HINIKAYAT ni Arcbishop Soc Villegas ang mga mananampalatayang Pilipino na mainit na salubungin si Pope francis sa kanyang pagdating ngayong hapon.
Makipila sa mga lugar na dadaanan ng Papa at makikaway para maranasan ang pagpapalang dala nito sa kanyang pagdating, ayon sa arsobispo.
“I encourage you my dear people of God to line up the streets he will take, watch the papal vehicle pass by and be blessed by the sight of the Pope passing our way going around the city,” ani Villegas.
Darating sa bansa ang Papa alas 5:45 ng hapon sa Villamor Airbase sakay ng opisyal na eroplano nito mula sa Sri Lanka.
Mula sa Villamor Airbase, dadaan ang Popemobile na sakay ang Pope Newport Garden patungong Andrews Avenue patungo naman ng Airport Road-Domestic Road hanggang sa tumbukin ang kahabaan ng Roxas Boulevard-Quirino Avenue-Leveriza Intersection hanggang Taft Avenue.
Sa umaga ng Enero 16, hinikayat din ng arsobispo na makipila sa lansangan ang publiko sa pagdaan ng Papa mula Taft Avenue patungong Osmena-Quirino patungong Nagtahan Magsaysay Boulevard hanggang J.P. Laurel na tutumbok sa Palasyo ng Malacañang.
Mula naman sa Palasyo, tutuloy ang Papa sa Manila Cathedral alas 10 ng umaga at dadaan siya ng General Solano hanggang Casal-Ayala Bridge patungong Finance Road hanggang Burgos Bonifacio Drive patungo naman ng Anda Circle na tutumbok sa Aduana Street at Manila Cathedral.
Sa hapon, maaari ring abangan ang Papa sa pagdaan nito sa Taft Avenue hanggang Leveriza Intersection-Quirino Avenue patungong Roxas Boulevard hanggang Mall of Asia kung saan katatagpuin niya ang mga piling pamilya.
Enero 17, Biyernes, lilipad ang Papa patungong Leyte.
↧
Tuloy po kayo, Pope Francis
↧