Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44094

Annabelle sa dyowa ni Ruffa: Bumalik na lang siya sa Paris!

$
0
0

ruffa gutierrez

Kahit nagkaayos na ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, hindi pa rin matatanggap ng matapang na talent manager ang foreigner boyfriend ng kanyang anak.

Ayon sa mommy ni Ruffa, wala siyang balak bigyan ng pagkakataon ang dyowa ng anak na si Jordan Mouyal na patunayan ang kanyang sarili para matanggap lang niya.

Sa isang showbiz event, sinabi ni Annabelle Rama na hindi pa rin niya masyadong kinakausap si Ruffa, “Totoo ‘yan kasi kapag kinausap ko siya approve na ako sa mga ginagawa niya.

Ayoko siyang kausapin para malaman niya na hindi pa rin ako approve hanggang ngayon. Ganon lang ‘yun.” Nang marinig nito ang sinabi ni Ruffa na hindi siya marunong magbigay ng chance sa ibang tao para mag-explain, ang sagot ng talent manager, “Anong klaseng chance ang sinasabi mo diyan?”

Dagdag pa nito, “Wala siyang dapat gawin, bumalik siya kung saan siya galing. Tanong ninyo kay Ruffa siguro mag-farmer na lang siya sa Paris dahil walang farmer sa Paris, day.”

Dinenay naman ni Ruffa na gimik lang ang nangyayari ngayon sa kanilang mag-ina para sa promo ng kanilang family reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, “Totoong, nagkabati kami but hindi kami BFF.”

Sinagot din ng TV host-actress ang sinabi raw ng kanyang mommy na napilitan lang itong makipagbati sa kanya. “Para siguro sa kanya pilit kasi ‘yung mga gusto niyang gawin ko, hindi ko pa magagawa and that’s it.

Siguro at this point I would like to have that respect between us, ‘yung relationship between us. But in the end gusto kong makapag-decide pa rin ako on my own,” ani Ruffa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44094

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>