Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44371 articles
Browse latest View live

Bianca Gonzalez may pakilig na message kay JC Intal: Happiest 39th birthday to our favorite person in the world

$
0
0
Bianca Gonzalez may pakilig na message kay JC Intal: Happiest 39th birthday to our favorite person in the world

PHOTO: Instagram/@iamsuperbianca

MAY birthday post ang TV host na si Bianca Gonzalez para sa kanyang mister na si JC Intal.

Ipinagdiwang kasi ni JC ang kanyang 39th birthday noong November 18.

Sa instagram post ni Bianca, ibinahagi niya ang tila love letter niya para sa asawa at sinabing lubos siyang natutuwa dahil alam niyang maraming taon pa silang magkakasama sa mga espesyal na okasyon.

Caption ng TV host, “Data shows that in the span of our lifetime, time spent with our self is the highest, followed by time spent with our partner.

“This is your 12th birthday that I’ve spent with you, 8 of those as your wife, and seeing the data makes me so happy to know I have many, many more of these to look forward to.”

Inamin din ni Bianca na siya ay isang independent woman pero hindi niya alam ano ang kanyang gagawin kung wala si JC sa kanyang buhay.

Saad sa IG post ni Bianca, “I may be a strong, independent woman but I really don’t know how I’d do life without you.

“Happiest 39th birthday to our favorite person in the world (white heart emoji).”

Tila kinilig naman si JC sa social media post ng kanyang misis at nagcomment pa ng tatlong red heart emoji.

Pati ang ilang mga artista napa-comment at bumati ng “happy burthday” sa dating basketball player.

Kabilang na riyan sina Melai Cantiveros, Iza Calzado, Danica Sotto, at marami pang iba.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagretiro bilang professional basketball player si JC upang mas pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Taong 2014 nang ikinasala ang dalawa matapos ang tatlong taong magkarelasyon.

Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Lucia Martine at Carmen Eliana.

Related chika:

Bianca Gonzalez sinabihang ‘walang views’ ang vlog, dumipensa: Iba-iba ng rason ang tao to create content

Bianca Gonzalez walang planong pasukin ang pag-aartista; umaming mas istriktong magulang kesa kay JC Intal

Bianca Gonzalez may babala ukol sa pag-follow sa social media: Choose wisely!

The post Bianca Gonzalez may pakilig na message kay JC Intal: Happiest 39th birthday to our favorite person in the world appeared first on Bandera.


‘Dance Versus Climate Change’ hahataw na para sa 2022 National Clean Air Month, mapapanood sa ALLTV 2

$
0
0
'Dance Versus Climate Change' hahataw na

Michael Aragon

MAY bonggang paandar ang Clean Air Philippines Movement, Inc., bilang pakikiisa sa National Clean Air Month Celebration ngayong taon.

Ang November ay idineklarang National Clean Air Month Celebration sa bisa ng Presidential Proclamation 1009 series of 1997 at kasabay nga nito ang pagsasagawa ng isang contest para sa climate change awareness.

Ito ang Anti-Climate Change event  na “Dance Versus Climate Change (From the Philippines to the World) na eksklusibong mapapanood sa ALLTV channel 2.

Sa pangunguna ni Dr. Michael Aragon, ang founding chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) at presidente ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), magaganap ito sa November 30, sa Scout Borromeo sa Quezon City na magsisilbi ring closing event ng month-long clean air month.

Ngayong taon, si First Lady Liza Marcos ang nahirang na “Champion” kahilera ang mga dati nang napili na sina Sen. Grace Poe (2016), Vice President Sara Duterte (2017), Sec. Art Tugade (2018), Sec. Roy Cimatu (2019), Sen. Manny Pacquiao (2020), Sec. Isidro Lapena (2021).

Ang “Dance Versus Climate Change (From the Philippines to the World)” ay magkakaroon ng Costume With Dance challenge na ang grand prize ay P30,000 na ipagkakaloob sa best dance na may full costume.

Lahat ng contestants ay rarampa sa kalye at sasayaw sa loob ng 25 minuto with marathon judging. Ang best dance interpreter ng nasabing awit ay mananalo ng P30,000.

Samantala, ang cosplay contest na pagandahan naman ng costume ay magwawagi rin ng P30,000.

Para sa costume contest pa lang, ang mananalo ay mag-uuwi n ng P20,000, P15,000 sa 2nd place, P10,000 sa 3rd place habang ang consolation prizes ay P2,000 at P1,000 each.

Ang sponsor ng event na ito ang ay Offshore Mining Chamber of the Philippines (OMCPI) na si Dr. Aragon din ang chairman, Philippines Gateway to the Blue Economy  via Clean & Ggreen Offshore Mining Technology).

Kaugnay nito, sinabi nga ni Dr. Michael, “Ang OMCPI ay mining in the oceans that are the raw materials of electronics and renewable energy devices that the world needs to fight climate change. OMCPI is the pioneer in this technology in the Philippines.”

Samantala, ang Jazz Clean Air Band o Banda Makinis na Hangin ay magdaraos naman ng concert sa Nov. 30 kasama ang Clean Air Singing Ambassadors na sina Bb. Pilipinas Ali Forbes at Singing Diva Cess Cruz.

Bea Binene nanindigan para sa bet na kandidato, sey ng netizens: The only BBM we stan!

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

The post ‘Dance Versus Climate Change’ hahataw na para sa 2022 National Clean Air Month, mapapanood sa ALLTV 2 appeared first on Bandera.

Sharon gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil: ‘Wanna rest na so bad but too many obligations pa’

$
0
0
Sharon gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil

Sharon Cuneta

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng mga netizens sa planong pagreretiro ni Megastar Sharon Cuneta sa mundo ng showbiz.

Kamakailan lang ay nag-post ang movie icon sa kanyang social media account at sinabing iniisip na niyang tumigil sa pag-aartista pagod na pagod at “exhausted” na siya.

Ayon kay Sharon, “This part really resonated with me because, well, I am 56 now — and I am just undeniably exhausted. Retirement is calling.”

Mahigit apat na dekada na si Mega sa larangan ng telebisyon at pelikula at napakarami na niyang napatunayan bilang artista, singer at TV host.

“Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert, or a TV show, even a season or a series if it’s not too tiring. But I am tired,” pahayag pa ng Kapamilya superstar.

“All I wish I could do is be with my family and take care of them. And do all those other things I always wish I could do but just couldn’t find the time for,” aniya pa.

Maraming nagsabi na paulit-ulit na lang itong sinasabi ni Sharon pero hanggang ngayon naman ay nariyan pa rin siya kaya naman hindi na raw nila ito sineseryoso.

May mga nagkomento naman na sana’y magpahinga na lang muna si Mega para makapag-recharge at bumalik na lang kapag hindi na siya pagod at exhausted.


Siyempre, nalungkot naman ang mga Sharonians sa sinabi ng Megastar pero susuportahan daw nila kung ano ang magiging desisyon ng kanilang idolo dahil at the end of the day buhay naman niya ang pinag-uusapan dito.

May paliwanag naman si Sharon kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magawang mag-retire. Sinagot niya ang comment ng kaibigang aktres na si Arlene Muhlach.

Sabi nito, “Exactly what I want at 54. Thing is, I can’t yet because kids are both still in school.” Agree naman si Sharon sa kanya, “@arlenemuhlach I really feel you. Same.”

Komento naman ng isang follower ni Sharon sa Instagram, “We do understand that you have worked hard all your life and deserve to take it east.”

Ito ang reply ni Sharon sa kanya, “Wanna rest na so bad but too many obligations pa.”

Nag-thank you din si Mega sa lahat ng kanyang fans na naiintindihan ang kanyang sitwasyon at mga nararamdaman hinggil sa ilang dekada na niyang pagtatrabaho.

Pakiusap naman niya sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon, “Please pray with me. Thank you so much and I love you all.”

Huling napanood si Sharon sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kasama sina Coco Martin at Julia Montes at sa concert tour niya sa iba’t ibang bansa.

Kung matatandaan, noong 2019 ay inihayag na rin ni Sharon na kino-consider na niyang maging semi-retired sa showbiz. Aniya, pwede siyang gumawa ng ilang projects pero priority pa rin niya ang kanyang pamilya.

May dalawa pang international projects si Mega na kailangang gawin at tapusin, ang film adaptation ng “The Mango Bride” at ang US series na “Concepcion.”

Angel Aquino nag-ala fan girl nang makita si Sharon: I am forever in love with you!

Kris may sakit na binabatikos pa, Robin nakiusap sa bashers: Maging makatao po muna kayo…

Sharon Cuneta ibinandera ang bagong look, pumayat matapos magkasakit

The post Sharon gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil: ‘Wanna rest na so bad but too many obligations pa’ appeared first on Bandera.

Sa wakas, Miss Summit International Louise Theunis maibabandera na ang Pinas sa ibang bansa

$
0
0
Miss Summit Philippines Louise Theunis

Miss Summit Philippines Louise Theunis/LOUSIE TAN THEUNIS FACEBOOK PHOTO

 

KAHIT nangkaroon na siya ng national title dati, hindi pa rin nakalalaban si Louise Theunis sa anumang international competition.

Ngunit ngayon, maibabandera na niya ang Pilipinas sa Miss Summit International pageant sa Amerika sa susunod na taon.

Nang masungkit niya ang korona bilang Miss Bikini Philippines noong 2019, wala itong kaakibat na global pageant para salihan niya. Naiisip niya ang pagiging kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado, kaya sumabak sa siya iba pang national pageants, ngunit iba ang iginuhit ng tadhana para sa kanya.

Habang nag-aaral para sa master’s degree niya, nabalitaan ni Theunis ang tungkol sa Miss Summit International pageant mula sa kaibigang si Nica Zosa, ang reigning queen na nagwagi nitong Pebrero sa Les Vegas. Kaya muling nabuhay ang pagnanais niyang makarampa sa pageant.

“The Miss Summit International Pageant brings together women representing different countries to share their stories, purpose, and plans on how to create brighter futures for people all over the world, especially women who need to be empowered,” sinabi ni Theunis sa Inquirer sa isang online interview.

Pinagsabay niya ang pag-aaral at paghahanda sa pageant, na may dagdag na pasakit sapagkat sa Australia nakatakda ang pagtatanghal at hindi sa Pilipinas. Hindi na nga siya nakapagsanay ng “pasarela” (pageant walk) at interview dahil kapos na sa oras.

Miss Summit Philippines Louise Theunis

Miss Summit Philippines Louise Theunis/LOUSIE TAN THEUNIS FACEBOOK PHOTO

“The decision to hold the pageant in Australia was made by the national director, Hector Alcancia, who is also the founder of International Pageant Org. (Europe-Asia Pacific-Philippines). They offer women the chance to promote their advocacy and their country as they travel abroad,” ipinaliwanag ni Theunis.

At noong Nob. 5, sa Palazzo Versace sa Gold Coast, Australia, hinirang si Theunis bilang Best in National Costume at Best in Evening Gown, at kinoronahan din bilang Miss Summit Philippines na siyang magbibigay daan sa pagsabak niya sa Miss Summit International pageant.

“It will be a tough competition, especially considering that other countries are stepping up their game after the Philippines won in 2022. There is a lot of pressure on me and a lot of obstacles I have yet to overcome. But I can assure everyone that I will give it my utmost best as your Miss Summit Philippines 2023,” aniya.

“I will work even harder to achieve a fit and toned body, train to improve my pasarela and Q-and-A, carry out more advocacy-related activities, and do everything and more in order to bring my A game on the international stage and hopefully bring home the crown,” pagpapatuloy pa ni Theunis.

Tutulak si Theunis sa Florida sa Estados Unidos sa Agosto ng susunod na taon para sa 2023 Miss Summit International pageant na itatanghal sa Setyembre.

The post Sa wakas, Miss Summit International Louise Theunis maibabandera na ang Pinas sa ibang bansa appeared first on Bandera.

Melai Cantiveros naloka, bunsong anak luma-love life na: ‘Crush ako ni Sam’

$
0
0
Melai Cantiveros naloka, bunsong anak luma-love life na: ‘Crush ako ni Sam’

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

NAKAKALOKA ang naging rebelasyon ng bunsong anak ng Kapamilya celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Paano ba naman kasi, sa murang edad na 5 years old ay luma-love life na si Stela.

Ibinandera mismo ni Melai ang pag-amin ni Stela sa isang TikTok video at Instagram post.

May pabirong caption pa si Melai na, “Totoo pala ang Genes??????”

Mapapanood sa video na kilig na kilig at napapasigaw pa nga ang bunsong anak ni Melai habang nagkukwento.

Chika ni Stela, “Diba crush ko si Sam, di mo pa alam guys.”

Bigla pa niyang sinabi na, “Tapos crush ako ni Sam.”

Nabanggit din ni Stela na magkasing edad lang sila ng kanyang crush.

“He is 5 years old like me,” sabi ng tsikiting.

Tila nawindang si Melai sa kanyang nalaman at tinanong pa sa anak, “Paano mo nalaman na crush ka niya?”

kaagad naman siyang sinagot ni Stela at sinabing, “Na-ask ko siya.”

Makikita rin sa video ang naging reaksyon ng kanyang ama na si Jason na naging speechless at sinabi nalang na normal lang ang magkaroon ng crush.

Sey ni Jason, “It’s normal, it’s normal.”

Maraming netizens naman ang natuwa sa video ni Stela at karamihan sa kanila ay napa-sana all nalang.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa viral post.

“Hahahaha cutie! Sana all crush back ng crush mo.”

“HAHAHHAHAHAAHHAHAAHHAAH SANA ALL NA CCRUSHBACK”

“Hahaha sene el krasss bigyan mo chicken nuggets Bebe hahaha”

“kakatuwa sya! (red heart emoji) ang cute cute din! grabe yung kilig sa dulo.”

As of this writing ay isang araw palang uploaded ang video at umaani na ito ng mahigit three million views sa TikTok, habang sa Instagram naman ay may libo-libo na itong like at comments.

Related chika:

Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

Momshie Melai sa birthday ng kanyang ‘Best Enemy’: I’ve never feel this hate. Char lang!

Pinoy viewers may powers makialam sa ‘The Chosen One’ nina Melai at Jhong: ‘You get to play God!’

The post Melai Cantiveros naloka, bunsong anak luma-love life na: ‘Crush ako ni Sam’ appeared first on Bandera.

Ryan nag-ala BTS sa bonggang debut party ni Yohan; Juday may emosyonal na birthday message

$
0
0
Ryan nag-ala BTS sa bonggang debut party ni Yohan; Juday may emosyonal na birthday message

PHOTO: Instagram/@officialjudayph

KABOG ang kaarawan ng panganay na anak ng celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Binigyan nila ng engrandeng debut party si Yohan sa isang hotel sa Makati nitong Sabado, November 19.

Sa Instagram, ibinandera ng sikat na event designer na si Gideon Hermosa ang mala-”Euphoria” na tema ng party.

Caption pa niya, “e’re giving all sorts of #Euphoria vibes for this debut! Now who is ready to party? #Gideonized #Yohanation #Euphoria #GideonizedDebut

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)

Makikita rin sa IG stories ng event designer ang bonggang pink off-shoulder na gown ni Yohan.

Tadtad rin ng post mula sa event ang isa pang Instagram account ng celebrity mom na “Official Juday PH” at makikita ang ilan sa mga naging highlights ng party.

Isa na riyan ang dance performance ng mag-amang Yohan at Ryan na bigay todo sa pagsasayaw sa kantang “Dynamite” ng K-Pop group na BTS.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Official Juday PH (@officialjudayph)

 Bukod sa mga pamilya at kaibigan, ilan pa sa mga dumalo sa debut party ay si Megastar Sharon Cuneta na kasama ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Pero bago ang party, nakapag-post pa sa Instagram ng isang heartfelt message si Juday para sa anak noong nakaraang linggo.

Ang birthday kasi talaga ni Yohan ay noon pang November 8.

Sa IG post, napa-senti mode ang aktres at inalala pa noong isinilang ang panganay na anak.

Sinabi rin ni Juday kung gaano sila kaswerte na magkaroon ng anak na tulad ni Yohan.

Sey niya sa post, “18 years.. just like that, time does really fly fast my love… 24 years ago i started praying for a baby when i turn 26.. in the same year that i turned 26, God gave me you.. and how lucky i am to have you.. you taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning.”

Patuloy pa sa caption, “We grew up together.. literally.. and we are both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections.. this we promise you.. life is tough my love.. friends come and go.. but, family.. is permanent..

“Wherever you wanna go.. whatever you want to be.. we will be here for you .. always and forever.. happy 18th our big buding.. we love you, with all of our hearts. (red heart emoji),” mensahe ni Judy Ann.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Related chika:

Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo

Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

The post Ryan nag-ala BTS sa bonggang debut party ni Yohan; Juday may emosyonal na birthday message appeared first on Bandera.

Donnalyn Bartolome ayaw tanggapin ang regalo ng ina: Hindi pwede…may utang ako sa ‘yo

$
0
0
Donnalyn Bartolome ayaw tanggapin ang regalo ng ina: Hindi pwede…may utang ako sa 'yo

PHOTO: Instagram/@donna

TOP trending sa YouTube ang latest vlog ng actress at content creator na si Donnalyn Bartolome.

Ito ‘yung kanyang gift unboxing video na ipinapakita ang mga natanggap niyang regalo mula sa kanyang kaarawan.

Ayon kay Donnalyn, hindi na sana niya ito ibabandera sa YouTube dahil pakiramdam niya raw ay hindi niya deserve ang mga nakuhang regalo.

Gayunpaman ay lubos daw siyang nagpapasalamat sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Caption niya sa isang Instagram post, “Last picture shows my *kilig* I didn’t reveal my gifts back in July because dumating ako sa point na naisip kong ‘di ko deserve yung ganitong pagmamahal.

“Pero kahit ganu’n, I realized I should still thank the people who shows me so much love by revealing them to you.. I have to let you know the ones who remembered my birthday and even went out of their way to give me something special. Nakakaiyak yung mga regalo,” sabi ng vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Anyway mga ka-Bandera, sobrang daming regalo ang natanggap ng content creator.

Bukod sa mga alak, chocolates at flowers ay mayroon ding mga mamahalin at luxury items.

Kabilang na riyan ang earrings at bracelet na ibinigay sa kanya ng YouTuber na si Jelai, at ang bonggang cake mula sa TV host-actor na si Ryan Bang.

Nakatanggap din siya ng regalo mula sa Facebook na pinadalhan siya ng tatlong tropeyo para sa “Best Family Video,” “Best Music Video” para sa kantang O.M.O (On My Own), at “Best Beauty Video.”

Masayang sinabi ni Donnalyn, “‘Yung mga paghihirap ko rin pala sa content creation ‘no nare-recognize din naman pala. So one of the best gift na to be recognized this way.”

 Nakakuha rin ang aktres ng Apple watch na lubos niyang ikinatutuwa dahil mahilig daw siya sa relo.

“May Apple watch ako… Mahilig kasi ako sa watch guys,” sey niya.

Binasa pa niya ang nakadikit na letter ng regalo, “This watch can’t stop time, but it can find your phone which will definitely helps save time.

“Lagi kasi nawawala cellphone ko. This is very thoughtful kasi totoo.”

At ang talagang iniyakan ni Donnalyn ay ‘yung naging regalo ng kanyang ina na isang Chanel watch.

Nakuwento pa ng content creator na dream watch niya ito, pero talagang may kamahalan.

Naiyak niyang sinabing, “Ito ‘yung pinapahanap ko sa kanya ‘to, pero nu’ng nalaman ko na medyo mahal, sabi ko ‘hindi okay lang ‘yan mommy, bibili pa kasi tayo ng bahay ulit,’ ‘yun ang sabi ko sa kanya.”

Sa huli, sinabi ni Donnalyn na hindi niya matatanggap ang bigay ng kanyang ina bilang regalo at babayaran niya raw ito.

Sey niya, “Hindi pwedeng gift mo ito sa akin mommy, babayaran kita… That is too much for a watch. I will not accept this as a gift, may utang ako sayo.”

As of this writing, number one trending sa YouTube ang gift unboxing video ni Donnalyn na umaani na ng mahigit 1.2 million views.

Related chika:

JM de Guzman umamin na sa tunay na feelings kay Donnalyn Bartolome: ‘May gusto ako sa kanya…’

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

May tensiyon at kumpetensiya nga ba sa pagitan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake?

The post Donnalyn Bartolome ayaw tanggapin ang regalo ng ina: Hindi pwede…may utang ako sa ‘yo appeared first on Bandera.

Jessy Mendiola ibinandera ang ‘bahay-on-the-go’: Si Baby Peanut ang reason kaya bumili ako nito

$
0
0
Jessy Mendiola ibinandera ang ‘bahay-on-the-go’: Si Baby Peanut ang reason kaya bumili ako nito

PHOTO: Screengrab from Jessy Mendiola’s YouTube vlog

IPINASILIP ng aktres at mom-to-be na si Jessy Mendiola ang bago niyang milestone matapos makabili ng customized van o ‘yung tinatawag niyang “bahay-on-the-go.”

Kung ang ibang celebrities ay may “artista van” na usual nilang gagamitin sa trabaho,  aba ang main purpose naman ni Jessy kaya siya nagpa-customize ng van ay para may magamit ang kanyang lumalaking pamilya.

Nagkaroon pa nga siya ng van tour sa YouTube at ikinuwento ng aktres na matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng ganitong klaseng sasakyan.

Sey ni Jessy, “Isang milestone for me ito kasi gusto ko lang i-share na ‘nung nagte-taping pa ako, ‘yung gumagawa pa ako ng mga teleserye, pangarap kong magkaroon ng ganitong kotse at magpa-customize. Pero dahil hindi ko pa kaya noon, siguro kasi mas inuna ko ‘yung family ko kaysa sa sarili ko.”

Dagdag pa niya, “Kaya naisip ko na sayang naman sa pera kung nagte-taping ako tapos lagi naman akong nasa set. Hindi ko naman kailangan ng malaking van or ng customized na van so pinagpaliban ko muna.”

Inamin din niya na ang nagtulak sa kanya na bumili na talaga ng van ay dahil na rin kay baby Peanut.

Chika niya, “But I think, ito ‘yung reason kung bakit naisip kong bumili at magpa-customize ng van is beacuse of baby Peanut. Si baby Peanut lang pala ang makakapg-push sa akin na bumili ng ganito.”

Gaya nga ng sinabi ni Jessy, mala-bahay ang features na makikita sa kanyang susyal na van.

Mayroon pa nga itong CR, TV, wifi at hightech pa ang mga upuan na parang tulad sa mga eroplano.

Sabi pa ni Jessy, “Pinag-ipunan ko talaga ito kasi sabi ko one day, kapag nagkaroon na kami ng baby, gusto ko na kahit papaano ay maging comfortable kami.

“May toilet o CR, tapos ‘yung seats comfortable, tapos si Howhow din kapag may malalayong work, pwede niyang gamitin ‘to.”

Samantala, sa susunod na buwan nang nakatakdang manganak si Jessy sa first baby nila ng kanyang asawa na si Luis Manzano.

Kamakailan lang ay nag-trending ang bonggang “maternity shoot” ng aktres at sinabi pa niya na hindi na siya makapaghintay na makita ang kanyang baby Peanut.

Matatandaang noong Agosto nang ibinalita ng dalawa na magkakaroon na sila ng panganay.

Noong Pebrero ng nakaraang taon sila kinasal sa Batangas matapos ang apat na taong magkarelasyon.

Related chika:

Jessy Mendiola may payo sa mga misis: Protecting your family is your duty…

Jessy Mendiola kabog sa kanyang maternity shoot: I can’t wait to meet her…

Jessy Mendiola nag-shopping nang bongga bago manganak, ninega ng netizen

The post Jessy Mendiola ibinandera ang ‘bahay-on-the-go’: Si Baby Peanut ang reason kaya bumili ako nito appeared first on Bandera.


#Panliligaw101 tips ni Juancho Trivino: Be brave, kahit mukha na kayong…alam n’yo na, para ma-feel niya na special siya

$
0
0
#Panliligaw101 tips ni Juancho Trivino: Be brave,

Juancho Trivino at Joyce Pring

GUYS, nahihirapan ba kayong mapasagot ang mga nililigawan n’yo? Matagal-tagal n’yo na ba silang sinusuyo pero waley pa ring nangyayari?

Oh well, may ilang helpful tips ang Kapuso actor at celebrity dad na si  Juancho Triviño para sa lahat ng mga nanliligaw diyan para kahit paano’y mapansin kayo ng mga pinopormahan n’yo.

Sa pamamagitan ng ilang throwback videos, ibinahagi ni Juancho kung paano siya nag-effort sa panliligaw sa kanyang wifey na si Joyce Pring.

Gamit ang #Panliligaw101, ipinost ng Kapuso star ang ilang video clips sa TikTok at dito nga mapapanood ang ilang eksena nang panunuyo niya sa dati niyang girlfriend na asawa na nga niya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joyce Pring-Triviño (@joycepring)


Makikita sa isang video si Juancho na personal na bumisita kay Joyce habang nasa trabaho ito. Binati niya ang TV host sabay halik sa pisngi nito.

“Siyempre, medyo busy kami ni Joyce palagi, hindi kami madalas magkasama, edi puntahan natin siya sa work kahit no sleep, just to say hi and good morning!” sabi ng “Maria Clara at Ibarra” star.

Payo pa ng aktor, kailangan daw tuluy-tuloy pa rin ang panliligaw kahit na sinagot at magdyowa na kayo para mas ma-in love pa raw kayo sa isa’t isa.

Sa isa namang video, makikita si Juancho sa airport na may dalang DIY (do-it-yourself) “welcome home” placard para sa pag-uwi ni Joyce sa Pilipinas mula sa ibang bansa.

“Si Joyce galing sa nakakapagod na work trip abroad then eto na dumating siya sa Pilipinas ng 2 am, she insisted on taking a cab home pero I said, nope. Superman is here,” sabi ni Juancho.

Pagpapatuloy pa niya, “This is my tip for today, Be brave, kahit mukha na kayong, alam n’yo na, lakasan n’yo loob n’yo into making her feel special. Siyempre bonus na din ‘yung mapapatawa mo siya.”

Ani Juancho, feeling embarrassed daw talaga siya nu’ng mga oras na yun dahil ang daming tao sa airport. Pero worth it naman daw ang effort niya dahil sobrang na-appreciate ito ni Joyce.

“Natuwa din naman siya sa ginawa kong welcome home sign na gawa sa Manila paper, tape at pentelpen. Basta, always make sure they get home safely, ok boys?” sabi pa ni Juancho.

Napapanood pa rin gabi-gabi si Juancho sa Kapuso primetime series na “Maria Clara at Ibarra” bilang si Padre Salvi. Ito’y pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

Juancho, Joyce handang-handa nang maging mommy ay daddy; Bong feeling baguhan sa pag-arte

Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Juancho kay Joyce: Crush na crush pa rin kita, I will always open the door and wash the dishes for you

The post #Panliligaw101 tips ni Juancho Trivino: Be brave, kahit mukha na kayong…alam n’yo na, para ma-feel niya na special siya appeared first on Bandera.

Gretchen Ho binalikan ang mga huling sandali ng yumaong ama: ‘Dad fought on long and hard enough to see us all’

$
0
0
Gretchen Ho binalikan ang mga huling sandali ng yumaong ama: 'Dad fought on long and hard enough to see us all'

James Ho at Gretchen Ho

IBINAHAGI ng TV host at dating volleyball star na si Gretchen Ho sa madlang pipol ang mga last moments niya kasama ang kanyang yumaong ama.

Sa pamamagitan ng Facebook, nagkuwento si Gretchen kung paano at kailan niya nalaman na hindi na okay ang tatay niyang si James Ho na sumakabilang-buhay sa edad na 65.

Ayon sa TV host-athlete, “I was in Sagada when I found out dad wasn’t doing okay.

“We were waiting for a call from my doctor brother to give us an update about his proposal to his girlfriend in South Africa. 2pm Manila time Monday, he said.

“The family viber video call came in 30 minutes earlier than expected, and what was supposed to be celebratory suddenly turned grim. It was different news Doc Justin Ho delivered. ‘Code! Code (Blue) si Daddy!’ We were all stunned,” pagbabahagi ni Gretchen.

Noong July, 2022, na-diagnose raw ang tatay ni Gretchen ng congestive heart failure at na-stroke pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho)


“This was my dad’s second time in the hospital after getting a stroke last July, and now it was cardiac arrest.

“He flatlined and got revived. Dad was diagnosed with congestive heart failure due to a weak heart muscle, which we fear might have been triggered by long Covid.

“I had to shoot my last spiels before leaving Sagada, severely dreading the 8-hour roadtrip headed home. While we were quickly wrapping up, this rainbow appeared on the horizon of the Kiltepan Viewpoint,” lahad ni Gretchen.

“In contrast to the turmoil that was happening inside me, there was so much peace and calm in what I saw, as if giving reassurance that despite what was going to happen in the next days, everything was going to be okay. I struggled to comprehend it,” pagpapatuloy pa ng dalaga.

Nang dumating sa ospital, nadatnan ni Gretchen ang ama na gising, “Thankfully, I arrived in the hospital and found my dad awake. He held my hand, and nodded when I said ‘lalaban tayo.’

“Our eldest too had just come home from Indonesia. Mom and little brother were there the whole time.

“Doctor brother made it back from South Africa the next day, personally giving my father the news that he already got engaged.

“Dad, with smiling eyes, mustered enough strength to give my brother and future sister-in-law a two thumbs up. Lalaban tayo. Dad fought on long and hard enough to see us all,” dagdag pang kuwento ng TV host.

Mensahe naman niya sa lahat ng nagmamahal at patuloy na nagdarasal para sa katahimikan at kapayapaan ng kanyang kaluluwa, pati na rin sa mga nakiramay sa kanilang pamilya.

“I will always be grateful for the chance that we got as a family to spend those last precious moments with my father together. I would not have forgiven myself had it gone otherwise.

“It’s been such a rollercoaster ride the past week, the past months and the past year. I don’t know what to say.

“Grace. There has been an unexpected and tremendous outpouring of love, presence and support for our family. Thank you for giving our hearts a soft landing.

“It will take us a while, but I know dad’s still watching over us, the Lord has got our backs, and we’ll be okay,” mensahe pa ni Gretchen Ho.

Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us

Andre pangarap makatrabaho ang amang si Benjie, hirit kay utol: Kobe, sa ‘yo na ang basketball, akin na ang showbiz

Willie Revillame may ginawang kanta para kina BBM at Sarah: Ang kulang sa kampanya n’yo ay puso…

The post Gretchen Ho binalikan ang mga huling sandali ng yumaong ama: ‘Dad fought on long and hard enough to see us all’ appeared first on Bandera.

Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli pero mas gusto munang tutukan si Amari

$
0
0
Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli

Billy Crawford at Coleen Garcia

GAME na game si Coleen Garcia na mabuntis at manganak uli sa ikalawang baby nila ni Billy Crawford kung mabibigyan ng pagkakaon.

Kasalukuyang nasa France si Coleen kasama ang kanyang asawang si Billy Crawford at anak nilang si Amari.

Sinamahan at sinuportahan kasi niya ang kanyang husband na sumali at nagwagi sa French edition ng reality dance competition program na “Dancing with the Stars”.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang TV host-actress via zoom kamakailan para sa latest movie niya sa Viva Films, ang “Kaluskos”

Kuwento ng celebrity mom, mananatili sila sa France until the first week of December at babalik sa Pilipinas bago mag-Pasko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Ang “Kaluskos” na idinirek ni Roman Perez, Jr., ay ipinalabas sa nakaraang 2022 Cinemalaya Independen Film Festival at mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa December 7.

Kuwento ni Coleen, medyo madalang siyang gumawa ng pelikula ngayon dahil ang priority pa rin niya ay ang kanyang pamilya, lalo pa’t lumalaki na ngayon si Amari.

Ang huling pelikula ni Coleen ay ang “Adarna Gang” na ginawa niya noon pang November, 2021 at ipinalabas sa Vivamax early this year.

“I don’t think I purposely limit pero mahirap din for every production to consider din na bitbit ko yung anak ko and everything.

“Parang mahirap din naman to consider pero wala, e, non-negotiable pa talaga siya kasi I never spent one single night away from Amari,” sey ni Coleen.

“So, nagpapasalamat talaga ako kasi ang Viva saka si Direk Roman, they’re really so understanding about that. And I don’t think, lalo na siguro kung teleserye, na magiging madali siya kung palagi kong kasama si Amari.

“I know it will not last forever kasi hindi naman siya bata forever. Inuuna ko lang talaga siya now,” dagdag chika pa ng aktres.

Sa tanong kung may plano na ba sila ni Billy na sundan si Amari, “It’s a good time, it’s a good time naman. But it’s still up to God pa rin, at the end of the day.

“Na-realize ko din naman na akala ko kasi, nu’ng pregnant ako, sabi ko, ‘Ay, madali lang ito. Parang nine months lang ang mawawala sa akin.’ Pero hindi.

“Two years na yung nawala sa akin na I don’t feel like it’s going to be cut short anytime soon.

“Raising a child is not easy and ang sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari and I feel like if we have another child now, doable naman, manageable naman, pero the way na natututukan namin siya ngayon, iba kasi talaga.

“Although we can multi-task, mas gusto ko yung focus talaga and then, kapag nakakausap na namin siya, nakakaintindi na siya, mae-explain na namin at maiintindihan niya, yon ang ideal time talaga para sa akin na masundan siya,” sabi pa ni Coleen Garcia.

Coleen isinama ang anak sa lock-in shoot: Hanggang ngayon kasi breastfeeding pa rin ako

Aiko Melendez kering-keri pang magbuntis at manganak: Maganda ang lahi ko, in fairness!

Billy bilib sa pagiging padede nanay ni Coleen: Wonderful mom and the best wife to a pasaway husband!

The post Coleen Garcia payag mabuntis at manganak uli pero mas gusto munang tutukan si Amari appeared first on Bandera.

Rica Peralejo hindi nagmamagaling: ‘I never dreamed of speaking, never…I best express myself thru writing’

$
0
0
Rica Peralejo hindi nagmamagaling

Rica Peralejo

KNOWS n’yo ba na hindi talaga forte ng aktres at celebrity mom na si Rica Peralejo ang magsalita tungkol sa iba’t ibang topic sa harap ng maraming tao?

Ibinahagi ng Rica sa kanyang supporters at social media followers ang kanyang public speaking experience kamamailan sa pamamagitan ng Instagram.

Sabi ng hindi na aktibong aktres, hindi talaga siya “professional” public speaker pero handa siyang gawin ito kung makakatulong at makaka-inspire ng maraming tao.

Base sa IG post ni Rica, inimbitahan siyang maging speaker sa isang event ng Christian group na Feast.

“I never dreamed of speaking. Never. I best express myself thru writing!

“But I am now able to reconcile my speaking with my love for for teaching. Though not for the reason you might think,” simula ng caption niya sa kanyang post.


“I don’t like to educate others to help them know what I know but because teaching causes me to seek that which I don’t know, so I could have something valuable to give to others,” sabi pa ng aktres.

Ipinagdiinan naman niya na hindi siya nagmamarunong kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao na parang alam na niya ang lahat sa mundo.

“I never speak from a superior position, but only from a fellow learner’s posture of wanting to know more. And I am happy to do it because the pleasure of learning is mine!” pahayag pa ni Rica.

Pagpapatuloy niya, “They say the best way to learn something is to teach it and today, part of what I learned as I was trying to discern God’s heart for this talk is written in the second to the last photo.

“I realised how we’d been saying to be a great example to our kids is key to great parenting when really, we musn’t make our children believe we are able to keep up with this image of never finding ourselves falling short.

“Instead we must point to The One Who Could; the spotless role model can only be Jesus. The unfailing, the perfect Jesus.

“And there is great relief for me as a parent in knowing that I don’t have to hold the whole world in my hands,” paliwanag ni Rica.

Ikinasal sila ng kanyang husband na si Joseph Bonifacio noong 2010 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Philip at Manu.

Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Rica: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

The post Rica Peralejo hindi nagmamagaling: ‘I never dreamed of speaking, never…I best express myself thru writing’ appeared first on Bandera.

Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic

$
0
0
Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic

Kim Atienza at Vice Ganda

NABAHIRAN na naman ng kontrobersya ang pagsagot ni Kim Atienza sa isang tweet ni Vice Ganda kaugnay ng anniversary celebration ng “It’s Showtime” last Saturday.

Nagsimula ito sa naging mensahe ng TV host-comedian sa pagkapanalo nina Ryan Bang at Jhong Hilario sa “Magpasikat 2022” ng kanilang noontime show sa ABS-CBN.

Bago tuluyang magpaalam sa mga manonood, nagbahagi si Vice ng kanyang saloobin hinggil sa naganap na “Magpasikat 2022” sa “It’s Showtime.”

“Binalikan niya kung ano siya. Siya ay Koreano na minamahal ng Pilipinas. At siya ay Koreano na mahal ang Pilipinas. Nang binalikan niya, lalong lumabas ang totoong kagandahan niya bilang tao.

“Gusto kong magpasalamat at balikan yung pinagmulan natin. Direk Bobet Vidanes, thank you very much. Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet, thank you very much,” pahayag ni Vice sa mga dati nilang kasamahan sa programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Nabanggit din niya sina Billy Crawford, Coleen Garcia, Eruption, Kuya Kim Atienza at Joey Marquez, “Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo.”

Ito naman ang ipinost ng komedyante sa kanyang Twitter, “As we end this weeklong celebration of It’s Showtime’s 13’th Anniversary i wanna say THANK YOU VERY MUCH Madlang People! From the bottom of my heart! Labis labis na utang na loob ang tinatanaw ko sa inyo!”

Tweet naman ni Kuya Kim, “You’re welcome, Vice. We have all moved on and God has put us in our special places we should be. All the best to all of you there on Showtime. God bless you all.”

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa ipinost ni Kuya Kim na mensahe para kay Vice, may mga natuwa pero meron ding nang-okray sa Kapuso TV host at Trivia Master.

Komento ng isang netizen, “Masakit mawalan ng kaibigan I hope magkaayos na all for love and friendship @vicegandako @BillyCrawford @kuyakim_atienza @jhongsample.”

Reply sa kanya ni Kuya Kim, “Di naman nasira. We are all family regardless of network or show.”

May mga bashers naman ang nagkomento ng bakit daw kailangan pa niyang mag-tweet tungkol sa sinabi ni Vice. Halatang kaplastikan daw ang ginawa niya.

Pagtatanggol ng isang netizen kay Kuya Kim, “Sana nag-isip ka muna bago ka nag-comment ng ganyan! Nag-tweet si Kuya Kim para malaman din ng mga tao na marunong siya magpasalamat kay @vicegandako kasi kung di niya ‘yan gagawin iisipin ng mga tao toxic na tulad mo na dedma lang siya. Kaya wag puro kuda mag-isip ka rin! Periodt!”

“Yes, tapos pag private nag-thank you sasabihin ay hindi man lang nagpasalamat, inisnab si Vice. Wehehe, sala sa init, sala sa malamig. In short mema lang,” pagsang-ayon ng isa pang Twitter user.

Nag-comment naman dito si Kuya Kim, “Salamat… May mga taong likas na toxic… hayaan mo na lang baka may pinagdadaanan.”

Pero hindi pa rin siya tinantanan ng hater, “Plastik may DM po lol,” na sinagot naman ni Kuya Kim ng, “Nag-DM po ba si Vice? Hingang malalim po galaw-galaw.”

Kuya Kim may swabeng hirit kay Ogie Diaz; bawal ikampanya ang ama sa Eleksyon 2022

Kim Atienza nabiktima ng satire page, pinag-tripan ng netizens: This is a scam

Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo

The post Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic appeared first on Bandera.

Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect

$
0
0
Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I'm not prepared guys, so huwag muna mag-expect

Kristel Fulgar, Yohan Kim at Jay Han

ANG bongga talaga ng actress-singer at content creator na si Kristel Fulgar, ‘no!

E, kasi nga pumirma lang naman siya ng kontrata sa entertainment agency na Five Stones Entertainment sa South Korea!

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, ibinahagi ni Kristel ang naganap na meeting nila ni Jay Han, ang CEO ng nasabing talent agency.

“So I signed with Five Stones Entertainment because for me to have a working visa here in Korea. Kasi kapag kumuha ako ng student visa, they would require me two semesters,” simulang kuwento ng dalaga.

“Six months ‘yun na mag-aaral ako and ayoko na mag-aral ako ng six months. And then Big Boss (Yohan Kim) is friends with CEO Han and then he asked for favor,” pagpapatuloy ni Kristel na talagang nag-aral pa ng Korean language.

Matapos mag-sign ng contract sa Five Stones, agad ding nakuha ng Kapamilya actress ang kanyang working visa sa South Korea.

“Since they (Yohan at Mr. Han) are friends and they do business together, they said they would provide me an E6 Visa, which is a working visa here in Korea,” sabi pa ng vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)


Ine-encourage rin siya nina Yohan na subukang mag-showbiz sa Korea, “He said, ‘Why not try out show business here?’ But I’m not prepared for that guys, so huwag muna kayo mag-e-expect.”

Ayon sa dalaga, hindi pa siya masyadong confident sa pagsasalita ng South Korean language, “Huwag muna mag-e-expect na mag-aartista ako rito, ganyan.

“Kasi nga hindi pa ako ganu’n ka-confident mag-Korean. Later na, let’s see. Kung ano ‘yung matutunan ko sa school baka magkakaroon ako ng confidence,” aniya.

Lahad pa ni Kristel, “Alam mo ‘yung showbiz sa Philippines is so tough now, how much more here? I am not expecting anything here. I just want to enjoy! When I’m starting to think about it, parang I feel pressured.

“Let’s see kung anong mangyayari sa life ko dito sa Korea. Again huwag kayo mag-e-expect, after ko mag-study ng Korean language, malay mo naman,” dugtong ng aktres at singer na dumating sa Korea noong September.

Sa isa niyang vlog, nabanggit ni Kristel na noong July pa dapat siya magtutungo sa South Korea pero hindi natuloy matapos siyang tamaan ng COVID-19

“Today is July 30, ang araw na pinakahihintay-hintay ko na dapat sa araw na ‘to at sa mga oras na ito ay dapat nasa Korea na ako at nanonood ng fan meeting ni Seo In-guk. Pero sa kasamaang palad, minalas ako dahil tinamaan ako ng COVID-19.

“Sobrang ayos na nung plano, flight ko na dapat ng 28, 29 mag-enroll na ako dun sa school na gusto ko. Kasi kailangan physical copies ng requirements na kailangan for enrollment.

“Tapos 30 ayun papunta na ako sa fan meet ni Seo In-guk kaso ayun nga 26 pa lang nagkasakit na ako,” kuwento pa no Kristel Fulgar.

Kristel Fulgar ibinandera ang bagong gawang bahay: Nakikita ko na ‘yung mga bagay na naipundar ko

Kristel ipinasilip ang ipinagagawang bahay: Ang sakit sa bulsa!

Kristel Fulgar nag-record ng original Korean song para sa bagong web drama: Dream come true!

The post Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect appeared first on Bandera.

Lovi Poe ‘sinasaniban’ ni FPJ kapag sumasabak sa maaaksyong eksena; ‘Flower of Evil’ hahataw na sa free TV

$
0
0
Lovi Poe 'sinasaniban' ni FPJ

Lovi Poe

TILA sinasaniban ng Action King na si Fernando Poe, Jr. ang Kapamilya actress at singer na si Lovi Poe kapag gumagawa siya ng mga action scenes.

Inamin ng dalaga na nararamdaman pa rin niya ang presence ng kanyang ama kahit ilang taon na itong wala sa mundo, lalo na kapag nasa shooting siya at nagtatrabaho.

Sa naganap na mediacon ng ABS-CBN para sa pagpapalabas sa free TV ng hit digital series at Philippine adaptation ng Korean drama na “Flower of Evil,” natanong namin si Lovi kung napi-feel ba niya ang guidance ni Da King sa pagsabak sa aksyon.

Pagbibiro ni Lovi, parang sinasaniban daw siya ng ama kapag gumagawa siya ng action scenes at mga buwis-buhay na stunts. Ginaya pa niya ang boses at style ng pagsasalita ni FPJ pati ang porma nito sabay tawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Sey ng dalaga, talagang humihingi raw siya ng guidance kay FPJ sa tuwing sasabak sa maaaksyong proyekto para magawa niya nang tama ang mga ito at makaiwas sa anumang aksidente.

Sabi pa ni Lovi, hinding-hindi niya malalagpasan o mapapantayan ang na-achieve ng kanyang ama sa mundo ng showbiz pero sana raw kahit kaunti lang ng naabot ni Da King ay marating niya.

* * *

Kaya mo pa bang mahalin ang asawa mo kapag nalaman mong baka isa siyang mamamatay-tao?

Masusubukan ang pagmamahal at prinsipyo nina Lovi Poe at Piolo Pascual sa Philippine adaptation ng “Flower of Evil,” na mapapanood na gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Sinusundan ng kwento ang buhay ng mag-asawang Jacob at Iris (Piolo at Lovi). Umiikot ang buhay nila sa anak nilang si Luna (Sienna Stevens), habang si Jacob ay isang metal craftsman at si Iris naman ay isang maprinsipyong police detective.

Walang kamalay-kamalay si Iris na may itinatago pa lang masalimuot na nakaraan si Jacob. Ilang taon na kasing inililihim ni Jacob ang kanyang totoong pagkatao dahil siya talaga ang misteryosong si Daniel Villareal.

Si Daniel ay may antisocial personality disorder at 17 taon nang wanted ng pulis dahil sa pagpatay sa isang barangay captain. Siya rin ang nag-iisang anak ni Abel (Gardo Versoza), isang kilalang serial killer na nag-suicide.

Mayayanig ang mundo nila nang mapunta kay Iris ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado kay Daniel.

Gagawin ni Iris ang lahat upang maresolba ang kaso, habang hindi niya alam na may posibilidad na isang mamamatay-tao ang pinakamamahal niyang asawa.

Anong gagawin ni Iris kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ni Jacob? Ano-ano pang mga sikreto ang itinatago ni Jacob?

Kasama rin sa cast sina Paulo Avelino, JC de Vera, Agot Isidro, Denise Laurel, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joross Gamboa, Joko Diaz, at Edu Manzano, at idinerehe ito nina Darnel Villaflor at Richard Arellano.

Unang napanood ang “Flower of Evil” noong Hunyo sa Viu at ito ang kauna-unahang Viu original adaptation mula sa Pilipinas na ipinapalabas sa 16 markets sa Viu.

Subaybayan ang “Flower of Evil” gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Jeepney TV,  A2Z, at TV5.

Lovi Poe positibo ang pagtanggap sa pagpanaw ni Susan Roces: She’s an amazing woman, queen-like talaga!

Birthday gift ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez: ‘Prayers and good health…’

Piolo, Lovi perfect tanden sa ‘Flower of Evil’; pilot episode ‘ang lupet, super intense’

The post Lovi Poe ‘sinasaniban’ ni FPJ kapag sumasabak sa maaaksyong eksena; ‘Flower of Evil’ hahataw na sa free TV appeared first on Bandera.


LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi Sta. Maria; dream role ang maging anak ni Ian Veneracion

$
0
0
LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi

Jane de Leon at LA Santos

KUNG mabibigyan pa ng magaganda at mas challenging projects ang Kapamilya actor-singer na si LA Santos, siguradong malayo pa ang mararating ng kanyang showbiz career.

Napapanood ngayon ang binata sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna” na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Ginagampanan niya rito ang karakter ni Richard Miscala, isa sa mga miyembro ng paramedic team. Siya ang kumanta ng isa sa mga themesong ng “Darna”, ang “‘Di Maghihiwalay.”

Nakachikahan namin si LA recently kasama ang ilang piling miyembro ng entertainment writers at vloggers at dito nga siya nagkuwento ng ilang detalye about his career.

Una siyang ipinakilala bilang recording artist under Star Music noong 2017 at naging frontman ng grupong 7K Sounds noong 2020. Pero sa ngayon, mas nagko-concentrate siya sa pagiging aktor.

“Na-attach po ako mismo sa art of acting. Ever since, never naman po ako na-attract sa acting dahil sa fame o sa pera. Na-in love ako sa experience na para akong napupunta sa ibang mundo,” pahayag ni LA na pang-matinee idol din ang datingan.

Kahit medyo baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte, marami ang nagsasabi na natural kay LA ang pagiging artista lalo na sa “Darna.”

“May one-on-one workshop po ako with Ms. Malou Crisologo. The seasoned actress made a mark with her stints in FPJ’s Ang Probinsyano and The Broken Marriage Vow,” aniya.

Ayon pa sa binata, baon-baon niya ang mga payo ng mga celebrities n nakatrabaho niya sa kanyang past projects, kabilang na riyan sina Sam Milby, Iza Calzado at Jodi Sta. Maria sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

“Take your time, mag-relax, at huwag mag-overthink,” ang ilan daw sa mga advice sa kanya ng senior stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LA SANTOS (@lasantos27)


Pero may isang payo raw talaga na tumatak sa kanya habang ginagawa ang seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin”, “’Yung pinakanag-stick po sa akin galing kay Ms. Jodi Sta. Maria. Sinabi niya po sa akin na huwag na huwag kakalimutan kung bakit ko ito ginagawa.

“Maganda pong reminder to think about my purpose ‘yung sinabi po ni Ms. Jodi,” aniya pa.

Tungkol naman sa working relationship niya sa kanyang “Darna” co-stars na sina Joshua, Janella at Jane, “Parang family na rin talaga po kami. Nakabauo kami ng family dito sa Darna. Ang pinaka-naa-appreciate ko po kina Jane, Janella, at Josh, nagtutulungan  po kami. Sobrang bait talaga.”

Kung may isa raw siyang dream role na nais matupad ito ay, “Gusto ko po talagang maging anak ni Ian Veneracion sa isang teleserye.”

Pag-amin pa niya, “Personally, sa acting ko na po nakikita ang career path ko po eh. ‘Yung music ko po at pagiging singer sobrang blessed ko na lang po. Kumbaga, bonus na lang.”

Samantala, kung hindi raw siya napadpad sa showbiz baka raw isa siyang veterinarian, “Next to music and acting, animals po talaga passion ko. Someday din po, gusto ko pong makabuo ng zoo.”

At tungkol naman sa lovelife, ang maikling sagot ni LA ay, “Puwede naman po may love life. Aayusin lang ang priorities.”

Tom Rodriguez wala pang planong magkaroon ng bagong pag-ibig: Gusto kong buuin ‘yung sarili ko

Payo kay Kakai: Ipagawa mo ang ipin mo, may potential kang maging sikat na singer

Oyo sinunod ang payo ni Bossing nu’ng kasal nila ni Kristine: ‘Wag mo lang ako gagayahin, okay ka na!’

The post LA Santos hinding-hindi malilimutan ang payo ni Jodi Sta. Maria; dream role ang maging anak ni Ian Veneracion appeared first on Bandera.

Paolo Contis lantaran na ang relasyon kay Yen Santos, may paandar na dinner date: ‘Happy birthday, my Best Actress!’

$
0
0
Paolo Contis lantaran na ang relasyon kay Yen Santos

Paolo Contis at Yen Santos

MUKHANG lantaran na nga ang relasyon ng controversial rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos.

In fairness, pinusuan at ni-like ng mga netizens ang latest Instagram post ng Kapuso actor at TV host kung saan makikita nga silang magkasama sa litrato ng dating Kapamilya actress.

Kuha ang nasabing photo sa 30th birthday salubong ni Yen kagabi kung saan nag-dinner date nga sila ni Paolo. Kahapon, November 20 ang eksaktong kaarawan ng aktres.

Maikli pero punumpuno ng pagmamahal ang inilagay na mensahe ni Paolo para kay Yen sa kanyang IG post, “Happy Birthday My Best Actress! (emoji).”

Wala namang binanggit si Paolo kung saan sila nag-date ni Yen para sa kaarawan nito. Pero kung hindi kami nagkakamali, ito na ang ikalawang beses na ipinagdiwang ni Yen ang kanyang birthday kasama si Paolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Last year, mainit ding pinag-usapan sa social media ang pagde-date ng dalawa nang pareho silang mag-post sa kanilang Instagram Stories ng isang lugar pero hindi magkasama sa picture.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Paolo at Yen tungkol sa tunay na estado at label ng kanilang relasyon.

Pero kung ang pagbabasihan ay ang latest photo nila sa IG — kailangan pa bang i-memorize yan? Feeling ko, unti-unti na silang nagiging komportable na ibahagi  sa publiko ang kanilang pagmamahalan.

Last Thursday nga, November 17, isa si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen nang manalo siyang Best Actress sa 45th Gawad Urian Awards para sa “A Faraway Land.”

Bahagi ng speech ng dalaga,”Hi! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat. Ahhhm, napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya.

“2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat.

“Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin. Noong in-offer po ito sa akin, inoohan ko agad. At bonus pa na nagawa namin ito sa napakagandang lugar.

“Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni (Veronica Velasco), sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo.

“And of course, to my leading man Paolo Contis, sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo. Ahhm, I’ll always be your number one fan,” pahayag ni Yen.

Kasunod nito, nag-post agad si Paolo sa kanyang Facebook account para batiin ang aktres, “Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile.”

Kayo dear Bandera readers, ito na nga ba ang hinihintay na tamang panahon nina Paolo at Yen para aminin na sa buong universe na sila’y totoong magdyowa na? At ano nga kaya ang magiging reaksyon ng estranged wife ni Pao na si LJ Reyes?

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo

The post Paolo Contis lantaran na ang relasyon kay Yen Santos, may paandar na dinner date: ‘Happy birthday, my Best Actress!’ appeared first on Bandera.

Robi Domingo, Maiqui Pineda pinaplano na ang dream wedding: It’s gonna be a short engagement

$
0
0
Robi Domingo, Maiqui Pineda pinaplano na ang dream wedding: It’s gonna be a short engagement

Robi Domingo at Maiqui Pineda

PINAPLANO na ng engaged couple na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda ang kanilang dream wedding.

Ilang linggo makaraang mag-propose ang Kapamilya TV host sa kanyang girlfriend, ibinandera na nga ni Robi kahapon ang ginagawa nilang preparasyon sa pinakaaabangan nilang kasal.

“Yes, we are. It’s gonna be a short engagement,” ang pahayag ni Robi sa Kapamilya Online Live habang umeere ang “ASAP Natin To.”

Sey pa ng TV host, ipinauubaya na niya kay Maiqui ang lahat ng desisyon tungkol sa mga detalye at iba pang kakailanganin sa wedding basta siya na ang bahala sa budget at finances.

“But of course lahat ng mga decisions, mapupunta sa kaniya. As much as I want to say it’s a joint celebration, it is actually, siyempre we are gonna be celebrating our love and marriage pero right now, totoo pala yung sinasabi nilang ‘happy wife, happy life,'” aniya pa.

Chika pa ni Robi hinggil sa pagiging perfect match nila ni Maiqui, “You have to be ready for the moment and the moment has to present itself. Kailangan maging handa ka rin sa sarili mo.

“Lagi nating sinasabi na kapag nakita mo yung mahal mo, siya na yung ‘the one.’ Every relationship, dapat siya na yung ‘the one.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“Pero magiging ‘the one’ lang siya kapag you are one with yourself already,” sagot ng binata sa tanong nina Darren Espanto, Maymay Entrata at Edward Barber patungkol sa pakikipagrelasyon.

“Kasi kapag hindi ka pa kumpleto, hindi ka pa masaya, tapos lahat ng happiness mo at problema mo, ishe-share mo sa kanya, workable siya pero hindi ka pa fulfilled.

“I guess meeting Maiqui, it’s His way of saying this is the moment, this is the time already. You’re ready. She’s ready. You’re both ready. Let’s make this happen,” aniya pa.

Bilib din daw siya sa pagiging pasensiyosa at pagiging understanding ni Maiqui, “Ang hirap ko kaya. And the world na ginagalawan natin, it’s hard lalo na if you’re not used to it. So kinaya niya, kaya naman ang isang promise ko is kahit anong mangyari, kakayanin ko rin.”

“The best thing about Maiqui is she gives me purpose. And I found that purpose most especially during the pandemic.

“Ako, yes I want to see her, but I felt her more nung hindi kami nagkita. Kasi alam kong gina-guide niya ako palagi, she made me more mature regarding my decisions,” dagdag pa ng TV host.

Pero paano nga ba hiningi ni Robi ang blessing ng parents ni Maiqui?
“To be frank, the events leading up to the elections, yun talaga yung parang, ‘Okay, we got the same goal, shared purpose with life, in life. So I think eto na yun, eto na yun.'”

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

The post Robi Domingo, Maiqui Pineda pinaplano na ang dream wedding: It’s gonna be a short engagement appeared first on Bandera.

Jameson Blake 7 years na sa showbiz, never naging choosy sa trabaho: ‘But I’m also aiming higher’

$
0
0
Jameson Blake 7 years na sa showbiz, never naging choosy sa trabaho

Jameson Blake

WALANG problema sa Kapamilya leading man na si Jameson Blake kung gumawa siya ng mga daring at sexy roles sa kanyang next projects.

Muling pinatunayan ng binata ang kanyang versatility as an actor sa hit ABS-CBN drama series na “A Family Affair” at talagang nakipagsabayan siya ng akting kina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Ivana Alawi.

Kino-consider ni Jameson na isa sa biggest achievement niya sa showbiz ang pagkakasali niya sa nasabing Kapamilya series na napapanood na rin ngayon sa Netflix.

Sa isang interview, natanong ang aktor kung ano ang reaksyon niya sa sinasabi ng marami na, “Jameson is the next ABS-CBN leading man?”

“Well, hindi naman siya fully nag-sink in. I guess, it’s motivating to hear for me kasi I’ve been here for seven years and you know I am also aiming higher.

“I want to see what more I can do so that’s on my mind naman,” pahayag ni Jameson sa panayam ng CinemaNews.

Ipinagdiinan ng binata na never siyang naging choosy sa trabaho, “Unang-una, I would see how the story is. In terms of non-negotiables, I never give it a thought kasi I do prioritize how I understand the story, how I like it, how it is going to relate to me and if I believe I could pull it off playing my character that is daring or really challenging for me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jameson Blake (@jmsnblake)


“Pero surprise me, I just would like to see what they offer me. Pero, yun ‘yung tinitingnan ko ‘yung story talaga and if I can believe that I can pull off the character and play it well then why not?” paliwanag pa niya.

Bukod dito, natanong nga siya kung payag ba siyang gumawa ng mga sexy roles, “Well, I mean started of with ‘2 Cool 2 Be 4gotten’, so medyo daring na agad ang character ko doon.

“Then people saw me playing roles na mas light, mas rom-com, and then after a while I do something a bit daring.

“So I think I am pretty much doing it so I am not sure what is the box that people think of me. If they think of me like, do they think of me na mas versatile or they think me like the boy next door or the guy does the actor challenging roles.

“I think I just want to be everything, like I want to explore. I want to be versatile with what I can do.

“I am just happy that people in production give me these opportunities and that they trust me that I can play these roles that they offer to me and that’s the very good sign para sa akin,” chika ni Jameson.

Samantala, kapag nabigyan ng pagkakataon, pangarap din ng binata ang magkaroon ng international career tulad din ng halos lahat ng artista.

“I strongly consider it also. I mean growing up, English isn’t my first language and I think it’s also a good path for me. I mean, I don’t think there’s anything wrong for aiming for that, so I would be happy if I got the chance to work overseas and work with, you know.

“It doesn’t have to be like Hollywood. I can always start somewhere pero like international. Yeah, would love to do that someday so tingnan natin,” aniya pa.

Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together

Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager

The post Jameson Blake 7 years na sa showbiz, never naging choosy sa trabaho: ‘But I’m also aiming higher’ appeared first on Bandera.

Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan

$
0
0
Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan

Sean de Guzman at Joel Lamangan

IPINALIWANAG ng veteran award-winning director na si Joel Lamangan ang tema at konsepto ng bago niyang pelikula, ang “Sa Kanto ng Langit at Lupa” na pagbibidahan ni Sean de Guzman.

Natanong kasi si Direk Joel sa naganap na story conference ng pelikula kung anong mensahe ang nais niyang iparating sa mga manonood.

Iikot kasi ang kuwento ng “Sa Kanto ng Langit at Lupa” sa mga taong kumakapit na sa patalim para lang mabuhay ang sarili pati na rin ang kanilang pamilya.

“Kalimitan kasi sa atin, marami tayong nakikita na hindi na natin nakikita. Mag-travel ka sa daan. Pag trapik, maraming kakatok sa iyo, humihingi ng pera, nagbebenta, parang hindi na natin nakikita. Pero nandiyan sila. Aalis na tayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


“Yung mga taong yun ang pinagbibigyan ko ng pansin. Yung mga taong yun ang walang boses. Yung mga taong yun ang dapat nating maramdaman.

“Sila yung nakikita pero parang hindi nakikita. Yung mga naggaganyan-ganyan para linisin ang salamin ng sasakyan mo. Gaganyan-ganyan ka lang, paaalisin mo,” ang pahayag ni Direk Joel.

Aniya pa, “Yun ang mga nakikita natin na hindi natin nakikita! Iyon ang mga buhay na dapat nating ipakita. Iyon ang gusto kong ipakita sa pelikulang ito.

“At mapansin at bigyan ng pag-a-analyze, at maramdaman. Ang mahirap, yung hindi maramdaman. At maramdaman. Yun lang naman ang gusto ko.

“Hindi ako nagpi-preach. Hindi ko pini-preach na, ‘Ganito! Ganyan.’ Hindi ganoon, darling. Ipapakita ko lang ang isang partikular na reyalidad para maramdaman. Kung gusto mong gumawa ng paraan, bahala ka,” paliwanag pa niya.

Natanong din ang premyadong direktor kung may kanya-kanyang sex scenes ang cast members ng “Sa Kanto ng Langit at Lupa”.

“Hindi lahat may daring na eksena dito. Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae dito ay magkakangkangan. Hindi.

“Ang pinakaimportante dito ay ang istorya ng bawat isang karakter upang mabuhay ngayong panahon na ito,” aniya.

Samantala, isa sa malaking challenge kay Direk Joel sa  pelikulang ito ay ang pagsu-shooting sa mga kalsada.

“At iba’t ibang kalsada! Takbuhan nang takbuhan sa kalsada. Tapos nasa ilalim pa ng tulay?! Doon nakatira?!

“Nag-research ako sa ilalim ng tulay. Kapag umuulan, tumataas ang tubig. Lumilikas lahat sila dun sa ibabaw ng tulay.

“Kaya parang mahihirapan akong isapelikula ito lalo na ngayon na tag-ulan! Maaaring mabago, maaaring hindi sa ilalim ng tulay ang tirahan nila.

“Para tuloy, kung hindi, hindi na ito matutuloy. Anong gagawin ko pag bumaha na sa ilalim ng tulay? Stop?! Hindi puwede.

“Pero yung istorya ay konkreto pa rin kung ilalagay natin sa isang depressing na lugar. Ano pa ba ang depressing sa kanto ng langit at lupa, saan yun? Yung mga taong nakatira sa sementeryo.

“Sinasabi ko lang, magandang setting yung ilalim ng tulay pero sa panahon ngayon, ulan nang ulan, e, tumataas ang tubig sa ilalim ng tulay.

“Hindi puwedeng mag-shooting. Pinuntahan ko na, apat na ilalim ng tulay. Parating ganoon. Pag umuulan, tumataas ang tubig.

“At kapag tumaas ang tubig, hindi kaaya-aya. Hindi niyo matatagalan ang amoy ng tubig. Kasi, yung mga nakatira sa ilalim ng tulay, dun sila umeebak.

“Kapag umulan, nakalutang dun lahat ng ayaw mong makita at maamoy! Paano ako magsu-shooting?

“Pagkatapos kong mag-ocular sa mga ilalim ng tulay nahulog pa ako! Du’n na lang sa sementeryo na may mga taong nakatira. It is so depressing. Kapag umuulan, nandu’n pa rin sila, hindi naman tumataas ang tubig du’n,” chika pa ni Direk.

Makakasam ni Sean sa “Sa Kanto ng Langit at Lupa” sina Royce Cabrera, Jiad Arroyo, Marco Gomez, Jim Pebanco, Alan Paule, Quinn Carillo, Mon Mendoza, Rob Guinto, Diyay Carabeo, Calvin Reyes at Itan Magnaye.

Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang ‘kanto birthday’ party: Wala akong tinatapakang tao!

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Sid nanligaw noon kay Iya, si Drew ang naging ‘tulay’

The post Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan appeared first on Bandera.

Viewing all 44371 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>