BUKAS na magsisimula ang bakbakan sa 2015 Metro Manila Film Festival. Huhusgahan na ng bayan ang walong official entry sa taunang filmfest – sinu-sino ang mag-uuwi ng major awards at anong pelikula ang tatabo sa takilya?
Para bigyan kayo ng idea kung anu-anong tema ng pelikulang kalahok ngayong taon sa MMFF, narito ang walong official entry na maglalaban-laban this year at kung ano ang aasahan n’yo sa kuwento nito pagpasok ng sinehan.
Beauty And The Bestie (Directed by Wenn Deramas/Star Cinema & Viva Films)
Cast: Vice Ganda, Coco Martine, James Reid, Nadine Lustre, Marco Masa, Alonzo Muhlach, Karla Estrada, Ryan Bang, Tetchie Agbayani, Wilma Doesnt, Nikko Natividad, Tess Antonio, Boom Labrusca, Ron Morales, Badji Mortiz, MC Calaquin at Lassy Marquez.
Buod ng kuwento: Sina Eric/Ericka (Vice) at Emman (Coco) ay dating mag-bestfriend na nagkaroon ng matinding alitan kaya nagkahiwalay. Matapos ang ilang taon ay magkukrus muli ang landas ng dalawa.
Si Emman ay isang spy na may misyon upang hanapin ang nakidnap na anak ng Prime Minister na si Nathalia Thalia. Pero dahil mahihirapan silang mag-imbestiga kapag nalaman ito ng ibang tao, naghanap sila ng pwedeng magpanggap na si Nathalia Thalia.
At iisa lang ang pwedeng makatulong sa kanila – ang bestie ni Emman na si Ericka dahil kamukhang-kamukha nito ang anak ng PM. Dito na magsisimula ang mga nakakaloka at nakakatawang eksena ng mag-bestie. Pero ang tanong, malutas kaya nila ang kidnapping case?
Buy Now, Die Later (Directed by Randolph Longjas/Quantum Films)
Cast: Vhong Navarro, TJ Trinidad, Alex Gonzaga, Janine Guiterrez, Rayver Cruz, John Lapus, Lotlot de Leon, Jason Gainza, Markki Stroem at Cai Cortez.
Buod ng kuwento: Sa isang kakaibang curio shop na pag-aari ng negosyanteng si Santi (TJ) may limang taong bibili ng mga mahiwagang gamit sa kanya. Ang bawat gamit na ito ay kayang tuparin ang mga pinapangarap mo pero bawat isa ay may kontrata na kailangan mong sundin.
Pero pag ang kontrata ay di mo natupad maaaring buhay mo ang magiging kapalit…
Haunted Mansion (Directed by Jun Lana/Regal Entertainment)
Cast: Janella Salvador, Marlo Mortel, Jerome Ponce, Iza Calzado, Paolo Contis, LJ Reyes, Janice de Belen at Dominic Ochoa.
Buod ng kuwento: Sa isang retreat house sa isang lumang mansion nanatili ang mga esudyante. Pero dahil sa isang away, isang grupo ang kinailangan pang manatili ng isang gabi pa sa mansion.
Dahil sa kabagutan ang sila ay nag ghost hunting sa mansion kung saan nagising nga nila ang ilang natutulog na mga elemeto…
All You Need Is Pag-ibig (Directed by Antoinette Jadaone/Star Cinema)
Cast: Kris Aquino, Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Pokwang, Nova Villa, Julia Concio, Talia Concio at Ronaldo Valdez
Buod ng kuwento: Iba’t ibang mukha ng pagmamahal na magpapaiyak, magpapakilig, magpapa-inlove at magpapatibok ng inyong puso ang aasahan sa pelikulang ito. Ibang atake raw ng paglalahad ng “love, love, love” ang hatid ng iba’t ibang kuwento ng pagmamahal.
Nilalang (Directed by Pedring Lopez/WeLovePost and Parallax Studios)
Cast: Maria Ozawa, Cesar Montano, Meg Imperial, Aubrey Miles, Yam Concepcion, Cholo Barretto, Dido dela Paz at Kiko Matos
Buod ng kuwento: Sunod-sunod na pagpatay sa mga babae ang iniimbestigahan ni Tony (Cesar) na kahawig ng mga krimen na nangyari sa Japan. Sa tulong ni Miyuki (Maria Ozawa) na isang miyembro ng Yakuza, susubukan nina Tony na lamin kung sino o ano ang nasa likod ng isang sumpa na sumusunod sa pamilya ni Miyuki at kung paano ito konektado sa mga pagpatay.
My Bebe Love (Directed by Joey Reyes/M-ZET, APT, Octo-Arts)
Cast: Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Alden Richards, Maine Mendoza, Arlene Muhlach, Valeen Montenegro, Ryan Yllana, Sancho Vito, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Ryzza Mae Dizon
Buod ng kuwento: Si Dondi (Alden) ay pamangkin ni Cora (Ai Ai), habang si Anna (Maine) ay ang rebeldeng anak naman ni Vito (Vic) na gustong mapansin ng ama. Magkakakilala ang dalawa at magkakagustuhan pero pipigilan sila nina Vito at Cora na matagal na palang magkalaban sa negosyo.
Kahit magkaaway ay magsasanib-pwersa ang dalawa para di magkatuluyan sina Dondi at Anna pero mawiwindang ang lahat ng sila naman ang magkakagustuhan at sina Dondi at Anna naman ang magbabalak na paghiwalayin sila.
#Walang Forever (Directed by Dan Villegas/Quantum Films)
Cast: Jennylyn Mercado, Jerico Rosales, Lorna Tolentino, Matet de Leon, Jerald Napoles, Nico Antonio, Pepe Herera, Cai Cortez, Kim Molina, Juan Miguel Severo at Sebastian Castro
Buod ng kuwento: Isang sikat na writer ng rom-com films si Mia (Jennylyn) na nasa punto na ng kanyang buhay na nawawalan na ng tiwala sa true love. Pero nagbago ang lahat ng magbalik si Ethan (Jericho) na kanyang dating kasintahan.
Ngunit nagbago na si Ethan at di na naniniwala sa forever. Muli kayang manumbalik ang dating pagmamahalan o mauwi na naman sa sakitan?
Honor Thy Father (Directed by Erik Matti/Reality Entertainment)
Cast: John Lloyd Cruz, Meryll Soriano, Krystal Brimner, Dan Fernandez, Tirso Cruzz III, Khalil Ramos, Yayo Aguila, Perla Bautista, William Martinez at Lander Vera Perez
Buod ng kuwento: Gumaganap si John Lloyd bilang si Edgar, isang ama at asawa na malalagay sa alanganin ang pamilya ng masangkot sa ang kanyang asawang si Kaye (Meryll) sa isang pyramid scam ng kanyang ama.
Pagbabantaan ng mga pinagkakautangan ni Kaye ang buong pamilya kapag hindi naibalik ang kanilang pera kaya walang magagawa si Edgar kundi gawin ang lahat para maprotektahan ang pamilya kahit pa kumapit ito sa patalim. Napapanahon ang pelikulang ito dahil alam naman nating maraming nabibiktima ngayon ng pyramid scam.
Sa walong pelikulang kalahok, naniniwala kami na malaki talaga ang laban ni John Lloyd sa pagka-Best Actor pati na rin ng co-star niya sa “Honor Thy Father” na si Meryll bilang Best Actress naman dahil sa makatotohanan nilang pagganap bilang mag-asawang nasadlak sa pagkakautang.
Pero sigurado ring kaming bibigyan ng magandang laban nina Cesar, Coco, Jericho at Derek si Lloydie sa ipinakita nilang akting sa kani-kanilang entry. Sa Best Actress category, tataya kami kay Jennylyn para sa kanyang “Walang Forever” at kung siya nga ang tatanghaling pinakamagaling na aktres sa taunang pestibal, back-to-back win ang dalaga dahil siya rin ang nanalong Best Actress last year para sa “English Only Please”.
Pero hindi namin mamaliitin ang performance ni Janella sa “Haunted Mansion” dahil kahit na first movie niya ito, pinatunayan ng batang aktres na pwede na siyang isabak sa laban.
Para sa Best Movie of the Year, malamang na mapunta rin ito sa “Honor Thy Father” dahil sa ganda ng pagkakalahad ng kuwento nito.
The post MMFF 2015: Bakbakan na sa takilya appeared first on Bandera.