Image may be NSFW.
Clik here to view.
ABA, kinabog ni Julie Anne San Jose ang mga magagaling na singers natin, male or female.
We read kasi in one Facebook account na Julie Anne’s very first album turns Diamond Record status. Equivalent to 10x platinum. True ba ito? Kung true, aba, magandang balita ito para sa fans ni Julie na busy sa kapo-promote ng kanyang December concert sa MOA.
Although marami ang nagtataas ng kilay, it cannot be denied na big hit nga ang album ni Julie Anne, making her a certified multi-platinum artist.
Ang tanong ngayon ng marami, mapuno kaya niya ang concert venue niya dahil isa pa rin siyang malaking DA WHO sa madlang pipol.
Anyway, mukhang mabait naman itong si Julie Anne kaya kinakasihan ng suwerte. Kailangan lang sigurong i-push pa siya ng GMA para naman mas lumaki pa ang pangalan niya.