DUMATING kahapon si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa Naga City para humingi ng payo sa Simbahan at mga tagasuporta kaugnay ng kanyang posibleng pagtakbo bilang bise presidente sa 2016 ka-tandem ni dating Interior secretary Mar Roxas.
Nakipag-agahan si Robredo ganap na alas-7:15 ng umaga kay Most Rev. Rolando Tria Tirona, archbishop ng Archdiocese of Caceres, sa Bishop’s Palace. Umabot ng 45 minuto ang kanilang closed-door meeting.
Kapwa naman nakangiti sina Tirona at Robredo nang matapos mag-usap, bagamat hindi naman sinabi ang detalye ng pagpupulong.
Humigni naman ng paumanhin si Robredo kay Tirona matapos namang idamay ang archbishop sa kanyang problema.
Sinabi naman ni Tirona na “guidance and prayer” ang pakay ni Robredo.
Nakatakda namang isunod na puntahan ni Robredo ang Missionary of the Poor, isang religious institution na ang pangunahing target ay mga inabandonang mga tao, na kanyang sinusuportahan at maging ng kanyang yumaong asawang si dating Interior secretary Jesse Robredo.
The post Leni Robredo humingi ng payo sa Simbahan kaugnay ng pagtakbo bilang VP appeared first on Bandera.