Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Pinoy malaki ang tiwala kay Pope Francis —survey

$
0
0

MALAKI ang tiwala ng 72 porsyento ng mga Pilipino kay Pope Francis, na darating sa bansa ngayong araw.
Ayon sa survey ng Social Weather Station na ginawa noong Disyembre, 12 porsyento lamang ang may maliit na tiwala sa Santo Papa kaya siya ay nakakuha ng net trust rating na 59 porsyento.
Ang pinakapinagkatiwalaang Santo Papa ng mga Pilipino ay si Pope John Paul II na nakapagtala ng 72 porsyentong net trust rating noong Abril 1995. Hindi lamang ang mga Katoliko ang tinanong sa survey kundi maging ang may iba’t ibang relihiyon.
Si Pope Francis ay nakakuha ng 68 porsyento sa mga Katoliko, 33 porsyento sa Iglesia Ni Cristo, -8 porsyento sa mga Muslim, at 40 porsyento sa iba pang relihiyon.
Sa mga tinanong, 48 poryento ng lahat ng sekta ang nagsabi na linggo-linggo sila kung magsimba. Kung ibubukod ang mga Katoliko, 41 porsyento ang nagsabi na linggo-linggo sila magsimba. Ang survey ay ginawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>