Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

PBA D-League Draft gaganapin ngayon

$
0
0

SINO ang magiging top pick sa PBA D-League Rookie Draft ngayong hapon?

Malalaman ang kasagutan dito matapos ihayag ng Cagayan Valley ang kanilang piling manlalaro sa kaganapan na magsisimula sa ganap na ala-1 ng hapon sa PBA office sa Libis, Quezon City.

May 153 bagong manlalaro ang nagpatala para pagpilian ng 12 koponan, lima rito ay baguhan, upang mapalakas ang kanilang tsansa na mapagharian ang Aspirants’ Cup na magsisimula sa susunod na buwan.

Bagong kampeon ang lalabas sa liga dahil nagdesisyon ang multi-titled NLEX Road Warriors at one-conference champion Blackwater Sports na sumali na sa PBA.

Kumpleto sa malalaking players, shooters at point guards ang talaan pero ipinalalagay na si 6-foot-7 Fil-Tongan Moala Tuatuaa ang magiging top pick sa taong ito.

Ang Tanduay Light (dating Boracay Rhum) ang siyang may hawak ng number two pick at sinisipat ni coach Lawrence Chongson si Red Warriors guard Roi Sumang na dati niyang hinawakan noong head coach pa siya sa University of the East.

Ang iba pang regular teams na sunod na pipili ay ang Café France, Cebuana Lhuillier, Jumbo Plastic, MJM M-Builders at Wangs Basketball.

Ang mga baguhan ay ang AMA University, Bread Story, Hapee Toothpaste, MP Hotel at Racal Motorsales Corp.

Idedetermina ang drafting order sa pamamagitan ng lottery bago magsimula ang pagpili ng mga manlalaro.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>