Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44492

DOH sa mga magpepenitensiya: Hindi kailangang sugatan, saktan ang katawan

$
0
0
DOH sa mga magpepenitensiya: Hindi kailangang sugatan, saktan ang katawan

SA lahat ng mga nagbabalak magpenitensiya ngayong Semana Santa 2025 may mahahalagang paalala ang Department of Health (DOH).

Siguradong marami na naman sa mga kababayan natin ang mamamanata ngayong Mahal na Araw lalo na ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Bahagi na kasi ng kulturang Pilipino ang pagpepenitensya sa tuwing sasapit ng Mahal na Araw, lalo na Huwebes at Biyernes Santo.

Nagbahagi ng mensahe ang Simbahang Katolika hinggil sa mga dapat tandaan ng mga Pinoy sa mga magpepenitensiya, kabilang na yung balak saktan ang kanilang mga sarili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, base sa panayam ng “Unang Hirit”, “Alinsunod na rin sa mga kaparian, hindi naman kinakailangan na sugatan o saktan ang ating katawan.”

Pinaalalahanan pa niya ang mga namamanata na posibleng maapektuhan ang kalusugan ng mg pagpepenitensya dahil sa banta ng mikrobyo at bacteria.

“Tandaan po natin na ang mga sugat sa katawan ng penitensya ay mga tinatawag na ‘dirty wound.’

“‘Yung alikabok ng lupa, du’n sa mga lumilipad na alikabok sa paligid, saka ‘yung mga ginagamit nating instrumento, pwedeng panggalingan ng mikrobyo,” ang pahayag pa ng spokesperson ng DOH.

The post DOH sa mga magpepenitensiya: Hindi kailangang sugatan, saktan ang katawan appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44492

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>