tulak sa kanila kasi alam ko po crush ni Eian si Alexa.”

Pero nanindigan naman si Alexa na alam niyang hindi lang dahil kay Eian kaya nakapagsalita ng masasama si Brenda sa kanya na talagang ikinasama niya ng loob.

“Hindi lang kasi ‘yung issues ni Eian ang narinig ng taumbayan. Kahit evicted na kami, pati si Eian, you still kept talking so I think that’s what you also need to explain para sa mga tao kasi talagang nagalit sila,” sabi ng aktres kay Brenda Mage.

Handa naman daw siyang patawarin ang komedyante pero hinding-hindi niya makakalimutan ang masasakit na salitang ibinato nito laban sa kanya.

“I forgive but that doesn’t mean I forget. I’m just a very forgiving person. But I learned my lessons as well and I now know how to guard my heart and make sure that I’m surrounded by good people,” sabi ng dalaga.

Pagkalabas ng Bahay ni Kuya matapos mapasama sa Top 5 celebrity housemates, nag-sorry si  Brenda sa lahat ng nagawa niyang sablay at sa mga taong nasaktan sa mga pinagsasabi niya.

“Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao… 

“Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh… I am not MARITES but this is BRENDA MAGE … Lablablab Godbless!” aniya pa.

Ang youg singer na si Anji Salvacion at volleyball player na si Alyssa Valdez ang itinanghal na Top 2 sa pagtatapos ng “PBB 10 Celebrity Edition.”

Pagkatalo ni Brenda Mage sa ‘PBB 10’ ikinatuwa ng netizens: Yan ang tinatawag na karma!

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

The post Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan appeared first on Bandera.

National Artist for Literature F. Sionil Jose pumanaw na sa edad 97

$
0
0

F. Sionil Jose

SUMAKABILANG-BUHAY na ang National Artist for Literature na si F. Sionil Jose kagabi, Jan. 6, 2022. Siya ay 97 years old.

Kinumpirma ng Philippine Center of International PEN (Poets, Essayists, Novelists) ang malungkot na balita sa pamamagitan ng official statement na inilabas nila sa Facebook. Si F. Sionil Jose ang founder ng PEN.

Ayon sa ulat, pumanaw ang National Artist habang naka-confine sa Makati Medical Center kung saan naka-schedule na sana siyang magpa-angioplasty.

Nagdiwang lamang ng kanyang ika-97 kaarawan si Jose noong Dec. 3, 2021.

Narito ang opisyal na pahayag ng PEN hinggil sa kanyang pagpanaw: “National Artist for Literature and Philippine PEN founder F. Sionil Jose has passed away.

“Jose died Thursday evening at the Makati Medical Center where he was supposed to undergo an angioplasty Friday Jan. 7, according to his wife, Tessie Jovellanos Jose.

“Tessie said Jose apparently died in his sleep. He was declared dead at 9:30 p.m.

“Jose turned 97 only last Dec. 3.”


Sa kanyang Facebook account, nakapag-post pa siya ng mensahe ilang oras bago siya tuluyang namaalam.

Aniya, “Thank you brave heart.

“There are times when as an agnostic I doubt the presence of an almighty and loving God. But dear brave heart you are here to disprove this illusion, to do away with the conclusion that if you doubt Him, you kill Him. I cannot kill you dear heart; you have to do that yourself.

“For 97 years you have been constantly working patiently pumping much more efficiently and longer than most machines. Of course, I know that a book lasts long too, as the libraries have shown, books that have lived more than 300 years.

“Now, that I am here in waiting for an angioplasty, I hope that you will survive it and I with it, so that I will be able to continue what I have been doing with so much energy that only you have been able to give.

“Thank you dear brave heart and dear Lord for this most precious gift.”

Idineklarang National Artist for Literature noong April 20, 2001 si Jose sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ito’y dahil na rin sa hindi matatawarang kontribusyon niya sa mundo ng Literature. Kabilang sa kanyang mga obra ang mga short stories na “The God Stealer” (1959), “Waywaya” (1979), at “Arbol de Fuego” (1980).

Nandiyan din ang kanyang nobelang “Mass” (1981); at ang essay na “A Scenario for Philippine Resistance “(1979), na kinilala ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

National Artist Bienvenido Lumbera pumanaw na sa edad 89

The post National Artist for Literature F. Sionil Jose pumanaw na sa edad 97 appeared first on Bandera.

Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

$
0
0

Roxanne Barcelo, Jigs at baby Cinco

PITONG buwan na ang panganay na anak ng singer-actress na si Roxanne Barcelo.

Ibinahagi ng celebrity mom sa social media ang ilang litrato ng kanyang baby bilang bahagi ng seventh-month birthday nito.

Ipinost ni Roxanne sa Instagram ang super cute photos ni Baby Cinco na pinusuan at ni-like naman ng kanyang fans and followers na aliw na aliw sa sanggol.

“At 7 months, Cinco is moving all over the place. He is filled with curiosity and zeal. He charges our days with smiles and laughter. We all love this precious being,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

May last year nang isilang ni Roxanne si Baby Cinco, ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband. Matagal ding itinago ng aktres ang identity at itsura ng asawa.

Pero nito ngang nagdaang December, ipinakilala at ipinakita na ni Roxanne ang mukha ng mister sa social media kalakip ang madamdamin niyang mensahe para rito.

“When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait.

“It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am,” mensahe pa ni Roxanne.

Sa isang post, sinabi rin ng aktres na matagal na niyang pangarap ang maging wifey at mommy at ngayong nabigyan na nga ito ng katuparan, “I am fully humbled by this truth: As they all say, it’s not easy, BUT it is all worth it.”

Roxanne may mga ‘bawal’ nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko

Roxanne ipinakita na ang buong mukha ni Baby Cinco sa madlang pipol: Our son at 1 month…

The post Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby appeared first on Bandera.

Belle, Donny ayaw pang ‘maghiwalay’, gusto pang makagawa ng maraming proyekto

$
0
0

                     

“RIGHT now po I can’t see myself being paired up with anyone else,”  ang pahayag ni Belle Mariano sa virtual mediacon ng iWantTFC anthology na “Click, Like, Share Season 3” kahapon.

Tinanong kasi namin kung posible siyang makipagtambalan sa ibang aktor bukod kay Donny Pangilinan na hindi kasama sa nasabing bagong season ng programa.

Sabagay hindi naman kailangan ng leading man ni Belle sa episode nilang “Swap” kasama si Shanaia Gomez na magkapatid ang karakter sa show.

“My character here is Jessy. Si Jessy ay merong inggit sa kapatid niya and hinanakit sa mother niya na feeling niya mas pinili ng kapatid ‘yung isa and mas pinili ng nanay niya na mabuhay ng mabuti kumpara sa kanila,” saad ng dalaga.

At dahil lahat ng gustuhin ni Shanaia ay ibinibigay ng magulang kaya nag-wish si Belle na sana magkapalit sila ng pagkatao ng kapatid niya.

Ang sumunod na tanong namin ay kung napag-usapan nina Belle at Donny na puwede silang gumawa ng proyekto na hindi sila magkasama para “makahinga” muna sila sa kanilang tambalan.

“As an actor po kasi I always look at the material and the story. I’m open to more opportunities and I’m open to learn and yeah, when it comes to stuff like this, both of us are very supportive with each of our passion and what we love doing,” paliwanag ng aktres.

Nauna na namang sinabi ni Donny na hindi pa rin niya nakikita sa ngayon ang sarili na iba ang katambal dahil gusto pa rin niyang makagawa ng iba pang projects kasama si Belle. 

Samantala, mapapanood na ang “Click, Like, Share” tuwing Miyerkules simula sa Jan. 12. Ang ibang episodes bukod sa “Swap” nina Belle at Shanaia ay ang “QR Code” ni Vivoree Esclito; sina Jane Oneiza at Elmo Magalona naman ang bida sa “Unseen”; sa “Repair” ay si JC Alcantara ang lead role kasama si Allan Paule mula sa direksyon ni Andoy Ranay produced ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

The post Belle, Donny ayaw pang ‘maghiwalay’, gusto pang makagawa ng maraming proyekto appeared first on Bandera.

Viewing all 44083 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>