Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44568 articles
Browse latest View live

Madonna, dyowang boxer na si Josh Popper naghiwalay na, anyare?

$
0
0
Madonna, dyowang boxer na si Josh Popper naghiwalay na, anyare?

PHOTO: Instagram/@_joshpopper

NAG-BREAK na ang iconic pop star na si Madonna at ang boyfriend niyang boxer na si Josh Popper.

Ang dahilan, sobrang busy kasi ng batikang singer dulot ng kanyang “The Celebration Tour,” ayon sa report ng The Sun.

“Madonna has barely seen Josh for months because her schedule was so hectic. Things just fizzled out,” sey ng British tabloid newspaper na base sa sinabi ng kanilang source.

Nilinaw rin sa ulat na nanatiling magkaibigan ang dalawa.

“There is genuinely no bad blood—they’re still fond of each other,” wika ng newspaper.

Baka Bet Mo: Manila Luzon proud maging guest sa concert ni Madonna: ‘My supreme idol!’

Dagdag pa ng insider, “At the moment their relationship doesn’t feel feasible and they’ve cooled things off, but they are staying friends.”

As of this writing, wala pang opisyal na pahayag sina Madonna at Josh upang kumpirmahin ito.

Para sa kaalaman ng marami, unang nagkakilala ang mang-aawit at ang boksingero habang tine-training ni Josh ang anak ni Madonna na si David Banda sa isang boxing gym.

February 2023 nang ibandera ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Instagram.

Ilang buwan ang nakalipas, tila naging malapit na rin ang boxer sa pamilya ni Madonna kung saan ilang beses siyang nakasama sa family gatherings.

Kabilang na riyan ang Portugal trip upang ipagdiwang ang kaarawan ng pop star.

Present din si Josh sa “Celebration Tour” ng veteran singer na ginanap sa Brooklyn noong Disyembre ng nakaraang taon.

Samantala, ang concert tour ni Madonna ay nagsimula noong Oktubre last year at kakatapos lang nitong buwan ng Mayo.

Kung matatandaan, naudlot ang nasabing pagtatanghal ng mang-aawit matapos ma-confine sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa “serious bacterial infection.”

Ang nabanggit na concert tour ay originally naka-schedule ng Hulyo, pero ito ay itinuloy na lamang noong Oktubre.

Ang “Madonna: The Celebration Tour” ay ang pagdiriwang ng kanyang music career sa loob ng apat na dekada.

The post Madonna, dyowang boxer na si Josh Popper naghiwalay na, anyare? appeared first on Bandera.


Bea Gomez wish sumabak sa ‘action’ movie, maka-eksena si Jean Garcia

$
0
0
Bea Gomez wish sumabak sa ‘action’ movie, maka-eksena si Jean Garcia

PHOTO: Instagram/@beatriceluigigmz

MAY panibagong hamon sa karera si Beatrice Gomez, ang Miss Universe 2021 Top 5 finalist!

Mula kasi sa pagiging beauty queen, papasukin na rin niya ang mundo ng showbiz industry.

“My branding has been limited to being a beauty queen. But I’m here to show everyone that I have so much more to offer, and that I’m always willing to learn,” chika niya sa INQUIRER sa isang interview.

Sey pa niya, “I have competed in one of the top contests in pageantry, so I believe it’s time for me to explore other fields.”

Base sa official artist card ng beauty queen, ang kanyang pangalan ay ginawa nang “Bea Gomez.”

Baka Bet Mo: Bea Gomez tinuksu-tukso kay Miss Armenia: ‘Sige iuwi mo nang sabay ang korona at lovelife!’

Isa siya sa 40 talents na prinisinta ng GMA Sparkle Artist Center sa nakaraang event ng “Signed for Stardom.”

Nang tanungin si Bea kung anong klase ng mga pelikula ang nais niyang gawin.

Ayon sa kanya, isang dream come true kung magkakaroon siya ng action movie.

“If I were to choose a genre, it would be action, because I’m a Navy reservist and an athlete,” sagot niya sa panayam.

Bukod diyan, open din daw siyang gumawa ng romantic projects at mabigyan ng ka-love team.

Ngunit may isang bagay lang daw siyang wino-worry pagdating diyan, “People always say that if you’re a beauty queen, it can be hard to be in a love team because you need to find someone taller! But if there’s someone, why not?”

“I’m open to different experiences and roles. I’m programmed to take on challenges,” wika pa ni Bea.

Kung sakali naman daw na bibigyan siya ng drama, ang isa sa bucket list niya ay makatrabaho ang batikang aktres na si Jean Garcia.

“I once saw her in an event in Capiz. I thought it would be a dream to do a scene with her. I have yet to meet her personally. But I grew up watching her shows,” kwento niya.

Ani pa niya, “The possibility of meeting her at GMA 7, or maybe even working with her, excites me.”

Bilang beauty queen, si Bea ay kilala sa pagiging mahinhin at poised, pero ngayong sasabak siya sa entertainment industry asahan na ipapakita naman daw niya ang kanyang pagiging kalog.

“I’m very kalog outside pageantry, where you have to be prim and proper,” sambit ni Bea na ngayon ay abala sa acting at public speaking workshops.

Patuloy niya, “We also do that for pageants. But here, it’s different. It’s not about performance, but being relatable. It’s about being natural, but at the same time, being entertaining and engaging.”

Aniya pa, “The more people relate to you, the more they engage with you … the purer the interactions become. I want them to see that I can also be a sister and a friend.”

The post Bea Gomez wish sumabak sa ‘action’ movie, maka-eksena si Jean Garcia appeared first on Bandera.

Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon?

$
0
0

Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon?

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga Marites ang mga litrato nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na kuha raw sa South Korea.

Base sa mga naglabasang litrato sa social media, spotted ang dalawang Kapamilya stars na namamasyal sa Myeong-dong, na isang kilalang shopping destination sa South Korea.

Unang ipinost ng isang netizen sa kanyang Facebook page ngayong araw, May 26, ang mga litrato nina Richard at Barbie na may nakasulat na, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji).”

Sa mismong comments section naman ng kanyang FB post, ikinuwento ng uploader ang pagpapa-selfie niya kay Barbie. Aniya, hindi raw siya nakapagpa-picture kasama si Richard dahil bawal daw silang makunang magkasama.

“Gusto ko din Sana magpapic ky Boy. Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..(napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila),” sey ng netizen.

Baka Bet Mo: Pagtawag ni Annabelle ng bruha kay Sarah, pagboto kay Barbie fake news!

Patuloy na kuwento ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko.

“Ksma din pla si mama nya (anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko.

“(Life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife).

“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie),” sabi pa ng netizen na ang tinutukoy ay ang mga batikang showbiz columnist na sina Nanay Cristy Fermin Ogie Diaz.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang official statement sina Richard at Barbie tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Baka naman namasyal sila sa Korea as “friends” lang at nilalagyan lang ng malisya ng mga Marites. Ha-hahaha!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama sina Richard at Barbie. Matatandaang spotted din sila together sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City, noong January 6, 2024.

Samantala, sa isang panayam ay dedma lang ang estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati tungkol sa pagli-link sa aktor at kay Barbie.

Sa presscon ng teleserye ni Sarah sa TV5 ba “Lumuhod Ka Sa Lupa” last April 2, natanong ang aktres tungkol kina Richard at Barbie. Ang tanging sagot lang niya ay, “No reaction. NR.”

Kayo dear BANDERA readers, ano’ng feeling n’yo, magdyowa na ba sina Richard at Barbie? O, baka naman NR din kayo?

The post Richard, Barbie spotted na magkasama sa Korea, ano bang tunay na relasyon? appeared first on Bandera.

Eddie Murphy muling bibida sa bagong ‘Beverly Hills Cop’ after 30 years

$
0
0
Eddie Murphy muling bibida sa bagong ‘Beverly Hills Cop’ after 30 years

PHOTO: Screengrab courtesy of Netflix

MULING sasabak sa aksyon at magbibigay-aliw ang Hollywood actor and comedian na si Eddie Murphy!

Makalipas kasi ang tatlong dekada, magbabalik ang kanyang karakter sa latest installment ng “Beverly Hills Cop” franchise.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA readers, muli niyang gagampanan ang role bilang si Detective Axel Foley para sa upcoming sequel na pinamagatang “Beverly Hills Cop: Axel F” na nakatakdang ipalabas sa Netflix sa darating na July 3.

Sa pasilip, mapapanood ang ilang intense action scenes ni Eddie, kabilang na riyan ang pag-drive niya ng helicopter, ang eksenang high-speed car chase, pati na rin ang pagmamaneho niya ng snowplow.

Ipinakita rin na may bago na siyang partner sa action film.

Baka Bet Mo: Pinoy actors Martin Sarreal, Jimbo Bradwell pasok sa ‘Bridgerton’ Season 3

Siya si Detective Bobby Abbott na pinagbibidahan ng sikat na American actor na si Joseph Gordon-Levitt.

“Detective Axel Foley (Eddie Murphy) is back on the beat in Beverly Hills,” sey sa synopsis na inilabas ng video streaming service.

Kwento pa, “After his daughter’s life is threatened, she (Taylour Paige) and Foley team up with a new partner (Joseph Gordon-Levitt) and old pals Billy Rosewood (Judge Reinhold) and John Taggart (John Ashton) to turn up the heat and uncover a conspiracy.”

Kung matatandaan, noong 1984 nang unang ipinalabas ang “Beverly Hills Cop” na umiikot ang kwento sa isang Detroit detective na naging pasaway at nagtungo sa southern California upang kusang lutasin ang pagpasalang sa kanyang childhood friend na ginampanan noon ng American actor na si James Russo.

Ang Hollywood comedian din ang bumida sa Axel in Beverly Hills Cop II noong 1987 at “Beverly Hills Cop III noong 1994.

Ang inaabangang pelikula na ito ni Eddie ay ang huling installment ng nasabing franchise.

Sa isang interview, inamin ng aktor na nahirapan siya sa pagganap dito dahil siya’y may edad na.

“It was a hard one. I did Axel Foley when I was in my 20s. I am not in my 20s anymore,” chika niya. 

Ani pa ni Eddie, “It was an action movie. So it was a rough one. But we got through it.”

The post Eddie Murphy muling bibida sa bagong ‘Beverly Hills Cop’ after 30 years appeared first on Bandera.

Bwelta ni Diwata sa bashers: Mga inggitera…lumalaban ako nang patas!

$
0
0
Bwelta ni Diwata sa bashers: Mga inggitera...lumalaban ako nang patas!

Diwata, Boss Toyo at Rosmar Tan at ang mga organizer ng VapeFest

PARA sa internet sensation at tinaguriang “Pares Diva” na si Diwata, inggitera lang daw ang mga bashers sa social media.

Hindi na masyadong iniitindi at pinapatulan ng sikat na sikat na may-ari ng Paresan Overload ang mga taong patuloy na naninira at nangnenega sa kanya at sa kanyang negosyo.

Nakausap namin si Diwata kahapon, sa naganap na event ng Shift, isa sa mga original at nangungunang vape brand sa bansa, kung saan isa siya sa mga kilalang influencer na napiling celebrity ambassador.

Tinanong namin si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, na napapanood na rin ngayon sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, kung ano ang gusto niyang ipaabot na mensahe sa kanyang mga haters.

“Sa lahat ng bashers, may pagkakataon pa para magbago at makaahon din sa buhay, di ba?

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

“Hindi lang sana yung pamba-bash ang nasa isip, dapat isipin din kung paano gaganda at giginhawa ang buhay,” simulang pahayag ni Diwata.

Patuloy pa niya, “Kasi, ano bang rason kung bakit n’yo bina-bash ang isang tao na wala naman sigurong ginagawang masama sa inyo. Una, hindi naman yata kayo napeperwisyo, pangalawa hindi naman kayo inagrabyado.

“So, walang rason para i-bash n’yo ang tao. Ngayon kung naiinggit kayo, at kung yun lang ang dahilan, magsikap na lang din, di ba? Para makaangat din sa buhay. So, yun lang,” dugtong pa niya.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Pero ako naman, hindi ako nagpapaapekto sa mga bashers, kasi bakit naman ako magpapaapekto e, wala namang maitutulong yan sa buhay ko na maganda. So, dedma na lang sa mga basher.

“Nagbabasa rin ako ng mga comments sa social media pero scroll lang ako. Kapag alam kong bashing delete, block. Bakit ko pa sila iintindihin sa dami ko nang iniisip, lalo ka lang mai-stress.

“Tsaka sinasabi ko lagi, bakit ako magpapaapekto sa bashers, e wala namang maidudulot yan sa sarili ko na maganda.

“Saka hindi ko sila inaagrabyado at pineperwisyo, gumagawa naman ako nang tama, lumalaban ako nang patas, bakit ko pa sila iintindihin?” esplika pa ni Diwata.

Hirit pa niya, “Ako tingin ko talaga, yung mga basher mga inggit, mga inggitera, mga negative people. Basta tayo, du’n na lang tayo sa positive.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, bukod kay Diwata, dumalo rin sa kauna-unahang VapeFest ng Shift at ng Chillax sa Metrowalk Tent Convention Center sa Pasig City ang ilan pang kilalang influencers at vloggers, kabilang na sina Boss Toyo, Sazchna Laparan at Rosmar Tan.

In fairness, pununpuno ang venue kaya naman masasabing super successful ang paandar at pasabog ng first-ever VapeFest sa Manila. Naki-sing and dance rin ang mga invited guests sa pa-concert ng Agsunta at ilang P-pop groups.

Mas napuno pa ng sigawan at palakpakan ang MetroTent nang magpa-raffle ang organizers ng mga motor at isang mamahaling brand new car.

Siyempre, tuwang-tuwa si Mr. Eugene Chua, CEO ng Shift International, pati na rin sina Ben Xu, CEO ng Chillax at Celine Cheung, Global Product Marketing Manager ng Chillax dahil sa success ng kanilang event.

The post Bwelta ni Diwata sa bashers: Mga inggitera…lumalaban ako nang patas! appeared first on Bandera.

Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan?

$
0
0
Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALAPIT na ang homecoming concert ng iconic singer-songwriter na si Kitchie Nadal!

Excited na ba ang maraming fans diyan?

Siguradong pure nostalgia, throwback memories at trip down to memory lane ang babandera sa “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” na mangyayari sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa darating na June 2.

Noong May 23, nagkaroon ng press conference ang batikang singer at inamin niyang nasasabik na rin siya sa kanyang upcoming show kaya todo ang paghahanda nila ng kanyang banda para rito.

Baka Bet Mo: Barbie, Aia, Acel, Monty ka-join sa anniversary concert ni Kitchie Nadal

“We’re focusing on the anniversary concert, so hindi rin kami masyadong naggi-gig…for our concert, just expect that we’ll be performing songs from the first album to the last release of our song and I will be sharing the stage with my friends from the music industry,” pagbubunyag niya.

rebelasyon pa niya, “‘Yung iba sa kanila, mga ka-batch ko, may iba din na mga new generation.”

Nakachikahan din ng BANDERA si Kitchie at nausisa namin kung sino-sino pa ang mga guest performers niya maliban sa nauna niyang inanunsyo na sina Barbie Almalbis, Aia de Leon, Lougee Basabas, Hannah Romawac, Acel Bisa, at Monty Macalino ng bandang Mayonnaise.

“Sige sabihin ko [na]–si Jarlo [Base] and Keiko Necesario. Mga young ones,” sagot niya sa amin.

Nang tanungin naman namin siya kung manonood din ba ang buong pamilya niya, ang sabi niya sa amin: “Actually no. Just my mom…and [my] siblings [will] also [be] there.”

At bilang nabanggit nga niya sa presscon na mga old songs ang kanyang kakantahin sa concert, naging curious kami kung ano ba ang favorite song niya mula sa kanyang releases.

Para kay Kitchie, ito ang kantang “Bulong.”

“Kasi I feel like ‘yung message ‘nun is still encouraging and I feel like na ‘yun ang gusto ko pa rin na message ko for myself and for other people,” paliwanag niya.

Tila sinulit na rin ng singer ang pagharap niya sa entertainment press at nagkaroon pa siya ng exclusive music show bilang pa-sample para sa anniversary show.

Maliban sa “Bulong,” kinanta niya sa harap ng piling media ang mga iconic songs niya kagaya ng “Huwag na Huwag Mong Sasabihin” at “Para Lang Sayo.”

Ang tickets para sa “SAME GROUND” concert ay mabibili sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide, pati sa kanilang website.

Ang presyo sa show ni Kitchie ay nagkakahalaga mula P1,200 hanggang P4,000.

The post Kitchie Nadal excited na sa anniversary concert, ano ba ang aabangan? appeared first on Bandera.

Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

$
0
0
Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi?

Crissa Liaging at Philmar Alipayo

NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang video ng isang content creator kung saan kausap niya ang asawa ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang viral video ng TikTok content creator na si Crissa Liaging dahil sa pag-uusap nila ni Philmar nang magkita sila kamakailan sa isla ng Siargao.

Baka Bet Mo: Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Mapapanood sa naturang video si Crissa na malapitang nakikipagchikahan sa asawa ni Andi. Sa isang bahagi ng TikTok video ay makikitang topless si Philmar at itinaas pa ang dalawang kamay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Tila may itinatanong si Crissa sa champion surfer base sa takbo ng kanilang pag-uusap. Ang nakalagay na caption sa video ay, “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Pero tinanggal din ni Crissa ang video sa kanyang TikTok account matapos itong makakuha ng milyun-milyong views. Ilang sandali pa ang lumipas ay ni-reupload niya uli ito na may kaparehong caption.

Maririnig naman sa background music ang kantang “Weak” ng American R&B vocal trio na SWV.

Mababasa rin dito ang tanong ng isang netizen na, “abakit dinelete yung video with Philmar?”

Komento ng isang netizen, “Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi.”

Baka Bet Mo: Andi, Philmar enjoy na enjoy sa kanilang date sa Manila, first time na hindi kasama ang mga anak

Nakiusap naman kay Philmar ang isa pang nag-comment, “Pls don’t break Andi’s heart, as a married woman selos tlga ko kung Asawa ko Yan baka naisako ko na.”

Sabi naman ng isa “Don’t you dare seduce him!!!!!! He is living peacefully with his family.”

Narito naman ang laman ng isa pang post ni Crissa, “Ayaw ninyo butangi ug issue ang pag storya namong philmar wala rata ka kumingking sa ka gwapa ni andi! (Translation: Huwag niyong lagyan ng isyu ang pag-uusap namin ni philmar wala ako sa kalingkingan ng ganda ni andi).”

Sa isa naman niyang Facebook post, makikita ang pag-share ng isang page tungkol sa viral video nila ni Philmar. Aniya sa caption, “DILI NA LNG KO MAKIG STORYA ANI! (Translation: Hindi na lang ako makikipag-usap!).”


Matatandaang sinagot na ni Andi ang mga tsismis na may matindi raw silang problema ni Philmar sa kanilang relasyon na nauwi nga umano sa hiwalayan.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Andi ng selfie nila ni Philmar na may caption na, “Kami pa naman.”

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Andi at Philmar hinggil sa isyung ito pati na rin sa viral video ni Crissa.

The post Video ni Philmar na may kasamang girl nilagyan ng malisya, knows ni Andi? appeared first on Bandera.

Ogie, Regine nakakaramdam ng ‘banta’ sa mga baguhan, batang singer?

$
0
0
Ogie, Regine nakakaramdam ba ng 'banta' sa mga baguhan, batang singer?

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

AMINADO ang celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na may mga pagkakataon na naiisip nila ang “paglipas” ng kanilang showbiz career.

Lalo na raw ang Asia’s Songbird na nag-aalala rin tungkol pagkakaroon ng mga bago, bata at magagaling na singer sa panahon ngayon.

Baka Bet Mo: Pabidang netizen supalpal kay Regine: ‘Wait, ano bang akala mo sa asawa ko si SpiderMan?’

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong nga si Ogie kung nakakaramdam din sila ng “banta” sa kanilang career na tumatagal ng ilang dekada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binalikan din ni Tito Boy ang sinabi ni Regine sa isang interview na, “hindi ko na panahon” o lumipas na ang kanyang kasikatan bilang singer at aktres.

Sabi ni Ogie, “Always. Araw-araw namin ‘yang pinag-uusapan, at araw-araw kaming nagkakaroon ng maraming realization.

“Una, minsan kasi nahuhuli ko siya na pinanonood niya ‘yung videos niya noong bata pa siya. Tapos sasabihin niya sa akin, ‘Tingnan mo o, ang taas ng boses ko, ‘no? Ang galing ko noon ‘no?’

“Sasabihin ko, ‘Hindi, magaling ka pa rin hanggang ngayon. Iba lang ang istilo mo ngayon.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

“Mas may puso ka nang kumanta kasi nandito na ako sa buhay mo,’” sabi pa ng Ultimate Singer-Songwriter.

“Sasabihin namin, ‘Ang dami nang bago ‘no, ang dami nang magaling. Ang dami nang bata. Wala na siguro tayo,’” dagdag pa ng asawa ni Ate Regs.

Pero sabi raw ni Ogie sa kanyang misis, “‘Ano ka ba? Oo! Pero hindi naman wala. Nandito pa rin tayo. Ang mahalaga alam natin kung saan tayo lulugar.’

“Marami nang bagong darating talaga. Pero ang maganda, nakukuha mo ‘yung respeto ng mga batang ‘yan,” pagbabahagi pa ni Ogie sa pag-uusap nila ni Regine.

Ang nakakatuwa pa raw kay Regine, gustung-gusto nitong sumusuporta sa mga baguhan at batang singer kaya kung bakante siya at talagang nagge-guest siya sa concert ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


“She wants to be part of the lives and careers of those who are coming,” sey ni Ogie.

“Kasi naaalala niya noong nagsisimula siya, ganyan din sina Pilita Corrales), sina Kuh (Ledesma), sina Pops (Fernandez) sa kanya. Hindi niya nalilimutan ‘yun,” pahayag pa ni Ogie Alcasid.

Samantala, matagumpay ang ginanap na trade launch ng pag-aaring talent management and production ni Ogie, ang A Team sa CWC Interiors Showroom nitong May 23, sa BGC, Taguig City.

Bukod sa pagmama-manage ng talents, kakaririn din ng A Team ang pagpo-produce ng concerts at shows. Sey ni Ogie, 21 shows ang planong gawin ng A Team ngayong taon hanggang 2025.

Mauuna nga riyan ang major concert ni Martin Nievera at susundan ng reunion concert ng iconic all-male group na Streetboys sa November 8, 2024, sa New Frontier Theater.

The post Ogie, Regine nakakaramdam ng ‘banta’ sa mga baguhan, batang singer? appeared first on Bandera.


Donny bumisita sa taping ng ‘Lilet Matias’; serye ni Jillian winner uli

$
0
0
Donny bumisita sa taping ng 'Lilet Matias'; serye ni Jillian winner uli

Maricel Laxa, Jo Berry at Donny Pangilinan

BUMISITA sa set ng hit GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-At-Law” ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

Sa Instagram post ng bida ng serye na si Jo Berry, ibinahagi nito ang kanyang photo at video kasama si Donny na kuha nga habang naghihintay siya na kunan ang kanyang mga eksena.

Baka Bet Mo: Jo Berry gusto ring magkontrabida: Syempre, aaralin ko yung pagiging bad

“May bisita sa set si Attorney Lilet! Thank you sa pagdalaw, Donny,” ang caption na inilagay ng Kapuso star sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)


Kitang-kita rin sa naturang video ang kilig ni Jo Berry sa kanilang pagkikita. Nag-iwan pa ng komento si Donny at sinabing, “Nice meeting you!!!”

Kasunod nito, nagpasalamat din si Jo kay Ms. Maricel Laxa na kasama niya sa serye, dahil sa pag-imbita nito sa kanyang anak para bisitahin si Atty. Lilet.

Samantala, anu-ano kaya ang mga parating na kasong ipaglalaban ni Atty. Lilet? Abangan ang mga tumitinding eksena sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Muli na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Baka Bet Mo: Bobot Mortiz gustong idirek sina Bitoy, Bossing, Vice at Vhong

Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards. Personal namang tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).

Kamakailan lang, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama.

Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.

The post Donny bumisita sa taping ng ‘Lilet Matias’; serye ni Jillian winner uli appeared first on Bandera.

Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

$
0
0
Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Paolo Contis at Yen Santos

PARA nga kaya sa Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis ang latest “hugot” ni Yen Santos tungkol sa usaping self-love?

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa social media ang ipinost ni Yen sa kanyang Instagram Stories kamakailan na tila may konek sa relasyon nila ni Paolo.

Ni-repost kasi ng aktres ang isang video clip na kuha sa interview ng Kapuso star at fashion icon na si Heart Evangelista sa “Fast Talk With Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Tinanong ng host ng programa na si Boy Abunda kung ano ang maibibigay na advice ni Heart sa kanyang younger self.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sagot ng misis ni Sen. ChizEscudero, “If I were to speak to who I was before, I would say, stop giving away your heart like it’s candy.

“Treasure yourself. Love yourself. Treasure your heart and your soul. Because that’s what’s gonna save you in the end,” ang pahayag pa ni Heart.

Walang caption na isinulat si Yen sa kanyang IG post, pero naka-tag doon ang username na @riverayanna pero samu’t saring reaksyon nga ang nabasa namin mula sa netizens.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Karamihan sa mga nagkomento ay naniniwalang may koneksyon ang post ni Yen sa chikang break na sila ni Paolo tulad ng matagal nang napapabalita.

Matatandaang noong May 6 nagsimulang kumalat ang balita na may pinagdaraanan sina Yen at Paolo sa kanilang relasyon matapos i-unfollow ng aktres ang Kapuso star sa Instagram.

Sumunod dito ang pagbura ni Yen sa photo at video message niya para sa 40th birthday ni Paolo sa IG last March. Mensahe ni Yen sa caption, “Screaming happy 40th birthday to my best friend! (woman and mam holding hands emoji).

“Thank you for everything you do. (heart emoji),” dugtong pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang panayam kay Paolo noong May 6, natanong siya tungkol dito, “Totoo bang break na kayo ni Yen?”

“No comment. Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment,” ang sagot daw ni Paolo.

“As I always say, masyado na kayong maraming alam sa buhay ko. So, I’d like to keep my personal life, personal,” aniya pa.

Noong January, 2023, nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon si Paolo sa “Fast Talk With Boy Abunda” tungkol sa relasyon nila ni Yen, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

“Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila,” sabi ng aktor.

The post Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo? appeared first on Bandera.

Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner!

$
0
0
Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner!

Pia Wurtzbach at Chelsea Manalo

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Chelsea Manalo na siya ang nakakuha ng korona at titulo bilang Miss Universe Philippines 2024.

Aminado ang matagumpay na bet ng Bulacan na bata pa lamang siya ay pangarap na talaga niya ang maging beauty queen kaya naman isang answered prayer at dream come true ang pagkapanalo niya sa naturang pageant.

Kuwento pa ni Chelsea, noong bata pa raw siya ay ilang oras siyang nakatayo at nakaharap sa salamin upang mag-practice ng pagrampa at pag-introduce sa sarili habang hawak ang kanyang hair brush na kunwari’y microphone sa beauty pageant.

Baka Bet Mo: Chelsea Manalo deserving nga bang maging Miss Universe PH 2024?

“It still feels surreal. Hindi pa rin ako makapaniwala na I finally have my sash and my crown.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“It was just once a dream but finally, I’m here to be an inspiration to many and I hope I can continue to do that so I can win the next crown and be your next hope for Miss Universe,” pahayag ni Chelsea sa panayam ng “Unang Hirit.”

Sabi pa ng dalaga hinggil sa naging laban niya sa pageant, “It’s very tough. There’s a lot of beautiful girls this season.”

“There’s 53 of us there. Ang daming babae na very deserving, very empowering but what really made me outshine, I think it was my drive, my purpose.

Baka Bet Mo: Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’

“And the values that I really have to uphold because every time I would come up on stage, it was just my parents and my mom’s voice that I would listen to.

“Kasi, this is just not my dream, but this is my parents’ dream and those people who supported me,” sabi pa ng dalaga.

Sa ngayon, kakaririn na ni Chelsea ang preparasyon para sa paglaban niya sa  Miss Universe 2024 pageant this year na gaganapin sa Mexico.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, aprub na aprub naman kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pagkapanalo ni Chelsea Manalo sa gitna ng pagkuwestiyon ng ilang pageant fans.

Ni-repost ni Pia ang litrato ni Chelsea sa kanyang Instagram Stories at nag-congratulate sa bagong reyna. Aniya sa text caption, “A deserving winner. We’re excited to witness your journey!”

Bukod kay Chelsea, ang iba pang nanalo sa katatapos lamang na pageant ay sin! Alexie Brooks ng Iloilo bilang Miss Eco International Philippines 2025, Ahtisa Manalo ng Quezon Province bilang Miss Cosmo Philippines 2024, Tarah Valencia ng Baguio bilang Miss Supranational Philippines 2025, at Cyrille Payumo ng Pampanga bilang Miss Charm Philippines 2025.

The post Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner! appeared first on Bandera.

Millie Bobby Brown ikinasal na kay Jake Bongiovi: ‘It was very low-key’

$
0
0
Millie Bobby Brown ikinasal na kay Jake Bongiovi: 'It was very low-key'

PHOTO: Instagram/@jakebongiovi

IKINASAL na ang sikat na Hollywood actress na si Millie Bobby Brown sa kanyang fiancè na si Jake Bongiovi!

Ang masayang balita ay kinumpirma ng ilang international media outlets kagaya ng People at The Sun sa magkahiwalay na reports kamakailan lang.

“Millie and Jake quietly said their vows in America last weekend,” ayon sa source ng The Sun.

Ani pa, “It was a very low-key, romantic affair with their closest family with them as they said their vows.”

Ibinunyag din ng insider na ang “Stranger Things” actress at si Jake ay nagpaplano ring magkaroon ng mas malaking wedding ceremony bago matapos ang taong 2024.

Baka Bet Mo: True ba, Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey 3 lang ang inimbitang bisita sa kanilang beach wedding, anyare?!

Para sa kaalaman ng marami, ang mister ni Millie ay anak ng sikat na rock legend na si Jon Bon Jovi.

Ayon pa sa report, present sa nasabing intimate wedding ang mga magulang ng dalawa.

As of this writing, wala pang inilalabas na pahayag ang newly-wed couple kaugnay sa kanilang pagpapakasal.

Magugunita noong Marso, ibinunyag ni Millie na busy siya sa wedding preparations ng kanyang partner.

Sa isang panayam, inamin ng aktres na super excited na siya sa next journey ng kanyang buhay.

Taong 2021 nang magkakilala sa pamamagitan ng Instagram ang mag-asawa.

Kwento ng Hollywood actress, naging magkaibigan muna sila bago mag-date at opisyal na maging magkasintahan.

Abril ng nakaraang taon naman nang ibinandera ng couple ang kanilang wedding engagement.

Sa isang panayam, inihayag ng ama ni Jake ang kanyang suporta para sa dalawa, lalo na pagdating sa malaking agwat ng kanilang edad.

“I think that would be my advice really, is growing together is wise. I think that all of my kids have found the people that they think they can grow together with. And we like them all,” sey ni Jon Bon Jovi.

The post Millie Bobby Brown ikinasal na kay Jake Bongiovi: ‘It was very low-key’ appeared first on Bandera.

Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: ‘Gusto kong maiyak’

$
0
0
Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: 'Gusto kong maiyak'

Lolit Solis, Kris Aquino

NAGING emosyonal ang batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa kanyang recent social media post.

Ito ay matapos mabalitaang bibigyan siya ng regalo ng Queen of All Media na si Kris Aquino para sa kanyang ika-77th birthday.

Sa Instagram, inamin ni Manay Lolit na na-touch siya sa sweet gesture ng dating TV host.

Dahil, aniya, sa gitna ng pinagdadaanang health problems ay naalala pa siya ni Kris.

“Gusto ko na naman maiyak Salve. Tumawag si Check, isa sa PA ni Kris Aquino dahil may pinadadalang regalo si Tetay,” kwento ng batikang kolumnista sa isang IG post, kalakip ang litrato nina Kris at ang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Baka Bet Mo: Kris Aquino ‘ipinagkatiwala’ sina Josh, Bimby sa pangangalaga ni Boy Abunda

Patuloy ni Manay Lolit, “Imagine mo na sa gitna ng mga health problems ni Kris maisip pa niyang magpadala ng gift para sa akin.”

“Napaka thoughtful niya at ito iyon sinasabi ko na si Kris never nagtatanim ng sama ng loob,” sambit niya.

Ayon pa sa talent manager, madalas ay away-bati sila ni Kris dahil napipikon sa kanya ang dating TV host, pero isa raw itong patunay na never nagtatagal ang tampo o pagkapikon nito sa kanya.

“Kaya naman all this years may soft spot siya talaga sa puso ko. Never ko siya inaalis sa listahan ng mga tao na mahal ko. Thank you Kris,” wika ni Manay Lolit.

Mensahe pa niya sa Queen of All Media, “Praying na sana maging maayos ang health mo at maging peaceful ang emotion mo. I will always love you dahil mabait ka talaga. Stay safe.”

Magugunita noong May 19, naghandog ng masayang birthday celebration si Senador Bong Revilla para kay Manay Lolit.

 Star-studded ang naging party ng batikang kolumnista na kung saan present ang ilang artista, kabilang na sina Paolo Contis, Pauleen Luna, Vic Sotto, Christopher De Leon, Benjie Paras, Christopher De Leon, Tonton Gutierrez, at marami pang iba.

Ayon sa naunang IG post ng talent manager, “Isa na yata sa pinakamasayang araw sa buhay ko iyon lunch na binigay ni Bong Revilla para sa birthday celebration ko.”

“Talagang I will never forget that day. So thankful and grateful for my friends, lalo na sa mga alaga ko na mga anak ko na talaga. Feel na feel ko ang sincere love nila sa akin na talagang parang nanay na nila ako,” ani pa sa bahagi ng kanyang IG.

Nakisaya rin sa selebrasyon ang misis ni Sen. Bong na si Rep. Lani Mercado.

Wala roon ang senador dahil kasalukuyan pa itong nagpapagaling mula sa kanyang foot surgery.

The post Lolit Solis sa pasabog na b-day gift ni Kris: ‘Gusto kong maiyak’ appeared first on Bandera.

FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

$
0
0

FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

MAKALIPAS lang ang ilang oras mula nang mag-post ang anak ni Ms. Eva Darren na si Ginoong Fernando dela Peña sa kanyang Facebook ay sumagot na ang pamunuan ng FAMAS hinggil sa kanyang reklamo at sama ng loob.

Ito’y matapos ngang makalimutan ng organizers ng FAMAS na paakyatin ang beteranang aktres sa stage para mag-present kasama ang premyadong  veteran actor na si Tirso Cruz III.

Bahagi ng pahayag ng anak ng beteranang aktres, “To all of you people behind FAMAS, you cannot do this to an icon of Philippine Cinema!

“It is RUDE… It is DISRESPECTFUL… It is UNETHICAL… it is UNPROFESSIONAL to say the very least!!!

“I can think of a hundred other words to describe what FAMAS did to my mother, even contemplated on legal actions for a second or two. But my sister, a devout Christian, told me to leave it to the hands of God.

Baka Bet Mo: Kathryn, Piolo, Alfred waging-wagi sa FAMAS 2024, ‘Mallari’ big winner

“And so I will,” aniya pa.

Narito ang official statement ng FAMAS sa nasabing isyu.

“FAMAS would like to express its sincerest apologies to Miss Eva Darren, an icon in Philippine Movie Industry and a professional actress whose career is indubitably worthy of emulation.

“She was part of the program in last night’s Awards Night and was supposed to present Special Citations with Mr. Tirso Cruz III.

“But considering that we were running a live show, and due to myriads of people present in last night’s festivities, the production team was not able to locate Ms. Darren.

“This was indeed a setback in the live show and a negligence on the part of the team. Rest assured that this was not intentional and purely a misjudgment.

“The show is being streamed live and needed to be remedied right away. Hence, a replacement for Miss Darren was done last minute.

“We are writing this with a heavy heart especially after hearing that Miss Darren and her family were terribly hurt by this unintentional disregard to her presence and stature.

“We truly value Miss Darren and the rest of the veteran stars present last night true to the Homecoming Concept of the show.

“But as there were brilliant moments to the most star-studded awards night in recent memory, there were also hitches and unfortunate developments in a live show such as this one.

“We understand that an apology alone cannot undo the damage this might have caused Miss Darren but we are committed to make amends and rebuild her trust by a personal visit of the FAMAS Board to honor her stature, if she allows it,” ang buong pahayag ng FAMAS.

The post FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak appeared first on Bandera.

Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma

$
0
0
Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma

Eva Darren

Naroon kami kagabi sa Gabi ng Parangal ng FAMAS at karamihan sa mga nakita naming imbitadong artista ay mga sumikat lima hanggang anim na dekada na ang nakararaan dahil binigyan sila ng lifetime achievement award at iba pa.

Nakita rin naming maraming production staff ang naglilibot para hanapin ang mga artista at sabihang sila na ang susunod na aakyat sa entablado bilang presenter. Hindi namin napansin ang batikang aktres na si Ms. Eva Darren dahil sa sobrang laki ng venue na punumpuno.

Anyway, sa pagsisikap ng FAMAS production na maging maayos ang kanilang palabas ay hindi pa rin nila na-achieve dahil may problemang nangyari at ito ay ang hindi pagtupad na gawing presenter si Ms. Eva Darren kasama ang dating chairperson ng FDCP na si Tirso Cruz lll.

Nalaman lang ng lahat ang tungkol dito nang mag-post ang anak niyang si Ginoong Fernando dela Peña sa Facebook na trending sa mga oras na ito at maraming nagkomento ng “iboykot ang FAMAS.”

Baka Bet Mo: Niño Muhlach naibenta ng P500k ang FAMAS award kay Boss Toyo

Narito ang mahabang kuwento ng anak ni Ms. Eva Darren, “A MOMENT OF DEBACLE AT THE FAMAS AWARDS NIGHT.

“My mother, Eva Darren, a veteran actress of the Philippine movie industry, having performed on the big screen and television for more than five decades, usually does not attend social events. She loves the simple pleasures in life being surrounded by family.

“A couple of months ago, she received a notice of invitation for the FAMAS awards night. For those of you who aren’t familiar, FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards) is the equivalent of the USA’s Oscar Awards.

“She was also given a script to go over and memorize as an awards presenter coupled with another veteran actor, Mr. Tirso Cruz III.

“Mom was excited, bought the best dress and pair of heels she could afford and topped that with a nice package of hair and make up for the gala.

“During the event, she brought along three of her very proud grandkids. With a price tag of P5,000 ($90) per plate for four people, needless to say, it was not a cheap evening. It was all worth it though.

“After all, the last time she was on stage during a FAMAS awards night was back in 1969 when she received the coveted “Best Supporting Actress Award” for her role in the movie ANG PULUBI (The Beggar) opposite legendary actress Charito Solis.

“Being the true professional that my mother is, she memorized and rehearsed her script to perfection, braved the downpour of a Signal No. 1 Typhoon warning and drove to the Manila Hotel.

“After the glitz and glamour shots with air-cheek-kisses and what not, everyone eventually took their seats and the awarding commenced.

“During the point where she was supposed to present an award, her partner, Mr. Tirso Cruz III went upstage with an upcoming young singer instead. Not my mom.

“My mother never went on the stage.

“The PR officer of FAMAS who had been in constant communication with my mother prior to the event had absolutely no explanations to offer, just a thousand apologies.

“He confessed not knowing what happened and wasn’t sure why there was a last-minute change. My Mom said ‘it’s okay’ but decided to leave nonetheless. I couldn’t blame her. Staying around was just rubbing salt on her FAMAS-inflicted wounds.

“You would think and assume that a ‘prestigious award-giving body’ who had been doing the same thing every year, over and over without fail, would have mastered their craft after 72 years. But no, not this entity.

“To all of you people behind FAMAS, you cannot do this to an icon of Philippine Cinema!

“It is RUDE… It is DISRESPECTFUL… It is UNETHICAL… it is UNPROFESSIONAL to say the very least!!!

“I can think of a hundred other words to describe what FAMAS did to my mother, even contemplated on legal actions for a second or two. But my sister, a devout Christian, told me to leave it to the hands of God.

“And so I will.”

Bukas ang BANDERA sa magiging official statement ng FAMAS hinggil sa isyung ito.

The post Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma appeared first on Bandera.


Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare?

$
0
0
Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare?

PHOTO: Screengrab from Instagram, TikTok/@maricarreyespoon

NAKAKALOKA ang latest health update ng dating aktres na si Maricar Reyes!

Ayon kasi sa kanya, muntikan na siyang mabulag nang dahil sa kanyang colored contact lenses, pero buti raw ay naagapan niya agad ito.

“Three days akong halos bulag dahil sa maling pagsuot ng contact lense,” panimula niya sa ibinanderang TikTok video noong May 25 na umaani na ng mahigit 5.5 million views.

Naikwento niya rin na taong 2010 pa siya nagsusuot nito, “I’d wear them to taping for 12, 15 hours. Minsan nga expired ‘yung suot ko, Okay lang, walang issue.”

“But a few months ago, after wearing my colored contact lenses for about 12 hours, nakaramdam ako ng konting pain sa mata. But I thought it’s just normal, pagod lang. So tinanggal ko ‘yung contact lenses ko before going to sleep at natulog na ako. Then at around 3 a.m., nagising ako to the most excruciating eye pain in my entire life,” chika niya sa post.

Baka Bet Mo: Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

Dahil daw sa sobrang sakit ay isinugod na siya sa ospital ng bandang alas singko ng umaga.

Ilang oras lang daw ang itinagal niya sa Emergency Room at agad din siyang pinauwi matapos bigyan ng gamot, ngunit hindi rin daw nagtagal ay muling sumakit ang kanyang mga mata kaya bumalik ulit siya sa ospital.

“So for the next three days, halos hindi ko madilat ‘yung mga mata ko sa sobrang sakit at maga,” sambit niya.

Sabi ni Maricar, nagkaroon siya ng “corneal abrasions” o malalaking gasgas sa magkabilang parte ng kanyang mga mata kung saan nakapatong ang contact lens.

“Maximum eight hours lang dapat sinusuot ang contact lens at hindi ko namalayan na expired na pala ‘yung gamit ko that day,” esplika niya.

Dagdag niya, “Naging iresponsable ako. Masyado akong naging kampante kasi for many years, walang masasamang nangyayari.”

Pinayuhan daw siya ng doktor na magsuot ng contact lenses na akma at “fit” sa kanyang mga mata at sundin ang maximum of eight hours na pagsusuot nito.

“After 7 days, gumaling naman ‘yung mga ko sa mata, pero sabi ng ophthalmologist ko, napakaswerte ko daw dahil sa laki ng mga sugat ko sa mata, pwede akong magkaroon ng mga peklat or mga puti-puti sa paningin ko, habang buhay,” ani ni Maricar.

@maricareyespoon Masyadong nakampante🤪 #learningontiktok #advice #advicetok #contactlens #opthalmologist #eyecare #maricarreyespoon #maricarreyesbook ♬ original sound – Maricar Reyes-Poon

Bandang huli, nagbigay ng paalala ang aktres sa kanyang mga manonood pagdating sa pagsusuot ng contact lenses.

“If you are like me, a regular contact lens wearer na minsan lumalampas sa 8 hours a day ang pagsuot at minsan din nakakalimutan ‘yung expiry date ‘nung contact lense, huwag mong paabutin sa level ko na bigla ka nalang magigising na may sugat ka na sa mata at kailangan mong tumakbo sa E.R. dahil sa sobrang sakit,” saad niya. 

Advice pa niya, “Magpatingin at magpa-advice sa ophthalmologist para maalagaan ng tama ang mga mata mo.”

The post Maricar Reyes muntik ‘mabulag’ dahil sa contact lenses, anyare? appeared first on Bandera.

Kitchie Nadal paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom at musician?

$
0
0
Kitchie Nadal paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom at musician?

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

KAHIT abala sa pasabog na anniversary show, hindi ito hadlang para kay Kitchie Nadal upang mawalan ng oras sa kanyang mga anak.

Sa katunayan nga, masayang ipinagmamalaki ni Kitchie ang kanyang pagiging full-time mom, lalo na sa 6-month-old baby niya.

Noong May 23 nang maganap ang press conference ng batikang singer sa Malabon City upang i-promote ang inaabangang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” na mangyayari sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City sa darating na June 2.

Baka Bet Mo: Kitchie Nadal ‘relevant’ pa rin sa Gen Z, bakit kaya tuwang-tuwa kay Zild?

At bilang isang taon din mula nang nakauwi sa Pilipinas si Kitchie, nausisa tuloy siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa Spain kung saan siya naninirahan kasama ang pamilya.

“I’m a full time mom. As an artist, I also dedicate my time to songwriting and recording. So mababalitaan niyo siguro na for this year, I will be doing collaborative work with different artists, so ‘yun ‘yung goal ko ngayon,” pag-update ng singer.

Kasunod niyan, inamin niya na nag-alangan siya ‘nung una nang in-oofer sa kanya ang concert dito sa Pilipinas.

“I was hesitant, but only because…I have a six-month-old baby. So I was thinking, ‘Oh my Gosh, how will I travel, how am I going to gig, how am I gonna rehearse.’ I’m a full time mom and siyempre kapag buhay-abroad, talagang hands-on ka talaga,” chika niya sa ilang entertainment press.

Patuloy ng iconic singer, “So I couldn’t imagine working and having someone else, like, taking care of my son. Parang hindi ko [ma-imagine]. Pero I’m really thankful because I have friends here. They are the ones who are helping my son and it’s really nice. I’m very grateful for that.”

Nang makachikahan naman ng BANDERA si Kitchie, nag-follow up question kami kung paano nga ba niya nababalanse ang pagiging full-time mom ngayong magkakaroon siya ng bonggang show?

“I just have to set my priorities straight and be strict and stick to it. When I accepted this offer to do this anniversary concert, Of course, I made sure ‘yung ‘you’ time – I have to be wise with my time and make sure that I get to rest since I have a six-month-old baby. So ganun ko i-balance ‘yung time ko,” wika niya sa amin.

Giit pa ng OPM singer-songwriter, “Kailangang maging firm lang doon sa priorities ko.”

“My kids are still young, so when I came and accepted this offer, I made sure na okay but I need time to rest, I need time for my son,” ani pa niya.

llan lamang sa mga makakasama ni Kitchie sa upcoming concert ay ang mga kaibigang singers na sina Barbie Almalbis, Aia de Leon, Lougee Basabas, Hannah Romawac, Acel Bisa, at Monty Macalino ng bandang Mayonnaise.

Ang tickets nito ay mabibili sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide, pati sa kanilang website.

The post Kitchie Nadal paano pinagsasabay ang pagiging full-time mom at musician? appeared first on Bandera.

Will Smith, Martin Lawrence muling bibida sa bagong ‘Bad Boys’ movie

$
0
0
Will Smith, Martin Lawrence muling bibida sa bagong ‘Bad Boys’ movie

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

SASABAK muli sa intense action ang Hollywood tandem na sina Will Smith at Martin Lawrence.

Muli kasi nilang pagbibidahan ang iconic cop duo bilang sina “Mike” at “Marcus” sa kaabang-abang na latest installment ng “Bad Boys” movie!

Pinamagatan itong “Bad Boys: Ride or Die” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na June 5.

“The world’s favorite Bad Boys are back with their iconic mix of edge-of-your seat action and outrageous comedy but this time with a twist: Miami’s finest are now on the run,” sey sa inilabas na synopsis ng Columbia Pictures.

Baka Bet Mo: Hollywood star Will Smith muling nag-sorry kay Chris Rock, humingi rin ng tawad sa asawa’t mga anak: I’m human and I made a mistake…

Maliban kina Will at Martin, makakasama nila sa pelikula ang ilan pang Hollywood stars kabilang na sina Vanessa Hudgens, Alexander Ludwig , Paola Nuñez, Eric Dane, Ioan Gruffudd, Jacob Scipio, Melanie Liburd, Tasha Smith, Tiffany Haddish, at Joe Pantoliano.

Kung matatandaan, unang ipinalabas ang “Bad Boys” noong 1995 kung saan agad itong naging hit sa blockbusters.

Taong 2003 naman nang ini-release ang “Bad Boys II,” habang ang huli ay ang “Bad Boys For Life” noong 2020.

The post Will Smith, Martin Lawrence muling bibida sa bagong ‘Bad Boys’ movie appeared first on Bandera.

Piolo super toma sa awards night, hirit ni Ate Vi: Lasing ka na anak!

$
0
0
Piolo super toma sa awards night, hirit ni Ate Vi: Lasing ka na anak!

Piolo Pascual

KINAALIWAN ng mga dumalo sa 72nd FAMAS awards night ang “lasing” moment ni Piolo Pascual nang manalong best actor para sa pelikulang “Mallari.”

Viral na ngayon ang video ni Piolo habang nagpapasalamat sa natanggap na acting award kung saan naka-tie niya ang actor-councilor na si Alfred Vargas para naman sa “Pieta.”

Nang tawagin ang kanyang pangalan at makaakyat na sa stage ay mahigpit niyang niyakap si Christopher de Leon at ang Star For All Seasons na si Vilma Santos – sila ang nag-announce ng winners.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz dinipensahan ang viral video ni Albie Casiño, payo sa mga artista: ‘kapag raraket kayo, dapat paghandaan ninyo!’

Lumapit at niyakap din niya si Alfred para batiin ang aktor na naka-tie nga niya sa pagka-best actor.


“Napakabigat!” ang sey ni Papa P patungkol sa natanggap na tropeo.

“Maraming, maraming salamat po sa FAMAS. Unang-una kong pasasalamatan ang Panginoong Diyos sa karangalang ito, dahil kung wala Siya, wala rin ako rito.

“And of course my parents, Mommy V, Dad Bo,” aniya na ang tinutukoy ay sina Ate Vi at Boyet na nanatili lamang sa gilid ng stage.

“Marami po akong pasasalamatan pero marami na rin po akong nainom tonight,” ang hirit ni Piolo na sinundan ng tawanan at palakpakan ng audience.

Sa isang bahagi ng speech ni Piolo ay bigla Siyang napatigil at tinawang si Ate Vi, “Mommy…’ sabay tingin sa kinaroroonan ng veteran actress.

Baka Bet Mo: Lasing na empleyado matapang na nag-text sa kanyang amo: ‘Boss, I am drunk, but let me tell you this…’

Biniro naman siya ni Ate Vi ng, “Lasing ka na anak, lasing ka na anak. Go ahead, go!” sabi ng Star for All Seasons.

Pagpapatuloy ni Papa P, “Lahat po ng artista, pinaghirapan po ang trabaho nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


“So, maraming  maraming salamat po. Hindi ko po ipagkakait ito sa sarili ko kasi para sa pelikulang Pilipino ito,” sey pa ni Piolo sa kanyang speech na sinundan uli ng malakas na palakpakan.

Siyempre, todo rin ang pasasalamat niya sa Mentorque Productions at kay Bryan Dy, ang producer ng “Mallari”, pati na sa lahat ng bumubuo sa produksyon ng kanilang pelikula na itinanghal namang Best Picture.

The post Piolo super toma sa awards night, hirit ni Ate Vi: Lasing ka na anak! appeared first on Bandera.

Mika, Nash nagsa-shopping na ng furniture para sa kanilang ‘love nest’

$
0
0
Mika, Nash nagsa-shopping na ng furniture para sa kanilang 'love nest'

Nash Aguas at Mika dela Cruz

ENJOY na enjoy ang bagong kasal na celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz sa paghahanda sa kanilang “love nest.”

Pagkatapos ng kanilang intimate wedding last May 18 sa Adriano’s Events Place sa Tagaytay ay naghahanda naman sina Mika at Nash para sa titirhan nilang bahay.

Nagbigay ng update si Mika sa madlang pipol tungkol sa mga bagong kaganapan sa pagsasama nila ni Nash isang linggo pagkatapos ng kanilang kasal.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ng sisteraka ni Angelika dela Cruz ang ilang litrati at video habang namimili sila ni Nash ng mga furniture.

Ito’y para nga sa lilipatan nila ng asawang si Nash na bagong bahay kung saan sila magsasama at bubuo ng sariling pamilya.


Sey ni Mika sa caption, “Officially 1 week in as Mr. & Mrs. @zackwey (wedding ring emoji) Life update: here we are furniture hunting & just casually testing out mattresses the ‘VALEVAG style.'”

Sabi pa ng Kapuso actress, super excited na sila ni Nash na manirahan sa bago nilang tahanan, “Can’t wait to move into our first home… soon.”

Nauna rito, ibinahagi rin ni Mika ang palitan nila ni Nash ng wedding vow kung saan pareho silang naging emosyonal.

Sa wedding vow ni Nash ay inalala niya ang naging journey nila ni Mika mula noong una silang magkakilala hanggang sa maging magkarelasyon sila.

Amin niya, tatlong beses raw siyang na-in love sa kanyang asawa. Unang beses raw siyang nahulog kay Mika ay noong child stars pa sila.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Sumunod ay noong 2018 kung saan nagsimula ang kanilang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend. Ikatlo ay noong matapos silang mag-break ngunit eventually ay natagpuan ring muli nina Nash at Mika ang daan patungo sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


“To you my love, I will not promise all the things of the world for we will leave it here. I will not promise riches for they will fade but I promise you this—I will promise you joy even through suffering.

“I will promise you peace in all circumstances and I promise to always point you back to Him whenever it seems so hard.

“And, I promise to love you even [when] you don’t anymore because that’s how He loves me and I love you,” ang promise ni Nash kay Mika.

Mensahe naman ni Mika sa asawa, “Ang galing mo nga kasi hindi pa tayo Mr. and Mrs. noon but you are already leading me. Kaya I’m sure you will be the best leader to our future family, future kids.

“Mahal na kita noong binubuhat mo ang bag ko sa kahabaan ng Great Wall of China at sa kahabaan ng Asian cruise ng ‘(Goin’) Bulilit’ kahit napakabigat ng dala ko pati nung binilhan mo ako ng green mermaid ballpen sa Singapore.

“Love, salamat sa lahat at sa hinaba-haba. Ikaw ang unang crush ko at ang huling mahal ko. I love you love so, so, so much.

“This is the start of our life together, our forever and I’m so blessed to be your Mrs. Victoriano,” pahayag pa ng aktres.

The post Mika, Nash nagsa-shopping na ng furniture para sa kanilang ‘love nest’ appeared first on Bandera.

Viewing all 44568 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>