Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44116

Erap nagsalita na, may warning kay Julian

$
0
0
JOSEPH AT JULIAN ESTRADA

JOSEPH AT JULIAN ESTRADA

Proud na proud si dating Pangulo at ngayo’y mayor ng Manila na si Joseph Estrada sa kanyang apong si Julian Estrada matapos mapanood ang launching movie nitong “Relaks It’s Just Pag-Ibig” sa ginanap na premiere night noong Martes.

Dumating si Erap sa nasabing event dahil nais niyang suportahan ang apo at anak ni Sen. Jinggoy Estrada.

Natutuwa si Erap dahil pinatunayan ng apo ang kanyang talento sa akting, proud din siya sa bagets dahil puro papuri ang tinanggap nito matapos ang pelikula.

“Siyempre gusto ko makita ‘yung apo kung paano umarte. Masaya ako at tinutularan niya ‘yung aking naging propesyon bilang artista. Ipagdadasal ko siyang gumaling bilang artista,” ani Erap sa isang interview.

Sa tanong kung ano ang advice na maibibigay niya sa apo ngayong nabinyagan na siya bilang aktor, “Ang akin lang masasabi ay ilagay niya sa puso at damdamin ang pag-aartista. ‘Yung mga papel na gagampanan niya, talagang pag-aralan niya para lumabas siyang natural na artista.”

Dagdag pa ng dating pangulo, kailangan daw matutunan ni Julian ang maging matapang lalo na sa pagharap sa mga intriga sa showbiz, “Dapat ngayon pa lang masanay na siya sa intriga. Talagang ganu’n ang showbiz, parang pulitika din.”

Bukod kay Julian, kasama rin sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig” ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual at Sofia Andres na showing na ngayon sa mga sinehan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44116

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>