Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Ara Mina and Bulacan mayor Patrick Meneses.
Ara and Patrick were seen last March 22 in one restaurant function room having serious conversations. After a while, biglang naglakad ang dalawa papalabas ng resto na matatagpuan sa Quezon City.
They were behaving as if they were no longer a couple. Cry raw nang cry si Ara at halatang mugto ang mga mata nito. Malaki nga raw ang distansiya nila nang sila ay bumaba.
Yes, hiwalay na sina Ara at Patrick. So sad dahil meron na silang anak, si baby Mandy (Amanda Gabrielle). Parang kelan lang panay ang chikang malapit nang magpakasal ang couple tapos ngayon hiwalay na sila.
Well, that’s life. Mag-react kaya si Ara at si Patrick sa chikang ito?