Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44592 articles
Browse latest View live

Video scandal daw ni Ivan Dorschner bentang-benta sa mga beki

$
0
0

IVAN DORCHNER

JUST saw the alleged controversial sex video of Ivan Dorschner sa Twitter.

Initially, parang may kausap si Ivan sa video. Then, in a few seconds, a guy was supposedly in a bed na biglang inalis ang takip na kumot sa kanyang katawan, thus exposing his genitals.

Hindi kita ang face ng guy kaya hindi namin ma-conclude if it was indeed Ivan who was shown showing his private part. The guy was then shown jacking off.

Maikli lang ang video na aming nakita, but it was a delight. Slightly hung ang ari ng guy and it was reddish and pantay ang kulay.

Sa isang video, Ivan sarcastically answered the issue by saying “I’ll just confront the issue. I am not hiding.i’ll just show you my…tea.”

Anyway, kalat na kalat na ang sex video ni Ivan na may iba’t ibang version daw. Isang version lang ang napanood namin and it wasn’t conclusive pa.

Baka mas detalyado ang ibang version at mas buo ito. If his face is shown while jacking off, doon pa lang kami maniniwalang siya nga iyon. Pero maraming naging interested kay Ivan lalo na ang mga beki because of this video scandal, ha!

The post Video scandal daw ni Ivan Dorschner bentang-benta sa mga beki appeared first on Bandera.


’Kung si Jim Paredes nagpapakita ng bird… si Mocha naman ay nangdadakot ng bird’

$
0
0

AS usual, umatungal na naman si Lolit Solis sa controversial Jim Paredes video scandal.

May spat na pala ang dalawa. In the past, Jim called Lolit a “demented woman”. May kinalaman yata iyon sa filmfest scam na ginawa ni Lolit noong 90’s.

Nakakita ng pagkakataon si Lolit na patutsdahan si Jim dahil sa controversial jack off video nito.

“Nang unang kumalat ang sex video ni Jim Paredes ang unang reaction ko, buti nga sa iyo. Hindi ko nalimutan na tinawag niya ako demented noong panahon ng scam. May sinabi pa siya nun na dapat huwag makipag-deal sa akin ang mga taga-showbiz dahil isa akong demented woman.

“Hindi ko iyon kinalimutan, at siguro may naiwan galit sa puso ko. Ngayon sabi ko, payback time, ikaw naman puwede tawagin demented pervert man.”

That was coming from a woman who scammed the Metro Manila Film Festival.

‘Yung sex scandal ni Jim ay siya lang ang tanging naperwisyo. ‘Yung scam na ginawa ni Lolit ay ang daming napwerisyo. That said, mas higit na kasuklam-suklam ang ginawa ni Lolit.

Their common denominator? They did that noong matanda na sila.

q q q

In a desperate move to spite Jim Paredes, Mocha Something shared an anecdote where she dropped hints that Joey de Leon made a subtle swipe at the controversial APO Hiking Society member whose sex video has become the talk of the town issue nowadays.

Mocha shared that she met Joey at airport in General Santos City. To show proof, she posted a photo where she was seen with Joey and Pia Guanio.

“Nagkita ulit kami ni Tito Joey sa Gensan airport naman. Sabi niya kay Pia, ‘Alam mo, mabait naman yang si Mocha. Yung mga umaaway sa kanya nagpapakita ng bird.’ Tito Joey talaga!”

That was her caption sa kanyang IG photo.

So, does it mean that Joey has a beef against Jim? ‘Wag na nating tanungin si Mocha dahil obvious naman na she has a plethora of reason to hate Jim.

We have not seen any reaction from Jim lalo pa’t naka-private na ang kanyang social media accounts. Patulan kaya niya ang patutsada ni Joey? Let’s wait and see.

Anyway, na-bash si Mocha sa kanyang post na ‘yon.

“Si Jim nagpapakita ng bird, si Mocha nangdadakot ng bird!”

“Mocha alam mo mas maraming scandalous video ka. So shut up!”

“Asus c Mocha nagmamalinis? Eh ano ba ang pinaggagawa nya nuon aber? Ang hitad akala mo santa! Pati ang gurang na Joey. Eh ano naman ang nangyari kay Pepsi Paloma? Mas masahol pa kamo kaya wag magmamalinis.”

“Sino si Mocha Uson, di ba sya yong girl na nasa You Tube na kasama yung isang doctor at DJ at ipinamash ang breast nya? Hanapin nyo sa YouTube. She was the one who insisted pa nga para tingnan kuno.”

The post ’Kung si Jim Paredes nagpapakita ng bird… si Mocha naman ay nangdadakot ng bird’ appeared first on Bandera.

#MaterialGirl: Gretchen gustong magkaroon ng diamond rosary

$
0
0

GRETCHEN BARRETTO

UNWITTINGLY  or wittingly ay lumabas ang pagiging Material Girl ni Gretchen Barretto when a private group chat was posted on La Greta’s Instagram account.

“@pattympineda asked our viber foodie group chat who among us wants rosary … My Tony (dada) replied! Oh my goodness,” came La Greta’s post.

Bakit parang gulat na gulat si La Greta sa reaction ni Tonyboy Cojuangco?

Kasi ito lang naman ang reply ni Tonyboy: “Diamond rosary and diamond encrusted scapular daw for Gretch.”

That said, parang pinalabas ni Tonyboy na La Greta is indeed a “Material Girl.”

The post #MaterialGirl: Gretchen gustong magkaroon ng diamond rosary appeared first on Bandera.

Miguel naranasan ang magtanim, magluto sa Laurel, Batangas

$
0
0

NAGLUTO, nagtanim at nakipag-bonding si Miguel Tanfelix sa mga batang taga-Batangas para personal niyang ma-experience ang simple ngunit makabuluhang buhay ng mga kababayan nating Batangueño.

Nagpunta sa isang barangay sa Batangas ang lead star ng Kapuso primetime series na Sahaya para sa isang “immersion” na isinagawa ng World Vision. Ang WV ay isang global humanitarian organization na tumutulong sa mahihirap na komunidad sa mga probinsya.

Tuwang-tuwa si Miguel nang makilala at maka-bonding ang mga kabataan sa Bugaan West, Sitio Bignay, Laurel, Batangas na tinutulungan ng World Vision.

Personal ding na-experience ng ka-loveteam ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya ang ilang livelihood programs na ibinibigay ng World Vision sa mga mahihirap na komunidad sa bansa tulad ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas, paggawa ng mga juice at sauce o sawsawan.

The post Miguel naranasan ang magtanim, magluto sa Laurel, Batangas appeared first on Bandera.

Derek bilib sa tapang ng GMA: Ganu’n din kasi ako mahilig sa risk, sa kakaibang challenge

$
0
0

DEREK RAMSAY

MAY isang mahalagang rason si Derek Ramsay kung bakit tinanggap niya ang offer ng GMA 7.

Pumirma ng exclusive contract ang aktor kamakailan sa Kapuso Network and anytime soon ay sisimulan na ang taping ng unang teleserye niya sa istasyon, ang The Better Woman, kung saan makakatambal niya si Andrea Torres.

Ayon kay Derek, nagpapasalamat siya sa GMA dahil talagang hinintay ng network ang kanyang pag-oo kahit na nga medyo natagalan ang kanyang pagdedesisyon.

Balak na sana niyang umalis pansamantala sa showbiz dahil plano niyang i-pursue ang pagiging isang professional golfer at bukod dito naoperahan pa siya sa kanyang likod.

“They gave me the time to prepare my mind, my body to start working here in GMA,” ani Derek.

“The way they approached me and my family, it was with so much respect,” pahayag pa ng hunk actor. Aniya mismong ang mga magulang niya ang nagsabing kailangan niyang tanggapin ang alok ng Siyete.

Isa pa sa nagustuhan ni Derek sa GMA ay ang katapangan ng network na gumawa ng mga kakaiba at hindi “formula” na mga teleserye.

“What I noticed with Kapuso is you guys like to take risks. It’s not just the same thing put on the table all the time. I love the fact that they take risks,” sey ni Derek. Ganu’n din daw kasi siya sa tunay na buhay, mahilig mag-experiment.

“That’s what I do with my life. It gets me in trouble. But you know what? It’s gotten me to where I am, because the bigger the risk you take, the bigger success.

“If you fail, you can learn from that mistake so that you don’t make it again the next time you take a big risk,” paliwanag pa ng bagong Kapuso actor.

Naniniwala rin ang aktor na nasa GMA ang mga hinahanap niya na mas magbibigay challenge sa kanya bilang artista.

“I’m a risk taker. I like challenging projects. I like to try new things. That’s what I know GMA can provide,” aniya.

 

The post Derek bilib sa tapang ng GMA: Ganu’n din kasi ako mahilig sa risk, sa kakaibang challenge appeared first on Bandera.

Lani bibirit, magluluto sa Sarap Di Ba? ng GMA

$
0
0

ASIA’S  Nightingale Ms. Lani Misalucha and The Clash runner-up Jong Madaliday join Carmina Villarroel and the twins Mavy and Cassy in spicing up our Saturday morning with music along good food and fun with the whole family.

Lani kicks off the episode with a powerful vocal exhibition while Jong launches his first solo single with a little surprise for one of his big fans in the audience.

Listen as they share their stories through the songs that they associate with different significant chapters in their lives.

Hindi rin siyempre mawawala ang kaabang-abang nilang soulful duet making this episode really one for the books.

Plus Lani prepares an easy-to-cook dish na maaaring pagsaluhan ng pamilya sa tahanan.

Enjoy family, food and fun this Saturday on Sarap ‘Di Ba?, sa GMA 7 lang.

The post Lani bibirit, magluluto sa Sarap Di Ba? ng GMA appeared first on Bandera.

Duterte todo puri kay Ka Freddie habang binabanatan ang 1 kandidato ng oposisyon

$
0
0

IDEALLY, our hearts should go out with showbiz celebrities. After all don’t we belong to the same world?
Hmmm, hindi siguro sa lahat ng pagkakataon.

Probably, two of “in” things these days sa mundong ginagalawan namin are: a.) celebrities who are allegedly involved in drugs (bago?), na tinutukan ng PDEA (bago rin?) whose identities ay napipintong pangalanan and made public (this is something new!); 2.) celebrities gunning for elective posts (bago rin ba?) this election season.

Sa less than five-minute video at a campaign rally in God-knows-where ay nagtatalumpati ang mahal na Pangulo.
Paksa ng speech ni Digong clad in a printed polo shirt ang kanyang minamanok mula sa administrasyon, no less than Freddie Aguilar.

Habang mistulang produktong ipino-promote ni Digong si Ka Freddie like a sales pitch ramming down the audience’s throat ay binabakbkan naman niya ang fellow senatorial bet nitong mula naman sa kung tawagin ay Otso Otso.

Hindi na namin babanggitin pa kung sino among the eight opposition senators-wannabe ang puntirya ng Pangulo in his roundabout speech. Basta human rights lawyer ito na ikinumpara niya kay Ka Freddie nang bonggang-bongga.

So, bonggang-bongga that the President sounded like Ka Freddie’s manager cum publicist, whose musical ingenuity ay hindi matatawaran. Binansagang brainy o matalino ni Digong ang iconic singer-composer dahil sa husay nitong lumikha ng mga awiting may mensahe at nilapatan pa ng musika.

Worldclass pa nga, kung tutuusin.

“Tulad na lang ng ‘Anak’ niya,” pagba-validate niya sa talaga namang kahenyuhan ni Ka Freddie patungkol sa awiting naisalin sa maraming lengguwahe.

Oo naman, there’s no scintilla of a doubt that Ka Freddie’s “Anak” has made us all proud.
Para kasi sa ibang mga nakarinig nu’n, huwag sana nilang isipin that the “anak” being referred to ay ang mismong anak ni Freddie Aguilar, si Megan.

q q q

Yaman din lamang na ang maalamat na mang-aawit at kompositor ang pinag-uusapan, harinawang matakasan nito ang anino ng nakaraan.

Dahil panahon ng halalan, naikukunek ng madlang pipol ang iconic name ni Ka Freddie bilang siyang nagrekomenda kay Cesar Montano para pamunuan nito ang tourism board sa ilalim ng Department of Tourism.

Dahil nga sa umano’y alingasngas na kinasangkutan ni Cesar, he was forced to quit his post. And nothing was heard mula noong puwersado siyang pinagbitiw sa puwesto.

Cesar was Ka Freddie’s recommendee who bungled his work gayong pinagkatiwalaan siyang he’d prove as an asset sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan.

All eyes on Freddie, hoping he’ll guitar his way to the Senate with matching sequined hat.

The post Duterte todo puri kay Ka Freddie habang binabanatan ang 1 kandidato ng oposisyon appeared first on Bandera.

Anak ni Jay Manalo nabiktima ng matinding sunburn

$
0
0

BINALAAN ng aktor na si Jay Manalo ang mga magulang sa matinding epekto ng sobrang init ngayon sa kanilang mga anak, lalo na ngayong summer season.

Ito’y matapos mabiktima ang kanyang anak na babae ng “sunburn” kung saan namaga pa ang pisngi at mga mata nito.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Jay ang before and after photo ng kanyang anak. Grabe ang tinamong sunog ng mukha ng bata. Kaya ang advice ng aktor dapat mas maging maingat ngayon lalo na kapag nabibilad sa araw.

“Kaya payo ko lang po ingatan po na ‘wag masyado maarawan ang mga anak n’yo ngayong summer… best time is 8 to 10 am and 3:30 pm onwards.

“Kahit gaano kadami ang sun block na i-apply n’yo po masyado na mapanakit ang araw, kahit sa mga adults. Ingat po.

“Thank you, Lord, for fast healing of my lovelove daughter,” caption ni Jay sa litrato ng kanyang anak.

Isang netizen naman ang nagsabi na baka raw na-allergy lang ang bagets sa ginamit na sunblock.

The post Anak ni Jay Manalo nabiktima ng matinding sunburn appeared first on Bandera.


Erik Matti na-shock sa akting ni Sharon sa Kuwaresma: Wow! Grabe siya umiyak!

$
0
0

ERIK MATTI AT SHARON CUNETA

NALOKA si direk Erik Matti sa working attitude ni Sharon Cuneta sa una nilang pagsasama sa horror movie na “Kuwaresma” under Reality Entertainment.

Bago ang take, chika-chika talaga si Shawie sa production staff na parang hindi pa handa sa kanyang eksena.

Pero pag nag-count down na ang director para sa take na, 3, 2, 1, pasok agad sa Megastar ang kanyang character niya.

Saad pa ng premyadong director, “‘Yung pag-iyak niya, parang gripo ang tears sa mata niya. At alam ni Sharon kung kailan niya patutuluin ang luha niya! Wow!”

Tinaguriang epic collaboration nina Sharon, John Arcilla (na gaganap bilang husband ni Mega sa movie) at Erik Matti ang “Kuwaresma.”

First horror movie rin ito ni Sharon and after ng biggest movie ng director na “Buy Bust” last year, tumodo talaga ang Reality Entertainment sa project na ito to give the public the scariest local film to date.

Eh, nang ilabas sa social media ang teaser ng “Kuwaresma”, pawang positibong komento mula sa netizens ang nabasa namin. Nag-promise din ang mga Sharonians na panonoorin nila ang “Kuwaresma”.

“I’m thrilled. Super excited and I can’t wait to watch #KUWARESMA,” comment ni Albert Chan Paran.

“Next horror film na panonoorin natin. Ha ha ha. Mas matindi ang direktor nito,” sabi naman ni Jose Angelo.

“The MULTI MEDIA MEGASTAR…never cease to amaze the Filipino audience. There is only ONE MEGASTAR – SHARON CUNETA – the last of her kind in Pinoy biz,” sabi ni JR Mendo.

“Grabe buong pamilya ko dadalhin ko talaga to watch that movie,” ayon naman kay Monching dela Vega.
Sa totoo lang, ibinuhos din ni Shawie ang buong puso niya sa movie lalo na’t una nila itong pagsasama ni direk Erik.

This is also special para kay Mega dahil first time nga siyang sasabak sa horror kaya siguradong magugulat ang manonood sa mga eksena niya.

Pagkarating na pagkarating sa kanyang US and Canada 40th Year Tour, akyat agad siya sa Baguio upang tapusin ang natitirang araw ng shooting.

Mother’s Day presentation ng Reality Entertaiment ang “Kuwaresma” at sa pelikula, ramdam na ramdam ang pagiging ina ni Shawie and she is at her best sa lahat ng kanyang eksena.

Sabi nga sa amin, halos lahat ng kanyang scenes sa movie ay puro highlights lalo na ‘yung may mga gulat factor.

Kagabi naman inilabas ang full trailer ng “Kuwaresma” na pinusuan agad ng maraming netizens.

The post Erik Matti na-shock sa akting ni Sharon sa Kuwaresma: Wow! Grabe siya umiyak! appeared first on Bandera.

John Lloyd wala pa ring balak bumalik sa pag-arte, gagawa lang ng commercial

$
0
0

JOHN LLOYD CRUZ

Kalat na kalat na nga ang balitang magbabalik na si John Lloyd Cruz sa showbiz na magsisimula sa isang endorsement para sa isang shawarma brand.

Dapat lang na samantalahin ng naturang food store ang ingay na nilikha ng unang paandar nila kung saan nasa isang poster si John Lloyd na tila may hinihintay.

At dahil mismong si papa Piolo Pascual na ang personal na nag-post sa kanyang Instagram account ng nasabing poster ay mas marami ang naniwala na magbabalik na sa limelight ang partner ni Ellen Adarna.

Pero ang tanong, ituluy-tuloy naman kaya ni Lloydie ang kanyang pagbabalik sa muling pag-arte o hanggang pag-e-endorse pa lang ang gusto niyang gawin sa ngayon? Siya lang ang makakasagot niyan.

Baka naman kasi tinanggap niya lang ang bago niyang endorsement para kumita uli dahil nga may anak na sila ni Ellen pero wala pa rin sa plano niya ang bumalik sa akting.

The post John Lloyd wala pa ring balak bumalik sa pag-arte, gagawa lang ng commercial appeared first on Bandera.

Text voting sa TNT ng Showtime inireklamo

$
0
0

Naloka naman kami sa ipinaabot na reaksyon ng aming mga kaibigan hinggil sa ongoing semifinal round ng Tawag Ng Tanghalan sa Showtime.

Lahat naman kasi ay may equal opportunity para makapasok sa grand finals, pero dahil mahalaga nga ang mga komento ng mga hurado, naaapektuhan siyempre ang voting preference ng publiko.

Nakakalamang na siyempre ‘yung may solid group kaya kahit medyo sumesemplang sila sa kanilang performance ay nahihila pa rin ito ng text votes.

Ang isyu nga lang ng mga nagtatakang netizens ay kung bakit kung sino pa raw ‘yung madalas na nabibigyan ng standing ovation o sobrang napupuri ng mga hurado dahil kakaiba ang galing at pang-grand finals na ang performance eh siya pang madalas malagay sa bottom list.

“Alangan namang one or two points lang ang inilalamang nila sa mga nasa top dahil kung titingnan ang results eh, masyadong malayo considering na 50/50 naman ang scores ng hurado at text votes?

“Bakit pa nag-aaksayang mag-standing ovation ang mga hurado sa magagaling na contestants at purihin sila nang wagas kung napupunta lang naman sila sa bottom?” ang nagtatakang tanong ng isang nakatutok lagi sa TNT.

The post Text voting sa TNT ng Showtime inireklamo appeared first on Bandera.

Ethel Booba: Ang mananalo sa eleksyon ay effective na sinungaling! Charot!

$
0
0

ETHEL BOOBA

Muli na namang pinatunayan ni Ethel Booba na she’s so witty in her latest post.

Ethel took a swipe at someone who believed na hindi kabilang ang honesty bilang isa sa mga criteria para sa aspiring senators.

“Ang politiko mangangako yan pero kapag nanalo hindi matutupad. Kaya tama naman di requirement ang pagiging honest dahil ang mananalo sa eleksyon ay ang effective na sinungaling. Charot!” tweet ni Ethel.

Her followers reacted and agreed on what she tweeted.

“Tama na naman po kayo madam Ethel.”

“Tinuturo sa school being honest po pero pag nasa politics na nagiging garapalan. Hays.”

“Di sila nangangako. Nanggagago ang mga hinayupak na yan.”

“This is one of the reasons why i love @IamEthylGabison Hahaha.”

The post Ethel Booba: Ang mananalo sa eleksyon ay effective na sinungaling! Charot! appeared first on Bandera.

Kris nanindigan para sa anak ni Duterte: Yes, may hugot yan!

$
0
0

KRIS AQUINO, RODRIGO AT KITTY DUTERTE

KRIS Something has a new paandar.

In her latest Instagram post, she defended the presidential daughter Kitty.

“This is an opinion coming from someone who has the RIGHT to give one, because she once lived the life of Kitty Duterte, except she only had her mom.

“1986-1992, i was 14 when people voted, 21 when my mom stepped down.

“I saw the part 2 of the video & i am a ’dilawan’ by virtue of birth, who is choosing to make a stand for the youngest Duterte offspring.

“LEAVE KITTY ALONE. She isn’t an adult. She is not fair game. She will only be turning 15 this April (relied on google, so hopefully accurate)… connecting the money trail to Ms. Honeylet, using ’veronica salvador’ was too WEIRD, primarily because WALANG NANAY na gagamitin ang pangalan ng kanyang nagiisang anak para malagay ang bata sa kapahamakan.

“Nagsalita ako kasi kung may pinaglalaban, hindi tama na gagamitin ang bata to prove a point. We adults have enough sins, let ’s spare the kids? Yes may HUGOT yan. Kasi too many times ko nang naranasan ma bully ang mga anak ko, eh kung bunso na nga ni presidente Duterte pwedeng magamit sa video, paano pa yung mga ibang bata? God bless us with more wisdom to know better & do better for our children.

“This wasn’t about politics, regardless that Kris Aquino is posting about Ms. Honeylet & Kitty Duterte.

Tungkol ito sa pagiging DISENTE at sa pag RESPETO sa mga KARAPATAN ng mga menor de edad, na dahil sa pulitika nalilimutan na. God bless the country i love.”

While her ardent followers believed what she articulated, there are those who felt she was making sawsaw sa issue. In short, she was nagpapapansin.

“Akala ko ba mananahimik ka na? Umeeksena ka na naman! Wag mong agawan ng papel ang bata.

Kayang ipagtanggol ng nanay nya ang anak nya! Intindihin mo yung mga anak mo. #eksenapa more,” wailed one guy.

“I agree with you. First of all Kris Aquino should not compare herself to Kitty Duterte. Very much far different especially the upbringing. Leave her alone Kris they don’t need your two cents advice. These people people are smart enough to defend themselves, and please please STOP na from being condescending.

“Ayusin mo muna yung problema mo mentally and emotionally pwede? Wag kana sumakay sa bandwagon ng politics, dyan ka nalang sa Japan. mas bagay sayo ang tahimik vaka sakali magain mo ulit respeto ng mga tao,” mahabang aria naman ng isang fan.

The post Kris nanindigan para sa anak ni Duterte: Yes, may hugot yan! appeared first on Bandera.

GMA writer bugbog-sarado na naman sa bashers: Ang dami mong reklamo!

$
0
0

SUZETTE DOCTOLERO

Napikon si Aling Suzette, GMA writer, sa isang comment ng isang fan.

“I am so sorry po to offend you, but isn’t it immature to not accept na may magki criticize ng script ng show or ng show as a whole? I think it will be better to hear from viewers for improvement, kasi hindi naman po lahat ng nanonood ay iisa ang criticism sa napapanood nila.”

“Pwede ka mag critic. Di kita sinasaway. Pwede mong sabihin ang lahat. Inawat ba kita? Inaway? Hindi. I’m too old for that. Ang dali din naman mag judge lalo na kung walang alam sa soap,” came Suzette’s reply.

Ayun, na-bash nang husto ang GMA writer.

“Sa dami kong kilalang Writer si Suzette lang ang puro reklamo paawa at ang daming satsat sa mga nagawa nyang serye. Samantala sa ABS quiet lang sila kung alam nilang di patok quit agad di nag mamakaawa. Di kasi tumatanggap ng pagkatalo itong si TABA.”

“Karma is real!! Bute nga sayo. High budgeted teleserye pero tinalo lang ng barilan.”

“Naku! Suzette Doctolero kahit ano ano na lang sinasabi mo sa sobrang kayabangan mo yung sinulat mo na serye flop may pasabi kapang punta na kayo sa bagong adobo ang ending flop ang adobo.”

The post GMA writer bugbog-sarado na naman sa bashers: Ang dami mong reklamo! appeared first on Bandera.

Sam Milby may death threat dahil sa Halik; dapat daw pahirapan bago mamatay

$
0
0

SAM MILBY

PAGOD na pagod pala si Sam Milby sa karakter niya bilang si Ace Corpuz sa teleseryeng Halik. Effort talaga ang aktor para maging believable ang kanyang acting.

Ito ang kuwento sa amin ng handler ni Sam na si Caress Caballero ng Cornerstone. Napag-usapan nilang araw-araw na ang taping nila ng Halik at gustung-gusto raw ng netizens na mamatay siya sa ending dahil sobrang sama ng karakter niya. Magsama raw sila ni Yam Concepcion bilang si Jade.

“Sabi ko nga kay Sam, ‘Sorry Sam love kita pero ang sama mo sa Halik kaya gusto ko pahirapan ka muna bago ka mamatay.’ Hayun tawa nang tawa,” kuwento sa amin ni Caress.

Nababasa naman lahat ni Sam ang mga komento ng netizens sa kanya at ang pinakamatindi ay nakakatanggap na siya ng death threat. Hindi raw niya alam kung paano nalaman ng bashers ang personal number niya.

Tinanong namin kung anong reaksyon ng aktor, “Wala, kibit balikat lang siya. Hindi niya pinansin pero di ba birthmate parang nakakatakot naman na may banta sa buhay niya dahil sa role niya sa Halik?” sabi ng nag-aalalang handler.

E, kasi nga nadadala na rin siguro ang mga nanonood sa sobrang kasamaan ni Ace kaya dapat ay may bawi sa karakter niya sa ending ng serye ngayong Abril.

Maging si Yam pala ay nakakatanggap ng hindi magagandang salita mula sa netizens at pati mga TFC subscribers ay apektado rin kina Ace at Jade.

Samantala, magkakaroon ng concert si Sam kasama sina Jericho Rosales at Yen Santos sa ibang bansa na may titulong “Acoustic Hearthtrobs: 2019 Concert Tour” produced ng Musique Mix.

Gaganapin ito sa tatlong lugar sa Canada: Toronto Pavilion sa May 3; South Pointe Community Center Edmonton, May 4; at Burton Cummings Theater Winnipeg, May 5.

Anyway, pagkatapos ng Halik ay diretso bakasyon si Sam sa Amerika kung saan doon na rin siya magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Mayo 23. Babalik ng Pilipinas ang aktor sa Hulyo 11.

“Kailangan daw niyang mag-recharge nang bonggang-bongga birthmate kasi nasagad siya sa Halik,” say ni Caress.

Sabi namin, sana ang next project ni Sam ay bida kontrabida ulit ang role niya dahil mas bagay sa kanya kumpara sa pa-good boy.

“Sana nga birthmate. Saka si Sam mature na, marunong ng magtipid,” natawang sabi ng handler ng binata.

Dati-rati raw kasi ay mahilig sa gadgets ang binata na kung anong latest model ng cellphone ay mayroon siya, ngayon daw ay hindi na at nakikinig na kapag pinagsasabihang magtipid.

As of now ay wala pa ring girlfriend si Sam at hindi na siya naghahanap, wait na lang daw ang binata sa tamang panahon.

Anyway pagbalik ni Sam sa Hulyo ay aasikasuhin na niya ang bagong single niya sa album niyang “Sam: 12” mula sa Star Music.

“Hindi masyadong na-promote ni Sam ang album niya kasi naging busy na siya sa Halik. Siyempre mas inuna niya ang serye. ‘Yun lang kailangang mag-double time siya sa promo ng next single niya,” saad pa ni Caress.

The post Sam Milby may death threat dahil sa Halik; dapat daw pahirapan bago mamatay appeared first on Bandera.


Relasyong JM-Ria aprubado kay Sylvia Sanchez

$
0
0

RIA ATAYDE AT JM DE GUZMAN

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay kasalukuyang nasa Hong Kong si JM de Guzman para sa isang show at planong manood ng concert na hindi binanggit sa amin kung sino.

Pero babalik naman siya sa Lunes o Martes para sa premiere night ng pelikula nila ni Arci Muñoz na “Last Fool Show” mula sa Star Cinema at N2 Productions.

May nagkuwento sa amin na “Ma” pinaikling mama ang tawag ni JM kay Sylvia Sanchez dahil siguro mag-ina ang role nila sa teleseryeng Project Kapalaran mula sa RSB unit.

Base pa sa sa nakikitang samahan nina JM at Sylvia sa set ng serye ay masaya at laging nagbibiruan ang dalawa lalo’t hihirit pa si Arci (leading lady ng aktor sa serye) ng kung anu-ano.

“Parang ibinuking yata ni Arci si JM kay tita Sylvia na nanliligaw siya kay Ria (Atayde) kaya alam na ng mom ni Ria na nanliligaw siya. Parang sabi ni tita Sylvia, ‘Wala akong problema sa yo (JM).’ Hindi ko na narinig ‘yung ibang sinabi,” kuwento ng aming source.

Parang boto naman si Ibyang kay JM para kay Ria. At mukhang okay naman din sa dalaga ang panliligaw ng aktor dahil napapangiti siya kapag natatanong namin tungkol dito.

Anyway, abangan ang “Last Fool Show” sa Abril 10, sa mga sinehan nationwide.

The post Relasyong JM-Ria aprubado kay Sylvia Sanchez appeared first on Bandera.

Kris pinayuhan ang loyal fan na naka- graduate na sa college at umaming ‘adik’

$
0
0

 

KRIS AQUINO AT GLADICE BELARMINO

SINAGOT ni Kris Aquino ang mahabang Facebook post ng isa niyang loyal fan na naka-graduate na sa college ngayong taon at umamin ding isa siyang “adik”.

Sa isang mahabang Facebook post, ibinandera ni Gladys kung paano niya ginawang inspirasyon ang Social Media Queen para magsumikap sa buhay at makapagtapos ng pag-aaral. Narito ang ilang bahagi ng kanyang “graduation speech”.“

“Love ko si Kris.

“Mga katagang minsan pilit ko mang binabago pero hindi ko mabago. Hindi ganon kadali alisin ang bagay na nakasanayan ko na. Simula bata palang ako ay adik na ako. Hindi adik sa drugs, kondi adik kay Kris Aquino. Sa mga nakakilala sa akin simula Elementary hanggang ngayon, alam nila na lagi kong bukang bibig ang pangalan niya, pero hindi naging madali saakin ang pagiging diehard fan.

“Bata palang ako ay sinubok na ko ng tadhana. Ikaw ba naman ang lumaki sa probinsiya (Camambugan Balasan, Iloilo), na gustohin ko man siya makita noon ay hindi ko magawa. Pangalawa ang magulang ko, dati talagang pinatitigil na nila ako sa kahibangan ko. Sabi nila pag bumaba daw ang mga grades ko sa kakanuod ng TV dahil kay Kris Aquino ay patitigilin nila ako sa pag aaral ko.

“Sa takot ko na baka pati ang munting paraan na masilayan ko ang kanyang muka sa TV ay ipagkait din nila saakin, ginawa ko nag aral nalang ako ng mabuti. Pinatunayan ko sa mga magulang ko na hindi mangyayari yon, na hindi masamang halimbawa sakin si Kris.

“Marami akong natanggap na mga parangal pero bunga ito ng pagtitiyaga ko at pagsusumikap dahil naniniwala ako na tulad ng laging sinasabi ni kris na kahit nasa kanya na ang lahat dapat magsumikap sa buhay. Na hindi ka makikilala dahil sa apelyidong dala dala mo, kondi sa mga bagay na alam mong ikaw ang may gawa. Alam ng mga magulang ko na si kris ang taong nagpapasaya saakin.

“Sabi nila pang MMK na daw yong dinanas kong pagsubok bago nakita si madam Kris, pero yong maging officially member ng fans club niya ay napakalaking blessing saakin. Yong nagkaroon ako ng chance na makita siya at makausap.

“Lutang man ako lagi pag kaharap siya pero ayon siguro ang epekto pag sobrang hinahangaan mo yong isang tao, na parang pagkaharap ko siya eh parang kaharap kona din ang tinaguriang goddess of beauty na si Venus.

“Madam inaalay kopo hindi lang sa mga magulang ko kondi pati po sayo yong ang mga achievements kopo sa buhay. Madam consistent Deans Lister po ako. Gusto kopo malaman mona ang pagiging adik kopo sayo ay may naidudulot na mabuti. Sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, sa lahat ng pambabatikos sayo. May taong kahit umulan bumagyo man hinding hindi ka sinukoan. Mahal kita Mommy K.

Ito naman ang open letter ni Kris para sa kanya.

“Dear Gladys,

“Your achievement is yours and it so generous to share it with me… kaya mong SOLO ipagmalaki ang pagiging masipag mo.

“But i implore you- enjoy your youth. and your health… singleminded ang focus ko- to succeed- BUT now I realize ang daming BONDING namin ng mom that i missed out on because i needed to prove my professionalism.

“You are allowed to HAVE FUN. You should make time for your family. And it is so heartwarming to know you wanted to work for me.

“But you love me, a little too much. Ikaw masasaktan sa bashing nung trolls. Spare yourself that. May i quote a J Lo song?

“I guess i found my way

“It’s simple when it’s right

“Feeling lucky just to be here tonight

“And happy just to be me and be… ALIVE.”

Thank you for this #lovekosikris post because the truth is i myself find it hard to love me.”

The post Kris pinayuhan ang loyal fan na naka- graduate na sa college at umaming ‘adik’ appeared first on Bandera.

Tekla 4 na buwan tumira sa kalye: Akala ko patapon na buhay ko

$
0
0

BOOBAY AT TEKLA

Speaking of Tekla, alam n’yo ba na bago niya narating ang tinatamasang tagumpay ngayon ay napakaraming pagsubok muna ang kanyang pinagdaanan at hinarap.

Isa na riyan ang apat na buwan niyang pagtira sa kalsada. Ikinuwento ni Tekla ang tungkol dito sa panayam sa kanya ng digital show ng GMA na Kapuso ArtisTambayan.

“‘Yun ‘yung total ground zero, kasi I had a serious depression. Napakabigat na depression at hindi ko siya kinaya. Wala akong circle of friends na puwedeng mapuntahan. Pariwara, parang ganu’n.

“Naramdaman ko dati na parang wala ng hope. Pero sabi ko, if you’re really true, ’yung nasa taas, prove it.

“And then may instrument na ibinigay Siya sa akin, isang tao na maghe-help sa akin para malampasan ko lahat ng mga challenges sa buhay. Dahil sa kanya, nabigyan ulit ako ng chance to stand up, para mabago ang takbo ng buhay ko,” pahayag ni Tekla.

Nagpayo din siya sa mga taong madaling sumuko sa mga pagsubok, “Huwag kayong mawawalan ng pag-asa, kasi nandiyan lang Siya. Just hold on, lalo na kung may talent ka. ‘Yang talento mo, ‘yan ang magbibitbit sa ‘yo sa tagumpay. Kaya laban lang laban.”

Bukod sa TBATS, mapapanood na very soon ang launching movie ni Tekla na “Kiko en Lala” under GMA Films kung saan makakasama niya sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Kiray, Jo Berry at marami pang iba.

The post Tekla 4 na buwan tumira sa kalye: Akala ko patapon na buhay ko appeared first on Bandera.

Migo, Ivan may aaminin sa TBATS; Rocco nabiktima ng yaya

$
0
0

MIGO ADECER, IVAN DORSCHNER AT ROCCO NACINO

MAS paiinitin ng trending comic duo na sina Boobay at Super Tekla ang summer season sa isa na namang nakaka-good vibes na episode this Sunday ng The Boobay And Tekla Show.

Tutukan ang unang paglantad ng controversial Kapuso young actor na si Migo Adecer matapos masangkot sa hit and run case kamakailan.

Abangan ang kanyang kuwento tungkol sa hinaharap na kontrobersya at kung bakit nga ba nangyari ang hindi dapat mangyari.

Aside from Migo, makikipagkulitan din sa TBATS ang mga Kapuso hunk na sina Gil Cuerva at Ivan Dorschner sa sexy and naughty Q&A segment na “Feeling the Blank.”

A different kind of fun awaits Boobay and Tekla as they visit a grade school to chat with precocious kids who will answer thought-provoking MOS questions.

Sa “Pranking In Tandem,” makikipagsabwatan ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino kina Boobay at Teka sa paghahanap ng bagong “yaya”. Kayanin kaya ni Rocco ang pag-iinterview sa kanilang mga biktima?

Isang sulat naman mula sa isang 88 taong gulang na lalaki ang tampok sa “Dear Boobay and Tekla.” Ano ang ipapayo ng mga host ng TBATS sa kanilang letter sender na umaming bading pala.

Panoorin lahat yan sa isa na namang nakakabaliw at nakaka-good vibes na episode ng The Boobay And Tekla Show ngayong gabi sa GMA after Kapuso Mo, Jessica Soho.

The post Migo, Ivan may aaminin sa TBATS; Rocco nabiktima ng yaya appeared first on Bandera.

Actor-politician utang nang utang pero hindi nagbabayad, hinahanting ng nabiktimang aktres

$
0
0

SA isang malaking golf tournament ay pinagpistahan ang mga utang ng isang actor-politician na matagal na niyang hindi nababayaran.

Matagal sa kanyang posisyon ang male personality, pero inalat siya kaya nawala sa puwesto, ngayon ay nakikipagsuntukan na naman siya sa buwan sa pag-asang makababalik pa siya.

Kuwento ng isang source, “Ewan naman kung saan niya dinala ang mga milyones na inutang niya sa mga kaibigan at kakilala niya. Lahat na lang yata ng makilala niya, e, inuutangan na niya agad-agad!

“Meron siyang drama na may ipinagawa siyang project sa lugar na siya ang pinakaulo, pero napakatagal daw lumabas ng budget, kaya siya na muna ang mag-aabono.

“Natural, naniniwala naman sa kanya ang mga kausap niya! Agad siyang pinauutang na babayaran din daw niya agad kapag lumabas na ang budget para sa lugar nila.

“Ang masakit lang, e, matagal na palang lumabas ang budget para sa project na ipinagagawa kuno niya, pero hindi niya naman bi-nabayaran ang mga pinagkakautangan niya!

“Natunaw na niya ang datung, kung saan niya ‘yun dinala, e, siya lang ang nakakaalam, pero hanggang ngayon, e, utang pa rin!” simulang kuwento ng a-ming impormante.

Ang grupo ng mister ng isang female personality ay pinagkakautangan din ng actor-politician.

Hiyang-hiya ang asawa ng aktres sa kanyang mga kaibigan dahil ito ang naging daan para pautangin ng kanyang grupo ang male personality.

“Yayamanin ang husband ng female personality, may grupo siyang super-yaman din, kaya nu’ng lumapit sa kanya si actor-politician, e, sinamahan pa niya sa pangungutang.

“Pero pagkatapos niyang makuha ang datung, e, ni hindi na niya kinumusta man lang ang husband ng aktres. Deadma na siya, tinatawagan siya ng mister ng female personality, pero talagang pipi at bingi na siya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bitbit pa naman niya ang sikat na sikat na pangalan ng mga pulitiko! Para kasi siyang butiki na kapit nang kapit sa pader, kaya ayun, nu’ng lumagpak siya, e, pagkadiin-diin!” pagtatapos ng aming source.

The post Actor-politician utang nang utang pero hindi nagbabayad, hinahanting ng nabiktimang aktres appeared first on Bandera.

Viewing all 44592 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>