Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Coco, Vice buwis-buhay sa ‘Beauty And The Bestie’

$
0
0

vice ganda

Tawang-tawa ang lahat ng nakapanood sa full trailer ng “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin na idinirek ni Wenn Deramas for Star Cinema at Viva Films na entry ngayong 2015 MMFF sa ginanap na grand presscon nito kamakailan.

Sa tanong kung bakit dapat unang panoorin ang “Beauty And The Bestie” sa Dec. 25, sagot ni direk Wenn, “Sinabi ko ito sa Star Cinema, nu’ng ginagawa ko ito, parang thesis, so base doon sa na-edit, nalagyan ng music, parang feeling ko, uno (flat 1) ang makukuha ko (grade).

“Sa akin kasi, parang na-master na namin, ng Star Cinema, ng Viva, ‘yung pampamilya, na kapag Pasko, wala kang itatapon, ito ‘yung ipangreregalo mo, sulit na sulit at matutuwa ‘yung bibigyan mo, ililibre mo ng sine.

So feeling ko, nandito na lahat, hard action, susme, ilang kotse ‘yung itinumba namin at pinasabog sa ending. “In short, hindi namin tinipid this time ‘yung lahat-lahat. Kung hard action, kung comedy, kung drama walang pagtitipid na naganap kaya umiiyak po ngayon ang mga producer namin.

Ha-hahaha!” sabi ng direktor. Paliwanag naman ni Vice, “Hindi ko kasi alam kung lahat ng tao ay may P560, so kung P280 lang ang pera mo, ito (Beauty And The Bestie) na lang ang panoorin mo.

Sa hirap ng buhay… tayo kaya nating manood ng pelikula, pero sa dami ng mahihirap sa Pilipinas at maaaring P300 lang ang nailaan sa filmfest, sigurado ako na kapag sinabi ko sa kanilang, ‘Ito ang panoorin mo’ hindi ako mapapahiya at hindi nila iiyakang may nasayang silang P280.

Kasi ‘yung management ang nagsabi at nagpalakas ng loob ko na, ‘this is my best movie ever.’
Para naman kay Coco, “Sa mga pelikulang nagawa ko at base sa napanood ko habang nagda-dubbing ako kanina kumpletos recados po ang pelikula.

Honestly, bilib ako kay Vice kasi may mga stunt kaming ginawa rito na nu’ng matapos naming gawin ay saka ko na-analyze kung bakit namin ginawa.

“Sabi ko nga, sa totoong buhay kapag nakasabit ka sa helicopter kadalasan kasi kino-croma ‘yan o dinadaya, pero kami may isang bagay na sobrang excited kami na hindi kami nag-inarte na baka mamatay kami, kaya sa sobrang excited naming gawin, nagawa namin, pero pag-uwi ko ng bahay, doon ko naisip na ‘bakit namin ginawa ‘yun? Puwede namang magdobol? Dedication yun,” sabi ni Coco.

The post Coco, Vice buwis-buhay sa ‘Beauty And The Bestie’ appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>