IPINALABAS kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa vice presidential race kung saan anim lamang ang nakapasok.
Sa isang briefing, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na kabilang sa listahan sina Ma. Leonor “Leni” Robredo, ng Liberal Party; Francis “Chiz” Escudero, independent; Gringo Honasan, ng United Nationalist Alliance (UNA); Alan Peter Cayetano, Ferdinand Marcos Jr. at Antonio Trillanes IV, na pawang mula sa Nacionalista Party (NP).
Umabot sa 19 ang naghain ng kanilang certificate of candidacy.
Samantala, umabot naman sa 23 ang naghain ng COC para sa pagkapangulo, 68 sa mga senador, at 119 para sa party-list groups.
Nakatakdang aprubahan ng Comelec en banc ang pinal na listahan ng mga kandidato sa Enero 18 hanggang Enero 20.
Itinakda naman ang pag-iimprenta ng balota simula Marso 26 hanggang Abril 12.
The post Pinal na listahan ng kandidato para sa VP inilabas na ng Comelec appeared first on Bandera.