Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44643 articles
Browse latest View live

Rico may itinanong sa anak bago pumanaw

$
0
0

RICO J. PUNO

FOREVER naming maaalala si Coriks o Rico J. Puno bilang personalidad na nagregalo ng unang aircon sa amin way back in 1989.

Magkasama kami noon sa isang bonggang show (pre-Valentine show for Mata ng Bayan Foundation) na ipinrodyus ng isa sa mga mentors namin sa showbiz, ang yumao na ring si Ate Luds (Inday Badiday).

Kulay-lupa kasi kami noong mga time na madalas kaming gawing “ghost singer” ng noo’y mga bagets stars (nu’ng takot pa silang mag-live at in na in ang pagli-lip sync). Sa isa naming recording session, inaalaska na niya ang kaitiman namin kaya’t nag-pramis siya na kapag naging successful ang aming show, bibigyan niya kami ng aircon unit dahil nakakatulong daw yun magpakinis at magpaputi ng kutis.

“Totoong OPM na birthday gift ko sa iyo, pero ibalik mo rin sa birthday ko,” ang pang-aalaska pa niya sa amin dahil pareho kaming February-born (12 ako, 13 naman siya). Back then, ang ideya lang namin ng OPM ay Original Pilipino Music, at hindi yung “Oh, Promise Me” na sinasabi kapag may ipinapangako kang something sa kausap mo.

Tinupad niya ang kanyang pangako dahil a few days after the show, ipinadala niya ang aircon sa opisina noon nina Ate Luds sa Tomas Morato (Loca-Lobo Productions) na may simpleng birthday note na, “Para pumusyaw naman ang balat mo at iba na lang ibalik mo na pa-birthday ko.”

Since then and until 2015 nu’ng maging guest siya sa isa naming show sa Manila ay hindi na namin mabilang kung ilang beses na niya kaming pinatawa at inokray, kasama na ang isyu sa aming lovelife. Yung running joke niya sa amin na okey lang kaltasan pa namin ang TF niya basta raw may mapasaya kaming “menchu” (read: lalaki) ay siguradong mami-miss namin.

Ang dami-dami pa naming puwedeng ikuwento to describe Rico J, his being a generous person, kind and loving at maalaga sa mga katrabaho.

Kanyang-kanya lang ang lisensya ng pagiging “naughty” o “bastos pero maginoo” lalo na kapag nasa entablado. And to his co-workers and friends, siya lang din ang may lakas ng loob na okrayin ang mga personalidad na may samaan ng loob o “silent war”, na either nauuwi sa mas malalang away o kaya’y pagbabati.

Kapag napapanood natin sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime si Coriks bilang hurado, madalas na laman ng biruan ang kanyang lagay at kalusugan, pero hindi siya kailanman na-offend o na-hurt, sa katunayan nagagawa pa rin niya itong katatawanan na bentang-benta sa manonood.

Hay, nakakalungkot lang talaga na sa edad na 65 ay hindi na kinaya ng sistema ng katawan ni Coriks ang kayang mga sakit (heart problem at diabetes).

Kuwento nga ng anak niyang si Tosca sa interview ng ABS-CBN, “Alam niyo po ba noong nandoon kami sa St. Luke’s, you know what his question was? ‘Kailan ‘yong station ID shoot?'”

“Sabi ko, ‘Pa, malayo pa ‘yon, we have time to rest. Alam mo, papa, rest ka muna. Malayo pa ‘yon, palakas ka muna.’ He loves music, he loves performing. Kahit bawalan mo, sige, try niyo lang ho,” dagdag pa ni Tosca.

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang showbiz industry dahil sa pagkawala ng isa na namang icon na masasabing isang tunay na alagad ng sining, a total entertainer, an OPM Legend and a true friend. Von voyage to eternal Peace Coriks. We love you!

The post Rico may itinanong sa anak bago pumanaw appeared first on Bandera.


‘Kumasa agad si Alessandra sa aming hamon!’

$
0
0

ALESSANDRA DE ROSSI

Sumusumpa si Alessandra de Rossi na iba ang excitement na kanyang naranasan while filming her latest movie “Through Night And Day” sa Iceland opposite Paolo Contis.

Bukod kasi sa kanya ang may konsepto at nagsulat ng kuwento, never daw niyang naisip na mas mapapaganda pa ni direk Veronica Velasco ang noo’y mga nasa imahinasyon lang niya.

Kilala naming mataray at prangka si Alex kaya’t hinamon namin siya na kapag pumalpak sa standard namin ang sinasabi niyang excitement, talagang ookrayin namin siya.

“Gooooo! Ayaw kong mag-promise, pero kapag totoo naman ang sinasabi ko, dapat namang mag-times five or more ang mabibitbit mo sa sinehan,” sagot nito sa amin.

Okey, come Nov. 14, malalaman natin kung ano ang mangyayari! Ha-hahahaha!

Mula sa Viva Films, ang pelikulang ito nina Alex at Paolo na isang isang romance-drama na punumpuno rin ng hugot.

The post ‘Kumasa agad si Alessandra sa aming hamon!’ appeared first on Bandera.

‘Cesar hubo’t hubad video challenge’ viral na; Buboy hinamon ng mga beki

$
0
0

CESAR MONTANO

MAGMULA nang lumabas ang video greeting ni Cesar Montano habang may tila nude lady sa kanyang likod ay nagkalat na ang mga memes ngayon sa social media.

Kung sinu-sinong commoner ang gumawa ng sarili nilang memes and most of them involves a nude guy na willing magpakita ng hubad na likod.

There was one guy we saw sa Facebook na gumaya kay Cesar. Sa likod niya, isang guy na napakataba ang biglang umapir na naka-tuwalya. He went to the kusina para maghugas yata ng pinagkainan niya and then tinanggal niya ang kanyang tuwalya. Kitang-kita tuloy ang hubad niyang likod.

May isa namang guy na gumaya rin kay Cesar. This time around, while he’s greeting someone, biglang lumabas ang isang guy at binuksan ang refrigerator. Hubad din ang guy na may cover lang ng isang malaking tela. Ang nakakaloka, tumuwad-tuwad pa ang naked guy.

‘Yung isang lalaki naman, may post sa Twitter ng video greeting habang ang nasa likod niyang lalaki ay bagong ligo. Naghahanap ito ng masusuot na damit at hubo’t hubad ito. Katuwa rin ang reactions ng netizens.

“Ang daming Cesar M. Challenge sa FB!”

“Yung yuko yuko ang nagdala!”

“Tapos na ang challenge, may nanalo na! Hahahaha.”

Hanggang kailan kaya matatapos ang Cesar Montano challenge na ito? May hamon nga pala ang mga beki sa aktor: sana raw sa next video siya na ang nakahubo’t hubad para mas happy daw!

The post ‘Cesar hubo’t hubad video challenge’ viral na; Buboy hinamon ng mga beki appeared first on Bandera.

Jackpot: Marcelito Pomoy ipakikilala ni Ellen kay Celine Dion

$
0
0

MARCELITO POMOY AT CELINE DION

Kay suwerte naman ni Marcelito Pomoy.
Bukod sa nakapag-guest siya sa show ni Ellen DeGeneres, may isa pang surprise gift sa kanya.

After Marcelito sang “The Prayer” ay kinanta din niya ang “Beauty And the Beast” theme song na parehong kinanta ni Celine Dion.

After his performance, ito ang sinabi sa kanya ni Ellen, “You love Celine Dion. She’s my friend and I called Celine, told her about you. She wants to meet you. So you gonna go to Vegas, you gonna see her show.”

Siyempre pa’y tuwang-tuwa ang singer.

“It’s good for Marcelito Pomoy to get invited to a show like Ellen also to get invited to by Celine Dion so he can show what he can do as a singer. And that will inspire more people. As a Filipino I am proud,” one fan said.

The post Jackpot: Marcelito Pomoy ipakikilala ni Ellen kay Celine Dion appeared first on Bandera.

John Vic de Guzman babu muna sa voleyball, kakaririn ang showbiz

$
0
0

JOHN VIC DE GUZMAN

Tuloy na talaga ang pag-aartista ni John Vic de Guzman na kasama sa “Class Of 2018” na pinagbibidahan nina Nash Aguas and Sharlene San Pedro.

Volleyball player si John Vic at part siya ng National Team. Una siyang lumabas sa horror film na “Seklusyon.”

“Last year naka-graduate na ako ng Human Resource Management. ‘Yung passion ko sa volleyball nandoon pa rin siya,” say niya.

Does he feel na nalilinya siya sa horror kasi suspense-thriller din ang “Class Of 2018”?

“Actually, nagkataon lang. ‘Yun ang sinasabi ko sa iba’t ibang production na nakakausap naming, na kung anuman ang role ay tatanggapin ko. I think matuto naman ako sa experience ko.

Playing Jamir, isa si John Vic sa sa pinaka-bully sa mga lalaki sa naturang movie.

Now that he finished his course, gusto na ni John Vic na magpakaseryoso sa acting, “Hindi naman habang buhay ay malakas tayo para mag-volleyball. Kailangan po tayo mag-explore saka mag-try ng iba’t ibang puwedeng maging hanap-buhay para in the future ay hindi ako mahirapan,” he explained.

When asked kung ano ang natutunan niya while shooting “Class Of 2018”, “Siguro kung paano mo disiplinahin ang sarili mo. Noong time na nagsu-shooting kami ay medyo mahirap, eh. Mahirap ang fight scene so kailangan hindi ka masyadong aggressive kasi baka makasakit ka.

“Naging maingat po ako pero ako naman ‘yung nasaktan. Pero part naman po ‘yun ng shooting talaga,” dagdag pa ni John Vic.

The post John Vic de Guzman babu muna sa voleyball, kakaririn ang showbiz appeared first on Bandera.

Tumbok Karera Tips, November 04, 2018 (@SANTA ANA PARK)

$
0
0

Race 1 : PATOK – (6) Pride Of Laguna; TUMBOK – (4) Viva Morena; LONGSHOT – (2) Certain To Win/Garantisado
Race 2 : PATOK – (4) Rico Mambo; TUMBOK – (1) Extravagant Woman; LONGSHOT – (8) Alberto
Race 3 : PATOK – (6) Coup D’ Etat; TUMBOK – (4) Money For Tony; LONGSHOT – (3) Huckleberry
Race 4 : PATOK – (2) Goldsmith; TUMBOK – (5) Smell My Tail; LONGSHOT – (9) Niccole Girl
Race 5 : PATOK – (1) Ava’s Dream; TUMBOK – (2) What An Offer; LONGSHOT – (3) Shadow Of The Sun
Race 6 : PATOK – (8) Oasis; TUMBOK – (5) Great Britain; LONGSHOT – (13) Watermania
Race 7 : PATOK – (3) Lakan; TUMBOK – (1) Son Also Rises; LONGSHOT – (4) Brennero
Race 8 : PATOK – (3) Ace Up; TUMBOK – (9) Ilove Jane; LONGSHOT – (7) Melody’s Diamond
Race 9 : PATOK – (5) Brilliance/Hitting Spree; TUMBOK – (2) Sky Dancer/Tin Drum; LONGSHOT -(8) Pangalusian Island
Race 10 : PATOK – (3) You Are My Hero/Minotaur; TUMBOK – (2) Buckingham Palace/Hard Work Classic; LONGSHOT – (7) Hello Junior
Race 11 : PATOK – (4) Salt And Pepper; TUMBOK – (1) Kanlaon; LONGSHOT – (6) Mandatum
Race 12 : PATOK – (6) Eagle Nest; TUMBOK – (1) Windy Star; LONGSHOT – (3) Nabighani/Smash Consolidator

The post Tumbok Karera Tips, November 04, 2018 (@SANTA ANA PARK) appeared first on Bandera.

Andi waging best actress sa 8th Int’l Film Festival Manhattan

$
0
0

ANDI EIGENMANN

Sana ipalabas ulit sa mga sinehan ang pelikulang “The Maid In London” ni Andi Eigenmann para naman malaman at ma-appreciate ng mga kababayan natin kung bakit siya nanalong Best Actress sa katatapos lang na 8th International Film Festival Manhattan.

Pinanood namin ang trailer nito sa YouTube at ilegal pala ang pagpunta niya ng London dahil TNT o tago ng tago ang karakter niya bilang kasambahay. Asawa niya sa movie si Matt Evans na bukod sa sariling pamilya ay binubuhay din ang mga magulang kaya kinailangan niyang mangibang-bansa.

Hindi nagtagal sa mga sinehan ang pelikula ni Andi dahil walang masyadong nanood. Kahit kami ay walang ideya tungkol dito.

Anyway, mukhang nawiwili yata si Andi sa karakter na kasambahay dahil ito rin ang papel niya sa suspense-horror film na “All Souls Night” na palabas na ngayon sa mga sinehan mula sa Viva Films at Aliud Entertainment.

Ayon sa takilyera ng Gateway Cinema ay, “Okey-okey naman po,” ang pasok ng tao nang magbukas ito nitong Okt. 31. Kaya siguro “okey-okey” ay dahil nasanay ang mga takilyera na puno lagi ang mga sinehan nu’ng ipalabas ang “The Hows Of Us” at “Exes Baggage” na hanggang ngayon ay palabas pa rin.

Abala kasi ang mga tao sa paggunita ng Araw ng mga Patay kaya feeling namin ay hahataw ang “All Souls Night” ngayong weekend na idinirek nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.

Napanood na namin ang pelikula at talagang napapatakip kami ng mata kapag kakaiba na ang tunog dahil tiyak na may mangyayaring kakila-kilabot na sasabayan pa ng sigawan ng mga nasa sinehan.

The post Andi waging best actress sa 8th Int’l Film Festival Manhattan appeared first on Bandera.

Coco may hiniling kay Lord para sa ika-37 kaarawan

$
0
0

COCO MARTIN

 

HINDI na para sa kanyang sarili ang birthday wish ng Teleserye King na si Coco Martin ngayong taon. Nagdiwang ng ika-37 taong kaarawan ang aktor last Nov. 1.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Coco ng mensahe ng pasasalamat sa Diyos sa lahat ng natatanggap niyang blessings at sa lahat ng mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Isang selfie photo ang ipinost niya sa IG na may caption na, “Maraming salamat Panginoon sa pagmamahal mo sa ’kin. Salamat din sa lahat ng tao na binigay mo sa buhay ko upang maging daan para matupad ko ang pangarap ko na mabigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya ko.

“Ngayon, sana mas gamitin mo pa ako upang maibalik ko naman sa aking kapwa ang lahat ng blessing na pinagkaloob ninyo sa ‘kin.

“Salamat sa 37 years na buhay na pinagkaloob mo sa ’kin, isang napakagandang paglalakbay… mahal na mahal ko po kayo!” ayon pa sa award-winning actor.

Last Wednesday, binigyan siya ng birthday surprise ng Dreamscape Entertainment at ng mga kasamahan niya sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Bumaha rin ng birthday greeting and wishes sa social media para kay Coco.

The post Coco may hiniling kay Lord para sa ika-37 kaarawan appeared first on Bandera.


‘Sana’y makadalaw sa burol ang anak ni Rico Puno sa dating singer…’

$
0
0

RICO PUNO

Sa pagpanaw ng Total Entertainer na si Rico J. Puno ay naalala namin ang dating singer na si Christine Love. Naging magkarelasyon sila nang matagal na panahon at nagkaroon sila ng isang anak na babae na magaling ding kumanta.

Madalas lumapit sa amin nu’n si Christine Love para maipaabot namin kay Rico ang kanyang mga hinaing. Sustento para sa kanilang anak ang habol ng singer, mag-isa lang kasi niyang itinataguyod ang kanilang anak ni Koriks, dalagita na ngayon ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

At magaling kumanta ang dalagita, meron kasi itong pagmamanahan, biritera si Christine Love at magaling namang performer ang kanyang ama.

May plano silang manirahan na nu’n sa Australia, ang ina ni Christine ang tumutulong sa kanila, ilang taon na rin kaming walang balita tungkol sa mag-ina.

Naiiyak nga si Christine habang ipinapapanood niya sa amin ang ini-record niyang pagkanta ng anak nila ni Rico. Hindi maikakailang anak ng yumaong singer ang dalagita, plakado ang kanilang itsura, konting-konting katangian lang ang nakuha nito kay Christine Love.

Ayon sa singer ay nawalan na sila ng komunikasyon ni Rico, nagpunta pa nga siya nu’n sa munisipyo ng Makati para sadyain si Rico sa opisina nito, pero mukhang hindi sila nagkita ng singer-konsehal.

Harinawang makadalaw ang mag-ina sa burol ni Rico J. Puno. Kahit sa pinakahuling sandali man lang sana ay makita ng dalagita ang kanyang ama.

The post ‘Sana’y makadalaw sa burol ang anak ni Rico Puno sa dating singer…’ appeared first on Bandera.

2 traydor na aktor-politiko mamalasin sa Eleksyon 2019

$
0
0

KUNG para sa mga botanteng Pinoy ay may kalayuan pa ang eleksiyon, para sa mga pulitikong may inaasintang posisyon ay ilang tulog at gising na lang ang halalan, kaya kailangan na nilang magdobol time.

Kani-kanyang pabanguhan na sila ngayon, puro magaganda at pampogi points ang ipinakikita nila sa kanilang mga nasasakupan, panalo ang kanilang kailangan.

May dalawang aktor-pulitikong masidhi na ang pag-iikot ngayon, pinakamataas na posisyon kasi sa kanilang lugar ang gusto nilang masungkit, pero mukhang magluluksa sila sa eleksiyon.

Kuwento ng aming source, “Mismo! Nagkukumahog na sila ngayon sa paghahanap ng pondo, hindi sila makagagalaw kung wala silang gasolina, kaya kung sinu-sino nang madadatung ang nililigawan nila ngayon.

“Si Actor-Politician A, mismong kamay ng nagpalang pulitiko sa kanya ang kinakagat niya ngayon. Marami siyang pinalulutang na kasiraan ng pulitikong nag-alaga sa kanya.

“Spoiled siya sa politician na ‘yun, parang anak na ang turing sa kanya, pero nagawa pa rin niyang baligtarin. Sinisiraan niya ang parang tatay na niya, kakalabanin pa niya sa darating na eleksiyon,” unang chika ng aming impormante.

Si Actor-Politician B naman ay ganu’n din ang karakas ayon sa kanyang mga kababayan. Inalagaan din siya ng kanyang itinuturing nang tatay pero kakalabanin niya pa rin.

Patuloy ng aming source, “‘Yung isang ‘yun naman, kauupo pa lang niya nu’n, e, hindi kagandahan ang image niya pagdating sa pagkakaperahan. Wala siyang pinagbibigyan, lahat, katalo para sa kanya.

“Maraming galit sa actor-politician na ‘yun dahil may kaangasan siya, ang feeling niya, e, alam na niya ang lahat-lahat, samantalang nakakagat-kuko nga lang siya kapag tinatanong tungkol sa malalalim na isyu sa kanilang bayan.

“Ngayon pa lang, e, may mga nagsasabi nang magluluksa sila sa darating na election. Kailangan na nilang paghandaan ang pagkabigo, dahil hindi na sila makahihirit pa uli sa mga botante nila.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang mga aktor-pulitikong ito. Kababayan mo pa, Bradly, ang isa sa dalawang ito,” madiing bagsak ng aming source.

The post 2 traydor na aktor-politiko mamalasin sa Eleksyon 2019 appeared first on Bandera.

Cesar walang kadala-dala, gumawa uli ng video greeting para kay Igan

$
0
0

CESAR MONTANO

Hindi pa rin nadala ang aktor na si Cesar Montano na gumawa ng video na bumabati sa kaarawan ng isang tao.

‘Yung huli niyang video message para sa isang barangay kagawad eh naging viral dahil na rin sa photobomber na nasa likod niya, na tila isang hubo’t hubad na babae, huh!

Sa birthday message naman niya para sa kaibigang si Arnold Clavio, hinaluan ng biro ng aktor ang kanyang mensahe. Saad niya, wala ng background na babae sa video!

Hanggang ngayon, nahihiwagahan pa rin ang nakapanood sa viral video kung sino ang misteryosong babae sa background dahil tikom pa rin ang bibig ni Cesar kung zino ziya!

Pati nga si Bela Padilla ay nadawit na sa kontrobersyal na video ni Cesar. Mariing itinanggi ng aktres na siya ang babae sa video bilang tugon sa komento ng isang netizen.

Naku, annulled na ang kasal ni Cesar kay Sunshine Cruz kaya malaya na siyang makipaglandian sa ibang gurl, huh! Kaya walang issue kung bakit may hubo’t hubad na babae sa bahay niya.

The post Cesar walang kadala-dala, gumawa uli ng video greeting para kay Igan appeared first on Bandera.

Kyline bawal pang magbilad ng katawan sa beach

$
0
0

KYLINE ALCANTARA

KUMAWALA muna sa mundo ng showbiz si Kyline Alcantara. Sa Instagram pictures niya, makikitang nasa isang resort siya sa Batangas at ninanamnam ang ganda ng kalikasan.

‘Yun nga lang, hanggang sleeveless shirt at shorts ang kanyang suot. Nganga ang followers niyang masilip ang kurbada ng kanyang katawan, huh!

Naku, baka mabambo ng tatay niya si Kyline dahil hindi pa siya lisensiyadong magsuot at ipakita ang kanyang beach bod! Eh, in fairness, marami pa rin nag-likes sa post niya kahit kaunting skin lang ang ipinakita niya.

Sa susunod niyang series sa GMA, ang Inagaw Na Bituin, ang award-winning young actress na si Therese Malvar naman ang makakabangga niya.

Samantala, habang hindi pa umeere ang kanyang serye, naipakikita naman ni Kyline ang kanyang singing prowess sa Kapuso Sunday show na Studio 7.

The post Kyline bawal pang magbilad ng katawan sa beach appeared first on Bandera.

Bikini photo ni Heart patok sa socmed, mga barako inggit kay Chiz

$
0
0

HEART EVANGELISTA

Seksing-seksi naman si Heart Evangelista sa latest bikini photo niya sa Instagram na humamig ng libu-libong likes mula sa mga netizens.

Sa isang beach din nag-spend ng long weekend ang Kapuso actress kasama si Sen. Chiz Escudero at iba pang members ng family. Aniya sa caption ng isang IG photo, “Listening to my husband as he reads to me. These are the simple moments that I treasure dearly.”

Sa kanyang bikini photo naman ito ang caption ni Heart, “All smiles on this sunny, sunny day.” Ang daming humanga sa kaseksihan ni Heart at marami ngang nainggit kay Sen. Chiz.

The post Bikini photo ni Heart patok sa socmed, mga barako inggit kay Chiz appeared first on Bandera.

JM niligawan noon si Angelica; umaming takot nang ma-in love

$
0
0

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

INAMIN ni JM de Guzman na pinormahan niya noon si Angelica Panganiban. Nagkasama sila noon sa blockbuster hugot movie na “That Thing Called Tadhana” na naging simula rin ng kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay JM, naging super close sila ni Angelica pero hindi umabot sa seryosong relasyon. Sa presscon kamakailan ng bago niyang movie, ang “Kung Paano Siya Nawala” kasama si Rhian Ramos, natanong kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Angelica.

“Anong totoo sa friendship namin? Hindi kami nagkarelasyon ni Angelica. Naging close kami. Very close friends. Hindi ko alam eh. Ha-hahahaha! Special friend.

“Parang pumorma (ako) ng konti. Gumanu’n ng konti. It’s something din kasi na hindi ko pa muna, and alam ko siya rin, and marami sa amin na hindi pina-prioritize muna siguro (ang lovelife) kasi nagtitipid ako ng energy at pina-prioritize ko ‘yung dapat kong pagtuunan ng pansin,” paliwanag ng aktor.

Dagdag pa ni JM, parang hindi pa ito ang tamang panahon para magseryoso uli sa lovelife, “Still a scary thing for me, love. Alam ko kung ano ang puwede niyang gawin sa akin. Positive or negative. It’s something na hindi ko dapat minamadali.”

Para sa mga fans nina JM at Angelica, abangan n’yo ang reunion movie nila after the success of their 2015 movie “That Thing Called Tadhana,” na ididirek uli ni Antoinette Jadaone.

“Parang may inaayos pa sa story. Hindi ko alam kung ang plano ni direk Tonette kung part two talaga pero parang may plano siyang gawin kami na bago,” chika pa ni JM nang makausap ng media after ng presscon ng “Kung Paano Siya Nawala”.

Samantala, speaking of “Kung Paano Siya Nawala” pareho raw inatake ng nerbiyos sina JM at Rhian habang kinukunan ang love scene nila sa movie na idinirek ni Joel Ruiz at showing na sa Nov. 14.

Kuwento ni Rhian, “Itong movie na ‘to talaga, masasabi kong ibinigay ko na lahat. Wala akong itinira rito.

‘Yung tungkol sa intimate scenes, awkward pa rin. And aware naman ako na pareho kaming nervous no’n. And we were just honest about it na parang, ‘Kakahiya ‘to.’ We were just talking on the side na parang, ‘Nakakahiya ‘to’ or whatever.

“But I guess because of that, alam namin na we were both going through the same thing. Walang lamang dito. Okay tayo,” chika pa ni Rhian.

Kuwento ni Rhian about the movie, “Kung Paano Siya Nawala tells the story of Lio (JM), a quiet and withdrawn young man who finds it difficult to connect with other people due to his face blindness, a cognitive disorder characterized by an inability to recognize faces.

“Pero biglang magbabago ang buhay niya when he falls in love with Shana, my character who is a free-spirited girl who has secrets of her own,” sey pa ng Kapuso actress.

The post JM niligawan noon si Angelica; umaming takot nang ma-in love appeared first on Bandera.

Fans ni Maine nagwala sa galit, kontra sa pagpasok ni Alden sa Daddy’s Gurl

$
0
0

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

Nagwala ang fans ni Maine Something nang maiba raw ang episode na ipalalabas sa sitcom nito with Vic Sotto.

“Bakit ka praning at negative? Change of plans lang — sabotage agad? San galing? Chill ka lang. Okay? Puso mo, teh,” sagot ng director na si Chris Martinez.

Ang basa namin, ipapasok si Alden Something sa show, bagay na pinalagan ng avid fans ni Maine.

“Change of plans na isiksik ang ex ka loveteam? Na baguhin ang story ng naaayun sa kagustuhan ng GMA? Isakripisyo ang magandang takbo ng show para ma accommodate ang talentless no comedic timing na alaga ng network? Tsk tsk! Sayang ang naumpisahan ganda na sana.”

“ANYARE? Wag kang papayag Bossing sa plano ng GMA!”

“Grabe kayo 4th episode pa lang sabotage kaagad how come naiba sa last na preview!!! Have some consistency! Have some balls Direk don’t let other forces ruin the flow of the story.”

“Praning na kung praning mga Maine fans! Nasa euphoria pa kami dahil nagkaroon ng solo show si @mainedcm away from that toxic ka LT then all of a sudden merong pagbabago! Yabang ng mga anaynatics ni @aldenrichards02 na 3yrs ang TS nya, then FLOP isisingit nyo ke Maine. MAHIYA NAMAN KAYO.”

“Ako rin. Sori Maine pero sa lahat ng endorsements at solo events and projects mo all out support. Sakit sa puso na makita si Alden. Balik tanaw na naman sa mga ginawa niya sayo. Kadiri na ang pakilig ni A.”

“I hope na hindi nag change of plans kc ireserve ang mga suitors sabay pasok sa eksena ang Alden na yan. No epal user sa Daddys Gurl ever if possible.”

Grabe ang galit ng fans ni Maine kay Alden, ‘no? Parang diring-diri sila sa actor. Ano ba ang matinding inaayawan nila kay Alden?

We could only surmise na galit sila kasi hindi pa rin nililigawan ni Alden si Maine. Eh, sa hindi type ni Alden ang Pambansang Yaya, may magagawa ba kayo? Isa pa, hindi ang tipo ni Maine ang type ni Alden. Ano ba? Magising nga kayo?

The post Fans ni Maine nagwala sa galit, kontra sa pagpasok ni Alden sa Daddy’s Gurl appeared first on Bandera.


Kim dinalaw ng namayapang ina sa pamamagitan ng paru-paro

$
0
0

KIM CHIU

May kakaibang experience si Kim Chiu nang dumalaw siya sa puntod ng kanyang inang namayapa na.
Kim observed na may maliit na paru-parong nasa puntod ng kanyang ina.
“Since last night while we were preparing for today the moth was here inside mamas place, i know it was her, when we arrived here today she’s still there same place, stayed for a while and she finally left…
“Your loved ones may leave physically, but in our hearts and spirit they are still with us!!!? Thank you mama, love you so much!!!”
That was her caption sa short video niya which captured the moth that she felt was her mom.
Marami ang natuwang fans ni Kim dahil hindi niya nakakalimutang bisitahin ang kanyang namayapang ina.
“Kimmy! You’re such a terrific daughter! Your mom should be proud of you. Never ending love to your family!”
“Kaya you have lots of blessing cuz you’re so humble, nice personality in and out, and lagi hindi nakakalimot sa mga mahal sa buhay.”
“True. They’re always in our hearts eventhough they’re already in the better place with everlasting peace. From time to time i still cry whenever i can remember my father in-law. I don’t know how to move forward without crying time pag maalala ko po sya.”

The post Kim dinalaw ng namayapang ina sa pamamagitan ng paru-paro appeared first on Bandera.

INQUIRER BANDERA VISAYAS NOVEMBER 5, 2018

Maine, Arjo nag-date raw sa Bali, Indonesia; sigaw ng AlDub fans ‘fake news’ na naman

$
0
0

NAGLABU-labo ang fans sa lumabas na chikang nag-date sa Bali, Indonesia sina Maine Something at Arjo Atayde.
May kumalat kasing photo na magkasana ang dalawa kaya naman nataranta na naman ang AlDub fans.
Pero maagap ang fans ni Maine na todo-deny na magkasama sina Arjo at Maine sa Bali.
“Labo ng mata mo. sa shoulder pa lang wala na. Mother mo bantayan mo baka kasama ni Arjo.”
“Masyado namang mataba yung braso ni Meng. Sure ka si Meng yan? Pwede paharapin mo para sure. Kakaloka makagawa lang ng hanash noh.”
“Hmmm, si Maine nga kaya yun? BTW makikita nyo ang picture sa socmed account ni itchydeim @amsolivagant.”
“What is wrong boy if si Meng and Arjo yan. Single sila pareho, kasi kayo gumagawa kayo ng imahinasyon may relasyon sina Alden and Maine. Ayan tuloy.”
“Natatawa ako sa mga taga Bali. Nagbalita mali naman. Asan na yung nakakita sa kanya kaninang 4 to 5 am sa airport papuntang Bali?”
‘Yan ang hanash ng mga fans.
Anyway, may mga nagsabi naman na nasa Hong Kong si Maine matapos kumalat ang photo na kuha niya with a male fan.
“Check the time on Maine’s watch, it’s 2:50 (not sure if am or pm) it means wala sya sa flight to Bali (if am) kasi you should be inside the plane an hour before take off. Pero check Alden’s watch, ganda noh?” said one fan of Maine.
“She’s in HK as posted by a fan and ang ganda ng panerai. Hahaha,” said another fan.

The post Maine, Arjo nag-date raw sa Bali, Indonesia; sigaw ng AlDub fans ‘fake news’ na naman appeared first on Bandera.

Kalat na: Lotlot ayaw ng beach wedding dahil sa mangyari kina Ate Guy at Boyet

$
0
0

BUSY na si Lotlot de Leon para sa nalalapit na kasal niya sa Lebanese busineman na si Fadi El Soury sa Batangas next month. Taliwas sa bali-balita na isang beach wedding ang magaganap, not true. But instead, it’s a garden wedding.
Hindi siguro feel ni Lotlot gayahin ang beach wedding ng kanyang mga magulang na sina Nora Aunor at Christopher de Leon na alam naman ng lahat ang kinahinatnan.
Kinumpirma rin ng aming source na ang exact date ng wedding nina Lotlot and Fadi is on Dec. 17, Monday.
Six years nang magkarelasyon sina Lotlot at Fadi. We heard kasundo raw ni Fadi ang biological dad ni Lotlot at ang kanyang kinalakihang ama na si Boyet.
Not true rin ang tsika na hindi imbitado ni Lotlot ang kanyang Mama Guy at Papa Boyet. Very intimate raw kasi ang wedding kaya ang mga anak lang daw ni Lotlot from her previous marriage kay Ramon Christopher ang imbitado.
Ang tanong, siputin naman kaya ni Nora ang wedding ni Lotlot? Sa wedding kasi ni Ian nagpasabi raw si Nora na nagbibihis na. Pero natapos ang kasal, walang Ate Guy na dumating.
Parang kailan lang nu’ng masaksihan namin ang “controversial” wedding nina Lotlot at Monching sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan noong March 27, 1989.
Feel na feel ang tension sa okasyon between the Superstar at ang ina ni Monching and Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. But they both remained civil kaya nairaos nang maayos ang wedding.
Feeling din namin that time, ipit na ipit sina Lotlot at Monching at walang magawa sa kung ano ang kalalabasan ng wedding nila. Para tuloy sila ang bisita sa sarili nilang kasal.
So, this time sure kami na si Lotlot ang punong-abala sa lahat and every single detail sa kasal ay galing sa kanya.

The post Kalat na: Lotlot ayaw ng beach wedding dahil sa mangyari kina Ate Guy at Boyet appeared first on Bandera.

Bakit hindi ‘ginalaw’ ni hunk actor ang 2 ex-GF na aktres?

$
0
0

ISANG gabi ay nagkita sa isang showbiz party ang dalawang female personalities na nakarelasyon ng isang guwapo at sikat na aktor. Nagkahiyaan pa sila nu’ng una pero nang mamagitan ang isang common friend nila ay nabasag na ang katahimikan.
Una siyempre ang pagkukumustahan tungkol sa kanilang mga personal na buhay. Ang isa ay may asawa na at ang isa naman ay nakikipagrelasyon lang pero hindi na uli nagpakasal.
Meron silang common denominator na hindi nila puwedeng ipagkaila. Naging boyfriend nila sa magkaibang panahon ang isang sikat at guwapong aktor.
Mas naunang nakarelasyon ni Actress A ang guwapong hunk actor. Pagkatapos nang ilang taon ay si Actress B naman ang naging girlfriend nito.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng gabing nagkita sila, du’n nila pinagkuwentuhan ang past nila, du’n nila pinagtawanan ang pinagdaanan nila.
“Ang nakakaloka, e, magkapareho pala ang dalawang aktres na nirespeto ng ex-boyfriend nila. Nag-compare notes kasi ang dalawang babae kung nagtangka ba ang guy na lumipad sila sa alapaap ng kaligayahan.
“Pareho silang umiling nang pagkalakas-lakas, ‘yung halos mapigtas na ang ulo nila sa sobrang pag-iling. Nakakaloka!” simulang chika ng aming impormante.
Mas madalas na nagkakasama nu’n ang guwapong hunk actor at si Actress A, maraming shows ng kanilang istasyon ang pinagsamahan nila, samantalang si Actress B ay minsan lang nitong nakakasama sa isang musical variety show.
Patuloy ng aming source, “Sa tagal nilang naging magkarelasyon, e, wala man lang nangyari sa kanila? Hanggang dinner date lang sila, hanggang sa panonood lang ng sine, hanggang du’n lang!
“Mas matindi naman si Actress B, ni hindi pala siya dinalaw sa house ng guy, hanggang backstage lang ng show ang communication nila.
“Nainip na sa paghihintay si Actress A, nag-asawa na siya, si Actress B naman, nakipag-fling na sa isa nilang kasamahan sa show.
“Ang tanong, kapag ganu’ng wala naman palang nangyari man lang sa guwapo at sikat na hunk actor at sa mga ex niya, e, ano ang ibig sabihin nu’n?
“Pakisagot nga, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Pakisagot, please!” pagtatapos ng aming source

The post Bakit hindi ‘ginalaw’ ni hunk actor ang 2 ex-GF na aktres? appeared first on Bandera.

Viewing all 44643 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>