Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44336

Bagyong Kabayan magpapaulan

Image may be NSFW.
Clik here to view.
pagasa

Dadaan sa lupa ang bagyong Kabayan na magdadala ng pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa pagtataya ng PAGASA, ang bagyo ay magla-landfall sa Aurora at Quezon area ngayong araw.
Ito ay may hangin na umaabot sa 45 kilometro ang bilis malapit sa gitna at umuusad ng pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.
Kahapon ng umaga ang bagyo ay nasa layong 75 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes. Ngayong umaga ito ay nasa lugar na ng Aurora.
Sa Sabado ay nasa layong 265 kilometro ito sa silangan ng Laoag City at lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado.
Itinaas ng PAGASA ang public storm signal no. 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Aurora, hilangang Quezon kasama ang Polillo island.

The post Bagyong Kabayan magpapaulan appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44336

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>