Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44358

Kim umamin na sa relasyon nila ni Xian: You complete me!

$
0
0

xian lim

Pag-usapan na nga lang natin ang “All You Need Is Pag-Ibig” movie ni Kris. Pero ang sesentruhan namin ay sina Kim Chiu at Xian Lim na may sarili ring mga grupo na tumutulong to promote the film.

During the Christmas party of Faces & Curves (winners kami ng mga anak ko. Ha-hahaha! Thank you Dr. Jay and Dra. Shiela Recasata) ay sandali naming nakahuntahan si Kimi.

Pinag-usapan sa party ang movie nila at nagkakantiyawan nga na “bongga” ang mga eksena nila (yakapan at halikan) sa naturang MMFF entry ng Star Cinema.

“Naku sir Ambet, yun na talaga. Hindi na kayo magtatanong kung bakit siya ang gusto kong makasama sa maraming projects sa 2016,” sagot ni Kim sa tanong namin kung ano na ang real score sa kana ng hunk actor.

Sa pagsu-shoot daw kasi ng naturang movie ay mas lalo niyang nakilala ang tunay na Xian, enough for her to say, “You complete me.”

Alam naming sa Cebu City magpa-Pasko si Kim pero baka dito sa Manila sila mag-New Year. Napangiti naman ito ng napakatamis nang tanungin namin kung ano ang gift nila ni Xian sa isa’t isa.

The post Kim umamin na sa relasyon nila ni Xian: You complete me! appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44358

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>