Hindi nagpa-survey si Phillip Salvador bago siya tumakbo bilang vice governor ng Bulacan.
“Ang nagse-survey sa akin ay si Lord. Si Lord lahat ito, eh. Sinabi ko naman sa kanya, ‘Lord, may nag-file na naman ng exclusion sa akin. Ini-expect ko na ‘yon.
Ngayon nga, ini-expect namin na may magpa-file ng disqualification,” chika ni Phillip sa amin after filing his candidacy. Si Josie dela Cruz ang kanyang kapartner na tumatakbong governor ng Bulacan. Josie has served 27 years in Bulacan.
Ang peace and order ang gustong hawakan ni Kuya Ipe kapag nanalo siya sa election next year.
“At saka ‘yung sa health kasi ang ospital dito ay kulang pa tapos ‘yung agriculture, ‘yung mga magsasaka, dapat mabigyan ng pansin,” he added.
Hindi nagdalawang-isip si Kuya Ipe na maging running mate ni Josie dela Cruz dahil, “Siya ‘yung una kong nakausap at matino siyang kausap.” “If elected, God willing, if God’s grace would be with us, then who can be against us,” say niya.
The post Phillip sa pagtakbong vice-governor sa Bulacan: Si Lord lahat ito! appeared first on Bandera.