Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44568 articles
Browse latest View live

#SanaAll: Gerald niregaluhan ng Rolex watch si Julia last Christmas

$
0
0

Julia Barretto at Gerald Anderson

GRABE ang tuwa ni Julia Barretto nang matanggap ang bonggang regalo ng dyowa niyang si Gerald Anderson nitong nagdaang holiday season.

Kitang-kita ang naging reaksyon ng young actress sa isang video na kumalat sa social media nang iabot na sa kanya ni Gerald ang Rolex watch bilang Christmas gift.

Ang nasabing video clip ay in-upload ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto na kuha sa kanilang Christmas celebration.

Nabanggit ni Julia na ang Christmas gift sa kanya ng boyfriend ang kauna-unahan niyang Rolex kaya naman abot-langit talaga ang kanyang tuwa.

Todo ang pasasalamat ng dalaga kay Gerald at isinuot agad ang super expensive watch.

In fairness, hindi raw niya in-expect na ganu’n kabongga ang matatanggap niya mula sa super generous na boyfriend. 

Hindi naman ipinakita sa video ni Marjorie kung ano naman ang iniregalo ng aktres sa hunk actor.

At bukod sa mamahalin niyang gift kay Julia, meron din siyang regalo para sa mga kapatid ng girlfriend pati na kay Marjorie. In fact, tuwang-tuwa ang kanilang bunso na si Erich sa regalo ni Gerald na malaking Hello Kitty toy.

Hindi naman nakalimutan ni Julia na pasalamatan ang kanyang nanay sa pagmamahal at sa patuloy na pagsasakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

“You’re still life’s greatest gift of all — my best friend, my number one, my home. I will forever find comfort in your arms. Even when I’m 75, I will still need you most. I love you more than you can ever imagine,” mensahe ni Julia kay Marjorie.


Narito naman ang ilan sa mga positibong komento ng mga netizens sa napanood nilang video.

“Ang sweet ni Gerald sa family nyo. Kitang kita love nya talaga kayo!”

“Alam nya kung ano right gift for Julia and the family! So happy to see him happy with the Barrettos! Merry Christmas Guys! Stay safe and happy everyone!! I love the closeness of your family. Happy to see Gerald blends in very well. God bless you all!”

“Wow really good family Christmas celebration the food are so yummy ms Marjorie your kids are so lucky to have a mom like you super mom and your house looks beautiful the Christmas set up for your dinning table and food table buffet and good to see Gerald celebrating Christmas with your family ms Marjorie and you have all the nice Christmas presents.”

Nauna rito, ibinahagi rin ni Marjorie sa kanyang YouTube channel ang ilang kaganapan sa kanilang family intimate Christmas celebration kasama ang mga anak, kabilang na nga si Gerald.

Naroon din si Dani Barretto, ang asawa nitong si Xavi Panlilio at anak nilang si Millie. 

Kuwento ni Marjorie, siya mismo ang naghanda ng mga pagkaing pinagsaluhan nila noong Noche Buena.
Bukod sa mga kwintas, nakatanggap din ang dating aktres ng mga sulat mula sa kanyang mga anak. 

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Claudine, Marjorie magkasama sa New Year’s party ng Barretto family: nagkabati na nga ba?

The post #SanaAll: Gerald niregaluhan ng Rolex watch si Julia last Christmas appeared first on Bandera.


Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

$
0
0

Korina Sanchez

HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang ipinost ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram patungkol sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Feeling nila, “insensitive” at “wala sa timing” ang pagbabahagi ng award-winning TV host at news anchor ng kanyang swimsuit photo na kuha sa isang beach at ang inilagay niyang caption dito.

“IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?” ang isinulat na mensahe ni Korina sa nasabing IG post kahapon, Jan. 9.

At ilang sandali lamang ang lumipas, in-edit ng news anchor ang kanyang caption. Ang nakalagay na sa kanyang post, “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. 

“Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected,” aniya pa.

Pero tulad ng nauna niyang post, pinagsabihan pa rin si Korina ng mga netizens kasabay ng pagpo-post ng screenshots ng kanyang deleted post.

Komento ng isang IG user, “KAYA KAYO TUMULONG KAYO KUNG AYAW NIYO MAGKACOVID”

Sabi naman ng isa pa, “AY WAIT BINAGO NA PALA CAPTION BASTA TUMULONG PA RIN OKEI.”

May nag-post din ng screenshot ng unang deleted post ng TV host na may caption na, “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Nag-reply agad sa kanya ang veteran broadcaster, “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw? (thumbs down emoji).”

Hirit naman ng netizen, “HALA LAGOWT! SA DAMI NG COMMENTS TAYO ANG LUCKY WINNER SA GRAND DRAW!”

Ang TV host at dating Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia ay napakomento rin sa Twitter post ng isang netizen kung saan ibinahagi rin nito ang naging statement ni Korina.

Chika ni Kiko, “Wala sa lugar yung post nya, lalo na yung pag flex nya ng photo nyang yan plus that original caption. Sobrang off.”

“Korina Sanchez is clearly implying that the quantity of assistance you provide to others is the greatest way to prevent COVID-19. She failed to recognize that there are ‘isang kahig, isang tuka’ people who became infected with COVID-19 and whose family members died as a result.”

“Di man lang nahiya sa mga tinamaan ng Covid and lost their loved ones. Di ka tinamaan sana shut up na lang and be thankful silently hindi yung kung ano-ano pa pinopost mo. Insensitive.”

Kaninang umaga, Jan.10, burado na ang nasabing post ni Korina sa Instagram pero muli siyang nag-post ng kanyang swimsuit photos at sa caption ay nag-thank you siya kay Lord dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatamaan ng COVID-19.

Ani Korina, “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—even as Im all over for work I have to do.

“Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito,” sabi pa niya.

Isang follower niya ang nag-post ng comment at sinabing buti raw at binura na ng TV host ang una niyang ipinost.

Sagot naman ni Korina sa kanyang follower, “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

May mga nagtanggol din naman kay Korina at nagsabing huwag nang pansinin at patulan ang mga bashers at haters. Narito ang ilan sa mensahe ng mga kumampi sa kanya.

“‘Help me help others’ such a nice prayer for everyday especially for frontliners like us.”

“Nagpapasalamat din kami Mam Korina lahat kaming maganak including my parents aged 78/79 walang sakit at masigla since day 1 ng pandemic .. Salamat po Panginoong Diyos.”

“Ma’am K just stay healthy and strong. Isa po ako sa maswerteng natulungan nyo kahit working student ako. Binigyan nyo pa rin ako ng chance magwork at makapagtrabaho. Blessing ka po sa akin at sa lahat ng staff mo. We support you all the way! Mahal ka po namin and salamat po sa lahat!”

“Misunderstood woman with beautiful kids, keep going Miss K, got your back.”

“Deleted na yung post meaning aminado nagkamali. Hindi puwede magkamali? wala naman perpektong tao.”

Korina may pa-tribute para sa ika-64 kaarawan ni Mar

Karen kay Korina: Kailanman hindi po kami nagpantay…

The post Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off appeared first on Bandera.

Sikat na aktor pinapatulan na kahit anong role para lang kumita at mabuhay ang pamilya

$
0
0

NAAAWA kami sa isang aktor dahil kahit anong role ay tinatanggap na niya basta’t magkaroon lang ng pagkakakitaan dahil siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.

Sa mga nagawa niyang teleserye noon ay nasubukan na rin naman niyang maging bida at masasabing leading man na talaga ang level niya kaya malaki na rin ang pangalan niya sa showbiz industry.

Kaya lang sadyang hindi siya lapitin ng trabaho dahil noon pa ay mangilan-ngilan lang ang alok sa kanya kaya nga nagpalit pa siya ng manager nang ilang beses dahil feeling niya ay hindi siya naaasikaso.

Nakausap namin ang ex-manager ng aktor at talagang inilalako siya to the max, pero to the max din siyang tinatanggihan lalo na kapag magaling ang aktres na bida kasi hindi siya nakakasabay in terms of acting.

In fairness naipareha naman na siya sa premyadong aktres noon sa isang serye, ‘yun nga lang parang bilang lang ang mga eksenang magkasama sila ng bidang aktres dahil pinalabas na may sariling kuwento ang aktor.

Taong 2021 ay nagkaroon naman siya ng projects pero hindi ito sapat para mabuhay niya ang pamilya niya kaya talagang kinukulit niya ang bago niyang talent manager at hindi naman ito tumitigil sa paghahanap ng proyekto para sa kanya.

Sa kasalukuyan ay “waiting in vain” pa rin ang aktor at patuloy na nagdarasal na magkaroon na nga siya ng proyekto.

Tungkol naman sa love life ng aktor ay hindi namin alam kung ano ang status niya ngayon dahil ang nabalitang karelasyon niya ay hindi na rin niya nababanggit pa.

Kilalang aktor tinawaran na nga ang talent fee, hindi pa binayaran ang huling araw sa shooting

Willie atras na sa 2022: Hindi ko pa kayang gumawa ng batas, baka sayang lang ang boto n’yo sa akin

The post Sikat na aktor pinapatulan na kahit anong role para lang kumita at mabuhay ang pamilya appeared first on Bandera.

Alfred hindi rin nakaligtas sa bangis ng COVID-19, umaming napapraning para sa pamilya

$
0
0

Alfred Vargas & Family

AMINADONG inaatake na rin ng kapraningan ang actor-politician na si Cong. Alfred Vargas matapos  magpositibo sa COVID-19 nitong nagdaang Jan. 8, 2022.

Nag-aalala ngayon ang aktor hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanyang asawang si Yasmine at sa tatlo nilang nga anak. 

Maayos naman daw ang pakiramdam ngayon ni Alfred, “I’m feeling okay naman. Almost asymptomatic ako except lang for some light breathing issues brought about by my asthma.”

Hindi raw talaga maiiwasan na makaramdam siya ng matinding pag-aalala dahil nga pataas na naman nang patasas ang bilang ng mga COVID-cases sa bansa.

Pag-amin ng kongresista, “Nakakapraning lang minsan isipin kung asthma ba ito or epekto na ng COVID?

“When I found out na positive ako sa PCR, agad na akong nagkulong sa isang kuwarto sa bahay,” pahayag pa ng aktor.

“Nag-alala ako agad sobra for my family na sana hindi sila mahawa. Buti na lang, they have all tested negative so far. 

“Miss na miss ko na sila. We all decided na mag-isolate kaming family per group muna para safe. Magkasama ‘yung dalawang girls ko, si Alexandra and Aryana, sa isang room. 

“Then si Yasmine naman at si Cristiano magkasama. Si Yasmine ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa aming lahat,” pagbabahagi pa ng kongresista na tatakbo namang konsehal sa darating na Mayo.


Samantala, kahit nga nagpositibo sa virus at naka-isolate ngayon, tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Alfred bilang public servant katuwang ang kanyang team at kapatid na si PM Vargas na siya namang tatakbong kongresista sa District 5 ng Quezon City.

“Yes trabaho pa rin. Hindi naman nabawasan ang trabaho. Nadagdagan pa nga sa dami ng kailangang gawin. At least, because of technology, very productive pa rin tayo kahit WFH (work from home).

“Puro zoom meetings ako with my legislative staff and my admin staff. Palagi rin kaming nagbibigay ng tulong sa distrito,” pahayag pa ng aktor.

Paglilinaw naman ni Alfred, negative sa RT-PCR test si PM kaya  ito nakakaikot ngayon sa kanilang distrito.

“We give medical assistance, gamot, vitamins, financial assistance, livelihood assistance, scholarship, tulong sa vaccinations, at maraming marami pa,” aniya pa.

Ito naman ang paalala ng mag-utol sa lahat ng mga Filipino, “Doble ingat po tayong lahat. Hangga’t maaari, sa bahay na lang po muna tayo please. Malalampasan natin ito.”

“Mag-ingat ng todo-todo lalo na sa mga nagpa-positive. Ang omicron variant ay hindi biro dahil dumarami pa rin ang infected. Ang aming bilin bukod sa mag-ingat ay manalangin tayo dahil kailangan natin ang isa’t isa higit sa lahat ngayong panahon. Pinasilip lang tayo na mag-enjoy ng kaunti pero ngayon back to reality tayo, back to trabaho,” sey naman ni PM.

Inamin naman ni Alfred na dalawang teleserye sa GMA at ilang pelikula ang kinailangan niyang tanggihan para maipagpatuloy ang kanyang pagseserbisyo-publiko.

Alfred Vargas hindi lalayasan ang showbiz: Acting will always be my passion, it’s my first love, pero…

Alfred hindi pa kering sumabak sa lock-in taping; paandar na online raffle suportado ng mga celebs

The post Alfred hindi rin nakaligtas sa bangis ng COVID-19, umaming napapraning para sa pamilya appeared first on Bandera.

Samantha Bernardo hinang-hina matapos tamaan ng COVID-19: I promise that I will take care of myself…

$
0
0

Samantha Bernardo

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

Ito’y matapos na magpositibo ang dalaga sa COVID-19 at kinailangang mag-self-quarantine agad para ma-monitor ang kanyang health condition.

Ibinalita ni Samantha sa pamamagitan ng kanyang Instagram account post na nahawa na rin siya ng killer virus at talagang ramdam na ramdam daw niya na nanghihina ang ngayon ang kanyang katawan.

“I would like to inform everyone that I tested positive for my pcr test yesterday. 

“It’s unfortunate because I was supposed to do a lot of work but this calls for home quarantine and rest days,” simulang pagbabahagi ng beauty queen sa kanyang fans and followers.

Umaasa raw siya na pagkatapos ng kanyang quarantine ay magiging maayos na ang kanyang pakiramdam at mag-negative na sa swab test.

“I remember our Bahay Ni Kuya moments where we don’t need to wear masks and we can hug each other. 

“I am feeling weak and have colds as symptoms but I am still able to smell and taste. I promise that I will take care of myself and hopefully recover faster,” sabi pa ni Samantha.


Nangako naman ang dating celebrity housemate ni Kuya na magpo-post pa rin siya ng mga updates sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang socmed accounts at mga livestreaming platform.

“I will still do some Kumu livestream to update you guys from Tuesday, Thursday, and Saturday at 6 pm. Stay safe and healthy everyone. Health is wealth! Love you all,” promise ni Samantha sa kanyang fans and socmed followers.

Nagwaging first runner-up ang dalaga sa Miss Grand International 2020 na ginanap sa Bangkok, Thailand. Nakapasok din siya sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition Final 5 ngunit na-evict din noong Jan. 1, 2022.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Samantha ang lahat ng sumuporta sa kanya sa loob ng PBB house.  

“Hello Philippines and Hello world! Thank you so much for all the love and support, I am so overwhelmed! 

“To my Sambernation, Solid Samber fans, SamLy Stans and to everyone who believed in me. To my sis @sirwil75 @rodinb.flores and to my handler @jamboisupernova for everything that you have done for me. I AM GRATEFUL for once in a lifetime @pbbabscbntv opportunity and to my new friends! I LOVE YOU TO ALL who supported me.

“Your BREAD-QUEENer from PALAWAN, officially signing off and signing on to the real world challenges!” mensahe ng beauty queen.

Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

Samantha Bernardo ‘simply grand’ sa Miss Grand International

The post Samantha Bernardo hinang-hina matapos tamaan ng COVID-19: I promise that I will take care of myself… appeared first on Bandera.

Libreng tawag, text at data hatid ng Globe sa mga customer nito sa Kazakhstan

$
0
0

Sa gitna ng gulo sa bansang Kazakhstan, magbibigay ng libreng tawag, text at data ang Globe sa mga customers nito na naipit duon. Layunin ng roaming services na ito, na maabot ng aming customers ang kanilang mga mahal sa buhay para ipagbigay-alam ang kanilang kalagayan.

Magbibigay ng  15 minuto na incoming at outgoing na tawag, 15 texts sa lahat ng networks at 1GB data (depende sa available service) na magagamit sa loob ng pitong araw.

 “We understand how connectivity is of utmost importance to our customers in Kazakhstan.  We wish to provide them assistance to be able to reach out and communicate with their loved ones at home especially during these trying times which are also marked by an ongoing pandemic,” ayon kay Coco Domingo, Globe VP for Postpaid and International Business.

Kailangan lang mag-connect ng aming mga customers sa roaming partners ng Globe – Beeline (Kar-Tel) at Mobile Telecom-Service LLP para ma-enjoy ang free roaming service. Wala nang registration na gagawin dahil automatic na itong maipapadala sa mga customers namin sa Kazakhstan. 

Isang confirmation message ang ipapadala sa aming mga customers para ipaalam na meron silang free roaming offer na pwede na nilang magamit.

Para makatawag, i-dial “+”+ country code + area code + telephone number (ex. +63773101212) or dial “+” + country code + mobile number (ex. +639171234567). To send a text, type “+”+ country code + mobile number (ex. +639171234567). 

Para magamit ang libreng 1GB data allocation, i-on lang ang mobile data at data roaming at i-set ang network connection sa 3G o LTE. Para sa Postpaid customers, i-on lang ang mobile data at data roaming oras na matanggap ang activation message.

Ang sumisirit na presyo ng petrolyo ang pinag ugatan ng isa sa pinakamalaking protesta sa bansang Kazakhstan, na tumuloy sa mga anti-government riots.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Globe Roaming services, pumunta sa www.globe.com.ph/international/roaming

The post Libreng tawag, text at data hatid ng Globe sa mga customer nito sa Kazakhstan appeared first on Bandera.

Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

$
0
0

Ang babaeng nahuli ng PNP nga kaya ang tinutukoy ni Ogie Diaz na may utang din sa kanya?

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kaninang tanghali tungkol sa taong matagal nang hindi nagbabayad ng utang sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz 

Binantaan na kasi niya sa pamamagitan ng isang Facebook post ang asawa ng isang basketball player na hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakabayad ng utang sa kanya.

Ang luma na raw ng mga dahilan ng misis ng basketball player sabi ni Ogie, “Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin.

“Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent, ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P.

“Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko. Nakakapagod na. Kaya eto ako ngayon, nagsusumbong sa Facebook.

“Ang dami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami.

“Kung nakakabilyonaryo lang ang mga pangakong magbabayad na me kasama pang petsa kung kelan, baka nabayaran ko na ang utang ng Pinas. Ganu’n kagrabe mangako. At ang kapal ng mga tseke niyang walang pondo.

“Pasasaan ba’t babanggitin ko rin ang name ng lola nyong maganda, pero lumampas sa kanyang lifestyle at ibinigay din ang marangyang buhay ng dyowa niyang player, kaya nagkandalubog-lubog din sa utang.

“Uy, maawa ka sa anak mo. Yan ba ang mamanahin niya sa iyo? Kahihiyan?

“Hay, naku, ang laki ng natutunan ko sa kanya. Para akong nag-aral sa isang private school ng isang kurso na may kasamang masteral at doctorate para lang matuto.

“Kaya wag na wag kayong magtitiwala agad-agad sa maaamo ang mukha at halos di makabasag ng pinggan ang itsura. Mas magtiwala kayo sa pinggan,” litanya ng vlogger.

At kaninang 5 p.m. nga ay muling nag-post ang talent manager sa kanyang FB account, “Ayun. Nasa kulungan na sila. Titigas kasi ng mukha. Patuloy na nang-iisa ng kapwa. Nasakote rin. Finally.”

Mukhang ang tinutukoy ni Ogie ay ang report sa “TV Patrol” ngayong gabi tungkol sa babaeng nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player na inaresto ng Phillipine National Police Highway Patrol Group dahil sa mga kasong extortion, carnapping at paggamit ng ibang pangalan.

Ayon sa ulat, “Nagmamadaling pumunta ng Highway Patrol Group sa Camp Crame si Alvin Clarinan matapos mabalitaang nahuli ng mga pulis ang babaeng tumangay umano sa tatlong sasakyan niya.

“Bitbit ang mga promissory note at tumalbog na tseke, sinabi ni Clarinan na inalok na rerentahan ng babae ang mga sasakyan sa halagang thirty thousand pesos kada isa pero mula noong nakaraang taon ay hindi na ito nagbayad, hindi na rin naibalik ang mga sasakyan,” sabi pa sa nasabing report.

Kuwento ng complainant na si Clarinan, “Sana maibalik po ‘yung sasakyan namin at mabayaran din n’yo kami. Sana po mabayaran n’yo kami sa ginawa ninyong abala sa amin.”

Hindi rin daw inakala ng nagrereklamo na lolokohin siya ng suspek. 

Sabi pa sa ulat, una nang nahuli ng PNP HPG ang suspek at isa pa nitong kasamahan matapos ang isang entrapment operation.

Ayon kay HPG Brigadier General Rommel Marbil ay modus daw ng grupo na palabasing lehitimo ang rental transaction pero kalaunan ay hindi na ibabalik ang sasakyan at hindi rin magbabayad ng renta.

“Ito po ‘yung mga modus operandi nila usually they rent mga sasakyan nila (mga nagrereklamo) hihiram sa ‘yo tapos isosoli sa’yo hanggang makuha mo ‘yung loob nila at kapag nakuha ‘yung loob then they will get more cars from you. Pag nakuha na raming sasakyan bibigyan ka ng tseke tapos hindi na nila isosoli,” kuwento ni Marbil.

Gumagamit din daw ang suspek ng mga pekeng pangalan at ID, ayon sa HPG.

May 20 complainant na ang nagreklamo sa dalawang suspek.  Hindi lang umano sa renta inirereklamo ang nagpakilalang asawa ng basketball player kundi magingvsa iba pang investment scam.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek sa media tungkol sa mga kasong isasampa sa kanila.

Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

James Yap certified vlogger na rin; na-wow mali agad sa unang vlog

Claudine: Wala akong utang kay Ms. Jinkee Pacquiao!

The post Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping appeared first on Bandera.

Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan

$
0
0

Jolina Magdangal, Mark Escueta, Pele Iñigo at Vika Anaya

MAY munting “pa-tribute” ang Kapamilya TV host at aktres na si Jolina Magdangal para sa kaarawan ng asawang musikero na si Mark Escueta.

Pinakilig ni Jolens ang kanyang mga fans at social media followers sa ibinahagi niyang birthday greeting para sa kanyang pinakamamahal na mister.

Nag-celebrate ng ika-45 kaarawan si Mark nitong nagdaang Linggo, Jan. 9, 2022 at sa pamamagitan nga ng kanyang Instagram account, binati ni Jolina ang asawa.

Nag-post ang aktres ng litrato nila together ng isa sa mga miyembro ng bandang Rivermaya kalakip ang super sweet na mensahe.

“Happy happy birthday asawa kong walang bakas sa ngiti niya na nabibigatan siya sa ‘kin kahit pa… Kapit na kapit ang daliri sa paa dahil lumulubog na sa sand — swipe! Hahahahahaha!” simulang pahayag ni Jolens.

Kasunod nito, pinasalamatan din ng Kapamilya host si Mark dahil sa pagiging mabuti at responsableng asawa at tatay nito sa kanilang mga anak.

“Ganyan din siya sa buhay… kahit ano pang challenges ang hinarap o kinakaharap at pwedeng harapin namin, patuloy siyang malakas at puno ng kasiyahan sa puso lalo na para sa akin, kay Pele at Vika. 

“We love you so much Mahal, everyday nai-inspire mo kami sa mga bagay na ginagawa mo maliit at malaking bagay. 

“Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan at haligi ng puso namin,” pahayag pa ni Jolina.


Sa kanya namang Instagram account, nag-post din si Mark ng birthday message para sa kanyang pamilya.

“Happy birthday to me. Thank you Lord for my happy family,” sey ng musician.

Kung matatandaan, dalawang beses ikinasal sina Jolens at Mark — ang una ay sa simbahan noong Nov. 19, 2011 at ang ikalawa naman ay sa isang garden wedding noong Nov. 21. More than 10 years na silang nagsasama ngayon bilang married couple.

Biniyayaan sila ng dalawang anak —si Pele Iñigo, 7, at si Vika Anaya, 3.

Jolina bad trip nga ba sa gumawa ng viral FB page na Jolegend Slaydangal?

Marvin umayaw sa teleserye: Hindi ko naramdaman na yun ang gusto ng puso at kaluluwa ko

The post Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan appeared first on Bandera.


Vice, Ion nag-pledge ng P500k sa benefit concert ni Regine para sa mga biktima ng bagyong Odette

$
0
0

Regine Velasquez, Ion Perez at Vice Ganda

KALAHATING milyong piso ang ipinangako ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez bilang donasyon para sa mga nasalanta ng super typhoon Odette.

Nag-pledge ng P500,000 ang TV host-comedian pati na ang partner niyang si Ion sa ginanap na 10-night “By Request” benefit concert ng ABS-CBN featuring the one and only Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Ang kikitain ng nasabing fundraising project ng ABS-CBN na nagsimula last Sunday ay ilalaan lahat sa mga biktima ng typhoon Odette sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Talagang ikinagulat ni Regine nang malamang P500,000 ang ibibigay nina Vice at Ion habang ongoing ang kanyang “By Request” concert na napapanood sa YouTube, Facebook at Kumu.

Bago mag-pledge ang komedyante, talagang nag-request pa ito sa kanyang idol at kaibigan ng isang favorite niyang kanta ng Songbird.

In fairness, pinagbigyan naman ni Regine si Vice at ibinirit ang kanta niyang “Follow the Sun”. Pagkatapos ng kanyang performance, biniro naman ng OPM icon si Vice Ganda na mag-donate ng P100,000.

At ilang sandali lang ang lumipas, ibinandera nga ng host ng benefit concert na si Darla Sauler na nag-pledge nga sina Vice Ganda at Ion Perez na magdo-donate ng half a million pesos.

Tuwang-tuwa naman si Regine sa pagiging generous ni Vice kasabay ng pakiusap at panawagan sa madlang pipol na kahit anong halaga na kanilang maido-donate ay napakalaking tulong na para sa mga typhoon Odette victims. 

“By Request” will feature different performers for 10 nights, at 8 p.m.. Tatagal ito hanggang sa Jan. 18.

Ang lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa ABS-CBN Foundation’s “Tulong-Tulong sa Pag-ahon” campaign para sa mga kababayan nating nawalan ng bahay at kabuhayan nang dahil sa bagyong Odette.

Nauna rito, nanawagan na rin si Vice sa madlang pipol na may kakayahang tumulong na kahit paano’y magbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo.

“Habang tayo’y nagkakasiyahan, alam kong marami tayong ginagawa, marami tayong naplano, pero as our lives go on, huwag nating kalimutan na may mga nangangailangan na mga Kapamilya natin ng tulong na mga nabiktima ng bagyong Odette sa Cebu, sa Siargao, at sa napakaraming lugar sa Pilipinas.

“Kaya sana magtulong-tulong po tayo, kailangan po tayo ng mga kababayan natin. Again, alam ko Pasko ngayon, nagkakasiyahan tayo pero isipin pa din natin kahit paano isama natin sa mga plano natin ang mga kababayan nating nabiktima ng Odette,” ani Vice.

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

The post Vice, Ion nag-pledge ng P500k sa benefit concert ni Regine para sa mga biktima ng bagyong Odette appeared first on Bandera.

Pia nagka-COVID na, binanatan pa: Kilabutan kayo sa mga sinasabi nyo, sana ‘di n’yo maranasan ‘to

$
0
0

Pia Wurtzbach

NA-HURT at na-offend si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga komento ng netizens na deserve raw niya na magkaroon ng COVID-19.

Umariba na naman ang mga bashers sa pang-ookray sa beauty queen-TV host matapos niyang ipaalam sa publiko na hindi rin siya pinatawad ng nakahahawang sakit.

“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines.

“I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste.

“It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week.

“I’m one day away into completing isolation with my sister, @sarahwurtzbach who also caught it. We both tested negative already, thank God!” ang pag-amin ni Pia sa kanyang Instagram post.

Kasunod nga nito, may mga nagkomentong netizens at sinisisi pa siya sa kanyang pagkakasakit dahil sa walang tigil daw niyang pagbibiyahe.

Nasa United Kingdom pa rin si Pia ngayon kasama ang kanyang pamilya. Wala pa siyang binabanggit kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

At nang mabasa nga ng beauty queen ang comment ng isang hater na nagsasabing deserve niya na tamaan ng virus ay agad daw niyang binura ito.

Pero pahayag ni Pia, “I deleted it already pero may nag comment pa na I deserved this cos I travel?

“And that I had it coming? Kilabutan sana kayo sa mga sinasabi nyo.

“Iba na talaga mundo ngayon. Sana di nyo maranasan to,” bwelta pa ng aktres sa mga namba-bash sa kanya.

Samantala, nireplayan din ni Pia ang isa pang komento ng netizen na nakuha raw niya ang COVID matapos bumisita sa bahay ng kanyang mga magulang sa UK.

Feeling ng dating beauty queen, ang tinutukoy ng netizen ay ang video na in-upload ng nanay niyang si Cheryl Alonzo. Pero pagtatanggol ni Pia, hindi real time ang pagpo-post  ng mga video ng nanay niya.

Bukod dito, nabanggit din ng dalaga na sigurado siya kung saan niya nakuha ang virus.

“Her uploads are not real time po. And she hasn’t been uploading them in chronological order.

“I know exactly where I got exposed (praying hands emoji) were better thank you!” paglilinaw pa ni Pia.

Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

The post Pia nagka-COVID na, binanatan pa: Kilabutan kayo sa mga sinasabi nyo, sana ‘di n’yo maranasan ‘to appeared first on Bandera.

Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan…

$
0
0

Geneva Cruz at Jo Berry

TINANGGAP ng singer-actress na si Geneva Cruz ang hamon ng GMA 7 na subukan muli ang pag-arte sa harap ng mga camera.

Kaya naman sa pagpasok pa lang ng 2022 ay bumabandera na si Geneva sa pagiging kontrabida sa bagong Kapuso afternoon drama na “Little Princess” na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Ilang taon na ring hindi umaarte sa telebisyon at pelikula ang dating miyembro ng OPM group na Smokey Mountain dahil mas nag-focus siya sa singing career.

Kuwento ng OPM artist, nakumbinsi siya ng kanyang mga pinsan na sina Sunshine at Donna Cruz, pati na ni Rodjun Cruz na kasama rin niya sa “Little Princess” bilang leading man ni Jo Berry.

Nakachikahan muli ng members ng entertainment media si Geneva sa ginanap na virtual mediacon para sa “Little Princess” nitong nagdaang Jan. 5.

“Nu’ng sinabi sa akin ng aking mahal na assistant na may leading daw ako for a new show ng GMA na Little Princess, sabi ko talaga ko, ‘Ako, aarte ulit?’

“Kasi six years akong nawala and in the past kasi I chose to perform and sing kaysa umarte. ‘Yung pagmamahal ko kasi sa singing ay nasa pag-perform.

“Pero ang buhay ngayong pandemic, mahirap lalo na sa mga performers like me dahil wala namang mga live performances, ‘di ba, unless it’s online.

“So I realized din na sa tulong din ng mga pinsan ko like Sunshine and Donna, and si Rodjun, sinabi nila sa sa akin na it would be best na bigyan ko ng chance ‘yung pag-arte ulit,” kuwento ng singer-actress.

Challenging ang role ni Geneva sa nasabing serye bilang main kontrabida na si Odessa Montivano. Siya ang magpapahirap sa buhay ng bidang si Princess, na gagampanan nga ni Jo Berry.

Inamin ng aktres na talagang nahirapan at nangapa siya sa muling pag-arte, “Sabi nga ng PA ko, ‘Gen, bagay na bagay daw talaga sa ‘yo ‘yung role mo e, ikaw daw talaga.’ Sabi ko, ‘ano bang role ko?’ Sagot niya, ‘Ah, villain ka, kontrabida.’ Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan.’

“I guess in a way, people see me as this very strong woman. Yes, it’s true, I’ve been through hell and back but Odessa Montivano is different from the real Geneva Cruz.

“Geneva Cruz is just a dork, I am nerd in real life. Feeling ko komedyante ako.

“I mean, you can ask ‘yung mga kasama ko dito, I’m so different from what you see online and on TV, so nahirapan talaga ako so I was really got challenged,” lahad pa ni Geneva.

Nagpasalamat din siya sa mga co-stars niya sa programa lalo na kay Angelika dela Cruz at sa mga direktor nilang sina L.A. Madridejos at Don Michael Perez.

“Angelika, one of the best actresses that we have in this country, she helps me a lot and all of the directors, Direk LA, si Direk Don.

“Sinabi ko talaga sa kanila, please tell me kung anong kulang kasi talagang nag-struggle ako nang konti, na-stress ako.

“I love yoga, talagang I always try to find my center, It was difficult but, at the end of the day, I learned so much and Odessa may be evil but she is just a woman in love who is fighting for her husband, fighting for her right as a wife, and number one, she lost her child with the man she loves,” paliwanag ng aktres.

Nagpasalamat din siya sa GMA  dahil sa chance na ibinigay sa kanya, “It was a blessing and I’m grateful to GMA-7. Last year was really bitter sweet, I lost my mother from Covid. It was really difficult. Mom was a lover of teleseryes.

“I’ve never finished a teleserye in my life so nangapa talaga ako but I enjoyed it and thank you so much GMA 7 for this opportunity,” sey pa niya.

Napapanood ang “Little Princess” sa GMA Afternoon Prime, mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m.. Kasama rin dito sina Juancho Trivino, Lander Vera-Perez, Jestoni Alarcon at marami pang iba.

Jo Berry nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng 3 mahal sa buhay; 2 ‘Bubble Gang’ babes susugod sa ‘TBATS’

Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal

Jo Berry nagtatrabaho habang nagluluksa: Kahit masakit yung pinagdaraanan, kailangang kayanin

The post Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan… appeared first on Bandera.

Viral na: Ang Panday, Betty La Fea agaw-eksena sa pag-ariba nina Spider-Man at Doctor Strange

$
0
0

BENTANG-BENTA ngayon sa mga netizens ang viral parody posters na kinopya mula sa latest “Spider-Man” film na pinagbibidahan ni Tom Holland.

Bumibida ngayon ang karakter ni Flavio mula sa classic Pinoy action-fantasy movie na “Ang Panday” sa mala-“No Way Home” poster na ginawa ng isang netizen.

Bukod dito, agaw-eksena naman ang sikat na karakter ni Betty La Fea sa paandar na meme ng isa pang netizen gamit ang “Multiverse of Madness” inspired by the upcoming “Doctor Strange” sequel.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes at comments ang mga nasabing posters mula sa malilikot na imahinasyon ng mga Pinoy.

At yan ay dahil nga sa “Spider-Man: No Way Home” fever sa iba’t ibang panig ng mundo na sa kabila nga ng patuloy na banta ng pandemya ay pinanood pa rin ng mga Pinoy sa mga sinehan.

Patok na patok nga ngayon sa mga Marvel fans ang pagsasama-sama ng tatlong Hollywood stars na gumanap na Spider-Man sa “No Way Home”.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang special appearance nina Tobey Maguire at Andrew Garfield sa “Spider-Man: No Way Home” ni Tom Holland na nagsanib-pwersa nga bilang Peter Parker/Spider-Man.

At sa pasabog na version nga ni Jimbert Ouch sa social media, makikita ang mga Pinoy actor na gumanap na Flavio sa “Ang Panday” (likha ni Carlo J. Caparas) sa isang poster.

Ilan sa mga makikita sa viral poster ay sina late Action King Fernando Poe, Jr., ang kauna-unahang bumida sa “Ang Panday” na sinundan naman ni Sen. Bong Revilla.


May kanya-kanya ring version bilang Flavio sina Joey de Leon, Phillip Salvador, Jericho Rosales, Richard Gutierrez at Coco Martin. Ang isa pang bumida sa remake ng “Ang Panday” ay si Jinggoy Estrada.

Samantala, napagtripan din ng mga netizens na gawan ng parody poster ang isa sa pinakasikat na serye sa iba’t ibang bahagi ng mundo na may titulong “Betty La Fea in the Multiverse of Madness” na kinuha nga mula sa bagong version ng “Doctor Strange.”

Unang umere ang original version nito mula sa Colombia noong 1999, ang ““Yo soy Betty, La Fea” na sinundan nga ng napakaraming  adaptations all over the world  kabilang na ang Pinoy remake nito na “I Love Betty La Fea” noong 2009 na pinagbidahan ni Bea Alonzo.

Sa nasabing viral poster na ginawa ni JP Ocampo, bukod kay Bea, naroon din sina Ana Maria Orozco at America Ferrera, ang original at American actresses of “Betty”.

Kasalanan ba ni Spider-Man kaya mahina ang mga pelikulang ka-join sa 2021 MMFF?

Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman!

The post Viral na: Ang Panday, Betty La Fea agaw-eksena sa pag-ariba nina Spider-Man at Doctor Strange appeared first on Bandera.

Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

$
0
0

Atasha Muhlach

PINUSUAN at ni-like ng libu-libong netizens ang mga pasabog na litrato sa Instagram ng dalagang anak nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach.

In fairness, talaga namang artistahin din ang aura ni Atasha Muhlach tulad ng kanyang mga magulang kaya huwag na tayong magtaka kung darating din ang araw na pasukin ng dalaga ang mundo ng showbiz.

Nakita na rin namin ang mga litrato at video ni Atasha sa kanyang Instagram page, kabilang na ang ipinost niya kamakailan para sa pagsalubong niya sa Bagong Taon.

Sa kanyang caption, tanging flower emojis lamang ang kanyang inilagay na siya ring design ng kanyang OOTD. Puro positibong mensahe naman ang natanggap ng dalaga mula sa kanyang followers.

Siyempre, kabilang sa mga unang nagkomento sa post ni Atasha ay ang kanyang mga magulang. Sabi ni Charlene miss na miss na niya ang anak.

“My love…(heart emojis). Miss you (heart eyes emoji). See you soon (hug emoji),” comment ng dating beauty queen at aktres sa post ni Atasha.

Nasa United Kingdom ngayon ang dalaga para doon mag-college at sa kasalukuyan ay sophomore student na siya sa isang university sa Nottingham.

Ito naman ang komento ng tatay niyang si Aga, “(Fire emoji) Naman! Haha happy new year! See you soon! Love you very much!”

Karamihan naman sa mga netizens na nag-iwan ng comments sa IG post ni Atasha ay nagsabing pak na pak siya na sundan ang kanyang inang si Charlene bilang beauty queen. 

Si Charlene ang itinanghal na Binibining Pilipinas-Universe noong 1994 at pumasok hanggang sa Top 6 finalists ng Miss Universe 1994.

Bukod sa kanyang mommy, pwede rin niyang manahin ang pagiging beauty queen ng lola niyang si Elvira Gonzales (nanay ni Charlene) na naging 2nd runner-up naman sa Binibining Pilipinas 1964 pageant.

Narito ang ilan sa mga mensahe kay Atasha ng mga netizens na nagsabing sana raw ay sumali rin siya sa Miss Universe Philippines dahil siguradong malakas daw ang magiging laban niya para maiuwi muli sa Pilipinas ang Miss Universe crown.

Sabi ni @szormina, “Future Beauty Queen (fire emojis)!”

Sey ni @miamanaloto_, “Miss Universe! (crown emoji).”

“The Next Miss Universe (crown emoji),” komento ni @anna_sharmeilah_belle.

“So pretty langga… my kind of young celebrity…dapat tularan!” comment ni @ShyGuerrero.

Sabi naman ni @Nickay13, “Isa man sa bet ko na showbiz royalty just like KC!”

Sa isang panayam kay Atasha, naitanong na rin sa dalaga kung ano ang mas pipiliin niya — ang mag-join ng beauty pageant o sumabak agad sa pag-aartista?

“I don’t mind, honestly. Any…either is okay,” aniya. Pero ipinagdiinan ni Atasha na top priority pa rin niya ngayon ang makapagtapos ng pag-aaral.

Sabi naman ni Charlene, may agreement na sila ni Atasha at ng twin brother nitong si Andres na tatapusin muna nila ang kanilang pag-aaral bago nila gawin ang mga bagay na gusto pa nilang matupad.

“I just want them to be them, be able to do what makes them happy whatever decision that might be.

“After they finish college, kahit anong gusto nila, susuportahan naming lahat,” pahayag ni Charlene.

Aga napiling host sa bagong game show ng NET 25; Aiko, Jay 4 years nang magdyowa

Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac?

The post Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe appeared first on Bandera.

Sharon, Kiko, mga anak negatibo na sa COVID: God is good even when times are bad…

$
0
0

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, Frankie, Miel at Miguel

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta nang sa wakas ay magnegatibo na sa COVID-19 test ang buo niyang pamilya.

Masayang ibinandera ng OPM at movie icon sa kanyang Instagram account ngayong araw, Jan. 11, ang good news na kanilang natanggap matapos nga silang sumailalim sa swab test.

Ibinahagi ni Sharon ang isang photo message kung saan nakasaad ang naging pahayag ng evangelist at senior pastor ng New Creation Church na nakabase sa Singapore, na si Joseph Prince.

“GOD IS GOOD Even When Times Are Bad” ang nakasulat sa IG post ng nag-iisang Megastar. Ang inilagay naman niyang caption dito ay, “Praise God! We all tested NEGATIVE!!!”

Pahayag naman ng asawa ni Mega, ang vice presidential aspirant na si Sen. Kiko Pangilinan, “false positive” ang unang diagnosis sa kanya dahil wala naman daw silang naramdamang sintomas.

Sa kanyang Twitter page, ito ang ibinalita ng senador, “My latest RTPCR test result is negative! Sharon, the kids & househelp also negative!

“My Dr. sister says my prior result was a false positive as none of us have symptoms.

“We need FREE testing for ALL who need it so we are ALL better prepared to manage Covid. Thank u for ur prayers!” aniya pa.


Nito lang nakaraang Linggo ibinalita ni Sharon na tinamaan din ng COVID-19 si Kiko kaya naman agad silang nag-isolate sa kanilang bahay.

“Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results.

“This morning, all of us at home tested negative on Antigen. A couple of days or so to see this morning’s PCR test results—all of ours.

“We are all isolating in different parts of our home. I worry for my children. Please pray for us all, including our beloved Yayas…Thanks so much.

“So not the birthday gift I expected! Keep safe and take good care, everyone. I love you. May God bless us all,” sabi ni Mega sa kanyang naunang post.

Sharon nagsalita na sa mga kumakalat na intriga, ‘umaming’ pwede n’yang iwan si Kiko para sa isang lalaki

Vico nega sa COVID, muling nakiusap sa publiko: Let’s all do our part…

The post Sharon, Kiko, mga anak negatibo na sa COVID: God is good even when times are bad… appeared first on Bandera.

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

$
0
0

Tuesday Vargas

SA ikalawang pagkakataon, nagpositibo muli ang TV host-comedienne na si Tuesday Vargas sa COVID-19 kahit pa fully-vaccinated na siya. 

Ito ang inamin ng komedyana sa bago niyang vlog sa YouTube kamakailan na may pamagat na “COVID POSITIVE” kung saan idinetalye niya ang ilan sa mga naramdaman niyang symptoms.

Pati raw ang partner niyang si Joseph Puducay at anak na si Kaya ay nag-positive din sa coronavirus matapos sumailalim sa antigen test.

Unang tinamaan ng COVID-19 si Tuesday noong May, 2021 at hindi pa raw siya bakunado noon at sa ikalawang pagkakataon nga ay medyo hindi na ganu’n katindi ang naramdaman niyang sakit.

Ilan sa mga symptoms na na-feel niya nang muling tamaan ng COVID ay “fever, chills, cough, sore throat, loose bowel movement (LBM), headache, and night sweats.” 

Pahayag ni Tuesday, “Mag-iingat kayo, magpalakas ng katawan. Maging vigilant pa rin kayo para hindi na tayo makahawa pa ng iba at makakuha ng virus.

“Pangalawang COVID-19 ko na ito. I tested positive in May 2021, tapos ngayon ulit. Pray for us guys, ipagdarasal ko rin lahat ng mga may pinagdadaanan na sakit ngayon.

“Moral of the story here is that, it’s good that the cases went down in December….But that doesn’t give us license to be relaxed, let go of the protocols…Ito ‘yung singil sa pagiging complacent,” pahayag pa ng singer-actress.

Ayon sa “All-Out Sundays” comedienne, nakaramdam siya ng COVID-19 symptoms nang umuwi sila mula sa Boracay kung saan nagbakasyon ang kanilang pamilya ng ilang araw.

“We arrived on December 30th, we didn’t know there were people who arrived before us that weren’t feeling well, we came in close contact with them on the 31st. 

“On January 2, in the evening, ‘yun na. I woke up in the middle of the night with a slight fever. On January 4 we got home, we got tested, antigen muna, we all tested negative dito sa bahay.

“Dahil lahat kaming tatlo – Kaya, JP, and me were feeling something – kumakati ang lalamunan namin, so we decided mag-isolate muna kami. Since January 4 we were home. On January 5, we got tested on antigen, we were all negative. 

“On January 6th we tested positive on the antigen. We got an RT-PCR right then and there na drive-through lang. Thank you so much to GMA for facilitating that for us,” aniya pa.

Kaya naman ang paalala niya sa publiko, “Coronavirus is still present in our communities, ngayon madali siya makahawa, please be vigilant, keep your families healthy, don’t go out of your bubbles.”


Naikumpara rin ni Tuesday ang unang pagkakasakit niya noon sa ikalawang pagtama sa kanya ng COVID-19, “The difference is I bounced back more quickly. Sobrang feel na feel ko ‘yung pagkakaiba ng bakunado at hindi.”

“You know your body better than anyone, so alam mo talaga ‘yung difference ng may extra layer of protection but that doesn’t exclude you from potentially spreading it. Dapat mag-ingat pa rin tayo.

“The vaccine doesn’t shield you 100 percent from the virus kaya dapat mag-ingat talaga. Masarap lumabas at magbakasyon pero hindi natin dapat kalimutan na may pinoprotektahan na pamilya at komunidad. Sana ligtas kayo lahat, I’m sending you love and light wherever you are,” aniya pa.

Nanawagan din ang komedyana sa publiko, “Please do not feel ashamed or disappointed in yourself if you ever test positive and you feel unwell if you’ve done everything to protect yourself.

“Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan, magtulungan na lang po tayo. Be easy on yourself, take care of yourself, and stop COVID-19 shaming. Stay healthy, God bless, I hope everybody will recover from this,” pahayag pa ni Tuesday.

#WaleyOHavey: Ate Gay, Tuesday trending dahil sa magkaibang pananaw ngayong pandemya

Alfred hindi rin nakaligtas sa bangis ng COVID-19, umaming napapraning para sa pamilya

The post Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan appeared first on Bandera.


Xian Gaza tinawag na ‘daks’ si Terrence Romeo; wala raw respeto sa ‘Bro Code’

$
0
0

Terrence Romeo at Xian Gaza

MAY matindi palang galit ang businessman at controversial social media personality na si Xian Gaza sa basketball player na si Terrence Romeo.

Na-discover namin ang galit niya when we saw a recent post sa kanyang official Facebook account kung saan ibinalandra niya ang kanyang disappointment sa basketball player.    

“Sobrang bitter ako kay Terrence Romeo kasi ba naman aware na aware siya that time na kasama ni ate model yung ‘Daddeh Xian’ niya sa Hong Kong tapos tawag pa rin nang tawag sa Viber. Nakakapikon.

“Porke butaw lamang ako sa lipunan tapos siya ay sikat na basketball player eh wala ng respeto sa Bro Code. 

“Badtrip na badtrip talaga ako kaya pinromise ko sa sarili ko that night na balang araw eh magiging bigatin din yung pangalan ko para hindi na ko kakaya-kayanin ng mga gwapo at daks na PBA players.”

‘Yan ang aria ni Xian laban kay Terrence.

“Kung sakaling makarating sayo ang post na ito, gusto ko lang ipaalam sayo na yung lalaking binastos mo noon ay hindi pa rin kasal hanggang ngayon. 

“Unlike mo, hindi ako nakatali sa maling tao. Mas mataba at mas mahaba man ng 1 inch yung iyo, mas mayaman naman ako. Sana malagpasan mo na yang pinagdadaanan mo sa lalong madaling panahon. 

“Finally, makaka-move on na ko sayo. God bless you,” dagdag pa niya.

Ano kaya ang magiging reaction ni Terrence sa patutsada ni Xian? Any comment, Terrence?

* * *

Inalala ni kim Chiu ang kanyang Papa William sa kanyang latest Instagram post.

Binati niya ng happy birthday ang kanyang Papa William, kalakip ang isang insidenteng hindi niya malilimutan kailanman.  

“Happy happy birthday papa William!!!! thank you for being our rock and for making me who I am today, for helping me achieve my goal, and for supporting me to do what I want!!!

“Thank you kaayo pa! Wishing you good health ug mas daghan pa na birthdays na e celebrate puhon. karon puyo sa ta sa balay, paayo lang ta sa atong lawas sa. Love you pa!!!” say ni Kim sa caption niya sa photo kasama ang kanyang Papa William.

“Special thank you sa @ladyschoiceph naguest yung papa ko and akala ko nakalimutan niya na yung tungkol sa pangungulit ko sa knya na bilhan ako ng cellphone noon kahit alam ko di pasok sa budget niya. Pero nilaban niya parin para magkaron ako ng phone,” kuwento pa ng host ng “It’s Showtime”.

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

The post Xian Gaza tinawag na ‘daks’ si Terrence Romeo; wala raw respeto sa ‘Bro Code’ appeared first on Bandera.

‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022

$
0
0

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

SA GMA 7 pa rin mapapanood ang longest-running noontime show sa Pilipinas, ang “Eat Bulaga” nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon  kasama ang iba pang Dabarkads.

Kaninang umaga, Jan. 11, 2022, makalipas ang 27 years, muling pumirma ng kontrata ang TAPE Inc., sa GMA Network para sa patuloy na pagpapalabas ng “Eat Bulaga.”

Present sa virtual contract signing sina GMA Network CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr., GMA EVP and CFO Felipe S. Yalong, GMA Chairman Annette Gozon-Valdez, and TAPE Inc. President and CEO Mr. Antonio “Tony” Tuviera.

Um-attend din ng virtual contract signing sina Sen. Tito Sotto, Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, Wally Bayola, Jose Manalo, Ryan Agoncillo, Pauleen Luna Sotto, Ryza Mae Dizzon, Jimmy Santos, Allan K., at Alden Richards.

“We, in GMA, are honored to be chosen once again by TAPE to be the home TV station of Eat Bulaga, a very popular TV program,” ang mensahe ni Atty. Gozen matapos ang contract signing.

“Many have tried to beat Eat Bulaga, the longest running number one tv program in the Philippines,” sabi pa ni Gozon.

Dagdag pa ng TV executive, “Being the number one noontime TV program, it is only logical that Eat Bulaga is shown on GMA-7, anumber one TV station in the Philippines.

“And so we are looking forward to many more years of mutually beneficial and rewarding partnership with TAPE in airing Eat Bulaga in GMA 7,” sabi pa ni Gozon.

Samantala, bukod sa ika-42 anibersaryo ng “Eat Bulaga” sa July, 2022, ipagdiriwang din ng TVJ ang kanilang golden anniversary ngayong taon. 

Unang nabuo ang grupo ng tatlong beteranong komedyante noong 1972 nang gawin nila ang gag show na “OK Lang” sa IBC-13.

Kaya naman natanong ang tatlong movie icon kung ano ang sikreto sa kanilang 50 years na samahan at sa patuloy na tagumpay ng “Eat Bulaga”.

Sagot ni Tito Sen, “Even before, yung Tito, Vic & Joey pa lang kami, panahon pa ng ‘OK Lang.’ Ako, noon pa lang, naramdaman ko na kina Vic at Joey, we have a very good sense of the pulse of the people.

“Lalo na, suwerte rin kami sapagkat ang nakukuha namin, ang mga pumapasok sa Eat Bulaga na mga production people, lalo na yung writers, e, ang lakas din ng pulso. Nababasa nila yung mga kababayan natin,” aniya pa.

Sinang-ayunan naman ni Joey ang naging pahayag ni Tito Sen at sinabing bukod sa “pulso”, hindi rin daw sila nagbabago makalipas ang mahabang panahon.

Sey ni Joey, “Yung sinabi ni Tito na pulso, nandoon yung salitang puso. Nasasakyan namin siguro dahil hindi kami nagbabago.

“Ang mga pantalon namin ni Vic, mahihigpit pa rin. Tight-fitting, may mga sira-sira rin. Ibig sabihin, hindi lang kami Kapuso, kauso rin.

“Hindi kami nawawala sa panahon, sumasabay kami. Noong araw nga, nag-uumpisa kami, magkaibang kulay yung Converse ko tapos nagkakamiseta ako. Mahaba ang buhok namin, nagso-shorts kami, kaya ayun, na-memo ako.

“Sabi ng boss ko sa Channel 9, ‘Wala akong pakialam kung branded ‘yan!’ Kasi ang mga uso noon, naka-tie, Amerikana. Siguro nabago ng Eat Bulaga dahil sa mga host, kami nina Vic at Tito.

“Noong araw, kapag may taping kami ng Iskul Bukol, kapag sinabi ng mga opisyal na ‘O, change costume, sequence something.’ Hindi sa amin uso yun.

“Ang ginagawa namin ni Vic, nagpapalitan lang kami ng T-shirt. O, ayan, change costume na. Salbahe kami.

“In other words, nag-umpisa kami na rebelde na hindi bad. Mula noon, kung ano ang uso, meron kami o kaya magpapauso kami,” pagbabalik-tanaw ni Joey.

Hirit naman ni Bossing pagkatapos magsalita nina Tito Sen at Joey, “Puwede bang copy and paste na lang (ng sagot nina Tito at Joey)? Basta ang feeling ko, legit Dabarkads, legit Kapuso. Yun lang!”

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Bossing kay Tito Sen: Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nasa likod mo ang buong Eat Bulaga!

Andrew E, Janno, Dennis keribels na nga bang magmana sa trono nina Tito, Vic & Joey?

The post ‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022 appeared first on Bandera.

Alexa Ilacad, KD Estrada ‘destiny’ ang isa’t isa: We had this really, really strong connection!

$
0
0

KD Estrada at Alexa Ilacad

MAS lalo pang nagiging close ngayon ang dating celebrity housemates na sina Alexa Ilacad at KD Estrada mula nang makalabas sila sa Bahay ni Kuya.

Diretsahang sinabi ng Kapamilya actress na ang “greatest takeaway” niya sa kabuuan ng kanyang “Pinoy Big Brother” experience ay ang  special friendship na nabuo sa pagitan nila ni KD.

Sabay na na-evict ang dalawa sa PBB season 10 celebrity edition noong Dec. 26, 2021 makalipas ang ilang buwang pananatili sa Bahay ni Kuya at hanggang sa outside world nga ay napanatili nila ang kanilang closeness.

Nitong mga nakaraang araw napanood ni Alexa ang ilang video clips mula sa ilang “PBB” episodes partikular na ang mga eksena nila ni KD at hindi raw talaga niya maiwasan ang maging emosyonal.

“It really warms my heart every time I watch something related to the two of us, or just reading the comments of people about us,” ani Alexa sa panayam ng ABS-CBN.

Sa isang episode ng Kapamilya reality show, sinabi ni KD na malaki rin ang nagawa ng emotional support na ibinigay sa kanya ni Alexa habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. 


Pero sabi ni Alexa, “It was a two-way thing. If he got strength from me, I got strength from him, too. Our bound was just so genuine. From the very start, we had this really, really strong connection. We are the only ones who understood each other, and who wouldn’t get tired of each other.

“Inside the house, where everything is so stressful, honestly, mentally, spiritually, emotionally, physically, with all the challenges, it’s a giant blessing for me that KD was there. If he’s thankful for me, I’m thankful for him even more,” sabi ng Kapamilya star.

“He’s my greatest takeaway from the whole ‘PBB’ journey, because now I have a solid person in my life who I can really count on. And that’s so rare to find. 

“It’s so rare to find someone that you just connect with, someone who gets you, and who assures you na hindi siya mapapagod sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Samantala, tungkol naman sa kanilang mental health condition — si Alexa ay may major depressive disorder caused by body dysmorphia habang si KD naman ay inaatake ng depression at anxiety, mas matinding suporta pa ngayon ang ibinibigay nila sa isa’t isa.

“We both have a condition. We understand that it’s hard for people to understand us. We’ve been called aloof, loners, everything, inside the house. 

“But the two of us, we get each other. Just to have that, it really helps to get me, personally, through day by day, knowing na nandoon siya, na maaashan ko,” aniya pa.

Para sa dalaga, “destiny” din ang sabay na paglabas nila sa PBB house, “Because if one of us were left in the house, and one of us were out, the one left inside, I don’t know, I would personally maybe go crazy!

“Ang hirap na ng susunod ng mga araw na wala ‘yung isa sa amin. We get strength from each other, e,” she said.

Pero ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon? “Kung paano kami sa loob, ganooon din kami sa labas. We’re still looking out for each other, always kinukumusta ‘yung isa’t isa. Obviously, we really enjoy each other’s company.

“I’d say we’re both growing, we’re both in a really good place right now. Even with our conditions, we’re both happy. That’s really important,” pahayag ng dalaga sa nasabing panayam.

Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

The post Alexa Ilacad, KD Estrada ‘destiny’ ang isa’t isa: We had this really, really strong connection! appeared first on Bandera.

Flawless na kilikili ni Neri Miranda pinagpiyestahan ng netizens: Kainis! Makinis pa kesa sa mukha ko!

$
0
0

Neri Miranda at Baby Cash

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens ang walang kamalay-malay na kilikili ng aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda.

Nag-post kasi ang wais na misis ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa kanyang Instagram account ng cute na litrato nila ng bunsong si Baby Cash.

Makikita sa nasabing photo ang mag-ina na natutulog at parehong-pareho ang posisyon. Ang tanging isinulat niya sa kanyang caption ay, “Motherhood.”

In fairness, walang keber ang celebrity mom kahit ano pa ang maging itsura niya sa litrato at kahit pa ma-highlight ang kanyang double chin na isinisi niya sa “holiday food.”

Pero bukod nga riyan, mas napansin ng IG followers ni Neri ang kanyang makinis at flawless na kilikili. Ito’y sa kabila nga ng panganganak ng aktres three months ago.

Karaniwan na kasing nangingitim ang mga kilikili ng mga buntis at mga bagong panganak, base na rin sa isang artikulo mula sa isang health website.

Kaya naman napa-sana all na lang ang halos lahat ng mga nakakita sa nasabing litrato ni Neri at ni Baby Cash lalo na ang mga nanay na may mga isyu sa kanilang underarm.

Narito ang ilan sa mga comments ng IG followers ni Neri tungkol sa kanyang napakakinis na kilikili.

“Walang sinabi ang double chin sa makinis na kili-kili (heart eyes emoji) ano pong sekreto nyo? (laughing emoji),” pahayag ni @xxsen111xx.

Comment ni @edythium1989, “Kili-kili po ang nagdala. (emojis).”

Sey naman ni @celenehernandezmd, “Sana all maputi ang kilikili kahit kakapanganak pa lang (emoji).”

“Sana all maputi ang kilikili kahit kakapanganak pa lang!”

“Bedding pala inaalok akala ko underarm whitening…charot!”

“Kainis! makinis pa ung kili kili mo kesa sa mukha ko! hahaha!” 

‘Kilikili kiss’ ni McCoy kay Elisse pampaswerte sa pagpasok ng 2022

Nadine iwas na iwas sa colored OOTD, grabe raw kasing magpawis ang kilikili

Basher na nang-okray sa kilikili ni Heart basag na basag: Hi perfect! Share tips naman

The post Flawless na kilikili ni Neri Miranda pinagpiyestahan ng netizens: Kainis! Makinis pa kesa sa mukha ko! appeared first on Bandera.

Hidilyn Diaz: Tina-try kong maging Luisa Madrigal kasi sabi n’yo ako ‘yun, kaso waley…

$
0
0

Hidilyn Diaz at Luisa Madrigal

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang paandar na pagko-cosplay ng weightlifting champion na si Hidilyn Diaz.

Maraming naaliw sa ipinost ng Olympic gold medalist sa kanyang Instagram Stories kung saan ginaya niya ang isa sa mga sikat na character sa hit Disney animated film na “Encanto.”

Makikita sa IG photos ni Hidilyn ang pagsusuot niya ng “costume” ala-Luisa Madrigal, ang gumaganap na kapatid ng lead character sa “Encanto” na si Mirabel.

In fairness, kitang-kita ang pagkakapareho ng karakter ni Luisa kay Hidilyn lalo na ang taglay nitong super powers na kering-keri magbuhat ng mabibigat na bagay, kabilang na ang mga bahay at tulay.

Ang nakasulat na caption sa litratong ibinahagi ni Hidilyn sa IG ay, “Same same, but different.”

Ito naman ang caption niya sa kanyang photo, “Tina-try ko maging Luisa Madrigal kasi sabi niyo ako ‘yun. Kaso waley, ‘di pasok makeup, hair, and outfit ko.”

Sunud-sunod naman ang reaksyon ng mga netizens sa nakakaaliw na post ni Hidilyn na nagsabing siyang-siya raw ang karakter ni Luisa sa “Encanto.” 

In fact, nang una raw nilang mapanood ang nasabing Disney movie ay si Hidilyn agad ang naisip nila sa karakter ni Luisa, lalo na nang ipakita nito ang taglay niyang kapangyarihan.

Noong July 2021, gumawa ng kasaysayan si Hidilyn, bilang kauna-unahang Filipino na nakapag-uwi ng gold medal mula sa Tokyo Olympics matapos magwagi sa weightlifting competition.

Natalo niya ang walo pang atleta sa sinalihang kategorya kabilang na ang world record-holder na si Liao Qiuyun mula sa China.

Ilang buwan makalipas ang pagkapanalo niya sa Tokyo Olympics, muling bumandera sa mga headline ang pangalan ni Hidilyn nang ihayag niya sa buong mundo ang engagement nila ng kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo.

Pinoy ‘weightlifting fairy’ Hidilyn Diaz tatanggap ng P33-M para sa nasungkit na Olympic gold medal

The post Hidilyn Diaz: Tina-try kong maging Luisa Madrigal kasi sabi n’yo ako ‘yun, kaso waley… appeared first on Bandera.

Viewing all 44568 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>