Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44523 articles
Browse latest View live

Paolo nakiusap na siya na lang ang banatan: No one else deserves it, ako lang!

$
0
0

KABI-KABILA ang inabot na pamba-bash ni Paolo Contis matapos ang hiwalayan nito sa anim na taong karelasyon na si LJ Reyes.

To the rescue naman agad ang talent manager nito na si Lolit Solis at agad na dinepensahan ang anak-anakan laban sa galit na galit na netizens.

Ngunit kahit siya ay nakatanggap ng pambabatikos nang lumabas ang exclusive interview ni LJ Reyes at sinabing hindi mutual ang kanilang hiwalayan, taliwas sa naunang statement ni Manay na mutual raw ang naging desisyon nina LJ at Paolo.

Kunsintidora raw ang talent manager at hindi man lang daw inisip ang nararamdaman ni LJ gayong kapwa sila babae.

Dagdag pa ng ilang netizens ay takot raw kasi ang talent manager na mabaon sa intriga ang alaga at i-boycott ng madlang pipol. Mawawalan raw kasi ito ng projects at paniguradong apektado siya at mawawalan ng komisyon mula sa aktor.

Bukod pa rito, may mga netizens rin ang nag-ugnay sa kinasangkutan ring isyu sa dating alaga na si Mark Herras.

Grabe raw ang panenermon at napahiya pa ang aktor sa social media dahil lamang sa pangungutang ng maliit na halaga samantalang mas deserve naman daw ni Paolo ang pamamahiya dahil nagloko ito at muli na namang inabandona ang pangalawang pamilya.

Kaya naman sa inilabas na statement ng aktor ay agad nitong ipinagtanggol ang kanyang talent manager.

“Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang nag-uusap.

“Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi niya lang ay ‘HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO!’ For that I’m sorry Nay,” pagdepensa ni Paolo.

Nagpasalamat rin ito kay Cristy Fermin sa pagtatanggol sa kanya noong siya’y tahimik lamang.

Isa rin si Cristy sa mga pinutakte ng mga netizens dahil dinaig pa raw nito ang sexbomb kung maka-bawi ng statement.

Noon kasing may mga litrato at videos na naglabasan ay buong tapang nitong sinabi na hindi sina Paolo at Yen ang nagkasama ngunit agad ring binawi at kinumpirma na magkasama nga ang dalawa at sila ang mga nasa kumakalat na litrato at videos.

Sa huling parte ng post ni Paolo ay nakiusap siya na irespeto ang kanilang privacy at sana’y isama sila sa mga panalangin ng netizens.

“Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you,” saad nito.

The post Paolo nakiusap na siya na lang ang banatan: No one else deserves it, ako lang! appeared first on Bandera.


John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang

$
0
0

AMINADO si John Lapus na hindi na maganda ang naging relasyon niya sa kanyang pamilya bago pa magsimula ang pandemya.

Taliwas sa madalas na sinasabi ng iba na isa sa mga magagandang bagay na naidulot ng pandemya ay ang mas maraming oras kasama ang pamilya, mukhang hindi ‘yun ang siste sa komedyante.

“Wala akong ganong support group, backbone katulad ng sinasabi ng iba. Na atleast, nakalock-in lang ako sa bahay. Na atleast, I got to be with my family, mas nakilala namin ang isa’t isa, mas nag-bonding kami kasi prior to pandemic pa wala na akong contact and connection with them.

“Sad but ganoon talaga. Hindi lahat ng bagay ibibigay sa ‘yo at hindi lahat ng bagay sa aspeto ng pagkatao, love life, family, social, hindi lahat. Feeling ko sa kaibigan lang ako suwerte kaya ingat na ingat ako sa kaibigan,” kuwento ni Sweet sa kaibigang si Ogie Diaz.

Amin pa niya, siya raw mismo ang umiwas sa kanyang pamilya dahil napagod na ito.

“Na-realize ko na pagod na ako sa kanila. Pagod na akong tulungan sila kasi parang hindi nila tinulungan ‘yung mga sarili nila,” pag-amin ni Sweet.

Dagdag pa niya, huli na raw nang marealize niya na ang mga taong tinutulungan niya ay umaasa na lang sa kanya kaya napagod na siya.

Kuwento pa nito, three or four years ago raw, mga panahong nawalan siyang trabaho ay nasa bahay lang ito at doon niya narealize na wala raw nangyari sa mga pamangkin niya na tinutulungan niya.

“‘Yun din ‘yung time na ‘yung mga kaibigan ko nagpaaral rin ng mga pamangkin, graduate na ng college, may trabaho na. May isa akong kaibigang bakla, nilibre siya ng pamangkin niya ng trip to HongKong kasi nga may trabaho na tapos ako wala, nganga silang lahat,” saad ni Sweet.

Dito raw siya napatanong at napa-compute para sa future. Nag-worry ito para sa sarili kung sino ang mag-aalaga sa kanya gayong di rin kayang alagaan ng mga pamangkin niya ang kanilang sarili.

Siguro ay may pagkakamali rin siya sa kung ano ang nangyari sa kaniyang mga pamangkin dahil tulong lang siya ng tulong at marahil nagkulang siya sa pagbibigay ng emotional support sa mga ito.

Kaya nga raw takot siyang tumanda kay pag nag-eemote ito sa mga kaibigan ay sinasabi niyang sila na ang bahala sakaling mamatay siya.

“Ayoko ‘yung mai-stroke tapos aalagaan. Walang mag-aalaga sa ‘kin. Sure ako.

“Hindi ko alam kung masama pero isa ‘yun sa mga dasal ko kay Lord. Na ‘pag namatay ako, one time, big time. ‘Wag akong ma-stroke o ‘wag akong maospital kasi alam kong walang mag-aalaga sa akin.

“Sinabi ko sa mga kaibigan ko na kapag na-stroke ako o ‘yung machine na lang ang bumubuhay sa ‘kin, sabi ko sa mga kaibigan ko, ‘Dalawin n’yo ko, pasimpleng sipain n’yo ‘yung saksakan para mamatay na ako kasi alam kong walang mag-aalaga sa akin,” malungkot na pahayag ni Sweet.

Ngayon nga ay pinagpaplanuhan niya kung sakaling mamatay siya tulad ng memorial plan at may close friend itong kinakausap niya kung paano ang magiging hatiin ng property sakaling mangyari ‘yun.

Nang tanungin naman siya kung umaasa siyang magkaayos sila ng pamilya niya bago siya mawala ay hindi agad nakasagot ang comedian-director.

Aniya, nakalagpas na raw siya sa galit na nararamdaman ngunit hindi na siya umaasa. Basta ang hangad lang nito ay maging maayos ang pamilya ng mga pamangkin lalo na’t may mga anak na ang iba sa mga ito.

Ervin Santiago

The post John Lapus: Dasal ko kay Lord kapag namatay ako, one time, big time na lang appeared first on Bandera.

Ogie Diaz: Pinag-iisipan kong tumakbong presidente o kaya senador…pwede na po ba ‘ko?

$
0
0

Ogie Diaz

ANO nga ba dalat ang qualifications para isang public official na magsisilbi sa mga kababayan niya sa bansang Pilipinas?

Ang dami-dami kasing gustong kumandidato sa 2022 pero hindi naman kongkreto kung ano ang plano nila basta masabi lang na gusto nilang maglingkod sa bayan.

Marami namang nagsabi na puwede namang tumulong kahit  wala sa posisyon at manggagaling ang pondo sa sariling bulsa tulad ng host ng “Wowowin” na si Willie Revillame.

May mga tapat namang nagsasabi na kaya nila gustong kumandidato ay para mas may malaki silang pondo na maibibigay sa mga nangangailangan lalo na’t kung buong Pilipinas ang gusto mong tulungan.

Isa rin ang talent manager at content provider na si Ogie Diaz ang maraming natutulungan pero wala siyang posisyon sa gobyerno. Kaya napaisip siya na para mas dumami ang pondo niya (para mas marami siyang matulungan) ay baka maaari rin siyang kumandidato.

Sa kanyang Facebook page ay ni-repost ni Ogie ang mga larawan ng mga kakandidado sa Halalan 2022.

Narito ang mahabang pahayag ni Ogie, “Pinag-iisipan ko ngayong tumakbong Presidente o kaya pwede ring senador. Na-inspire ako sa line-up, eh.

“Kung sa experience, meron naman po akong experience. Both sex po ba? Pero promise po, wala pa po ako experience sa hayop.

“Bakit ako magpe-Presidente? Aba, hindi nyo naitatanong, hanggang ngayon po, presidente ako ng homeowner’s association sa compound namin. Okay na ba yon? O dagdagan ko pa?

“34 years na din po ako sa movie industry, nakagawa na rin po ako ng mahigit 40 movies, ang dami ko na ring teleseryeng nagawa na puro ako alalay o sidekick.

“Naging talent manager din po ako mula pa nu’ng 2003 hanggang sa kasalukuyan.

“Ay, eto. One of the board of trustees ako ng Kasuso Foundation, kung saan meron kaming almost 500 breast cancer patients; tapos, kami rin po ang katuwang ni Sir Nap Marilag sa Dugong Alay Dugtong Buhay (parang Red Cross).

“Meron din po akong fanpage na may 2M followers na, pwera pa itong personal account ko na may 500k plus followers.

“Ay, nga pala. Okay na ba yung followers ko sa instagram? 382k lang kasi yon, eh. Pero may 500k twitter followers naman po ako.

“Tapos po, meron din po akong 2.4M subscribers on Ogie Diaz Channel sa Youtube tapos, malapit na din pong mag 500k subscribers ‘yung Ogie Diaz Showbiz Update.

“Marami na din po akong nai-contribute na blind item at tsika sa MGA TSISMOSANG KAPITBALUR (OH, ETO NA NGA! SI ANO…).

“Ammm, ano pa ba? Kailangan ba ‘yung galing sa hirap? Ay, nako, hindi nyo naitatanong, baklang Sampaloc (Manila) po ako. Du’n po kasi ako ipinanganak.

“Tapos po, fan po ako rati ni Aga Muhlach, nagpupunta pa ako ng bahay niya sa New York, Cubao; naging alalay din po ako ni Ate Cristy Fermin.

“Pamilya? Ay, limang anak na babae po. All biological po kay Mommy Sowl. Yes po, tinitigasan din po ako sa babae. Kaya nga nakalima ang bakla.

“O, siya. Pag meron pong kulang na requirement o di pa kayo satisfied sa qualification na maging Presidente o senador or gusto n’yo ng mas nakakaawang kwento, idadagdag ko na din po na dati po akong nagtinda ng yosi at diyaryo sa traffic, nagtinda rin ng banana cue. Saka palitaw.

“Actually, sinubukan ko pong mag-callboy nu’ng teenager, kaso, nakalimutan ko, bakla na pala ako no’n, kaya hindi na pwede.

“Promise po, hindi po ako magnanakaw, dahil masakit po sa ulo ang magsinungaling. ‘Yung andami mo ngang nakaw, pero araw-araw kang binabagabag ng kunsensiya mo. Masarap pa ring matulog na walang inapi at kinulimbat.

“Let me know po kung kulang pa yan, dadagdagan natin. Kahit mag-imbento na po ako. Tutal, uso naman yon sa panahon ngayon. So ano po? Pwede na po ba ako?”

The post Ogie Diaz: Pinag-iisipan kong tumakbong presidente o kaya senador…pwede na po ba ‘ko? appeared first on Bandera.

Paulo may nakakalokang reaksyon sa viral ‘face swap’ TikTok video: ‘Hooooy!’

$
0
0

BENTANG-BENTA ngayon sa social media ang pop dance TikTok video kung saan pwede kang mag-face swap sa babaeng sumasayaw.

Marami na ang kumasa sa “challenge” na ito pero ang pinakapatok ngayon sa netizens ay ang video na may mukha ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Isang netizen ang nag-upload sa kanyang Twitter account ng nasabing TikTok entry pero ang ginamit niya sa face swap ay mukha nga ni Paulo. 

In fairness, nagpasabog ng good vibes sa socmed ang nasabing video at nagkakaisa ang mga nakapanood nito sa pagsasabing ang ganda-ganda raw ng aktor kung naging babae ito.

Ayon sa isang netizen, “Gondohhh! Bagay pala kay Pau ang maging girl!” 

“Napakaganda mo, nanakakatomboy! HAHAHAHAHA,” komento naman ng isang Twitte user.
Sey ng isa pang netizen, “Pretty woman! May kamukha rin siyang ibang artista! Hulaan nyo!”

“Paula ng taon HAHAHAHHA ang ganda mo Mahal na ata Kita,” ang ipinost ng isang netizen sa comments section.

Nang makarating nga kay Paulo ang viral TikTok video, ni-repost niya ito at nilagyan ng caption na, “Hooooy mga p*ny*ta.”

Aliw na aliw naman ang fans sa nakatutuwang hirit ng aktor at sigurado raw sila na natuwa at natawa rin ito nang mapanood ang sarili sa video.

Kung matatandaan, naging usap-usapan din si Paulo nang magyaya siya ng “e-numan” session sa pamamagitan ng kanyang Twitter account. 

At ilang sandali lang ang lumipas ay napuno na agad virtual meeting na ginawa ng aktor kung saan talagang nakipagchikahan siya sa kanyang supporters habang umiinom ng alak. 

“Minsan kailangan talaga ng social interaction kasi nakakabaliw lang talaga,” ani Paulo na ang tinutukoy ay ang pananatili sa kanyang bahay nang matagal na panahon dahil sa pandemya.

The post Paulo may nakakalokang reaksyon sa viral ‘face swap’ TikTok video: ‘Hooooy!’ appeared first on Bandera.

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

$
0
0

BARON GEISLER

ISA si Baron Geisler sa mga sikat na aktor mula 1990s at nakilala sa iba’t ibang karakter na kaniyang ginampanan sa pelikula at telebisyon.

Matapos matanggap sa audition ng “Ang TV” ay naging tuloy-tuloy ang naging pagsikat ni Baron at mabilis niya ring minahal ang pag-aartista. Para sa kanya ay isa itong hobby na talagang nae-enjoy niya.

“Okay naman ‘yung pamilya namin pero at the age of 16 nakabili na ako ng sariling sasakyan galing sa sarili kong pera. At the age of 21 naman meron na akong multi-million mansion, ‘yung kwarto ko may sariling bathtub, meron akong apat na kotse. So age 21, nakakalaki naman talaga ng ulo na you have everything, so you feel like the king,” paglalahad ni Baron sa panayam niya sa “Stories of Hope”.

Ngunit sa kabila ng marangyang buhay na kaniyang tinatamasa ay natuto rin siyang maging rebelde at unti-unti, naligaw na siya ng landas at nagsimula nang magkaroon ng bisyo.

“’Yung mga magulang ko napaka-strict. Mahilig mamalo si Mommy, so nung time na ‘yun I just wanted to get out of the house. And then may time nung high school, hindi ako pumasok ng 2 months kasi may rebellious behavior din ako or character.

“Nagbilyar ako, sinamahan ko yung mga bad crowd, hanggang sa napasok ako sa frat, nagsimula na akong uminom, ‘yun na. Nagsimula ‘yan with bad company.” kuwento pa ng aktor.

Dito nga naging marahas at mainitin ang ulo ng aktor sa mga tao sa kaniyang paligid, maging sa mga taong malapit sa kanya na naging dahilan kaya madalas itong mareklamo at masangkot sa iba’t ibang kontrobersiya.

“Ginagawa ko pa nu’n sa driver ko kapag nagkamali sinusuntok ko rin at saka dinuduraan ko sa mukha. Feeling ko, ako na. Parang ako yung Diyos. Parang ganu’n,” saad niya.

Labis naman ang naging pagsisisi ng aktor sa lahat ng maling nagawa nito at humihingi ito ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan nito at naagrabyado.

“Pero hanggang ngayon pala naiisip ko yung pagmamaltrato ko sa mga kasambahay namin lalo na sa mga driver at boy namin. Sana mapatawad nila ako.

“Hanggang ngayon pinagsisisihan ko yung mga opportunities na na-waste,” paumanhin nito.

Alam naman ng aktor na walang ibang responsable sa mga hindi magandang nangyari sa kanya kundi ang kanyang sarili ngunit ang lahat ng kanyang inasal ay mayroon palang malalim na pinanggagalingan.

“Pero may pinanggagalingan yung self-destruction na ‘yan kasi may void sa puso ko eh, may pagkukulang so kino-compensate ko sa mga bagay-bagay either be pambababae, it could be alcohol, drug material thing.

“Nawalan ako ng Diyos, wala akong guidance, wala akong wisdom from the Holy Scripture, wala akong fellowship kasi, bro wala akong kaibigan, dahil feeling ko noon ako yung pinakamagaling,” kuwento ng aktor.

Ilang beses ring ipinasok sa rehabilitation center si Baron ngunit sa tuwing makakalabas ito ay bumabalik pa rin ito sa dating bisyo.

Sa ikapitong pagpasok sa rehabilitation center na mas nakilala ng aktor ang kaniyang sarili at dito niya na hinarap ang mga pagkakamaling nagawa niya sa sarili at sa ibang tao.

“Noong tinanggap ko ‘yun at hinarap ko sya na ‘eh ako ‘yun eh’, wala na akong magagawa pero kahit na gaano ako karumi sa paningin ng tao o kahit sa sarili ko, there will always be that loving and kind God who will embrace me and forgive me as long as I turn back from my sin, meaning to say If I really repent,” kuwento niya.

Isa sa mga naging instrumento ng tuluyang pagbabago ng aktor ay ang kaniyang asawa na si Jamie Evangelista.

Para sa kaniya, parehas silang nakakuha ng refuge sa isa’t isa.

“Ako naman talagang halos ma-obsess ako sa kaniya kasi meron siyang parang maternal instinct na at that time I needed kasi kakamatay lang ng nanay ko. Siguro yun yung pinadala ni God sa akin,” dagdag pa niya.

Nag-meet ang dalawa sa rehabilitation center kung saan isang psychologist si Jamie. Kuwento ni Baron, isang linggo na lang ay gagraduate na siya kaya inaya niya ito na mag-tsaa tueing umaga. Doon na nga sila nagka-developan at ngayon ay kasal na sila.

Biniyayaan sila ni Jamie ng isang munting anak na pinangalanan nilang si Baby Talitha Cumi na ang ibig sabhin ay ‘little girl arise’.

Ang anak ang nagsisilbing liwanag sa kanilang pamilya dahil lagi itong nakangiti at talaga namang nakakatanggal ang little girl nila ng stress.

Naging inspirasyon rin ni Baron ang anak sa kaniyang tuluy-tuloy na pagbabago dahil para sa kanya, paano ito makikinig kung makakarinig ito ng mga negatibong kuwento ukol sa ama.

Ngayong naging tatay na siya ay mas naintindihan na niya na para sa kanyang sariling kapakanan rin ang lahat ng ginagawa noon ng kaniyang mga magulang at sana raw ay nakinig ito noon sa magulang dahil wala na ang mga ito ngayon.

Lubos ang pasasalamat niya sa mga patuloy na sumusuporta at nagtitiwala matapos ang nangyari at ayaw niya nang dumating ang panahon na bumitiw ang mga ito o mawalan ng pag-asa sa kaniya kaya ginagawa nito ang lahat pra hindi bumalik sa madilim na nakaraan.

The post Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling appeared first on Bandera.

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

$
0
0

WALANG kaabog-anog na ipinagtanggol ni Annabelle Rama ang asawa ng pambansang kamao na si Jinkee Pacquiao laban sa isang reporter na nangbabash sa kanya.

Sa Instagram post ng dating aktres at ina nina Ruffa, ay dinepensahan nito ang kaibigang si Jinkee na kamakailan lang ay trending dahil sa halaga ng OOTD nito noong laban ng asawa.

Marami ang bumatikos kay Jinkee dahil umano “insensitive” daw ito at maraming Pilipino na raw ang puwedeng matulungan ngayong pandemya sa halaga ng damit na kanyang suot-suot.

“Nakakabwisit na itong hindi sikat na reporter. Walang tigil kakasulat ng negative things about Jinky Pacquiao.

“Ayaw mong tumigil kasi wala ka pang natatanggap na datung and bag from Jinky,” umpisa ni Annabelle.

Ang style raw ng reporter ay ‘hit and collect’ at ginawa na rin niya ito sa isa pang celebrity na inaraw-araw rin niyang binabanatan sa column nito ng mga below the belt na paninira pero nang bigyan daw ng Chanel bag na may P100,000 sa loob ay buglang puei raw ito at ginawa pang guest sa kanyang radio program.

“Ang kapal talaga ng mukha mo. Pinapakain mo sa pamilya mo yung pera galing sa mga taong sinisiraan mo? Mahiya ka naman sa sarili mo,” pagpaptuloy ni Annabelle.

Giit pa nito, alam kaya ng owner ng newspaper at radio station na ginawa diumanong “negosyo” ng reporter ang trabaho nito?

Mukhang hindi sana makikialam si Annabelle kaso ayaw raw tumigil ng reporter sa pang-iinsulto kay Jinkee na hindi siya pinapatulan.

“Bakit ka galit na galit? Dahil hindi ka makabili? Pati alahas na suot niya, mamatay ka sa inggit?

“‘Wag ka ng mamatay sa inggit sa mga gamit ni Jinky P. Ang pera na pinamili niya ng mga branded na gamit ay hindi galing sa nakaw.

“Galing sa asawa niya na pinaghirapan. Anong gusto mong ipasuot sa kanya? Duster na may dalang bayong at naka tsinelas?

“Asawa siya ng isang sikat na boxing champ and boxing legend, senator pa.

“Hindi ka ba naman tanga puro negative sa katawan mo ang mga sinusulat mo.

“Matanda ka na. Magsalamin ka. Makikita mo yang mukha mong kasing pangit ng ugali mo. Tangengot ka. Sige lumaban ka sa mga Bisaya. Gi-atay ka! Pwe,” matapang na litanya ni Annabelle.

Pati raw hotwl kung saan nag-stay ang pamilya Pacquiao para ss kanilang quarantine ay hindi pinalagpas ng reporter at nagagalit raw ito dahil sa mga pagkain na palaging pinopost ni Jinkee sa social media.

“Hoy, tanga! Yung pinaka sosyal na Conrad Hotel, inisponsor ang pamilya ni Sen. Manny ang pag stay nila ng 10 days quarantine,” paglilinaw niya.

Kaya naman pala pinopost ni Jinkee ang hotel amenities at food dahil sponsored sila kaya pinopromote nito ang hotel.

“Anong problema mo ngayon ? Walang mag sponsor sa iyo maski motel. Wala kang kadala dala sa nangyari sa iyo. Dinemanda ka ng pamilya ko ng Libel. Natalo ka di ba?

“Kung hindi ka nagmamakaawa kay Jinggoy na tulungan ka dahil si Erap pa ang Presidente. Dapat sa kulungan ka pinupulot. Nakatikim ka sana ng mga daga at mga ipis sa loob ng kulungan.

“Until now ganun ka pa rin? Magbago ka na. Siguro naghihirap ka na ngayon dahil sa pandemic.

“Wala ka ng makurakot na pera sa mga artista. Kaya pinipili mo ang taong titirahin mo para magka pera.

“Sorry na lang dai! Wala kang makukuha ni piso kay Jinky P. Magdasal ka nalang na hindi ka tamaan ng Delta COVID. Baka matigok ka pa,” sunod-sunod na bwelta nito.

Siya nga raw na hindi sikat ay maraming sponsors na libre basta ipopost raw nito sa social media kaya hindi kataka-taka na may mga ganoon rin kay Jinkee lalo pa’t asawa ito ni Sen. Manny Pacquiao.

Hirit pa nito, “Maligo ka ng sampung tabo ng kumukulong mainit na tubig para matanggal ang dumi ng inggit sa katawan mo. Ha! Ha! Ha!”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing si Cristy Fermin raw ang pinapatamaan ni Annabelle.

Matatandaang kamakailan lang ay nagpatutsada ito kay Jinkee at sinabi pang walang kahihiyan si Jinkee.

Bukod rito, sinampahan rin ng kasong Libel nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez si Fermin noon patungkol sa pagtakas diumano ng mag-asawa sa US dahil sa estafa case na iniiwasan kaya umuwi ang mag-asawa sa Pilipinas.

Guilty sa kaso si Fermin kaya kinailangan niyang magbayad ng isang milyon sa mag-asawa kapalit ng hindi nito pagkakakulong.

The post Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’ appeared first on Bandera.

Iba pang litrato nina Paolo, Yen sa Baguio naglalabasan

$
0
0

HINDI pa rin humuhupa ang pambabatikos kay Paolo Contis matapos ang naging pahayag nito sa mga kontrobersya na kinasasangkutan.

Maraming time ang netizens kaya imbes na mamatay ang isyu ay para itong apoy na mas nagliliyab sa bawat araw na lumilipas.

Hindi raw kasi tugma ang mga sinabi ni Paolo sa kaniyang Instagram account sa mga human CCTV netizens from Baguio.

Sa nasabing pahayag ni Paolo ay inimbitahan lamang daw niya si Yen ng isang araw para may makausap siya sa Baguio dahil malapit lang naman ang bahay nito. Pumunta naman daw ang aktres bilang isang kaibigan at para na rin siguro damayan siya.

Well, kung ibe-base natin sa google maps, 3 hrs rin ang travel time mula Cabanatuan papuntang Baguio. Medyo malayo pero pwede na para sa kaibigang nangangailangan ngunit para sa mga netizens, wala bang ibang kaibigan si Paolo?

Dahil kung talagang kaibigan lang raw ang hanap nito ay sana iba na lang ang tinawagan nito. Dagdag pa nila, wala bang lalaking kaibigan si Paolo na mas makakaintindi ng sitwasyon niya?

Hirit pa ng ibang netizens, mayroon daw palang “friend” na kapit na kapit sa braso ng kaibigan habang wapakels na naglalakad sa kalsada.

Dagdag pa ng netizens, marami sa kanila na taga-Baguio ang nakakita sa dalawa na kung umakto raw ay “more than friends” at kasabay rin nito ang paglabas ng iba pang litrato maging ang litrato mula sa CCTV kung saan kumain ang dalawa ay lumabas na rin.

At ang pasabog pa ng netizens ay ibang araw at ibang restaurant daw ang kumakalat na screenshot ng CCTV na ibig sabihin, hindi lang isang araw nagkasama ang dalawa taliwas sa sinabi ng aktor na ininvite niya si Yen for a day.

“1 day in baguio? Really Aug 25 in Agara Ramen baguio, then sep 3 sa lemon and olives. Sinong niloloko niyo?” comment ng isang netizen.

Ang sinasabing Lemon and Olives ay isang restaurant sa Baguio kung saan kuha ang naunang litrato na nag-viral sa social media.

Nakakaloka naman talaga ang kapngyarihan ng mga mosang na netizens.

Paano kaya ipapaliwanag ni Paolo ang mga akusasyon na patuloy na ibinabato sa kanya ng netizens? Mukhang bawat araw ay may bagong discovery mula sa kontrobersya na ito.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa paliwanag ni Paolo Contis at Yen Santos.

The post Iba pang litrato nina Paolo, Yen sa Baguio naglalabasan appeared first on Bandera.

Ogie, Vice disappointed sa pabago-bagong desisyon ng gobyerno

$
0
0


SLIGHTLY ay naimbiyerna ang talent manager na si Ogie Diaz sa PDP-LABAN assembly na isinagawa sa Pampanga na dinaluhan ng 400 members nito.

Ang feeling kasi niya ay mas importanteng talakayin ang issue ng pandemya sa bansa lalo pa’t dumarami ang nagiging biktimang COVID-19 Delta variant.

“Mas priority ba yan over pandemya?” tanong ni Ogie.

“Naudlot ang opening ng resto at salon at iba pang negosyong dahil sa napakagulong desisyon sa klase ng lockdown, pero nag-meeting ang PDP-Laban na may 400 members sa isang convention center, okay lang?” dagdag pa ng talent manager.

Sabi pa ni Ogie, wala naming kaso kung ang mga politiko ay “nagbibigay ng kabuhayan sa bawat pamilya eh.”

“Kaso ang pinaghahandaan nila ay yung eleksyon next year, kaya nagtipon-tipon,” say niya.

“Mas priority ba yan over pandemya? So abangan na lamang natin ang mga “positive” news sa mga susunod na araw,” dagdag pa niya.

Obvious na disappointed si Vice Ganda sa pabago-bagong desisyon sa pag-declare ng general community quarantine (GCQ) na may kasamang granular lockdown.

Ipinagpaliban kasi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang implementasyon ng GCQ recently.

Sa “It’s Showtime”, nag-react si Vice Ganda who said, “Ay, GCQ na ready ka… Paglabas mo ay MECQ ulit. Pinaglololoko nyo kami.”

“Alam nyo napaglalaruan yung mga tao. Kawawa napaglaruan. Tapos hindi kayo humihingi ng sorry, tinatalakan nyo pa sila,” say pa ng “It’s Showtime” host.

It can be recalled that mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR ay papalitan ito ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) starting Sept. 8.
But this did not happen kasi ibinalik sa MECQ ang NCR.

The post Ogie, Vice disappointed sa pabago-bagong desisyon ng gobyerno appeared first on Bandera.


‘Pag-atras’ ni Inday Sara, ‘tele-drama’ ng pulitika

$
0
0

Hindi na raw tatakbo si Davao Mayor Sara Duterte matapos tanggapin ng amang si Digong  ang nominasyon ng PDP LABAN (Cusi faction)  bilang VP candidate ni Senador Bong Go na standard bearer. May usapan daw ang mag-ama na isang Duterte lang ang lalaban sa “national elections sa Mayo 2022. Niliwanag din ni Sara na imposibleng  siya ay maging “substitution candidate”  dahil hindi naman siya miyembro ng alinmang “national political party”. Bukod dito, ayaw niyang makilahok sa mga “last minute” na aksyon. At ang mabigat, hindi raw niya susuportahan ang PDP-Laban tandem na Go-Duterte. Bagay na marami ang nagdududa.

Noong 2015 kasi, lumipas ang October 16 deadline na hindi nag-file ng certificate of candidacy sa pagka-presidente si Digong para sa 2016 elections at sa halip ay alkalde muna ng Davao city. Pagdating ng November 27, tinanggap ng Comelec ang “substitution” ni Digong  kay dating baranggay captain Martin Diño bilang “presidentiable ng PDP-Laban. At kasabay din noon si  Sara na naging substitute mayoralty candidate sa Davao.

Subalit, iba ang sitwasyon ngayon ni Inday Sara  at maraming kapanalig niya  ay naniniwalang makukumbinsi siyang tumakbo.  Nakaabang din sa desisyon ang  anim na malalaking  political parties  kabilang ang  LAKAS-NUCD ni PGMA, NP ng mga Villar, PMP ni Ex sen Miriam Santiago, NUP ni dating DILG sec. Ronnie Puno,LDP ng mga  Angara at Federal Party. Magmula ngayon hanggang October 8, maaring mag-“koalisyon” ang anim na partidong ito  para maging “presidentiable” si Inday Sara.  Pwede siyang gawing “adopted  o full time member” ng anim na partido bago ang October 8 deadline.

Dahil kay Inday Sara, kagulo na pareho ang “administration” at “oposisyon’ dahil imposible na ang inaasam nilang  “united candidate”. Kung sabog ang mga kumbinasyong Sara-Go-Digong, malabo na rin na maging nag-iisang kandidato ng oposisyon si VP Leni Robredo. Ito’y matapos di na nagpaawat sina Senador Ping Lacson-Senate Pesident Tito Sotto.  At marami pang tatakbo tulad nina  ex-senator Bongbong Marcos, Senador Manny Pacquiao, Senador Grace Poe  at dating House speaker-Taguig congressman Alan Peter Cayetano . Nagpapaalam na rin sa Maynila si Manila Mayor Isko Moreno na ngayo’y nasa partido Aksyon Demokratiko.

Noong 1992 elections, pito ang naglaban-laban at nanalo si President Fidel Ramos, anim naman noong 2010 kung saan nanalo si President Noynoy Aquino , at lima noong 2016 na pinalalanunan ni Pres. Duterte. Sa ngayon, mukhang hindi bababa sa limang seryosong kandidato ang mga maglalaban.  Kaya ko sinasabing seryoso ay dahil handa silang gumastos ng higit dalawa hanggang limang bilyong pisong campaign funds, maging sarili niya o donasyon. Bakit ganoon kalaki? Sa totoo lang , bawat senador na kakandidato ngayon ay gumagastos ng P500-M, presidente pa kaya?

At ang mga kandidatong may kapasidad na makalikom ng ganoong kalaking pondo na mula sarili o  donasyon ay sina Davao city mayor Sara Duterte, Sen. Bong Go, VP Leni Robredo , Senador Grace Poe, Senador Ping Lacson , ex-Senator Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Kaya naman, marami ang posibleng kumbinasyon. Nauna na ang Ping Lacson-Tito Sotto , Bong Go-Digong Duterte, Sara-Bong Go, Isko Moreno-Manny Pacquiao, Manny Pacquiao-Isko Moreno, Isko Moreno-Grace Poe,  Bongbong Marcos-Sherwin Gatchalian at marami pa.

Pero tandaan lagi na ang lantaran ng baraha ay sa October 8 pa, kung saan lahat ng mga kandidato sa Presidential vice presidential positions ay nagsumite ng kanya-kanyang  certificates of candidacy. Kaya naman mula ngayon, walang tigil na babaha ang kaliwat kanang “fake news” at maniobrang pulitikal ng mga kandidatong ito. Kabilang na itong deklarasyon ni Inday Sara na aatras na raw siya. Hanggat hindi natin nakikita ang mga pirmadong certificate of candidacy, ang urong sulong at iba pang kadramahan ng mga pulitikong ito ay lalo pang titindi at nakakalito ngayong panahon ng eleksyon.

The post ‘Pag-atras’ ni Inday Sara, ‘tele-drama’ ng pulitika appeared first on Bandera.

Dingdong, Marian pinakilig ang madlang pipol sa kanilang live dance number

$
0
0

NASORPRESA ang mga netizens at supporters ng Kapuso couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang latest dance number para sa live telecast ng 9.9 sale ng isang online shopping app.

Labis na kilig rin ang nadarama ng mga fans sapagkat matagal na nang huling makita ang dalawa na nagsayaw nang live sa national TV.

Bukod sa bongga ay talaga namang nakakakilig na dance number ng dalawa ay kitang-kita ang saya sa dalawa na ngiting-ngiti at kahit sa mga mata nito ay talaga namang halata ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Pasabog rin ang dalawa nang sa huli ay halikan ni Marian si Dingdong sa lips. Halos atakihin tuloy ang mga DongYan supporters dahil di pa rin nawawala ang chemistry ng dalawa kahit na matagal na itong mag-asawa.

“Sobrang exciting ‘to para sa amin kasi ito ‘yung unang stage performance namin for a very long time together,’ saad ni Dingdong.

“Kahit palagi kaming magkasama, iba pa rin ‘yung thrill na nagpe-perform kami, magkasama kami sa stage,’ dagdag pa ni Marian.

Sa Twitter naman ay tila marami sa mga fans ang hindi maka-usad sa napanood.

“Haha, hirap padin ako magmove on. Tagal na din kasi ung last na sumayaw sila ng live eh,” tweet ng isang DongYan fan.

“It’s always a treat to watch Dingdong Dantes and Marian Rivera-Dantes in a production number,” sey rin ng isa pang fan.

True naman na ang tagal na rin since nagkasama sa isang dance number ang dalawa kaya naman talagang kaabang-abang para sa kanilang supporters ang naging dance number nito.

Infairness kay Marian, parang hindi nanganak ng dalawang beses dahil na-maintain nito ang sexy body at magaling pa rin itong sumayaw.

The post Dingdong, Marian pinakilig ang madlang pipol sa kanilang live dance number appeared first on Bandera.

Billy, Coleen emosyonal sa 1st birthday ng anak na si Amari

$
0
0

MASAYANG ipinagdiwang ng mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang ika-1st birthday ng anak na si Amari.

Sa kanilang Instagram account ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanila sweet messages para sa anak kasama ang kanilang family photo.

“Happy Birthday, Amari,” bati ni Coleen.

“We will never stop covering you in prayers and showering you with love, our beautiful baby boy.

“There are a lot of scary and negative things still going on in the world, but you have been our sunshine and ray of hope.

“We celebrate your life today and every day! Even though you didn’t really get to go around, meet people, and explore much of the outside world during your first year, we still found all kinds of ways to enjoy and live our best life together. And our hearts are always full. 🤍

“One day you’ll realize that there’s a whole world out there, but I hope these moments when it was just us will always stay in your very core.

“Be reminded that you are surrounded by people who love you, that you are appreciated, cherished and valued, and that all you really need is within reach.

“I look forward to watching you make all your dreams come true, and seeing the wonderful person you’ll become one day. But for now, you’re our little baby boy. And we will savor every minute of it,” sweet na message ni Coleen para sa anak.

Samantala, may mwssage rin si Billy sa kanyang IG account para sa anak.

“To my little man, Happy 1st Birthday! You probably won’t remember this or just not pay any attention to our messages cause you’re still young.

“But I want you to know that no matter what the circumstances are, your mom and I will always lift you up when you’re down, comfort you when you’re uneasy, and love you until the world ends.

“My life changed when I married your mother, and our lives changed since God gave us a beautiful little angel.

I love you my son, so much,” di papatalong saad ni Billy.

Bagamat dahil sa pandemya ay hindi sobrang garbo at walang bisita ngayong kaarawan ng anak ay masaya pa rin ang mag-anak na nag-celebrate ng birthday ni Amari.

Sa recent IG post nga ni Coleen ay makikita ang cute na cute na si Amari na walang kaide-ideya sa kanyang cake at cute pa rin kahit naiyak sa picture.

The post Billy, Coleen emosyonal sa 1st birthday ng anak na si Amari appeared first on Bandera.

Oyo Boy ibinandera ang pagmamahal kay Kristine

$
0
0

ISANG nakakakilig na mensahe ang isinulat ng Kapuso actor na si Oyo Boy Sotto para sa kaniyang asawang si Kristine Hermosa na nagse-celebrate ng birthday kahapon, Setyembre 9.

Sa kaniyang Instagram post ay nagpasalamat ang aktor sa asawa sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito sa kanya at sa kanilang pamilya.

“Sa aming ilaw ng tahanan, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal mo sa amin. (Heart emoji) Sana naipaparamdam namin sayo ng ating mga anak kung gaano kami nagpapasalamat at kung gaano ka namin kamahal.

“Nagpapasalamat din kami dahil napakabuti ng Diyos sa buhay mo at nating lahat. Mahal na mahal ka namin @khsotto (heart emoji) Maligayang Kaarawan! Mahal kita (kiss emoji),” saad ng aktor.

Agad namang nag-comment si Kristine sa post ng asawa ng “Ramdam na ramdam ko (heart and crying emoji) I LOVE YOU!”

Ilan rin sa mga kaibigan ng dalawa na kapwa artista ang nagpahatid ng pagbati para sa kaarawan ng aktres.

“Happy Birthday, beautiful soul @khsotto,” comment ni Maxene Magalona.

“Happy Birthday @khsotto God bless you always,” sey naman ni Rodjun Cruz.

Sa ngayon ay naka-focus ang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang limang chikiting lalo na’t kapapanganak lang ni Kristine kay Baby Vittorio Isaac noong Agosto 3, 2021.

The post Oyo Boy ibinandera ang pagmamahal kay Kristine appeared first on Bandera.

Globe naghandog ng mga serbisyong digital sa Bacoor City

$
0
0

Naghandog ang Globe sa Bacoor City ng maaasahan at mahusay na mga digital services gaya ng GoWiFi, KonekTayo WiFi, at Globe Labs SMS API para makatulong sa mga residente at sa lokal na pamahalaan habang patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Bahagi ito ng pangako ng Globe na mabigyan ng mas madaling internet access at komunikasyon ang mga Pilipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Naglagay ang Globe ng GoWiFi sa Bacoor City Hall para makatulong sa mga empleyado ng lokal na pamahalaang lungsod na manatiling konektado habang nagtatrabaho.  Sinusuportahan din ng Globe ang mga pamilya at pamayanan sa Ciudad de Strike ng abot-kayang home internet sa pamamagitan ng KonekTayo WiFi. 

Sa tulong naman ng Globe Labs SMS API, mas mapapadali na ang pagpapadala ng mensahe at alerto tungkol sa bakuna sa mga residente ng Bacoor.  Ang SMS API ay madaling ipasok sa website o app para makapagpadala ng maramihang mensahe sa mga target na tao kahit ano pa man ang gamit nilang network.

Globe

“Malaki po ang aming pasasalamat sa pamahalaang lungsod ng Bacoor sa pakikipagsanib pwersa nito sa Globe. Hangad namin na makatulong at makapagbigay ng dekalidad na internet connectivity para sa mas makabuluhang digital experience ng ating mga kababayan,” sabi ni Issa Guevarra-Cabreira,  Globe Chief Commercial Officer.

Ginanap ang paghahandog ng mga digital services ng Globe sa gitna ng pagdaos ng 350th founding anniversary ng lungsod ngayong Setyembre. Nagpasalamat si Mayor Lani Mercado-Revilla sa pakikipag-ugnayan sa Globe.  Ayon sa kanya, “Alam nating lahat kung gaano ka-importante ang komunikasyon at tamang impormasyon lalo na tayo ay nasa gitna pa din ng pandemya. Ngayon, lahat ay konektado na sa internet, kaya higit na mahalaga ang pagkakaroon ng maaasahan, mahusay at mas mabilis na digital services. Kaya labis ang aking tuwa at inaabangan ang ating partnership with Globe.”

   Ang GoWiFi ay libreng WIFi na serbisyo sa publiko ng Globe.  Ito ay ma-a-access sa higit sa 3,100 mga lokasyon sa buong bansa gaya ng mga ospital, mall, coffee shop, kainan, convenience stores, mga hub ng transportasyon, at iba pa. Magagamit ito kahit ano pa man ang network provider.

Bagama’t kamakailan lamang nagkaroon ng GoWiFi sa compound ng Bacoor City Hall, ito ay matatagpuan na sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod mula noong 2018.

Kasama sa mga lokasyon na ito ang Cafe Bonjour, Alfamart – Hawaii Bacoor, 711 – Soldier Hills Bacoor; St. Dominic Medical Center; Puregold Price Club – Molino Bacoor; Domino’s Pizza – Bacoor, Max’s – Bacoor Habay, KFC – SM Molino, KFC – Imus; Bacoor National High School at Shell sa Habay, Molino Blvd., SM Bacoor at Niog Molino. 

Isang mabilis at ligtas na WiFi para sa pamayanan naman ang KonekTayo WiFi na nagbibigay ng murang internet sa mga sambahayan. Ang mga residente ng komunidad ay maaaring gumamit ng KonekTayo WiFi sa kanilang mga wireless device para ma-access ang internet na may bilis na hanggang 20 Mbps sa anumang KonekTayo WiFi hotspot.

Ang SMS API, sa kabilang banda, ay bahagi ng mga serbisyo ng Globe Labs para gawing maayos at mas mahusay ang pagtakbo ng mga platform ng iba’t-ibang organisasyon.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals partikular ang UN SDG No. 9, na nagpapakita sa kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago bilang susi sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nangako ang Globe na isusulong ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph

The post Globe naghandog ng mga serbisyong digital sa Bacoor City appeared first on Bandera.

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

$
0
0

MUKHANG hindi na napigilan ni RR Enriquez ang ‘makisawsaw’ sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Paolo Contis at Yen Santos.

Matatandaan na kamakailan ay naglabas ng statement ang aktor upang linawin ang sarili ukol sa iba’t ibang isyu na ibinabato sa kanya kabilang na ang diumano’y third party raw na si Yen Santos.

Inamin naman ni Paolo na nagkamali at naging gago siya sa anim na taong relasyon nila ni LJ Reyes.

Ngunit pinabulaan ni Paolo ang isyu ukol kay Yen at sinabing hindi ito ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ at inimbitahan lang niya ito “as a friend”.

Bumilib si RR sa aktor nang aminin nito ang pagkakamali dahil para sa kaniya, hindi madali ang umamin sa kasalanan na nagawa lalo na in public pero kinuwestiyon niyo ang pahayag ng aktor na inimbita lang niya si Yen sa Baguio “as a friend”.

Tulad ng ibang netizens, hindi raw siya kumbinsido na kaibigan lang ang turing ni Paolo kay Yen.

Napahanga ako ni Paolo nung inako nya yung mga mali nya!!! Hindi lahat ng lalaki umaamin ng mali lalo in public ha…

“Kaso sumablay lang sa #4 bigla tuloy ako napaisip if sincere ang pag ako nya.. Kasi hindi pa tinodo,” saad ni RR.

“Ang masasabi ko lang sa #4 dont us!! Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag isa ‘as a friend’ lalo ang layo ng bibiyahihin namin.

“At hindi di kami basta basta umaangkla sa lalaking kasama namin if hindi namin gusto or karelasyon ha,” dagdag pa niya.

Ang #4 na sinasabi ni RR ay ang pahayag ni Paolo ukol sa pagpunta sa Baguio.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

“Naging insensitive ako about The possible effects nung issue And I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” pahayag ni Paolo.

Sa kabila ng “pakikisawsaw” ay naging seryoso naman si RR sa post.

“Lahat tayo nagkakamali. Nananabang sa partner natin na akala natin nung una sila na talaga ang the one para sa atin.

“Kapag niloko or iniwan ka ng jowa mo palagi mo tatandaan na sinisave ka lang ni God sa mga pwede pang worst na gawin ng partner mo,” sey pa ng dalaga.

Huwag rin daw mag-feeling ang iba na sobrang linis at tumingin rin sa salamin dahil paniguradong may nagawa ring kasalanan ang iba hindi man pambabae o panlalaki pero for sure ay nagkasala rin ito.

Sa huli naman ay nagbiro ito at sinabing, “Ang pakikisawsaw ay hango sa tunay na storya! Patnubay ng magulang ang kailangan!”

The post RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us appeared first on Bandera.

Globe Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi sa Laguna, at Marinduque nakahanda na

$
0
0

Nakahanda na ang serbisyong Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi ng Globe sa ilang mga lugar sa Laguna at Marinduque na naapektuhan ng Bagyong Jolina.

Globe Marinduque

Ang tulong sa komunikasyon ay magagamit hanggang Setyembre 12, mula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon sa mga sumusunod na lokasyon:

  1. Covered Court, Brgy. Malibago, Torrijos, Marinduque
  2. Covered Court, Brgy. Sayao, Mogpog, Marinduque
  3. Dela Paz Elementary School (Main), Binan, Laguna
  4. Malaban Elementary School, Binan, Laguna

 

Una pa dito, nagbigay din ng serbisyo ang Globe sa Borongan City, Eastern Samar at Sta. Margarita, Western Samar, kung saan unang nag landfall si Jolina.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa sakuna, tiniyak ng kumpanya na ang mga tauhan nito ay laging nakahanda sa anomang pangangailangan ng publiko. May mga generators din na nakaantabay  para magamit ng mga pasilidad kung sakaling mawalan ng kuryente.

Nagbibigay din ang Globe sa mga customers nito ng libreng data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) website: https://ndrrmc.gov.ph/  kung saan makakakuha sila ng mga update mula sa mga awtoridad.

Muling pinaalalahanan ng Globe ang bawat isa na tangkilikin lamang ang mga lehitimo at pinagkakatiwalaang mga website para sa tamang impormasyon.

Ang bagyong Jolina ay nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) subalit humigit-kumulang 28,444 na pamilya o 109,680 na katao ang napilitang lumikas dahil sa pagbahang dulot ng malakas na pag-ulan.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Globe Bridging Communities: https://www.facebook.com/GlobeBridgeCom o bisitahin ang www.globe.com.ph  para sa pinakabagong #StaySafePH advisories.

 

The post Globe Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi sa Laguna, at Marinduque nakahanda na appeared first on Bandera.


Si Gino Roque nga ba ang susunod na magpapatibok ng puso ni Heaven?

$
0
0

MUKHANG maganda ang chemistry ng Kapamilya stars na sina Gino Roque at Heaven Peralejo.

Parehong produkto ng “Pinoy Big Brother” ang dalawa na ngayon ay bibida sa romantic comedy series na “Pasabuy”.

Aware ang madlang pipol sa recent issue ni Heaven na hiwalay na raw sa Kapamilya actor na si Kiko Estrada.

Hindi man ito direktang kinumpirma ng dalaga ay kinumpirma naman ito ng dating talent manager na si Ogie Diaz.

Maraming netizens ang kinilig sa naging IG Live ng dalawa pra i-promote ang kanilang upcoming movie.

Kitang-kita na bagay ang dalawa at maraming netizens ang nagsasabing may chance na magkagustuhan ang dalawa sa tunay na buhay.

“Si Gino sobrang bait. Sobrang gentleman niya. I’m lucky to work with him, and sobrang swerte ng lahat ng mga makakatrabaho si Gino,” puri ni Heaven sa co-star.

Samantala, may positive feedback rin si Gino sa dalaga.

“Working with Heaven is such a pleasure, she’s one of the best actresses in the country,” saad naman ni Gino.

May chance kaya na ma-develop ang dalawa at maging mag-dyowa in real life? Magiging kabilang rin kaya ang dalawa sa reel to real life couples tulad ng LizQuen, JaDine, at KathNiel?

The post Si Gino Roque nga ba ang susunod na magpapatibok ng puso ni Heaven? appeared first on Bandera.

Angel, Ogie pinuna ang naging asal ni Harry Roque sa viral video

$
0
0

VIRAL ngayon ang leaked video footage ni Spokesperson Harry Roque habang nasa zoom meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa nasabing viral video ay makikita si Roque na galit na galit at sinesermunan ang grupo ng mga doktor na nakikiusap na sana ay mag-impose ang pamahalaan ng two-week hard lockdown dahil sa mabilis na paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Ngunit imbes na bigyan ito ng konsiderasyon ay tila nagalit pa ito

“Your association would atleast recognize that we are implying an entire government approach to the problem. not sit there as if you are the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people?

“Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives, for crying out loud.

“No one in the government wants a single life lost. No one! How dare you think that we are not considering steps to prevent the loss of lives?” saad ni Roque.

Giit pa niya sa video, kinakailangan daw marinig ng grupo ang kaniyang saloobin dahil wala na raw ibang sinabing maganda ang grupo ukol sa pagresponde ng gobyerno sa kasalukuyang pandemya.

Marami sa mga netizens ang kumuwestiyon sa naging asal ni Roque at ilan nga dito ay sina Ogie at Angel.

Saad ni Ogie, “Wag kang umastang amo na pagagalitan mo yung mga doktor, Spox Harry Roque.

“Tingnan mo yan. Pinairal mo yung init ng ulo mo eh ikaw nga dapat ang tulay ng gobyerno sa mga health workers. Nakalimutan mo rin na hindi mo sila palamon para magtaas ka ng boses at dumuro-duro ka.”

Dagdag pa nito, hindi lang si Doque ang napapagod sa kaniyang trabaho. Lagi rin daw nasa panganib ang buhay ng mga frontliners kaya sana ay ‘wag lang trabaho ni Roque ang isipin niya bagkus isipon rin nito ang sa mga healthcare workers.

“Wala ka bang kaibigang doktor para mahingan mo ng payo o suggestion kung paano tutugunan ang mga concerns ng health workers?” tanong naman ni Ogie.

Pinayuhan rin ng talent manager si Roque na ingatan ang kaniyang kalusugan at iwasan ang maospital sapagkat baka walang umasikaso sa kaniya sakaling mangyari ‘yun dahil sa naging asal nito sa mga doktor.

Sa Instagram story naman inihayag ni Angel Locsin ang kaniyang saloobin sa viral video.

“Naiintindihan ko ‘yung concern para makapaghanap-buhay na ang mga tao. Pero bakit sinermonan ‘yung mga medical workers natin pagkatapos ipatawag para humingi ng opinyon?

“‘Di ba spokesperson siya ng presidente? Siya na rin ba DOH o employer ng medical workers?

“Ang employee may karapatan na benefits . Ibigay kaya muna ‘yung benefits na hindi pa nabanayaran,” sey ni Angel.

Humingi naman ng tawad si Roque sa naging asal niya at inaming naging “emosyonal” lamang siya.

Roque apologizes for being “emotional” over viral video

Presidential Spokesperson Harry Roque on Friday confirms that the leaked video, now viral on social media, showing him berating someone was part of their discussions during an Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting on Tuesday.

Describing it as “classified secret,” Roque is apologizing for being “emotional” but he denies claims by some that he became rude or cursed the recipient of his ire, Dra. Maricar Limpin.

Limpin is president of the Philippine College of Physicians and chair of the Philippine Coalition on the Prevention and Control of Non-Communicable Diseases.

Presidential Spokesperson Harry Roque humingi na ng paumanhin sa mga health workers matapos lumabas ang video ng IATF meeting kung saan tinuligsa niya ang mga health workers na nagbibigay ng suhestiyon kung paano mapapabuti ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

“Kinukumpirma ko po na tayo po’y naging emosyonal at pasensya naman po kayo, tao lamang… Kung meron po akong na-offend sa aking pananalita, well, humihingi po ako ng abiso. Pero kinakailangan pong pakinggan natin ang boses ng mga hindi naririnig sa IATF, ang hanay ng naghihirap, nagugutom,” ani Roque.

The post Angel, Ogie pinuna ang naging asal ni Harry Roque sa viral video appeared first on Bandera.

Bagyong Kiko humina na

$
0
0

Bahagyang humina na ang Bagyong Kiko at kumikilos patungong coastal water ng Itbayat, Batanes.

Base sa 11 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Itbayat.

Taglay ng bagyo ang hangin na 205 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na 250 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 sa Batanes habang nasa Signal Number 3 ang northeastern ng Babuyan Islands.

Nasa Signal Number 2 naman ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands habang nasa Signal Number 1 ang northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Lasam, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira,Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Flora, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos).

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo Linggo ng gabi o Lunes ng umaga at tutungo sa northward ng East China Sea.

The post Bagyong Kiko humina na appeared first on Bandera.

Ilang baybaying dagat positibo sa red tide

$
0
0

Positibo sa red tide ang ilang baybaying dagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, may red tide sa Milagros sa Masbate, sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, sa Carigara Bay sa Leyte, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Bawal kainin ang lahat ng uri ng shellfish o alamang sa mga nabanggit na lugar.

Gayunman, maari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at crabs basta’t tiyakin lamang na sariwa at hugasan at lutuing mabuti.

Sinabi pa ng BFAR na kailangan din tanggalin ang kaliskis at hasang bago lutuin.

Samantala, ligtas na sa red tide ang baybaying dagat ng San Pedro Bay sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, at Biliran Islands.

The post Ilang baybaying dagat positibo sa red tide appeared first on Bandera.

K Brosas kinasuhan na ang contractor ng di matapos-tapos n’yang bahay

$
0
0

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hinihintay namin ang pa-interview ng singer/actress at isa sa hurado ng programang Sing Galing na si K Brosas tungkol sa idinemanda niyang contractor ng bahay niya.

Nitong Biyernes ay nag-file ng kaso si K laban sa contractor dahil umabot na umano sa P7 milyon ang naibigay ay hindi pa rin tapos ang bahay at tuluyang nang iniwan na nakatiwangwang.

Ito ang pahayag ni K sa kanyang Instagram nitong Biyernes:

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag upa ng townhouse at condominium unit. Isipin n’yo nga naman, sa ilang taong pag-aartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan n’yo naman siguro ako na pinaghirapan ko ‘yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap,” bungad kuwento ng mang-aawit.

Sinubukan daw ni K na kausapin ang taong pinagkatiwalaan niya sa bahay niya pero walang nangyari kaya labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang daanin ito sa legal na paraan.

Aniya, “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.

“Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

Maraming showbiz at non showbiz friends si K na suportado siya at iisa ang sabi, “Laban ate K” with matching emoji heart and praying.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

The post K Brosas kinasuhan na ang contractor ng di matapos-tapos n’yang bahay appeared first on Bandera.

Viewing all 44523 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>