
Stock photo
ANIM na beses tinuklaw ng makamandag na ahas ang isang taong gulang na batang lalaki sa isang barangay sa North Cotabato.
Patay ang sanggol matapos mapuruhan sa kanyang sa ulo nang tuklawin ng hinihinalang diamond snake.
Base sa ulat, naiwan umanong mag-isa sa kanilang bahay ang bata dahil lumabas sandali ang kanyang lola para kumuha ng pagkain.
Ngunit nang makabalik na ang lola sa kanilang tahanan ay nakita na lang nito ang kanyang apo na pinuluputan na ng ahas sa bahaging ulo nito kung saan ito tinuklaw.
Mabilis na sinaklolohan ng matanda ang bata at tinangkang alisin ang pagkakalingkis dito ng ahas pero nabigo siya kaya humingi na siya ng tulong sa mga kapitbahay.
May isang residente sa naturang barangay ang bumaril sa makamandag na ahas na agad namang kumalas sa pagkakapulupot sa sanggol na mabilis na dinala sa ospital pero namatay din ang biktima.
Ayon sa report, ang diamond snake ay isa sa mga pinakamakamandag na ahas sa Pilipinas na nagtataglay umano ng neurotoxic sa kanilang kamandag.
At ang mga matutuklaw nito ay posibleng magkaroon ng kumplikasyon sa nervous system at respiratory failure na maaaring ikamatay ng biktima.
The post Sanggol na naiwang mag-isa sa bahay 6 na beses tinuklaw ng ahas, patay appeared first on Bandera.