DIRETSAHANG itinanggi ni Kim Chiu sa amin ang report na five years na silang mag-on ni Xian Lim noong masolo namin siya after ng question and answer portion sa grand presscon ng bago nilang pelikula na “Past Tense” with the Comedy Queen Ai Ai delas Alas under Star Cinema.
Wala pa naman daw silang five years. Posible raw na tatlo o apat na taon na silang may pagkakaintindihann. Meron kasing nakapagsabi sa amin na matagal na talaga silang magkarelasyon ni Xian. Dumaan daw ang ilang taon na sila pa rin ni Xian kasi very quiet and private lang sila.
At pareho rin daw kasing hindi demanding sa time ang isa’t isa. Naiintindihan kasi nina Kim at Xian na dapat unahin ang career nila bago ang kanilang relasyon.
Samantala, sinabi ni Kim na refreshing daw for their loveteam ni Xian ang latest film nila na “Past Tense” directed by Mae Cruz na siya ring director ng box-office hit movie nila na early this year, ang “Bride For Rent.”
“Ang tagal din naming hindi nagkatrabaho and then ngayon nagkita kami ulit, nakakatuwa. Kwentuhan, more tsikahan, ganyan,” ngiti ni Kim.
Kahit daw hindi sila nagkikita ni Xian, open daw lagi ang communication nila. Pero lately, hindi pa raw sila nakakapag-date.
“Sobrang busy kami sa ano, nag-show kami. Nasa Australia siya, nasa Canada ako. Nasa magkabilang mundo kami. So, pagbalik namin everyday na kami nagsu-shooting ni Xian.”
Ipinagdarasal daw nila ngayon na hindi nawala ang support ng kanilang fans sa “Past Tense.” “Sana kung gaano nila kami sinuportahan sa ‘Bride for Rent,’ sana nandiyan pa rin sila para suporthan kami.”
Inamin ni Kim na kinakabahan siya sa nalalapit na showing ng movie nila on Nov. 26, “Nakakakaba lang ngayon kasi may pagka-compre. Iba rin ‘yung nagawa namin dati. Tapos eto sobra kaming kinakabahan.”
Inamin naman ni Xian na talagang na-miss niya si Kim dahil matagal din silang hindi nagkasama sa proyekto.
“Na-miss talaga kasi medyo matagal din. Noong una nga kaming nagka-eksena medyo nakakapanibago, kasi dati from dire-diretso tapos naputol, so glad to be back,” ngiti ng aktor.
When asked kung ano sa tingin niya ang sikreto ng tandem nila ni Kim kung bakit nag-click sila sa masa, “Uumpisahan ko na sa ‘yung inaalalayan ako palagi ni Kim. May eksena na she really wants to work. May nakikita siya at nakikita ako, so it’s an open thing. Kumbaga ‘yung constructive criticisms dati ayaw ko pang tanggapin, ngayon tanggap lang ako ng tanggap at madami akong natututunan.”