Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44581 articles
Browse latest View live

Enchong sumugal sa shrimp farm business; Erich ilang beses na ring nasaktan

$
0
0

MAY shrimp farm pala si Enchong Dee, isa sa cast members ng “Huwag Kang Mangamba”.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Enchong ang kanyang shrimp farm sa Zambales.

“Tonight at 8, I will give you an update of our Shrimp Farm construction in Zambales. 
“Ang tagal ko nang pangarap na pasukin ang Food Production business and it all happened last year. 

“It’s a huge investment but we are not here to just profit but to be part of the deficit in shrimp supply in the country,” say ni Enchong.

“We are still on our start up stage but through Technology, Methodology, and Variety we can reach our vision to be one of the biggest supplier of shrimps in the Philippines,” dagdag pa niya.

Samantala, nalalapit nang makita ang katotohanan sa “Huwag Kang Mangamba” dahil mabubulgar na ang ilang lihim. 

Mapapanod ang teleserye  at 8:40 p.m. on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11 and TV5 on free tv and digital box. 

* * *

Maghihiganti ang Lena character ni Erich Gonzales sa “La Vida Lena” na magsisimula ng another season this June 28.

May similarity ba siya sa kanyang character na bilang Magda ay inapi kaya naman nag-transform bilang sophisticated na Lena?

“Similarity-wise, lahat naman tayo ay marunong magmahal. Nasaktan na rin tayo sa buhay natin. 
“Pero siguro challenge sa atin po every time na gumagawa tayo ng project is kung paano rin mapapaghiwalay ‘yung totoong ako sa character na pino-portray ko,” paliwanag ni Erich. 

Ano ang naging preparations niya for her role? “Prior to our lock-in taping, nandoon ‘yung mga zoom meetings, script reading para suwabe na rin pagdating sa set. Nag-fit na rin tayo ng mga damit, costumes,” paliwanag ng dalaga.

First time pala ng dalaga na mag-lock-in taping pero naging maganda naman ang kanyang experience.   

“First time ko gawin ‘yung lock-in but thank God naging maganda ‘yung experience sa una nating lock-in taping,” say ni Erich.

The post Enchong sumugal sa shrimp farm business; Erich ilang beses na ring nasaktan appeared first on Bandera.


Sharon: Pag 55 na kayo at malapit-lapit ang itchura n’yo sa akin, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo!

$
0
0

RUMESBAK si Megastar Cuneta sa mga taong “nandiri” at nangnega sa ginagampanan niyang role sa bagong movie ng Viva Films, ang kontrobersyal na “Revirginized”.

Magkakaiba ang reaksyon ng mga netizen sa viral photos ni Sharon at ng leading man niya sa pelikula na si Marco Gumabao na kuha sa ilang mapangahas nilang eksena sa “Revirginized.”

Ito yung tequila body shot ng veteran singer-actress at ni Marco na ipinost sa Facebook ng kanilang direktor na si Darryl Yap.

Makikita sa tatlong litrato ang beach party scene kung saan halos lumuwa na ang dibdib ni Mega at ang pagdila ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan sa asin na nasa dibdib ni Marco bago tagayin ang shoy ng tequila.

Maraming FB followers si Direk Darryl ang nagsabi na excited na silang mapanood si Sharon sa isang palaban at kakaibang role ngunit meron din ang nandiri at naiskandalo sa kanilang mga nakitang litrato.

Sabi nga ng isang nagkomento, kung kailan daw tumanda si Mega ay saka siya “nagwala”, hindi man lang daw niya binigyan ng kahihiyan ang asawa at mga anak niyang babae.

Of course, may nagtanggol naman sa TV host at aktres na nag-comment ng, “Unang-una aktres siya at hindi siya santo. Ginawa lang niya ang trabaho niya. Hirap sa mga mema (me masabi), e! Juicecoloured! Tigilan nyo na yang attitude na ganyan! Kayo ang nakakadiri!”

Samantala, sa pamamagitan ng Instagram, sinupalpal nga ni Sharon ang kanyang mga hater at basher kasabay ng paghahamon sa mga ito.

Diin ni Mega, magmalaki raw sa kanya ang mga epal na netizens kapag narating na nila ang kanyang edad at kung ang mga itsura ng mga ito ay tulad pa rin ng itsura niya ngayong nasa 50s na siya.

Ibinandera rin ng nanay nina KC Concepcion at Frankie Pangilinan sa buong universe kung gaano siya ka-proud sa kanyang role sa “Revirginized.”

Narito ang kabuuan ng IG post ni Sharon, “In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in ‘Revirginized.’

“Thank you for her, Direk Darryl. Thank you Marco my Pawi – though short, really sweet – for helping me to relive my 20s in our scenes.

“Thank you, dearest CARMELA – my alter-ego/Sasha Fierce – for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s!

“I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha!

“At sorry po Direk Darryl!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabao.marco

“At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!” hugot pa ni Mega.

The post Sharon: Pag 55 na kayo at malapit-lapit ang itchura n’yo sa akin, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! appeared first on Bandera.

Julie Anne kering-keri magdrama, magpatawa, magpakilig; Heartful Cafe pasabog ang ending

$
0
0

SIGURADONG matutuwa at mas lalo pang mai-in love ang mga Kapuso viewers sa pasabog na finale episode ng well-loved Kapuso primetime series na “Heartful Cafe” tonight.

Handang-handa na ang pagse-serve ng last cup of coffee ng inspiring romcom series ng GMA ngayong gabi, June 18, as it airs its final episode. 

Sa huling pag-ariba ng “Heartful Café”, kakaririn na ni Heart Fulgencio (Julie Anne San Jose) ang pagsusulat sa ending ng kanyamg movie script. 

Challenge sa kanya kung sino sa dalawa niyang persistent suitors na sina Ace Nobleza (David Licauco), her charming business partner sa  cafe, at Uno Ynares (EA Guzman), ang kanyang nagbabalik na ex-dyowa ang karapat-dapat ma mahalin.

But right when Heart is ready to tell them her decision, the landowner — where the Heartful Cafe stands — arrives with a copy of the lease termination notice urging Heart to abandon her coffee shop. Ano kaya ang kahihinatnan ng coffee shop ni Heart at may happy ending pa bang naghihintay sa kanyang lovelife?

Tutukan din ang mga pasabog na eksena nina Ayra Mariano as Mars, Victor Anastacio as Roco, Zonia Mejia as Sol Fulgencio, Jamir Zabarte as Buddy Portalesnsa huling hirit ng serye.

Sa pagtatapos ng “HC”, puro pasasalamat lang ang nasabi ni Julie sa lahat ng sumubaybay sa kanila, “Sobrang thankful ako na nagawa ko ang project na ito. It’s my first time to do a romcom na may kakaibang twist, na may breaking the fourth wall which is a rare technique na ginagamit sa serye. 

“I’m also happy na nabigyan ako ng chance to execute it. More than anything else, sobrang grateful ako sa suporta na ibinibigay ng fans namin. 

“Talagang lahat kami ay nag-take part sa show na ito, pinaghirapan namin ‘yung content and buong process. We treat each other as family talaga,” pahayag ng dalaga na pinatunayang keri niyang magdrama, magpatawa at magpakilig ng manonood.

David, in turn, also sends his appreciation to the team for allowing him to grow more as an actor while making this series.

Aniya, “The fact na nabigyan ako ng platform to showcase my acting abilities, I really poured my heart out for this project. 

“Also, the past year talagang mas na-appreciate ko ‘yung craft ko and nagustuhan ko talaga ‘yung pagiging actor. Of course, thankful ako sa directors, acting coaches, and my co-actors for helping me sa character ko as Ace,” aniya pa. 

An original creation of the GMA Entertainment Group, “Heartful Café” is under the supervision of the Production team headed by SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, FVP for Drama Redgie Magno, SAVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Program Manager Dennis Joi Bentulan, and Executive Producer James Ryan Manabat. 

Sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz, huwag na huwag bibitiw sa heartwarming finale ng “Heartful Café” ngayong gabi sa GMA Telebabad. 

The post Julie Anne kering-keri magdrama, magpatawa, magpakilig; Heartful Cafe pasabog ang ending appeared first on Bandera.

Pacquiao, Regine, Ogie, Lea, Gary sanib-pwersa sa ‘Isang Tinig, Isang Lahi’ free concert

$
0
0

SA ngalan ng pagkakaisa at pagtulong sa mga kababayan nating patuloy na naghihirap dahil sa pandemya, nagsanib-pwersa muli ang mga sikat na singer at performer sa bansa.

Sa pamamagitan ng Caritas Filipinas Foundation, magsasama-sama ang malalaking pangalan sa music industry para sa isang free virtual concert titled, “Isang Tinig, Isang Lahi (One Voice, One People).

Kabilang sa star-studded benefit concert na ito sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Apl.de.ap, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jose Mari Chan at Ogie Alcasid.

Makakasama rin dito sina Bamboo, Maymay Entrata, Ian Veneracion, Pilita Corrales, Moira dela Torre, American singer David Pomeranz, at Sen. Manny Pacquiao. Serving as the overall head of production is OPM head Ogie Alcasid. 

Present sa ginanap na “Isang Tinig, Isang Lahi” virtual mediacon kahapon ang Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao at nabanggit nga niya ang kahalagahan ng nasabing concert ngayong patuloy pa rin ang  health crisis sa bansa.

“The COVID-19 pandemic has led to a traumatic loss of human life. Most of the casualties are either our loved ones, friends, and people we know. We saw in our very own eyes the unprecedented challenges. 

“This pandemic affected each and every one of us. The economic and social destruction brought by the pandemic is devastating. Millions of people fell into extreme poverty, joblessness, and hopelessness,” aniya.

“Since March last year or 15 months ago, I went to places to extend whatever help we can. The Manny Pacquiao foundation in partnership with the Jack Ma foundation and some friends were able to raise around one billion pesos. 

“These funds were used to buy PPEs, medical equipment, donated to private and public hospitals, relief and financial assistance were distributed to around 100,000 families affected by the pandemic and calamities.

“I personally saw the impact of the pandemic and series of disasters int he lives of our countrymen in different places. What really inspired me is the indomitable and bayanihan spirit of the Filipinos. Rich and poor, giving whatever they have to help,” pahayag pa ng senador.

Siniguro rin ni Pacquiao na magpe-perform din siya sa concert at kabilang sa mga kakantahin niya ay ang kanyang hit songs na “Lalaban Ako” at “Para Sa ‘Yo.” 

“Ang participation ko rito is isa lang ako sa magbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababyan at ang intention natin is para makatulong tayo.

“Hindi naman lahat matulungan pero at least malaking tulong itong online concert na ito at part of the proceeds or income ay itutulong din sa mga affected by the pandemic na nangangailangan,” aniya pa.

ABS-CBN as the official media partner will present the concert live via KTX simulcast on iWant TFC with delayed telecast on Kapamilya Online.

Presented by the CBCP Caritas Filipinas Foundation, Inc., ang “Isang Tinig Isang Lahi”concert ay libre sa lahat ng gustong manood. It will have a simultaneous donation-drive for the benefit of Caritas Philippines projects for the impoverished communities, the Caring Hearts Foundation, Inc. in the US, PGH Medical Foundation, Inc., Tuloy Foundation, Inc., ABS-CBN Foundation, Inc., Philippine Relief and Development Services, Inc. and Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

The availability of Isang Tinig, Isang Lahi Broadcast is made possible through the 60-million reach of ABS-CBN’s digital platforms, iWant TFC, Kapamilya Online and IPTV. Mapapanood ito sa Ktx.ph sa June 26 at June 27; sa TFC Linear / TFC IPTV sa June 27; at sa Kapamilya Channel / Kapamilya Online Live / iWanTTFC Philippines sa June 27, 9:45 p.m. to 11:45 p.m..

The post Pacquiao, Regine, Ogie, Lea, Gary sanib-pwersa sa ‘Isang Tinig, Isang Lahi’ free concert appeared first on Bandera.

‘Mukhang high school’ photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan!

$
0
0

BUMAHA ng hashtag #SanaAll comment sa social media matapos bumandera ang viral na ngayong litrato ng Kapuso actress na si Aiko Melendez.

Trending pa rin hanggang ngayon ang litratong ipinost ng premyadong aktres sa Instagram kung saan nakasuot siya ng blue shirt, denim shorts at rubber shoes with matching pa-cute na hair clip.

In fairness, high school student lang ang peg ng aktres sa itsura niya sa nasabing photo dahil sa pabata nang pabata niyang aura, kabilang na riyan ang kanyang kapayatan.

Maraming netizens, kabilang na ang mga kapwa niya nanay, ang napa-wow at napa-sana all sa mukha at katawan ng aktres. May mga nagsabi pa nga na sa unang tingin ang akala raw nila ay ang anak niyang si Marthena ang nasa litrato.

Tuwang-tuwa naman ang aktres sa mga nabasa niyang message sa social media lalo na nang malaman niyang trending at viral na ang nasabing photo.

“Hi Guys, thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments.

“But id like to make a correction for those online food delivery claiming about my weight loss. My Food is being delivered by Ketovegetarianph Let’s give the credit to them. 

“And also doing regular exercises at home. Thanks I’m happy to inspire a lot of people who almost gave up on their weight loss journey. It is never too late.

“Im also taking cacao drink to keep me healthy and younger looking. So sa lahat ng nagmessage sa akin salamat! Mahirap pero kng gugustuhin kakayanin naten yan. 

“Goodluck on your weightloss Journey! And yes wala po ako make up! My hair extensions added sa bata bataan na itsura,” sey ni Aiko sa kanyang appreciation post.

Sa isa naman niyang Instagram post, nagpasalamat din siya sa mga nagsabing siya ang inspirasyon ng mga ito ngayon sa kanilang fitness journey.

Samantala, nakachikahan namin si Aiko kahapon kasama ang iba pang members ng press na malapit sa kanya at dito nga niya nabanggit na tuloy na tuloy na ang book 2 ng hit Kapuso afternoon series na “Prima Donnas.”

Excited na si Aiko sa bagong yugto ng serye pero ayaw pa niyang sabihin kung kontrabida pa rin ba o magiging mabait na ang karakter niyang si Kendra Fajardo.

Bukod dito, may gagawin din siyang horror trilogy movie kung saan siya ang bibida sa isang episode. Ang  title nito ay “Huwag Kang Lalabas” na ididirek ni Adolf Alix.

Sey ni Aiko, sanay na sanay na siya sa mga lock-in shooting kaya madali na siyang makapag-adjust sa mga bago niyang project. At bakunado na rin siya kaya medyo nabawasan na ang pagkapraning niya sa pandemya.

“Kasi sa ‘Prima Donnas,’ nakadalawang lock-in na ako. Kaya sanay na ako sa lock-in. Itong movie na ito, hindi gaanong kahaba ‘yung lock-in ko. 

“’Yung paghahanda, ipauubaya ko na lang kay Direk Adolf. Kasi parang, bilang respeto sa kanya. Kasi ayoko naman  na..hindi porke’t  award-winning actress ka, didiktahan mo ‘yung direktor, ‘di ba? 

“Gusto ko pa ring ibigay ‘yung respeto sa kanya na baka naman mayroon siyang magandang idea ng pag-atake ko roon sa role na gagawin ko,” aniya pa.

“Sa first week of August naman, mag-i-start na kaming mag-taping for Prima Donnas book 2, hopefully, kapag wala nang aberya o hindi na mag-iiba ang protocol dito sa bansa natin. 

“Tingnan na lang natin sa book 2 kung bumait na ba si Kendra o lalong sumama. ‘Yun ang dapat nilang abangan,” pahayag pa ni Aiko.

Ibinalita rin ni Aiko na tuloy na ang muli niyang pagsabak sa politika sa 2022 kung saan tatakbo siya sa pagkakongresista sa District 5 ng Quezon City.

Of course, tutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa pagbabalik niya sa public service na matagal na rin

Ano ang maipapangako niya para siguradong iboto ng mga taga-District 5 ng Quezon City?

“Public service,” sagot ni Aiko. “Sa experience ko sa public service, na huminto man ako ng ilang taon, wala naman akong iniwan na gulo o pangit na pangalan sa Quezon City. 

“At marami rin naman akong mga nagawang maganda sa distrito ko. Kaya malakas din naman ang loob ko na bumalik din sa naiwanan ko, dahil wala akong naiwan na hindi maganda,” giit ni Aiko.

The post ‘Mukhang high school’ photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan! appeared first on Bandera.

Bakit malapit sa puso ni Chito Miranda ang Baguio City?

$
0
0

PARANG batang tuwang-tuwang sa pagkukuwento ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda tungkol sa naging experience niya sa muling pagbisita sa Baguio City.

Ngayong panahon ng pandemya, maraming mga taga-Maynila ang nangangarap na makapunta at makapaglibot uli sa Baguio na ilang beses ding isinara sa mga turista lalo na noong kasagsagan ng lockdown.

Kaya naman maituturing na ngayong bonggang bakasyon kapag nakapunta ka sa uli sa Baguio kung saan istrikto pa ring ipinatutupad ang heath and safety protocols sa mga turistang galing sa labas ng siyudad.

At isa nga sa mga local tourists na nabigyan uli ng chance na ma-enjoy ang ganda at lamig ng Baguio ay ang pamilya ng singer-songwriter na si Chito na nakahabol nga sa huling hirit sa tag-init.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang ilang kaganapan sa pagpunta nila sa Summer Capital of the Philippines at kung gaano siya kasaya na nakasama niya roon ang anak nila ni Neri Naig na si Miggy.

Aniya sa caption, “Salamat, Baguio. Simula nung nag-lockdown, halos araw-araw akong nanonood ng Baguio City Guide sa YouTube tuwing breakfast. 

“Malapit talaga sa puso ko ang Baguio kasi may bahay kami sa Camp Allen dati, at palagi kaming nagbabakasyon du’n nung bata pa ako,” pahayag ni Chito.

At kahit daw ilang araw lamang silang nag-stay doon ngayong panahon ng pandemya, nakapag-ipon na rin silang pamilya ng ilang memories na babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda at sa paglaki ni Miggy.

“Sobrang saya ko dahil na-experience ni Miggy these past 4 days yung mga ginagawa din namin dati sa Baguio tulad ng horseback riding sa Wright Park at umikot sa Outlook Drive.

“Mag-shopping at mag-inihaw na mais sa Mines View, mag-biking at boating sa Burnham habang kumakain ng indian mango, mag mini-golf sa John Hay, at maglakad lakad sa Session Road.

“Sobrang saya talaga ng mga memories ko sa Baguio, at sobrang saya ko dahil napa-experience ko din kay Miggy yung mga ito.

“Again, salamat, Baguio! Balik ulit kami soon…kapag kasama na si Cash,” sabi pa ng OPM icon na ang tinutukoy ay ang second baby nila ni Neri na kasalukuyang ipinagbubuntis ngayon ng aktres.
Ikinasal sina Chito at Neri 2014 at biniyayaan nga sila ng una nilang baby noong Nov. 23, 2016.

The post Bakit malapit sa puso ni Chito Miranda ang Baguio City? appeared first on Bandera.

Si Kyline Alcantara nga ba ang mystery girl sa buhay ni Mavy Legaspi?

$
0
0

MAGDYOWA na nga ba ang mga Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi? 

Yan ang tanong ng kanilang mga fans matapos ibandera ng binata ang litrato ng isang girl na pinaniniwalaang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sa nasabing Instagram post, hindi ipinakita ni Mavy ang buong mukha ng babae pero kitang-kita ang dimples at napaka-sweet na smile nito habang nakaturo ang daliri sa kanya ni Mavy.

Aniya sa caption, “Her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.”

Kasunod nito, inulan ng panunukso si Mavy mula sa kanyang mga celebrity friends, kabilang na riyan ang kakambal niyang si Cassy Legaspi.

Nagbiro pa nga ang twin sister ng binata na kunwari’y na-shock sa ipinost ng kapatid, “Maverick peter! ano nan aman to?”

Reply sa kanya ni Mavy, “Maria Cassandra! Ako lang toh!”
Sey naman ng kasamahan ni Mavy sa “All Out Sundays” na si Rayver Cruz, “I (see emoji) you.”

Sagot ni Mavy sa kanya, “Kuys! I see you i see you!”

Hirit naman ni Andre Paras sa lovelife ng kaibigan, “MY BONES ARE KILIG TO THE MAX.” Na sinagot ni Mavy ng, “if you know, you know!”

Sey uli ni Andre, “I sure do (lovestruck emoji) happy for you man!!!”

“AYUN NA!” ang chika naman ni Rita Daniela.

Komento ng kaibigan din niyang si Samantha Cruz, “HUYY Mavy.” Sagot ni Mavy sa kanya, “HUYY Sam.”

Panunukso naman ni AC Bonifacio sa anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, “AC, AKO LANG TOH.”

Bago ang viral post na ito ni Mavy, nag-post na rin ang TV host ng kanyang half-body picture habang may point finger ng isang babae na nakaturo sa dimples niya. Twinning pa sila sa suot nilang denim jacket.

Ang isinulat niyang caption sa photo, “They say, ‘happiness is having dimples’ but to me, happiness is being around her.”

Una nang nagkomento sa IG post ng binata ay si Cassy na may halo ngang panunukso, “So… sino si ‘her’?”

Mensahe naman ni Mavy sa lahat ng nagbigay ng comment, “Sorry na guys… pigil na pigil smile ko sa first pic. alam mo na.”

Ang hula ng halos lahat ng fans at followers ni Mavy kung sino ang babaeng nasa kanyang post ay si Kyline Alcantara. Halatang-halata raw ito sa dimples, smile at pisngi ni Kyline.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang panunukso kay Mavy, hindi pa rin niya binanggit kung sino talaga ang mystery girl sa kanyang buhay ngayon. Wala pa ring reaksyon si Kyline about this.

The post Si Kyline Alcantara nga ba ang mystery girl sa buhay ni Mavy Legaspi? appeared first on Bandera.

Nadine lagot sa Viva kapag nagmaldita; pinayuhang tapusin na lang ang kontrata

$
0
0

“KAPAG nagmaldita raw itong si Nadine (Lustre), e, mapipilitan ang Viva na kuwentahin lahat ang dapat nilang makuhang porsiyento o komisyon sa mga nakaraang proyekto niya na kanyang tinanggap.”

Ito ang sabi ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kasama si Mama Loi habang nasa background sina Jeg at Dyosa Pockoh.

Bilang manager ay nagbigay ng opinyon niya si Ogie sa pahayag ng Quezon City Regional Trial Court na dapat tapusin ni Nadine ang kontrata niya sa Viva Artist Agency at hindi siya puwedeng tumanggap ng offers na may kinalaman sa showbiz career nang walang gp signal ang kanyang management.

“Nabalewala ‘yung petisyon ni Nadine through her legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan.  Natatandaan ko noon na sinabi ni Atty. Kapunan na kapag ayaw na ng talent, puwede na siyang umalis,” sabi ni Ogie.

Dagdag pa, “Nasabi ko dati na kapag ayaw na ng talent puwede nang umalis pero hindi pala ganu’n kadali. Puwede naman palang umalis ang isang talent bakit pa nagkokontrata?”

Taong 2019 nang iwan ni Nadine ang Viva Artist Agency na ayon sa taong nakausap ni Ogie ay hindi raw hiningan ang aktres ng komisyon sa mga projects na tinanggap niya.

“Technically may habol ang Viva, pero knowing boss Vic (del Rosario) knowing Veronique, knowing the Del Rosarios hindi naman nila habol ‘yan kundi ‘yung i-honor mo ‘yung kontratang pinirmahan mo.

“Meron nga akong nakausap na pag nagmaldita raw itong si Nadine, e, mapipilitan ang Viva na kuwentahin lahat ‘yung dapat nilang makuhang porsiyento o komisyon sa mga nakaraang proyekto ni Nadine na kanyang tinanggap, ‘yun ang sinabi sa akin,” say ng manager nina Liza Soberano, Enrique Gil, Raffy Tulfo at iba pa.

Pero kung ipagmamatigasan daw ni Nadine na ayaw na niyang magpa-handle sa Viva ang puwedeng gawin ng aktres, “Kung ako ang Viva, i-buy out mo sa akin ang kontrata mo para i-release kita at kung ilang years ‘yan, yan ang babayaran mo sa akin.

“Kunwari may tatlong taon pa si Nadine, bibilhin niya ang kontrata niya ng 5 milion per year so 15 million lahat, ‘yan ay pag pumayag ang Viva,” paliwanag ni Ogie.

Sa pagkakaalam namin ay 2029 pa magtatapos ang kontrata ni Nadine sa Viva kaya may seven years pa siyang natitira.

Anu-ano nga ba ang dahilan ng mga artista kung bakit umaalis sila sa kanilang manager o hindi tinatapos ang kontrata.

Ayon kay Ogie, maraming pwedeng rason, “Well siguro hindi sila magkasundo, nasasakal na ‘yung talent sa manager o hindi gusto ng talent ‘yung palakad ng management sa kanya.”

Kaya ang payo ng kilalang talent manager sa mga gustong mag-artista, “Kung magpapakontrata kayo ‘wag kayong masyadong excited. Kumuha kayo ng abogado at ipabasa ninyo kung okay ba ‘yung pipirmahan ninyong kontrata.

“Kasi ang tendency kapag bago ‘yung artista tapos nilatagan ng kontrata pirma sila kaagad, akala nila ‘yun na ‘yung standard na naka-stipulate sa contract na puwede nilang pirmahan.

“Hindi nila alam na may mga kontrata na 1 year lang ang pinipirmahan mo pero automatic renewal ‘yun after a year to 5 years.

“So after 1 year kapag hindi ka solved sa palakad nila, may 5 years ka pa kasi automatic renewal ‘yan.  Kaya dapat binabasa ng bawa’t talent o nang iha-hire nilang abogado ang lahat ng kontrata hindi porke’t nilatagan kayo ng kontrata ay para na kayong nakakita ng goldmine na feeling ninyo ito na ang simula ng pagyaman n’yo!”

At dahil dito ang payo ni Ogie kay Nadine, “Tapusin na lang niya ‘yung kontrata niya sa Viva, humingi na lang siya ng projects, mag-update siya.”

At sa upcoming concert ni Nadine sa susunod na buwan ay posible ring maghabol ang Viva ng komisyon sa talent fee nito.

The post Nadine lagot sa Viva kapag nagmaldita; pinayuhang tapusin na lang ang kontrata appeared first on Bandera.


Richard umaming medyo istriktong tatay kay Juliana: Pero ayoko namang kinatatakutan niya ako

$
0
0

INAMIN ng actor-politician na si Richard Gomez na medyo istrikto siyang tatay sa nag-iisang anak nila ni Lucy Torres na si Juliana.

“I am very cool to Juliana pero hindi ko naman siya ini-spoil. Medyo istrikto ako in some ways pero hindi sa lahat ng bagay. 

“Ayaw ko naman na kinakatakutan niya ako. Gusto ko kapag may gusto siyang sabihin sa akin ay nakakausap niya ako,” paliwanag ni Goma sa isang panayam sa radyo.

Hindi rin daw siya gaanong nakikialam sa anak na dalaga pagdating sa usaping pag-ibig o pakikipagrelasyon.

“Pagdating sa ganoong bagay, siya at mommy niya ang laging nag-uusap. When it comes to affairs of the heart, mga crush-crush, ang kausap niya diyan nanay niya,” sey ng award-winning actor.

Ano naman ang lagi niyang ipinapayo kay Juliana pagdating sa lovelife? “Well sinasabi ko sa kanya lagi na number one bata pa siya, she’s just turning 21 pa lang. Marami pang oras na pwede niyang pag-isipan kung ano ang gusto niyang gawin. 

“Anyways hindi ko naman siya pinagbabawalan. Kung mayroon siyang manliligaw sa bahay, kung may pumupunta roon, okay lang naman sa amin,” aniya pa.

Sa tanong naman kung ano ang kinatatakutan niya para sa anak at kung ano ang dream niya para kay Juliana? “Siyempre lahat tayong parents kinakatakutan natin biglang mag-asawa ‘yung mga anak natin. What I really want for Juliana is for her to fulfill her dreams. 

“Alam ko na mahaba pa, marami pa siyang makukuhang success sa buhay niya. So it’s really up to her. Kami naman ni Lucy hanggang suggestions lang kami, hanggang payo lang ang magagawa namin. 

“But when it comes to implementation kung ano ang gusto niya sa sarili niya ay nasa kanya ‘yon,” tugon ng aktor.

At dahil malapit na ang Father’s Day, hiningan din si Richard sa nasabing panayam kung ano ang maipapayo niya para mas maging matatag pa ang relasyon ng isang tatay sa kanyang mga anak.

“No matter how busy you are, you really have to find time para makipag-communicate, No. 1 sa asawa at saka roon sa mga anak mo. 

“Then kapag mayroon kang free time, you really have to give time na makasama mo sila kahit sa bahay lang. Hindi niyo kailangang mamasyal, kahit sa bahay lang, you read together, you pray together, just watching TV together, just being on the table, kuwentuhan lang. 

“Communication is really very important para mapalapit ka sa isa’t isa, sa pamilya mo,” pahayag ng mayor ng Ormoc City.

The post Richard umaming medyo istriktong tatay kay Juliana: Pero ayoko namang kinatatakutan niya ako appeared first on Bandera.

Rayver bakunado na; sasabak uli sa lock-in taping para sa ‘Nagbabagang Luha’

$
0
0

SUMAKTO ngayong araw, Biyernes ang first dose ng Pfizer COVID 19 vaccine ni Rayver Cruz sa Parañaque City dahil sasabak na uli siya sa lock-in taping para sa teleseryeng “Nagbabagang Luha”.

Dapat sana ay ngayong Hulyo na ito eere pero hindi natuloy dahil nagkaroon ng problema ang isa sa cast na hindi binanggit kung sino.

“1st dose,” ang caption ng aktor sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account na may hawak na COVID-19 vaccine card.

Sa Lunes, Hunyo 21 ang hotel quarantine ng buong cast at magaisimula silang mag-taping sa June 28 pero hindi na binanggit sa amin ng isang taga-GMA kung saan ang location.

Anyway, tinanong namin ang kampo ng aktor kung bakunado na ang kasintahan nitong si Janine Gutierrez pero hindi raw niya alam. Sabi namin sana’y nagsabay na sila ulad ng magkakarelasyong sina Jane Oneiza at RK Bagatsing; Maris Racal at Rico Blanco; mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera; Ogie Alcasid at Regine Velasquez at marami pang iba.

May nagsabi naman sa amin na sa ibang barangay nakareshistro si Janine kaya hindi siya puwedeng sumabay sa pagpapabakuna ng kanyang boyfriend.

* * *

Ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, ay may malakas na representasyon mula sa Pilipinas.

Tayo ang may pinakamalaking delegasyon na pinamumunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kasama ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.

Ang “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy. 

Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kaniyang buhay.

Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch sa Hunyo 15. Ang mga ito ay “Ella Arcangel” ni Mervin Malonzo, “Kampilan” ni Cris Dumlao, at “Hayop Ka! Universe” ni Manny Angeles.

Ang “Ella Arcangel” ay isang series tungkol sa isang batang babae mula sa slums ng Maynila na nakikipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kaniyang komunidad, at malalaman niyang may mga bagay sa mundo na mas masahol pa kaysa sa mga halimaw. 

Ang “Kampilan,” na nakapag-pitch sa virtual na Kre8tif! Conference at Content Festival sa Malaysia noong 2020, ay tungkol sa isang prinsipeng nahaharap sa isang paparating na banta. Sa tulong ng kaniyang mga tapat na kaibigan, kailangan niyang gumawa ng paraan upang mailigtas ang tribo at mapanatili ang kanilang pamumuhay.

Tampok sa “Hayop Ka! Universe” ang spin-off at sequel ng “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story.” Ang spin-off na series na “Papa Jorge’s Bedtime Radio Confessions” ay tungkol sa love doctor sa radyo na si Papa Jorge habang ang sequel na pelikulang “The Jerry Action Bonanza: Hayop Ka Din!” ay tungkol sa isang baguhang security guard sa museum na nakikipaglaban sa mga magnanakaw at goons ng kaniyang sariling amo.

Ibabahagi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño ang film incentives programs ng pambansang ahensya ng pelikula sa ASEAN Pitch in MIFA, isang mahalagang kaganapan para sa co-production, purchasing, selling, financing, at distributing content para sa lahat ng broadcasting platforms na dinadaluhan ng 13,000 na industry professionals.

Pag-uusapan naman ni FilmPhilippines Incentives Unit Manager Mil Alcain ang Film Location Incentive Program (FLIP) at International Co-production Fund (ICOF).

“We also seek to continue to support the global track of original Filipino Intellectual Property (IP) creations by giving them a platform to find industry partners in MIFA.

“Additionally, we wish to explore further the potential of the Filipino comics community by providing a space for them to promote their IPs in MIFA, especially with the recent success of ‘Trese’ in Netflix,” aniya pa.

The post Rayver bakunado na; sasabak uli sa lock-in taping para sa ‘Nagbabagang Luha’ appeared first on Bandera.

Haligi ng tahanan: Mga amang pinatatag ng pandemya

$
0
0

Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng isang ama para sa kanyang pamilya. Kung ang mga ina ay ang ilaw ng tahanan, ang mga ama naman, bilang haligi ng tahanan, ay katuwang sa paghubog ng ugali, pagdidisiplina, at pagprotekta sa kanilang mga anak. Sila ang kadalasang nagtataguyod at nagsusumikap upang buhayin ang buong pamilya. Ngunit sa kasalukuyang pandemya at hirap ng buhay na ating hinaharap, kamusta na nga ba si Papa?

Hindi maipagkakaila na ang pandemya ay nagdulot ng pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino. Sa ganitong sitwasyon na hindi napaghandaan ng kahit sino, isa sa pinakaapektado rito ang mga amang  nagtataguyod sa kanilang mga pamilya. Maaaring isipin nila kung “saan kaya ako kukuha ng pangkain namin”? O ‘di kaya napanghinaan na sila ng loob dahil sa kawalan ng trabaho.  Kalaunan, ang mga isiping ito ay nagreresulta sa stress, pagkakasakit, o panghihina—hindi lang sa aspetong pisikal kundi pati na rin sa kalusugang mental at emosyonal.

Malalim man ang epekto ng pandemya, may mga magigiting na ama na hindi nagpatalo sa mga hamon at pagbabago. Maaring napanghinaan sila ng loob, ngunit hindi sila tumigil gampanan ang pagiging tatay upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Kilalanin natin ang  tatlong mukha ng mga amang hindi sumuko, bagkus patuloy na bumangon para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Ama Haligi ng Tahanan

Si Tatay Martin, 49 anyos, ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang mensahero ng isang kumpanya sa Makati. Siya ay may tatlong anak na kasalukuyang nasa high school. Noon, katuwang niya sa gastusin ang kanyang asawa na namamasukan bilang labandera. Ngunit dahil sa pandemya, nawalan ito ng mga tanggap na labahin, kaya si Tatay Martin na lang mismo ang mag-isang dumidiskarte upang itaguyod ang pang araw-araw nilang gastusin. Sa ngayon, doble kayod si Tatay Martin dahil pagkatapos ng kanyang obligasyon bilang mensahero, tumutulong siya sa opisina, depende sa iuutos sa kanya ng mga empleyado. Siya na rin ang naglilinis ng buong opisina para may kaunting overtime at dagdag na kita.

Ang 30 anyos na si Tatay Rob naman ay may solong anak na nasa elementarya. Siya ang tumutulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya at mga magulang. Dating namamasukan bilang DJ sa mga bar si Tatay Rob, ngunit siya ay kabilang sa mga nawalan ng trabaho noong nagsimula ang pandemya. Imbis na magmukmok, agad siyang bumangon at nagtayo ng eatery sa kanila upang pagkakitaan. At maliban dito, suma-sideline din siya bilang isang food delivery rider.

Ama Haligi ng Tahanan

Single father naman ang 34 anyos na si Tatay Christian na may isang 12 years old na anak na kasalukuyang nag-aaral. Mag-isa niyang pinalaki ito simula nang ito ay ipinanganak. Si Tatay Christian ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng sasakyan sa Maynila upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak. Dahil na rin pandemya, humina ang tanggap ng gawa sa kanyang pinagtatrabahuhan na talyer. Ngunit dahil marunong siyang magkumpuni ng sasakyan at tunay na madiskarte,  ginamit ni Tatay Christian ang kanyang social media account para ialok ang kanyang serbisyo bilang mekaniko para sa dagdag na kita sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.  Para lalong makatipid sa gastusin, naninirahan silang mag-ama sa kanyang butihing ina kasama ang kanyang mga kapatid.

Tanggapin man ng karamihan o hindi, ang pandemya ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. Kaya naman napakahalagang pagtuunan ng pansin ang pangkalusugang pisikal, mental at emosyonal lalo na sa mga amang pundasyon ng kanilang tahanan. Kaya naman ang Globe ay patuloy na nagbibigay malasakit at nananatiling kaakibat ng bawat Pilipinong dumadaan sa makabagong hamon bunsod ng pandemya, ano man ang kanilang estado sa buhay.  Sinusuportahan nito ang mga haligi ng tahanan na hindi natitinag, kaya’t may mga serbisyo ito na handang tumulong sa kanila, katulad ng HealthNow at KonsultaMD.

Ipadama mo ang halaga ni Papa ngayon Araw ng mga Ama. Kamustahin mo siya at ituro sa kanya ang mga paraan kung paano gumamit ng KonsultaMD at HealthNow na maaasahan sa pagbibigay ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal.

Para sa KonsultaMD, tumawag lamang sa 79880 para sa mga Globe o TM users, o kaya naman ay sa 77988000 Globe landline upang makausap ang mga propesyonal na doctor na mabibigay ang suportang kailangan ng ating mga ama.

Para sa kalusugang mental, maaaring tumawag sa HealthNow. I-download lamang ang HealthNow app. Libre ang pagtawag para sa mga Globe at TM subscribers. I-click lamang ang Urgent Help button sa welcome page ng HealthNow.

Ngayong Araw ng mga Ama, sama-sama tayong sumaludo sa kanilang tibay at tatag upang itaguyod ang Pamilyang Pilipino anuman ang hirap ng buhay!

The post Haligi ng tahanan: Mga amang pinatatag ng pandemya appeared first on Bandera.

Joel Cruz gumastos ng P52-M para sa 8 anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy

$
0
0

AABOT sa P52 million ang nagastos ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz sa walong anak niya na nabuo through surrogacy na isinagawa sa Russia kung saan legal ang ganitong paraan ng pagbubuntis.

Kamakailan lang ay nakatsikahan namin si Ogie Diaz na nagsabing pinayuhan niya si Vice Ganda na mag-anak din tulad ng ginawa ni Joel para hindi masayang ang mga naipundar niya.

Nitong Huwebes ng gabi ay in-upload ni Ogie sa kanyang YouTube channel ang panayam niya kay Joel na nagkuwento kung paano nabuo ang walong anak mula sa semilya niya at sa babaeng nagsilbing ina ng mga ito.

“Naisip ko talagang mag-anak pero hindi ko kayang may babae na sinasabi mo sa akin dati, di ba?  Mga binubulong mo sa akin, natatandaan ko lahat ‘yun, bakla,” tumatawang bungad ni Joel.

At dahil hindi kayang sumiping sa babae ay bakit hindi na lang siya nag-ampon, “Alam mo, ayaw ko talaga ng adoption. Gusto ko sarili kong anak kaya pinilit ko. Na-inspire ako na marami kang anak, ang pagkakaiba lang natin, ikaw kaya mo (sumiping sa babae), ako hindi ko kaya, kaya naghanap ako ng surrogacy.”

Naunang sinubukan ni Joel ang surrogacy dito sa Pilipinas pero hindi naging successful at malaki na ang nagastos niya.

“Unfortunately for three trials with Filipina mothers, lahat ‘yun unsuccessful, hindi kumapit sa kanila for two weeks or 15 days.

“Kaya 10 years ago nag-decide na ako na huwag nang gawin sa Philippines kasi parang ayaw dito saka bawal dito. Ginawa ko na outside of the Philippines kung saan puwede ang single father which is legal sa Russia,” kuwento pa niya.

Bago ang lahat ay maraming interview sa pagitan nina Joel at agency na may kasamang abogado na inalam din kung may kakayahan siyang sustentuhan ang gastos.

“They have to check kasi kung ano ang gagawin mo sa bata, baka mamaya ibenta mo ‘yung bata kaya maraming pag-uusap. Kung alam nilang sincere ka at kaya mong bigyan ng magandang buhay ang bata, papayagan ka nila,” kuwento ni Joel kay Ogie.

Sa pamamagitan ng larawan napili ni Joel ang ina ng mga anak niya kung saan nandoon ang background ng egg donors, medical history, character, kung ilang taon, dapat nagkaanak na sila, normal delivery at ang edad ay 20-28 para maganda ang reproductive system.

“Sa pictures, napili ko siya (ina ng mga anak) kasi siya ‘yung pinakamatangkad, she’s 5’11 kasi maliit ako kaya gusto ko mataas para mahilang tumaas ang mga anak ko, maganda naman siya parang si Julia Roberts ang mukha niya and smart pero hindi ko siya nakausap hanggang picture lang. Ang request ko lang (bigyan siya ng update) pictures.

“Nag-request ako na pagkapanganak niya na siya muna ang mag-alaga for one and a half months bago ko iuwi kasi ang dami pang papers na inayos.”

Nabanggit na ang ikalawang pares ng kambal ay egg cells din nu’ng una pero iba na ang nagbuntis dahil hindi na raw kumapit ang mga sumunod.

Ikinuwento rin ni Joel na naluluha at nalulungkot ang ina ng mga anak niya kapag kukunin na niya, “Maganda ang relationship namin ni Lilia (pangalan ng ina ng mga anak niya), I’m very thankful kasi sa kanya lahat ang egg cells tapos siya rin ang nag-alaga so nakita ko kung paano mag-alaga.  

“So everytime na manganganak (ang ibang babae para sa ibang anak niya) siya ang nire-request kong mag-alaga pinapasundo ko talaga at iiwan niya ‘yung asawa niya at husband niya,” kuwento ni Joel.

Maraming may gustong gayahin ang ginawa ni Joel kaso hindi kaya ang gastos, “Mahal ba ‘yun?” tanong ni Ogie.

“Well sa first set ko (babae at lalaki) lahat ng gastos ko, hotel accommodation ko, fare ko, tests ko umabot ako ng 12 million pesos, pati ‘yung (bayad) kay Lilia. Saka inaabutan ko rin si Lilia ng personal money niya bukod do’n sa bayad sa kanya ng firm.

“Sa second set ko alam ko (parehong lalaki), 11 million. Mas bumaba kasi mas marami akong biyahe sa first kasi maraming problema (inayos) like mag-e-expire na ang visa namin. Yung third set (babae at lalaki) 11 million ulit.

“’Yung pang seventh at eight (anak), solo sila pero five months lang ang pagitan kaya dalawang surrogate mother ang nagbuntis. At tig-nine million each ang gastos ko sa kanila,” pagtatapat ni Joel.

Ang panganay daw niya ang medyo alam kung paano sila nabuo bilang mga anak ng daddy nila.

“They know somehow kasi eight years old na rin pero hindi pa ganu’n kadetalyado nila nalalaman. They just know na married ang mommy nila na may asawa na parang kinausap ko ‘yung mommy nila na tulungan akong magkaroon ng baby at pumayag naman ‘yung mommy niya kasi nga wala akong (asawa),” say pa ni Joel.

Kung hindi nagkaroon ng pandemya noong 2020 ay nakarating na sa bahay niya ang ina ng mga anak kasama ang asawa’t anak nito.

“Inimbita ko sila ng 2019 tapos inabutan na ng pandemic kaya hindi natuloy, excited nga sila nakaplano nga na dadalhin ko sila sa magagandang beaches, kaso nagka-pandemic,” pahayag ni Joel.

At bilang ama sa walong anak, “Masayang-masaya ako. Grupo kaming pamilya na para akong Buddha na mayroong walong anak na nakasampay diyan (muwestra).  Alam naman nila ‘yung give and take na dalawa muna ganu’n.

“Alam din nila ‘yung pakiramdam ko na ‘daddy is so tired already’ sila nagsasabi kaya naggi-give way sila.  In fairness naman lahat nae-embrace ko, lahat nabibigyan ko ng pagmamahal at ramdam nila ‘yun na mahal na mahal ko sila,” kuwento ng proud daddy sa walong naggagandahang mga supling na may tig-iisang yaya.

The post Joel Cruz gumastos ng P52-M para sa 8 anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy appeared first on Bandera.

Health expert, inirerekomenda pa rin ang paggamit ng face shield

$
0
0

Nino Jesus Orbeta/Inquirer

Patuloy na inirerekomenda ng isang infectious disease expert ang paggamit ng face shield bilang dagdag proteksyon kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Edsal Salvana, nagsisilbi ring technical adviser ng Department of Health, apat na beses na mas malakas ang bagong variant ng COVID-19 na Delta variant kumpara sa orihinal na virus.

Sinabi pa ni Salvana na 40 percent na mas nakahahawa ang Delta variant kahit nasa labas o outdoor.

Mas makabubuti na aniya na magsut ng face shield bilang dagdag proteksyon.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na sa mga ospital na lamang gamitin ang mga face shield.

The post Health expert, inirerekomenda pa rin ang paggamit ng face shield appeared first on Bandera.

Bilang ng mga Filipino na walang trabaho, nabawasan

$
0
0
jeepney-driver

AFP

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho.

Ayon sa survey ng Social Weather Station, nasa 12.2 milyong Filipino ang walang trabaho noong May 2021 kumpara sa 12.7 milyong Filipino na walang trabaho noong November 2020.

Isinagawa ang survey noong April 28 hanggang May 2, 2021

Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho, mas mataas pa rin ito 8.3 percent kumpara noong December 2019 noong wala pang pandemya sa COVID-19.

Nabatid na ang karamihan sa mga walang trabaho ay kusang umalis sa trabaho habang ang iba naman ay nawalan ng trabaho dahil sa mga nagsarang kompanya bunsod ng pandemya.

 

The post Bilang ng mga Filipino na walang trabaho, nabawasan appeared first on Bandera.

Bakit kayo defensive? Baka guilty? Tanong ni De Lima sa Palasyo ukol sa hakbang ng ICC sa ‘war on drugs’

$
0
0

Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na gawa-gawa lang ang mga ebidensiyang pinagbasehan ng rekomendasyon sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang madugong ‘war on drugs’ sa Pilipinas.

“Ang pagsabi na “hearsay” lamang ang ebidensiya ay nagpapakita na defensive ang palasyo sa kaso ni Duterte. Ang totoong inosente, sasabihin nila na walang katotohanan ang paratang,” diin ni de Lima.

Paalala pa nito, hindi pa nangyayaring paglilitis kayat hindi pa panahon para busisiin ang ebidensiya bukod pa sa maghahanap pa ng mga karagdagang testigo.

“Hindi pa natin alam kung ano ang ebidensya na hawak ng ICC. Sigurado meron na yan. Dadagdagan na lang. Palibhasa alam nilang guilty sila kaya nag-speculate na sila,” sabi pa ng senadora.

Panawagan din niya sa Malakanyang na tigilan na ang panloloko sa sambayanan sa pamamagitan ng mga baluktot na pahayag.

The post Bakit kayo defensive? Baka guilty? Tanong ni De Lima sa Palasyo ukol sa hakbang ng ICC sa ‘war on drugs’ appeared first on Bandera.


Lacson, sinabing may pondo para mabakunahan ang mga kabataan

$
0
0

Kasama na sa P57.3 bilyong inutang ng gobyerno para sa pagbili ng COVID-19 vaccines ang P25 bilyong kakailanganin para mabakunahan na rin ang mga kabataan.

Ito ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson at aniya, base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), kinakailangan lang ng P30.46 bilyon para bakunahan ang 68.2 milyong Filipino.

“Figures from the PSA as of March 28 this year shows the Philippines’ midyear population will reach 110,198,654 by July 1. Of this, 62 percent or 68.323 million are adults. If we multiply this by P446 per dose, including logistical costs, we will need about P30.472 billion to inoculate our adult Filipinos. Thus the difference of P26.83 billion is more than enough to cover the P25-billion requirement to procure the vaccines for our minors,” paliwanag ng senador.

Nabanggit din niya na ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang bansa ay may 68-milliion free doses, kasama na ang 44 milyon mula sa COVAX facility at 24 milyon mula sa dalawang brand ng bakuna.

Hiningi lang din niya ang mas malinaw na datos kaugnay sa national vaccination program dahil mahalaga ang bawat piso ng mamamayan.

The post Lacson, sinabing may pondo para mabakunahan ang mga kabataan appeared first on Bandera.

Testing at quarantine protocols sa mga Pilipinong galing sa ibang bansa niluwagan na

$
0
0

Reuters

Niluwagan na ng pamahalaan ang testing at quarantine protocols sa mga Filipino na galing sa ibang bansa pero fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Pilipinas

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magiging epektibo ang pitong araw na quarantine period sa mga Filipino na galing sa ibang bansa sa June 22.

Base sa naunang panuntunan ng Inter-Agency Task Force, ang mga Filipinong nakakumpleto na ng bakuna at lalabas ng bansa ay kinakailangan na bitbit ang vaccination card.

Bago pa man bumiyahe sa ibang bansa, kinakailangan na verified na ang vaccination card para kapag bumalik ng bansa ay ipi-presenta na lamang sa Bureau of Quarantine para sa verification.

Pitong araw na sasailalim sa facility based na quarantine ang mga Filipino na uuwi sa bansa.

Kailangang i-monitor ng BOQ ang mga umuwing Filipino sa loob ng pitong araw. Kapag may nakitang sintomas, saka pa lamang isasailalim sa RT-PCR test. Kapag nag-positibo dadalhin ito sa isolation facility.

Kapag nakumpleto ang pitong araw na quarantine at walang nakitang sintomas, iisyuhan ito ng BOQ ng quarantine certificate kung ano ang vaccination status nito.

The post Testing at quarantine protocols sa mga Pilipinong galing sa ibang bansa niluwagan na appeared first on Bandera.

Pagkamatay ng tatlong Lumad sa Surigao del Sur, iniimbestigahan ng CHR

$
0
0

Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights ang pagkamatay ng tatlong miyembro ng Lumad-Manobo tribe kabilang na ang isang 12-anyos na estudyante sa Lianga, Surigao del Sur.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, magpapadala ng investigation team ang CHR Regional Office sa Caraga para busisiin ang karumal-dumal na pagkamatay ng tatlo na umanoý kagagawan ng militar.

“Under the international humanitarian law (IHL), the principle of distinction between civilians and combatants must be observed at all times. More so, IHL provides protection for children as persons not taking part in hostilities and as persons who are particularly vulnerable. It also concerning that there are allegations that female victims were sexually assaulted as well,” pahayag ng CHR.

“While we wait for the results of the independent probe, the Commission urges the government to shed light on these deaths and conduct its own investigation to bring justice to the death of Willy Rodriguez, Lenie Rivas, and 12-year-old Angel Rivas,” pahayag ng CHR.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang CHR sa mga pamilya ng mga biktima.

 

 

The post Pagkamatay ng tatlong Lumad sa Surigao del Sur, iniimbestigahan ng CHR appeared first on Bandera.

Julia todo kapit kay Gerald habang tinuturukan

$
0
0

Hindi binanggit kung saang lugar nagpabakuna ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto kahapon, Hunyo 18, pero base sa Instagram post ng Juralds.officialfanpage ay Pfizer ang itinurok sa dalawa..

Nakunan ng video na unang tinurukan si Gerald at nang si Julia naman ang tinurukan ay hawak ng aktres ang kaliwang kamay ng aktor dahil natatakot siya.

Ang caption @juralds.officialfanpage sa mga larawan at video, “1st dose! #Vaccinated Good Job BabyLove.🤟#Bettertogether
#geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes

“Magkahawak na. Kelangan mag tinginan pa tlaga?? Hay nko. haha..
#geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes

“Hawak kamay. Tinginan.haplos🥺 #SanaAll #geraldanderson #juliabarretto
#betweenmaybes.”

“Baby Julia pahiram din si Gerald ah para may hahawakan din ako. Haha! Pde ba? @juliabarretto may pila mga cyst ah! 🤣#geraldanderson #juliabarretto
#betweenmaybes

Sa sobrang higpit ng hawak ni Julia sa kamay ni Gerald ay nag-react si @calandraarsenio, “Turok pa lang yan ha, pag nanganak si Juls bali yang kamay mo sa labor room.”

Naaliw kaming basahin ang mga komento ng fans nina Gerald at Julia.

Mula kay @calandraarsenio, “More than the kilig over seeing JuRald holding each other’s hand, ‘yung ma-witness ‘yung support ng friends ni Ge and makita ‘yung pag-aalala nila for Julia that they even ask Ge to hold her hand nu’ng nakita nila na kinakabahan si Juls..

“Sa iba ‘yan lalo’t mga lalaki (beta men) sasabihin nila nag-iinarte lang, but it seems like nararamdaman nila ‘yung takot ni Juls even tho ayaw nya ipakita. I see genuine “familial” care.

Say naman ni @rea__jurald, “Kailangan dn bng ma inggit ka admin?hahah?”

Ayon naman kay @riz_cajis, “may pa holding hands na may pa eye contact pa

Rizza Cajis is on Instagram • 9 posts on their profile
109 Followers, 258 Following, 9 Posts – See Instagram photos and videos from Rizza Cajis (@riz_cajis)

? Hay jusmio kayong dalawa hindi mawala kilig ko sa inyo.”

The post Julia todo kapit kay Gerald habang tinuturukan appeared first on Bandera.

Xian Lim nahilo at nagsuka habang papunta sa Punta Fuego sa Batangas

$
0
0

Nahilo at nagsusuka sa gitna ng dagat si Xian Lim habang umaandar ang yateng sinasakyan nila ng girlfriend na si Kim Chiu kasama ang mga kaibigan nila sa latest get away nila na may titulong “Exploring Punta Fuego with Kim” na nasa YouTube channel ng aktor.

Sinundo ni Xian ang kasintahan sa ABS-CBN kung saan galing siya sa It’s Showtime taping at saka sila dumiretso ng Batangas.

Base sa kuwento ng aktor ay hindi niya gamay ang daan patungo Punta Fuego kaya umasa siya sa Waze. Ang problema, idinaan siya ng GPS navigation app  sa ma-trapik na lugar kaya gabi na sila nakarating sa location.

Maagang gumising sina Kim at Xian at kinukunan ang kabuuan ng lugar kung nasaan sila.

“Dito kami sa rest house/beach house dito sa Punta Fuego and super chill day today and super late na kami nakarating kagabi so time to relax, time to unwind and have fun,” wika pa ng magkasintahan.

Habang naglalakad si Xian papunta sa dalampasigan, “Ito na nga ba kapag kasama si Kim lahat ng bitbit niya, sa akin nakatoka ang bitbit niya (nakitang nasa balikat niya ang bag ng dalaga)”

Napansin ng binata na maraming pinapahid sa katawan ang aktres sa katawan at mukha.

“Ang daming extra curricular ng kasama ko (Kim), ang daming bitbit. How are you? Excited siyang magdrive (jetski). Hawak ko kamera ko hawak ko kamera niya paano?” ani Xian.

Hanggang sa bumaba si Xian sa pampang, “kailangan kong (magpahinga), sobrang lakas ng alon. I got to get med (sabay pakita ng gamot) hindi ko na talaga kaya, wow.”

Ilang minutong nakaupo si Xian sa pampang habang nage-enjoy si Kim sa jetski na okay lang sa boyfriend niya.

“Quick update, gumana na ang medicine, thank you guys,” sabi ni Xian sa mga taong nagbabakasyon din na galing sa iba-iba lugar tulad ng Pasig, Valenzuela at Sta. Rosa, Laguna.

“Nagpa-ampon na ako sa kanila. Dito na muna ako kaysa masuka ako ro’n sa dagat,” sambit ng aktor.

Ilang minutong nakalipas ay sinundo na ulit siya ni Kim. “Nandito na ang rescue ko. Hindi ko talaga kaya, masyadong malakas ang alon but it’s okay, it’s all fun, pabalik na kami (sa yate).”

At pagsampa ni Xian sa yate habang nagbabanlaw ay muli na naman siyang nagsuka sa dagat kaya minabuti na nilang bumalik sa bahay.

“Hindi ko na kaya, nagsusuka na talaga ako so jetski all the way back,” pahayag ng aktor.

Aliw si Xian dahil kahit masama ang pakiramdam ay nagawa pa rin niyang kumuha ng video para sa vlog niya. Panoorin ang kabuuan ng video ng aktor sa kanyang YT channel.

The post Xian Lim nahilo at nagsuka habang papunta sa Punta Fuego sa Batangas appeared first on Bandera.

Viewing all 44581 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>