Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44437

Alfie Lorenzo binastos, ipinahiya sa casino; security guard sinuspinde

$
0
0

 

RECENTLY ay meron palang naganap na kaguluhan sa Solaire Hotel and Casinos nu’ng pumasyal si Tito Alfie Lorenzo to bring some food (paco salad and maja blanca) to some friends sa High Limits section ng said gaming area.

Nu’ng papasok pa lang diumano si Tito Alfie sa nasabing gusali, he was stopped by a security personnel sa entrance lobby – a standard operating procedure – pero hindi na-ging maganda ang pakitungo sa kaniya.

Not for anything else, wala kasi silang courtesy kung minsan sa mga Pinoy customers nila, they whisk them like criminals minsan. Kaya nakakabuwisit, hindi lang kami first time na nakaranas ng ganoong trato, a couple of times na rin pero pinagpapasensiyahan na lang namin para wala na lang gulo.

Anyway, napansin daw kasi ng male security personnel na parang may bumubukol sa bulsa ni Tito Alfie at nang tanungin daw siya nito kung ano iyon, ang sagot ng manager ni Judy Ann Santos, “Pera iyan. Hindi iyan bomba.”

Obviously, nagbiro si Tito Alfie para maalis ang pagkairita sa nasabing security guard. Okay, nandoon na tayo, bawal talaga ang paggamit ng salitang bomba (and other form of explosives) pero courtesy nga lang kay Tito Alfie na hindi naman puwedeng sabihing hindi kilala – his face is very familiar – not for anything else – he may not be a superstar pero he is known.

Anyway, nagkasagutan daw ang security guard na ‘yun at si Tito Alfie at nang kapkapan nito nang husto si Tito Alfie bago pumasok, sa pagtapik ni Tito Alfie ng kamay niya (I would also do the same kung hindi maganda ang pagtrato sa akin) ay natamaan yata ang harapan ng guard.

Hayun at dinala raw si Tito Alfie sa security office at iba na ang ifinayl na complaint ng security personnel na iyon – na hinipuan daw siya ni Tito Alfie.

The nerve, di ba? Si Tito Alfie, hihipuan siya sa gitna ng kanilang pagtatalo sa entrance lobby ng hotel, I mean, in front of many people? Kagaguhan naman ang paratang ng bobong security man na iyon.

Na-tural na lalong magagalit sa kaniya si Tito Alfie na isa pa namang high roller ng said casino. Malakas maglaro si Tito Alfie kaya dapat lang siyang alagaan ng staff doon. Anyway, two lady friends of Tito Alfie came to his rescue, to defend him.

One lady lawyer and one businesswoman.”Bakit hindi ninyo silipin sa CCTV kung ano ang naganap para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo? Imposibleng hipuan ni Tito Alfie ang security guard ninyo.

Sana kasi ay mag-ingat naman sa pagkapkap sa mga kliyente. Kahit akong VIP player din dito ay minsan na ring nakaranas ng pambabastos sa staff ninyo. Ang yayabang,” sabi ng negosyante.

“Why don’t you file a complaint against Alfie Lorenzo kung meron kayong reklamo? Make it formal pero huwag ninyo siyang bastusin. If you are not filing, kami ang magpa-file against you for him,” banta naman ng abogadang kaibigan ni Tito Alfie.

Finally ay pinakawalan na rin daw si Tito Alfie sa security office at inamo-amo pa. Na-tural, nagtampo na si Tito Alfie, mga hinayupak ba sila – babastusin ninyo tapos aamuin?

When Tito Alfie left Solaire, bumaba raw ang may-ari ng hotel na si Mr. Razon at ang assistant vice president para kausapin sana si Tito Alfie dala ng sobrang kahihiyan.

Napanood daw nila sa CCTV ang insidente at walang panghihipong naganap, yung sinasabing tinamaan ng kamay ni Tito Alfie ang harapan ng male security personnel na iyon was merely a result of pagtabig niya dala ng pagkairita.

Hindi siya hinipuan. Kaya ang ginawa raw ni Mr. Razon, he instructed his staff to get Tito Alfie’s address and I don’t know kung sino ang dumating sa condo niya the next day with matching food and a sincere apology from Solaire.

And yung mayabang at preskong security personnel na iyon ay suspendido na. Malamang na mawalan pa siya ng trabaho sa pagsisinungaling.

Kahit anong pilit ngayon ng Solaire na imbitahan si Tito Alfie to play sa casino nila ay ayaw na raw nito. He’d rather play somewhere else. Iyon ang resulta.

Marami ang naiinis minsan sa mga OA na security personnel ng Solaire. Okay yung maghigpit sila sa security pero para silang namimili.

Kapag mga bigtime ang pumapasok, sila pa ang nagga-guide para papasukin ang mga ito kahit wala nang kapkap-kapkap pero kapag kapwa nila Pinoy, parang mga kriminal kung ituring nila. Sana patas ang trato para walang isyu.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44437

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>