Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Chubby, kailan magkaka-boyfriend?

$
0
0

Sulat mula kay Florabelle ng Sihayon,  Tagoloan, Misamis Oriental

Dear Sir Greenfield,

Since elementary pa lang ay may pagka-chubby na ako hanggang mag-high school at mag-college ako ay lalo pa akong tumaba. Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Nagawa ko na lahat ang paraan ng pagpapayat pero bigo pa rin ako, masarap kasing kumain at matulog. Sa ngayon at ease at kampante na ako sa aking figure kahit sabihin pang mataba ako, masaya na sana ako sa kalagayan kong kita dahil tanggap ko na ang aking sarili.
Kaya lang wala akong boyfriend at ito ang nais kong isangguni sa inyo Sir Greenfield, kung kahit kaya may pagka-chubby ako magkaka-boyfriend pa rin kaya ako at kung may darating na lalaki na laan para sa akin na makakasama ko habambuhay, kailan kaya siya darating at saan ko kaya siya makikilala? May 8, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Florabelle Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Pamistry:

Wag ka nang malungkot kahit mataba ka at huwag mong ikabahala na hindi ka magkaka-boyfriend o makapag-aasawa, dahil may namataang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit mataba ka, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran magkaka-boyfriend ka pa rin, makapag-aasawa at magkakaroon ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:

Eight of Diamonds, Nine of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Agosto, kahit sabihin pang mataba ka o may pagka-chubby, hindi mapipigil ang nakatakda, isang lalaking balingkinitan ang pangangatawan na may kayumangging kulay ng balat ang magkakagusto at manliligaw sa iyo.

Itutuloy…


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43828

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>