Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Binay sinabing “wake-up call” ang pagbagsak ng kanyang rating

$
0
0
[caption id="attachment_86211" align="alignnone" width="300"]Binay Binay[/caption] SINABI ni Vice President Jejomar Binay na isang wake-up call para sa kanya ang pagbaba ng kanyang rating sa survey ng Pulse Asia kung saan pumangalawa na lamang siya kay Sen. Grace Poe sa mga posibleng tumakbo sa 2016 presidential elections. Iginiit naman ni Binay na karanasan at kakayahan ang kailangan para sa susunod na presidente ng bansa, sa pagsasabing ang 2016 elections ay hinggil sa pagbabago at pag-aangat sa antas ng buhay ng mga Pinoy. “Magkakaroon lang ng tunay na pagbabago kung ang ating mga ihahalal ay may karanasan bilang local executive, subok sa krisis, handang maglingkod at may tunay na malasakit sa mahihirap,” sabi ni Binay. Idinagdag pa ni Binay na bagamat matagal na nanguna siya sa mga survey, hindi na bago sa kanyang ang pagiging "underdog.” “Hindi po ako bago sa ganitong sitwasyon. Ilang beses na akong naging underdog sa aking mga laban," ayon pa kay Binay. Idinagdag ni Binay na nirerespeto niya ang opinyon ng publiko. “Sa aming bahagi, lagi kaming nakikinig sa public opinion at pinapahalagahan namin ito," aniya. Iginiit niya na itutuloy niya ang pag-iikot sa bansa para pakinggan ang sentimento ng mga tao. “Lalo ko pa pong pag-iibayuhin ang pagdulog ng direkta sa ating mga kababayan para malaman ko ang tunay nilang damdamin," dagdag ni Binay. Nagpapasalamat si Binay sa suporta ng publiko sa kabila ng mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Inquirer.net

Viewing all articles
Browse latest Browse all 43818

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>