Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190

Ivana Alawi sa isyu ng lovelife: Wala akong sinisirang pamilya!

$
0
0

Ivana Alawi sa isyu ng lovelife: Wala akong sinisirang pamilya!

“UNBOTHERED” ang peg ng Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi sa mga intriga at malilisyosong chika na ibinabato sa kanya.

Malinis ang kunsensiya ng isa sa pinakasikat at top vloggers sa Pilipinas kaya naman walang epekto sa kanya ang mga mali at pekeng balita na naglalabasan sa social media.

Paulit-ulit na lang kasi ang naglalabasang fake news tungkol kay Ivana, partikular na ang balitang may karelasyon umano siyang super rich na guy pero may pamilya na raw.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media si Ivana ngayong araw, March 7, para sa kanyang pa-thanksgiving sa press na matagal na raw talaga niyang nais gawin.

Baka Bet Mo: Ivana never inisip ang malaking kikitain nang magsimula bilang vlogger, payo sa mga content creator: ‘It shouldn’t be about money’

Isa sa mga naitanong kay Ivana ay kung ano ang naging reaksyon niya sa mga chika about her lovelife na hindi pa rin mamatay-matay hanggang ngayon.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa mental health at inamin ng Kapamilya star na may mga pagkakataong inaatake rin siya ng anxiety dahil tao lang din naman daw siya.

At dito nga naikonek ang question kung naaapektuhan din ang kanyang mental health sa mga pang-iintriga sa kanya tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon.

Hindi naman daw, sagot ni Ivana dahil dedma lang siya lagi sa mga ganitong klase ng tsismis na walang bahid ng katotohanan, lalo na ang chikang may dyowa siyang politiko na pamilyado na.

“Wala akong sinisirang pamilya,” ang maikli ngunit makahulugang pahayag ng sexy vlogger.

Samantala, ilang ulit binanggit ni Ivana na wala siyang dyowa ngayon at single na single pa rin siya until now.

Wala raw siyang time magkaroon ng seryosong relasyon dahil focus pa rin siya sa work at sa kanyang pamilya.

The post Ivana Alawi sa isyu ng lovelife: Wala akong sinisirang pamilya! appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>