Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44130

Gusto nang takasan ang kerida

$
0
0

Sulat mula kay Joey ng  Buhangin, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May ibinabahay akong babae at may isa kaming anak bukod pa sa legal kong pamilya. Ang problema, simula nang humina ang kita ko sa pinapasukan kong kumpanya—nawala na ang over-time—parang hindi ko na po kayang suportahan ang babaeng kinasakama ko. Sobrang taas ng mga gastusin, lalo na ngayong imbes na madagdagan ang aking suweldo ay nabawasan pa. Balak ko na sana siyang iwanan, pero nagbanta siya na kapag daw naghilaway kami ay magpapakamatay  siya at idadamay daw niya ang anak namin. Nalilito na ko sa ngayon sa kakaiisip kung ano ang aking gagawin dahil nababaon na ako sa mga utang nang hindi alam ng legal kong asawa. Lotto na nga lang ang pag-asa ko upang muling makabangon kasi hindi ko na talaga inaasahan ang suweldo ko na sobrang liit na sa ngayon. Sana matulungan n’yo ako kung paano ko imimintina ang dalawang pamilya ko upang walang masaktan o mamroblema sa kanilang dalawa. Kung mapera lang ako ay ayos naman sana ang buhay ko. October 1, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Joey ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sa ayaw at sa gusto mo ay magkakahiwalay din kayo ng iyong kerida o number two. Ito ang nais sabihin ng gumulo at nababoy na ikalawang Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Tanda na kaunting panahon na lang ang hinihintay ay pikit-mata kang magdedesisyon na hiwalayan na ang babaeng kinakasama mo sa ngayon. Kasabay nito ay maiisip mo na ring mag- “going straight” at maging “good boy” na ama at asawa.
Cartomancy:
Two of Spades, Two of Hearts at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 1.), ang mga baraha ang nagsasabing higit na titino, uunlad at gaganda ang buhay mo kung ititigil mo na ang pambabae at kung magiging “going straight” ka na sa  tunay mong pamilya. Sabagay, sa susunod na taong 2015 ay kusa namang magaganap—ang pagbabagong-buhay na nabanggit.
Itutuloy


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44130

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>