Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44654

NU back-to-back UAAP cheerdance champ

$
0
0

MATAGUMPAY na naidepensa ng National University ang titulo sa UAAP Cheerdance Competition na pinaglabanan kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hindi nasayang ang paghihirap sa ensayo at iba pang problemang kinaharap ng NU Pep Squad sa preparasyon nang hindi nakitaan ng mali sa kanilang routine tungo sa paggawad ng mga hurado ng nangungunang 677.5 puntos.

Tinalo ng NU ang UP at UST na nagbabalak na sungkitin ang ikasiyam na kampeonato na pinakamarami sana sa kasaysayan ng kompetisyon.

Ang UP Pep Squad ang pumangalawa sa 658 puntos habang ang UST Salinggawi Dance Troupe ang pumangatlo sa 625 puntos.

Tinapos naman ng FEU ang tatlong sunod na taon na pumangalawa sila sa Group Stunt Division nang pangunahan ito sa 258.5 puntos.

Pumangalawa ang UST sa 251 puntos habang ang dating kampeong NU ang pumangatlo sa pagkakataong ito sa 239.5 puntos.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44654

Latest Images

Trending Articles



Latest Images