Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44146

Piloto sa bumagsak na PAF fighter jet ikakasal ngayong taon

$
0
0

Piloto sa bumagsak na PAF fighter jet ikakasal ngayong taon

NAGLULUKSA ngayon ang fiancée ng isa sa mga pilotong nasawi sa bumagsak na Philippine Air Force (PAF) FA-50 jet fighter plane sa Bukidnon.

Doble ang sakit na nararamdaman nito dahil nakatakda na silang magpakasal sa susunod na linggo.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Alyssa Coleen Columbino na isa ring niyembro ng Philippine Air Force ang masasaya nilang larawan ng pilotong si AJ Dadulla bago nangyari ang trahedya.

“I am so proud of you, my love. You will always be in my heart,” saad ni Alyssa sa kaniyang post.

Baka Bet Mo: Fighter jet ng Philippine Air Force, nawawala

“I love you and til we meet again, love,” dagdag pa niya.

Sa susunod na Sabado, March 15, nakatakdang magpakasal ang dalawa.

Matatandaang nitong Martes, March 4, unang naiulat nang kumpirmahin ng PAF na nawawala ang isa nitong FA-50 fighter jet.

Lulan nito si AJ at isa pang piloto na magsagawa ng isang tactical nights operation.

Miyerkules, March 5, nahanap ang naturang fighter jet sa Mt. Kalatungan, Bukidnon, at dito iniulat ng PAF ang pagkasawi ng nasabing dalawang pilotong sakay nito.

Pakikiramay sa mga kaibigan at pamilyang naulila ng dalawang pilotong nasawi sa pagbagsak ng FA-50 jet fighter plane sa Bukidnon.

The post Piloto sa bumagsak na PAF fighter jet ikakasal ngayong taon appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44146

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>