Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44448

Life story ng namatay na estudyante sa Bulacan field trip tampok sa MMK

$
0
0


Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ngayon ng former Pinoy Big Brother All In housemate na si Manolo Pedrosa sa nalalapit nang pagpapalabas ng kanyang unang sabak sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi hosted by Charo Santos.

Bibigyang-buhay niya ang karakter ni Hiro Mallari, isang binatang mistulang nawalan ng dahilang mabuhay sa pagkawala ng kanyang “one great love” na si Michelle Ann “Mitch” Bonzo, na gagampanan ni Janella Salvador, dahil sa isang aksidente.

Kasama si Mitch sa pitong estudyante ng Bulacan State University na nasawi nang sila ay matangay ng rumaragasang tubig sa Madlum River habang nasa field trip sa Bulacan.

“Napakalaking blessing para sa tulad kong baguhan na maging bida sa isang episode ng MMK. Siyempre, marami pa akong kailangang matutunan sa pag-arte pero gagawin ko po ang lahat para magampanan ko nang maayos ang role ni Hiro, lalo na’t ‘yung pinagdaanan niya ay makaka-inspire rin ng iba na katulad niyang nawalan ng isang mahal sa buhay,” pahayag ni Manolo matapos ang kanyang acting workshop noong Martes.

Bahagi rin ng episode na ito sina Lollie Mara, Pinky Amador, Paul Salas, CJ Navato, Raquel Montessa, Yves Flores at Trina Legaspi. Ito ay sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Arah Jell Badayos.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Huwag palampasin ang is na namang espesyal na episode sa longest-running drama anthology sa Asya, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44448

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>