Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44168

Sa pagnenegosyo susuwertehin

$
0
0

Sulat mula kay Fidel ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
Tapos ako ng Marine Transportation kaya lang hindi ko nagamit ang natapos kong kurso gawa ng nakapagtrabaho agad ako sa isang iron works company at sa ngayon ay kabisado ko na ang pasikot-sikot dito kasi pinagkatiwalaan ako ng aking amo. Balak ko sanang magnegosyo, kaya lang wala pa akong malaki-laking puhunan sa ngayon. Pero bigla naman dumating yong kumpare kong nag-seaman at opisyal na siya ngayon sa barko. Inaaya niya ako na mag-barko, kaya naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung saan ba ako dapat mag concentrate sa pagnenegosyo o mas magandang sumampa na lang ako sa barko? Sana maituro mo sa akin Sir Greenfield kung saan ako higit na papalarin, sa pagnenegosyo ba o sa pagbabarko? January 17, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Fidel ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Higit kang papalarin sa pagnenegosyo kaysa sa pangingibang bansa. Ito ang nais sabihin ng Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na kitang-kita at malinaw na malinaw sa iyong palad. Ibig sabihin, mas mainam ang negosyong kasalukuyan mong “minasmaster” o pinag-aaralang mabuti, at kapag nagkaroon ka ng sapat na puhunan, sa negosyong may kaugnayan sa “iron works” at iba pang kauri nito, darating ang panahong dyan ka uunlad hanggang sa tuluyang yumaman.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Jack of Diamonds, at Four of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing ang mas malamang na mangyari, kung gugustuhin mo, pauutangin ka ng puhunan ng kumpare mong galing sa barko, upang sa ganon, masimulan mo na ang negosyong iron works sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero o kaya’y Abril.
Itutuloy….


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44168

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>