Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44287 articles
Browse latest View live

Jodi kay Ian: Pwedeng-pwede rin pala siya sa comedy

$
0
0

JODI STA. MARIA AT IAN VENERACION

After A Love To Last ay muling nagkatrabaho sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria sa iWant original series na My Single Lady.

“Ang tagal na kasi naming nagkatrabaho. Hindi na kami magkatrabaho pero magkaibigan pa kami. Sa akin, nakakatuwa na makita siya sa isang series na ganito, na hindi siya drama, hindi siya heavy, kumbaga napaka-light lang niya,” say ni Jodi.

“I realized na, ‘ah, puwede pala siya sa comedy. May timing naman pala siya,” natatawang dagdag ng aktres.

“I am glad naman na pumasa ‘yung comic timing ko sa ‘yo,” hirit namang sabi ni Ian.

“Magkaibigan kami ni Jodi ever since Pangako Sa ‘Yo. Kahit na natapos ‘yun, dire-diretso kami na laging nag-uusap. Noong sinabi niya sa akin ang project na ito, automatic yes, kasi first time niyang magpo-produce and as a friend I want to be there to support her,” say ni Ian.

“Noong nakita ko naman ang script and all, kakaiba. Iba ang dynamics ng character. As a whole ay iba siya kaya enjoy na enjoy kami,” dagdag ni Ian.

Si Jodi ang isa sa producers ng series, the other being her manager, Biboy Arboleda.            

The post Jodi kay Ian: Pwedeng-pwede rin pala siya sa comedy appeared first on Bandera.


Kisses lumaban sa snatcher: Ninakaw niya ang cellphone ko, pero ninakaw ko rin sa kanya!

$
0
0

AI AI DELAS ALAS AT KISSES DELAVIN

TUNGKOL sa pagnanakaw o pangnenenok ang kuwento ng bagong family-comedy movie na “D’ Ninang” under Regal Entertainment.

Bida rito sina Ai Ai delas Alas, McCoy de Leon, Angel Guardian, Kisses Delavin, Kiray Celis at Lou Veloso mula sa direksyon ni GB Sampedro.

Sa ginanap na mediacon ng pelikula kamakailan, natanong ang mga miyembro ng cast kung na-experience na ba nilang manakawan o naka-witness na ba sila ng nakawan sa tunay na buhay.

“Ako po hindi pa ako nakakakita ng live na nagnakaw, pero na-experience ko po ‘yun. Kasi nu’ng nagda-drive po ang daddy ko papunta sa busy na lugar dito sa Manila tapos natrapik po so, tumigil ang sasakyan namin,” simulang kuwento ni Kisses.

“And then binaba ko po ‘yung bintana kasi naiinitan po ako, e, ‘yung magnanakaw po tumakbo po siya sa akin. Hindi ko namamalayan kasi nagse-cellphone ako, tapos kinuha niya po ‘yung cellphone ko, tapos kinuha ko rin po sa kanya.

“Naiyak po ako tapos sinabi ko sa tatay ko, ‘daddy nagawa ko ‘yun ha! Ninanakawan ako ng magnanakaw, ninakaw ko rin sa kanya.  ‘Yun po ‘yung na-experience ko kasi galit na galit po siya (magnanakaw) kasi nakuha ko ulit ‘yung cellphone ko,” natatawang kuwento pa ng dalaga.

Ang karakter ni Kisses sa movie ay, “Ako po si Mikay, anak po ako ng the one and only Comedy Queen, si Miss Ai Ai, D’ Ninang.  Ako po rito ay taong malakas ang kapit sa tama at magkikita po kami ng nanay ko pagkatapos ng mahabang panahon.”

Samantala, alam naman ng lahat ng naging biktima na rin ng Akyat-Bahay si Ai Ai kaya medyo nakaka-relate siya sa tema ng pelikula. Gaganap nga siya rito bilang magnanakaw na tumutulong sa kanilang komunidad. Makikilala niya ang kanyang long-lost daughter na si Mikay na walang idea sa kanyang ilegal na gawain.

“Ako po ay isang ninang dito, ako ‘yung lider ng mga magnanakaw. Si Angel Guardian (Sol) ‘yung right hand ko tapos bigla kong na-meet ‘yung anak ko si Kisses and doon iikot ‘yung istorya kung paano ko naging isang ina, kung paano ko naging magnanakaw. Lahat ando’n,” kuwento ng komedyana sa media launch ng “D’Ninang”.

“Pampamilya ito, ibang klaseng istorya naman ‘to. Iba ‘yung tema ng movie, nakakatuwa kasi hindi siya gory, chill s’ya, maganda ‘yung mga batuhan ng mga comedy. Di ko ine-expect na gano’n pala s’ya nakakatawa. Simple lang s’ya, may puso, at saka napapanahon din ‘yung istorya. Siyempre mahirap, mga magnanakaw, and nakakatuwa kasi ‘yung mga bagets na nandito ay talagang binuhos nila ‘yung galing nila sa pelikula,” pahayag pa niya.

Base sa trailer ay gusto ni Kisses na maging abogado at hindi siya pabor sa mga gumagawa ng masasama katulad ng pagnanakaw kaya naman ingat na ingat sa kanya si D’ Ninang (Ai Ai). Nakakatawa ang ilang mga eksena sa pelikula at hindi naman namin nakitaan ito ng kakornihan dahil natural na natural  ang mga bitawan ng punchlines ng bawa’t karakter.

Sabi ni direk GB nang makausap namin pagkatapos ng presscon, “Masaya itong movie, it’s about family at comedy pa hindi sayang ang ibabayad ninyo.”

Mapapanood na ang “D’ Ninang” sa Enero 22 mula sa Regal Films at may premiere night din sa Lunes, Enero 20 sa SM Megamall Cinema 1.            

The post Kisses lumaban sa snatcher: Ninakaw niya ang cellphone ko, pero ninakaw ko rin sa kanya! appeared first on Bandera.

Angkas, 2 pa motorcycle taxi bubusisiin ni Poe

$
0
0

 

NAKATAKDANG imbestigahan ng komite ni Senator Grace Poe ang isyu kaugnay ng motorcycle riding-hailing firm na Angkas at dalawang bagong players na JoyRide at MoveIt.

Sa Martes, inaasahang dadalo ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at pamunuan ng Angkas, JoyRide at MoveIt sa imbestigasyon ng Senate committee on public services ni pinamumunuan ni Poe.

Nitong mga nakaraang araw, panya ang bangayan ng LTFRB at Angkas. Nagsimula ito nang magdesisyon ang LTFRB na magpatupad ng 10,000-biker limit ang regulatory body kada Transport Network Company (TNC).

Pinayagan ng LTFRB ang tatlong buwang extension ng pilot run ng mga motorcycle taxi kasabay ang pagpayag sa pagpasok ng dalawang bagong TNC na inalmahan ng Angkas.

Hirit ng Angkas, marami silang riders na mawawalan ng trabaho dahil nga nilimitahan sa 10,000 ang riders gayong meron silang 27,000 drivers.  Umugong din ang balita na kesyo hindi nga raw Pinoy ang may-ari ng Angkas kundi isang Singaporean.

Pero, may kwestiyon din sa totoong nasa likod ng operasyon ng JoyRide.

Sa harap ng mga isyu kaugnay ng motorcycle taxi, importante ang gagawing imbestigasyon ng komite ni Poe.

Mahalagang malaman kung may malaki ngang pakinabang ang mga motorcycle taxi sa mga pasahero sa harap naman ng trapik na nararanasan sa bansa.

Noong Disyembre, sumulat si Poe sa LTFRB kung saan nagpaalala siya na dapat ikonsidera ang convience at kaligtasan ng mga mananakay sa paglilimita ng bilang ng mga TNCs sa Metro Manila.

Kinuwestiyon din ni Poe ang timing ng desisyon ng LTFRB dahil ginawa ito sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

“At the crux of the issue, we must consider the convenience and safety of the riding public who will be most affected by the drastic reduction of motorcycle taxi supply in favor of new players who currently do not have the 99% safety rating and track record which the current major player has,” sabi ng sulat ni Poe sa LTFRB.

Inatasan din ni Poe ang LTFRB na isumite sa Senado ang resulta ng pilot run at rekomendasyon ng
technical working group kaugnay motorcycle taxi.

Sinabi pa ni Poe prayoridad ng komite ang legalisasyon ng mga motorcycle taxi.

Abangan natin ang magiging resulta ng pagdinig sa Martes.

The post Angkas, 2 pa motorcycle taxi bubusisiin ni Poe appeared first on Bandera.

Bulkang Taal sumabog, alert level 2 itinaas

$
0
0

ITINAAS sa Alert Level 2 ang Taal Volcano sa Batangas matapos itong sumabog ngayong araw.

Umabot sa 100 metro ang taas ng abo na ibinuga ng bulkan. Kahapon ay tatlong lindol ang naitala ala-7:35 ng umaga, 10:43 ng umaga at 2 ng hapon.

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest),” saad ng advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Na-obserbahan umano ng Phivolcs ang pagdami ng steaming activity ng bulkan ala-1 ng hapon kahapon.

Mula noong Marso 28, 2019 ay nakitaan umano ng “moderate to high level of seismic activity” ang Taal kasama rito ang Intensity I (Scarcely Perceptible) hanggang Intensity III (Weak Shaking) na lindol sa mga barangay ng Calauit, Balete, Sitio Tibag, Pira-Piraso, at Buco sa bayan ng Talisay, Alas-as at Pulangbato, San Nicolas, Batangas.

May napansin ding pamamaga sa bulkan mula pa noong Nobyembre 2018.

Mula noong Pebrero 2019 ay napansin din ng Phivolcs ang pagtaas ng dissolved carbon dioxide sa Main Crater Lake ng Taal.

“In view of the above, DOST-PHIVOLCS is now raising the alert status of Taal from Alert Level 1 to Alert Level 2.  This means that there is probable magmatic intrusion that may or may not lead to an eruption.”

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na bawal pumunta sa main crater ng bulkan dahil sa posibleng steam explosion.

 “The public is also reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone, and permanent settlement in the island is strongly not recommended.”

The post Bulkang Taal sumabog, alert level 2 itinaas appeared first on Bandera.

Following Christ

$
0
0

Monday, January 13, 2020
1st Week in Ordinary Time
First Reading:‍
1 Sm 1:1–8
Gospel Reading:‍
Mk 1:14 –20

AFTER John had been arrested, Jesus came to Galilee proclaiming the Gospel of God: “This is the time of fulfillment. The Kingdom of God is at hand. Repent, and believe in the Gospel.”
As he passed by the Sea of Galilee, he saw Simon and his brother Andrew casting their nets into the sea; they were fishermen. Jesus said to them, “Come after me, and I will make you fishers of men.” Then they left their nets and followed him. He walked along a little farther and saw James, the son of Zebedee, and his brother John. They too were in a boat mending their nets. Then he called them. So they left their father Zebedee in the boat along with the hired men and followed him.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the Assimilated Life ‍‍Experience)
A priest walks into a pub and says to the first man he meets, “Do you want to go to heaven?” The man says, “I do Father.” The priest says, “Then leave this pub right now!” and approaches a second man. “Do you want to go to heaven?” “Certainly, Father,” is the man’s reply. “Then leave this den of Satan,” says the priest, as he walks up to a third guy. “Do you want to go to heaven?” “No, I don’t Father,” the man replies. The priest looks at him right in the eye, and says, “You mean to tell me that when you die you don’t want to go to heaven?” the man smiles, “Oh, when I die, yes, Father. I thought you were getting a group together to go right now” (from the internet).
If you think heaven can wait, you are wrong. Heaven respects no personal schedule. That is why Jesus made discipleship an urgent affair. In today’s Gospel he said: “This is the time of fulfillment. The Kingdom of God is at hand.” He invited people to repent and to follow him. He did not entertain excuses. To the man who said ‘let me bury my father first’, Jesus said, ‘let the dead bury their dead.’ He explained that a man who puts his hand on the plow and keeps looking back is not worthy of the kingdom.
We share the same urgent call today. To some it is to become ‘fishers of men’; to others it is to be witnesses to the dawning of the kingdom in the ordinariness of married life or single blessedness. To whichever state we are called, the time to follow Christ is now. Following him may not give us an exact idea of where it will lead us. In this world it could lead us to persecutions, material want, and even spiritual dryness. There may be consolations along the way though, but we should not expect life to be smooth sailing because the call focuses on a direction beyond this world. Hop in, don’t miss the bus. Heaven can’t wait.  – (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., J.D., D.M.

The post Following Christ appeared first on Bandera.

Horoscope, January 13, 2020

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2020 ibat-ibang sopresa ng buhay ang iyong matatagap. Sa hindi mo inaasahang sandali biglang aangat ang kabuhayan, darami ang mga oportunidad ng pagkakakitaan. Sa lovelife muling iinit at sasarap ang relasyon habang papalapit ng papalapit ang Araw ng mga Puso. Markahan ang 1, 19, 25, 34, 40 at 48. Yellow at violet ang buenas. Swerte sa initial na T. at P.

Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito ibigay ang the best sa anomang ginagawa at makikita mo, may malaking gantimpalang nakalaan. Sa pinansiyal, tataas ang kita at sa pag-ibig lalong mas magiging maligaya ang relasyon habang patuloy sa paglamig ang panahon. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 42 at 46. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na A. at B.

Taurus – (April 20-May 20)-  Sa taong ito ng 2020 tiwala sa sarili ang susi upang umunlad. Sa lovelife, sapat na ang iyong ganda, upang manatiling tapat ang kasuyo, wag ma-insecure. Markahan d ang 6, 15, 27, 36, 42 at 45. Violet at beige ang buenas. Swerte sa initial na E. at J.

Gemini – (May 21-June 21)-Hindi dapat na sayangin ang mahahalagang oras at araw, sa halip ang mas dapat na ipriority ay ang mga bagay na pagkakaperahan. Sapagkat nakaayos  na ang lahat, malalaking halaga ng salapi ang mahahawakan mo sa taong ito ng 2020. Sa pag-ibig now na – yayain ang kasuyo sa malamig at tahimik na lugar. Markahan ang 5, 14, 14, 23, 32, at 41. Red at maroon ang buenas. Swerte sa initial na M. at D.

Cancer – (June 22- July 22)- Sa taong ito simulan ang pagbabagong buhay. Sa pinansyal kailangang magtipid upang dumami uli ang savings. Panahon na upang sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Markahan  ang 2, 7, 20, 27, 34, at 45. Green at gold ang buenas. Swerte sa initial na P. at S.

Leo – (July 23 – August 22)-  Makuntento ka na sa kasalukuyang sitwasyon. Sa pinansyal, wag ng maghangad ng gadget na hindi naman masyadong kailangan. Sa lovelife, tuloy ang lalo pang umiinit at sumasarap na relasyon. Markahan ang 1, 9, 16, 23, 40, at 44. Yellow  at pink ang buenas. Swerte sa initial na  D. at F.

Virgo – (August 23 – September 22)-Sa taong ito hindi dapat makuntento sa kasalukuyang buhay. Mangarap ka ng mas malaking ambisyon upang magkaroon ka rin ng malaking achievement.  Sa  lovelife kumbinsehin ang kasuyo na simulan nyo na ang pagpapayaman. Markahan ang 5, 14, 28, 33, 37, at 49. Silver at gold ang buenas. Swerte sa initial na T. at H.

Libra – (September 23-October 23)-  Sa taong ito  sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga. Sa lovelife intuition din ang paganahin upang lumigaya at lalo pang sumarap ang relasyon. Markahan ang 6, 15, 24, 32, 37 at 45. Magenta at purple ang buenas. Swerte sa initial na Q. at C.Scorpio – (October 24 – November 21)

    Sa taong ito iwasan ang maluhong pag-gasta! Sa pinansyal, napakahirap na karansan ang walang kapera-pera. Sa lovelife, simpleng pakikipag-date na lang muna ang iplano para sa minamahal. Markahan ang 3, 18, 24, 27, 33, at 47. Lilac at orange ang buenas. Swerte sa initial na  P. at M.

Sagittarius – (November 22 – December 21)-  Sa taong ito ranasin mo ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Saidin mo ng lubos ang maikling buhay sa mundong ito. Sa lovelife habang kasama ang kasuyo magpakasarap na kayong dalawa, dahil ang lahat ng bagay ay kusa at dagli rin namang lilipas. Markahan ang 3, 15, 26, 34, 40 at 48. Old rose at magenta ang buenas. Swerte sa initial na A. at T.

Capricorn – (December 22 – January 19)- Sa pinansyal, upang pumasok ang maraming pera, laging maging mahinahon.  Sa lovelife laging unawain at pagpasensiyahan ang kasuyong sumpungin.  Markahan ang 7, 16, 22, 26, 32, at 40. Yellow at orange ang buenas. Swerte sa initial na Z. at M.

Aquarius – (January 20 – February 18)- Sa taong ito sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, kung puso at kutob ang paiiralin malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa lovelife, wag sumunod sa isip dahil sa taong ito ang tibok ng puso ang magtuturo sa iyo upang lumigaya. Markahan ang 7, 13, 25, 31, 38 at 45. Gold at red ang buenas. Swerte sa initial na N. at P.

Pisces – (February 19 – March 20)-Sa taong ito mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Kung marami kang iniisip, malabo kang magtagumpay.  Sa lovelife, ganon din ang gawin, ibuhos ang todong pagmamahal sa  pamilya. Markahan ang 2, 16, 23, 32, 38 at 49. Silver at yellow ang buenas. Swerte ang initial na  V. at L.

The post Horoscope, January 13, 2020 appeared first on Bandera.

Bakit hindi madiretso ng JaDine na walang break-up?

$
0
0

“I’VE come to understand that what we’re looking for is found in the absence of searching.

“And the answer found in the absence of questions. If you know what I mean, it’s time to tune in.

“If you don’t… then aren’t you lucky. So this is me, tuning in.”

‘Yan ang cryptic post ni James Reid sa Instagram photo nila ni Nadine Lustre na kuha sa Mt. Ulap, Ampucao, Itogon, Benguet recently.

Was it his way of showing to all and sundry na hindi pa sila split ni Nadine? Was it his way to slap the truth na fake news ang lumabas sa balitang hiwalay na sila?

Masyadong pa-deep itong si James, ganoon din naman si Nadine. While they can conveniently issue a statement na hindi pa sila hiwalay, they let their fans suffer from suspense when they kept mum about the issue which has gotten out of hand.

And when it did, saka naman sinopla ni Nadine ang dalawang personalities. The brouhaha could have been avoided had she issued a statement agad-agad.

The problem with this couple is that they don’t know about damage control. They don’t have a good PR to do things for then. They probably thought that they’re better that way, na mas matalino pa sila sa mga icons na sa industry.

While years ago we said that they’re the standard by which successful love teams are measured, we will now say that they’re also the standard by which bloated egos are measured!!!

The post Bakit hindi madiretso ng JaDine na walang break-up? appeared first on Bandera.

Pagpatay sa mga Pinay OFWs sa Kuwait dapat bigyang hustisya

$
0
0

HIGIT 200 Pinay OFWs na ang namatay sa Kuwait sa loob lamang ng apat na taon.
Karamihan ay dahil sa “natural causes”, pero dumarami rin ang mga misteryosong kamatayan o talagang sinaktan o pinatay ng kanilang employer.
Tulad ng kaso ni Joanna Demafelis na itinago sa isang freezer sa abandonadong apartment noong 2018 at nitong huli ay si Jenelyn Villavende na basag ang bungo, at napatay sa bugbog ng misis ng kanyang amo.
Yung kay Demafelis, nakulong ang mag-asawa niyang employer, pero itong kay Villavende ay arestado at inimbestigahan pa lamang ang kaso.
Pero ang nakakagalit ay itong bagong resulta ng autopsy ni Jenelyn, base sa ginawa ng Kuwaiti government.
Ayon kay Labor Secretary Bebot Bello, ang sabi ng mga mga Kuwaiti forensic doctors “physical injuries” ang dahilan ng kamatayan ni Jenelyn.
Tinawag ni Bello na palpak, sinungaling at walang kwenta ang naturang autopsy. Sinabi rin nito na “worthless” ang imbestigasyon na ginawa ng Kuwait.
“Wala na tayong ipadadala doon. Mga walang kuwenta ‘yang mga Kuwaiti na ‘yan. Biro mo ‘yong ginawa nila sa ating kababayan. ‘Pag ikuwento ko sa inyo, baka pati [kayo] magwewelga na. Masyado nilang inapi ang ating kababayan,” ayon pa kay Bello.
Ayon sa autopsy report ni NBI medical officer Dr. Ricardo Rodaje, posibleng ginahasa si Jenelyn bago ito pinatay.
Ayon din sa mga kaanak ng biktima, basag ang bungo ni Jenelyn nang makita nila. Pero, bakit “physical injuries” lang daw ayon sa two-sentence autopsy report ng Kuwaiti doctors?
Noong 2018 matapos mabulgar ang pagkakapatay kay Demafelis, napilitan silang makipagkasundo kay Pres. Duterte at Bello para proteksyunan ang ating mga OFWS.
Pero, sa press release lang daw at hindi sila pumirma sa mismong dokumento, ayon kay Bello.
Bakit daw nila bibigyan ng “special treatment” ang mga Pinay OFWs kaysa sa ibang bansa? Kundi ba naman, bastos talaga ang mga Kuwaiti!
Noon ay nag-“rescue” ng 26 na OFWs ang Department of Foreign affairs na naka-video. Aba’y nagalit ang Kuwaiti government na nagbigay pa ng dalawang protest notes.
Dahil sa pagpatay kay Villavende at ginawang pag-whitewash sa kanyang kaso, inihayag tuloy ni Secretary Bello, na walang kwenta ang mga “Kuwaiti” na ito at ako’y nakikiisa rito.
Tama rin ang “total ban” para hindi na madagdagan ang mga inaalipin nilang OFW doon. Dapat ding ipatawag ng Malakanyang ang Kuwaiti Ambassador dito para magpaliwanag.
Kung susuriin, umaabot pa sa 187,000 pang mga Pinay household workers ang naroroon sa Kuwait ngayon at kailangang mabigyang proteksyon.
Kung ganitong ayaw lumagda ng Kuwaiti government sa sinasabing 2018 agreement at pagkatapos ay lantaran pang babaguhin ang mga ebidensya sa kamatayan ni Jeanelyn, walang rekurso ang gobyerno kundi isarado na ang pinto at itigil na ang pagdami ng mga documented o undocumented nating mga OFWS sa bansang iyun.
Isipin niyo, higit 200 Pinay OFWS ang namatay sa Kuwait sa loob ng apat na taon.
Isang Pinay OFW ang namamatay sa bansang iyon kada linggo. Hindi bat sobrang garapal at lantaran iyan?
Talagang mapanganib na ang Kuwait para sa ating mga kababayang naghahanap ng magandang buhay.
Totoong mas marami pa rin ang mga mababait na Kuwaiti employer, pero paano matatamo ang hustisya sa bawat Pinay OFW lalo na kay Jenelyn Villavende kung mismong Kuwaiti government at mga opisyal nito ay sinungaling at walang kwentang kausap!

The post Pagpatay sa mga Pinay OFWs sa Kuwait dapat bigyang hustisya appeared first on Bandera.


Catriona payag makatambal sina Alden, Gerald at Sam: Pwede naman…

$
0
0

SELYADO ang labi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray when we asked her about her ex-boyfriend Clint Bondad.

Bawal pala itanong kay Catriona si Clint pati na ang isyu linking her with Sam Milby nu’ng ipa-interview siya with some bloggers and members of the print media sa dressing room ng It’s Showtime kahapon.

Kaya kinumusta na lang namin ang naging karanasan niya bilang guest co-host sa Showtime.

“Sobrang masaya po,” bungad ni Catriona. “I really feel like I’ve been welcome to family talaga. Everyone has been very gentle with me because this is the first noontime hosting stint.

“So, medyo nervous ako at first. But everyone has made me feel very, very welcoming and I just want to be happy along the way,” she said.

After her hosting stint, ‘di malayong ang susunod na tahakin ni Catriona sa showbiz ay ang pag-arte. Open naman siyang i-try ang acting kung bibigyan ng chance.

May nagtanong kay Catriona kung sino ang gusto niyang maging leading men, “Well, depende naman po because I feel also I’m a newbie in acting. And I feel like who am I can learn from the most.

“So, baka ‘yung actor have been in the showbiz for a very long time and really good on mentoring. That’s the kind of leading man that I would pick,” aniya pa.

Then, we mentioned na lang to her ‘yung name ni Sam bilang leading man. Natawa muna si Catriona bago sumagot, “Well, he’s my friend naman. So, I guess, I would be comfortable naman.”

What about Gerard Anderson? “Pwede naman. He’s also a serious actor.” And when Alden Richards was mentioned, “Pwede rin po. Hahahaha!”

The post Catriona payag makatambal sina Alden, Gerald at Sam: Pwede naman… appeared first on Bandera.

Vice Ganda kailangan pang kumita ng P100M para matalo si Aga

$
0
0

KUMPARA sa mga nagdaang Metro Manila Festival, last year was reminiscent of the previous year when four indie films were mixed in the Magic 8.

Kung hindi kami nagkakamali, comparatively low ang naitalang revenues ng taong ‘yon, which served as a lesson to MMDA to rectify its mistake—kung matatawag ngang ganu’n—in the next festivals to follow.

Last year though wasn’t anywhere close to the pinned hopes of the MMDA. Ang “The Mall, The Merrier” nga lang ni Vice Ganda ay lumalabas na one-third lang ng kinita ng kanyang “Fantastica” two years ago.

Pagsama-samahin man ang total gross revenues ng all eight entries last year might not even equal that of “Fantastica’s.”

In short, hindi kagandahan ang ipinamalas ng 2019 MMFF entries at the box-office.

Maraming attributable reasons for it, isa na rito ang mataas na bayad sa sine even increasing so rapidly na hindi na ito abot-kaya ng mga nakararami. The commercial run being Christmas has other more essential concerns na pinagtutuunan din ng ating mga kababayan.

Back to Aga and Vice. Reportedlt, seventy million hanggang P100 million ang agwat ng kinita ng mga ito, but much more yawning a difference ay ang pumangatlo, that of Coco Martin’s entry na P80 million lang which wasn’t even one-third of Vice Ganda’s.

The 2019 MMFF was sending an important signal. Hindi na porke’t Vice Ganda o Coco Martin o Vic Sotto ang bida, foolproof nang kikita ito at mangunguna pa sa kita.

The post Vice Ganda kailangan pang kumita ng P100M para matalo si Aga appeared first on Bandera.

Jolens: Salamat Lord, napakabuti n’yo sa amin

$
0
0


BACK to work na ang momshies ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros. Nag-umpisa na ulit silang mag-taping para sa kanilang Kapamilya morning show pagkatapos ng mahaba-habang bakasyon.

Walang duda na super na-enjoy ng mga MB momshies ang kanilang holiday break. Kitang-kita ‘yan sa posts nila on their respective Instagram accounts.

Una na si Momshie Jolens na nag-celebrate ng Christmas and New Year with her in-laws sa US kasama ang hubby niyang si Mark Escueta at dalawa nilang kids na sina Pele at Vika.

Post ni Momshie Jolens, “First time ni Pele at Vika maka experience ng snow at ang saya nila at sa puso ko ako ang pinakamasaya dahil sa kanila. Ang dami naming naiipon na magagandang memories sa vacation na ito, salamat po Panginoon. Napaka buti nyo po sa amin. Ang sarap pong harapin ang bagong taon 2020.”

Nagpunta rin ang pamilya Escueta sa San Francisco, “Sarap maglakad kasi malamig, malawak at malinis ang zoo. Enjoy sila. Si Vika akala mo alam nya yung mga tinuturo nya na animals, sumisigaw pa ‘Look! Wow!’ At si Pele mas alam pa nya yung mga ibang animals kesa sakin.”

Nag-reminisce rin si Momshie Jolens during her “Tsuba-tsu-tsu” days nu’ng mamasyal sila at magpapiktyur sa isa sa mga tourism spots sa San Francisco, ang Golden Gate.

“Huli kong picture dito 90s pa ata.. after sooo many years ito na ulit.. pero ngayon mas masaya kasi 4 na kami. Naisip ko nga kanina, talagang naging mabuti sakin ang tadhana at binigay sa akin ang pamilya ko. Salamat Panginoon.”

Tahimik pero masaya namang na-celebrate si Momshie Karla ang Pasko at Bagong Taon sa Pinas with her kids kasama ang boyfriend niyang si Jam Ignacio.

Mensahe si Momshie Karla for everyone sa pagpasok ng 2020, “Paalam sa isang dakadang mukha ng saya, lungkot at tagumpay. Isang aral ang muli kong baon para sa panibagong dekada ng paglalakbay tungo sa mas Masaya at mas magandang Buhay. Sama ka kaibigan! Harapin natin ang 2020 ng mas matatag at mas maligaya.”

The post Jolens: Salamat Lord, napakabuti n’yo sa amin appeared first on Bandera.

Bong Go pabor sa bagong prangkisa ng ABS-CBN

$
0
0


IF our memory serves us right, as early as 2013-2014 when the country’s TV networks had gone digital as it has become a new direction.

Hindi namin gaanong nauunawaan ang lengguwaheng ito, but digital TV seems no have become everybody’s business. May wide reach din naman, cost-efficient pa.

ABS-CBN has already embarked on it.

Its iWant TV is a clear example of how digitalization works, and it seems to be working well. Kung hahanapan namin ito ng kahalintulad, ito’y extension ng kanilang network operations. Wala nga lang sa mainstream yet quality is not compromised.

It’s the same old dog with a different collar tied around its neck, kumbaga. Ang mga artista namang nagsisiganap sa mga serye ng iWant belong to the same pool of Kapamilya artists who are just as busy with their mainstream work.

In a sense, the threat of franchise not being renewed this March sends no jitters lalo na sa mga artista ng istasyon. For its employees, yes but its artists have found a cushioned bed when they thought na sa sahig sila mahihigang lahat.

And speaking of that ominous day (March 20), ang pro-administration senator na si Bong Go is in favor of its renewal. For once, nagustuhan namin ang stand at stance ni Go for wanting ABS-CBN around over the next how many years despite the President’s seemingly whimsical decision.

Other than that, waley na.

The post Bong Go pabor sa bagong prangkisa ng ABS-CBN appeared first on Bandera.

Tambalang Edgar Allan-Coleen may kakaibang magic; nagpakilig sa ‘MIA’

$
0
0

SINO’NG mag-aakalang malakas pala ang chemistry on screen nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman?

Nasaksihan namin ito sa ginanap na media screening ng pelikula nilang “Mia” sa Fishermall Cinema 1 kamakailan na dinaluhan mismo ng dalawang bida.

Nang unang ikuwento sa amin ng producer ng movie na si Chris Cahilig na magsasama sa pelikula sina Coleen at EA, ang sagot namin sa kanya ay, “Talaga?”. E, kasi nga ang unang pumasok sa isipan namin ay ang sosyal ni Coleen at pangmasa naman si EA kaya kumbagan sa kanta, parang “sintunado.”

Pero sagot sa amin ni Chris, “Bagay sila, you should watch the movie.”

Nakumbinsi naman kami dahil in fairness, naaliw kami sa trailer dahil may funny scenes sina Coleen at EA na bumenta rin sa netizens kaya nga umabot na ito sa 6 million views pagkatapos i-post ni Chris sa YouTube.

Nang dumating na ang media screening, the usual hindi kami nag-e-expect masyado kasi nga ilang romcom movie na ang napanood namin pero waley naman. Pero dito sa “Mia” sa totoo lang, sa buong pelikula wala kaming ginawa kundi tumawa.

Nakakatawa kasi talaga ang mga eksena ni Coleen as Mia, isang doktora na naging lasengga dahil namatay ang kanyang fiance matapos itong mag-propose sa kanya.

At kapag nalalasing na siya ay hindi na niya alam ang nangyayari hanggang sa dumating sa buhay niya si Jay (Edgar Allan) na walang ginawa kundi alalayan siya at iligtas sa tiyak na kapahamakan.

May ilang drama scenes ang dalawa pero hindi naman heavy ngunit siguradong tatagos din sa puso ng manonood.

Bentang-benta rin sa amin ang kuwentong ikinasal ang kapatid ni EA sa istorya kung saan dumalo si Coleen at siya pa ang nakasalo ng bouquet at ang aktor naman ang maglalagay ng garter.

Hindi pala alam ni Coleen na dumalo siya sa kasal kasi nga langung-lango siya sa alak. Kaya nu’ng bumalik ang kanyang katinuan at ipakilala siya ni EA sa pamilya nito ay laking gulat niya kung bakit kilalang-kilala na siya ng lahat pati ang kanyang nakaraan.

Doon lang niya nalaman ang lahat lalo na nang ikuwento sa kanya ng bunsong kapatid ni EA na nag-gate crasher lang pala siya sa kasal at ikinuwento ang buong nangyari sa naudlot niyang kasal.

Inakala ni Coleen na ang tanging nakakaalam lang ng lahat tungkol sa nangyari ay si Bru, ang Bromeliad plant na ibinigay sa kanya ng namatay na boyfriend noong mag-propose ito ng kasal.

Si Bru kasi ang tanging kausap at kasama ni Coleen sa kanyang pag-iisa kaya pala importante sa pelikula ang nasabing halaman.

Magkatuwang sina Direk Veronica Velasco at Jinky Laurel na sumulat ng script ng “Mia” na may kinalaman din sa climate change at pakiwari namin ay sinadya nilang gumawa ng ganitong klase ng pelikula para gisingin ang mga taong hindi marunong magpahalaga sa ating kapaligiran.

Dito naman pumasok ang karakter ni EA bilang si Jay Policarpio na isang forester pero may konek ang pamilya sa pagmimina.

Sa buhay pag-ibig naman ni Mia Salazar ay story of hope and second chances dahil nga sa gitna ng depresyon ng doktora ay ipinakita sa kanya ni Jay na may pag-asa pa.

Simpleng love story pero kapupulutan ng aral ang “Mia” na mapapanood na sa Enero 15 mula sa Insight 360 Productions at Viva Films.

Sana’y bigyan din ng chance ng mga kababayan natin ang “Mia” na isang indie movie mula sa kaibigan nating filmmaker-producer na si Chris Cahilig. Dasal nila na kumita ang pelikula para makapag-produce uli at makapagbigay pa ng trabaho sa mga taga-industriya.

The post Tambalang Edgar Allan-Coleen may kakaibang magic; nagpakilig sa ‘MIA’ appeared first on Bandera.

Willie bumili ng sariling chopper, may lisensiya nang lumipad

$
0
0


SINASAMANTALA na nang husto ni Willie Revillame ang bago niyang hilig, ang pagpapalipad ng helicopter, dahil sa susunod na buwan ay anim na araw na siyang makakasama ng ating mga kababayan sa kanyang game show na Wowowin.

Hindi simple ang pagdadagdag ng araw ng kanyang programa, pati ang araw ng kanyang pahinga ay maookupa na rin ng show, kaya ngayon ay ine-enjoy na niya ang panahon sa kanyang bagong dibersiyon.

Meron na siyang certificate para solong makapagpalipad ng chopper, bumili na rin siya ng sarili niyang helicopter, dahil kung susumahin ay ganu’n din naman ang kanyang magagastos kung magrerenta lang siya.

Mula sa susunod na buwan ay meron nang Wowowin tuwing Sabado, alas siyete nang gabi, nasa primetime na ang programang itinuturing na stress reliever ng mga Pinoy dito at sa iba-ibang bansa man.

Kuwento ni Willie, “Walang problema kung maagaw man ang rest day ko, ang mahalaga para sa akin, e, ang makapagbigay ng saya sa mga kababayan natin.

“Matagal na nilang hiling ang pagkakaroon ng Wowowin tuwing Saturday, pero hindi naman ‘yun kadaling mangyayari, pinag-aaralan siyempre ng GMA ang kanilang programming.

“Pero heto, magkakasama-sama na kami tuwing Sabado, dagdag-saya ito para sa kanila. Kung alas singko kaming magkakasama nang Monday to Friday, alas siyete naman kami tuwing Sabado magba-bonding,” masayang kuwento ng aktor-TV host.

Dagdag-saya na, dagdag-papremyo pa, ngayon pa lang ay inuupuan na ni Willie at ng buong production staff ng Wowowin kung anong mga bagong kaligayahan ang maibibigay nila sa ating mga kababayan.

The post Willie bumili ng sariling chopper, may lisensiya nang lumipad appeared first on Bandera.

Female celeb mas piniling magpasko kasama si daddy, ayaw na kay mommy

$
0
0


INAASAHAN na ng mga nakamasid lang ang muling pagsingasing ng babaeng dragon dahil pumasok na sa usapin ang maraming personalidad.

Palaki na nang palaki ang isyu na nag-ugat sa paglalabas ng sama ng loob ng sikat na female personality tungkol sa kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap.

Kuwento ng aming source, “Hindi matatapos ang issue na ‘yan dahil maraming pahabol na kuwento kung bakit nagkakaganu’n ang anak ng female personality.

“May mga nagsasalita na, meron nang mga kuwentong naglalabasan, kaya hindi puwedeng mahinto agad-agad ang issue na ‘yan!

“Hanggang may mga sumasali sa kuwento, habang may nagbibigay ng mga comments, e, talagang lalala pa ang issue na ‘yan na in the first place kasi, e, sinarili na lang sana nila at pinag-usapan nang personal.

“Kung ganu’n ang ginawa nila, e, di sana, may tuldok na ang istorya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May dahilan ang pagpunta ng anak ng aktres sa bahay ng lola nito na kilalang personality din, du’n daw masaya ang dalaga, kaya sinadya nitong hindi umuwi sa bahay ng kanyang ina.

Balik-chika ng aming source, “Wala nang magagawa ang kahit sino sa naging desisyon ng girl. E, kung du’n nga naman siya masaya, may peace of mind, bakit kailangan siyang ipagtulakan sa isang lugar na wala namang ganu’ng napi-feel ‘yung tao?

“Ang nakakabigla lang, e, nagkaroon ng falling out ang mommy niya at ang lola niya nu’n, kaya hindi maiiwasang mabigyan ng ibang interpretation ng ibang tao ‘yun.

“Natural, may mga nagtatanong kung bakit hindi pinayuhan ng lola niya ang girl na umuwi sa bahay nila para du’n siya mag-celebrate ng Christmas?

“Pero siguradong nagkaroon ng pag-uusap ang maglola, tinanong siyempre ni lola ang apo niya kung bakit ayaw umuwi. Alangan namang kunsintihin niya ang ganu’n!

“Kinabukasan, ang nakasama naman pala nu’ng girl, e, ang father niya. Du’n pa lang, e, alam mo nang ayaw niya talagang umuwi para makasama ang family ng mommy niya,” panghuling chika ng aming impormante.

Wala nang clue, bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga tauhan sa kuwentong ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday.

The post Female celeb mas piniling magpasko kasama si daddy, ayaw na kay mommy appeared first on Bandera.


30 water tanker ng Manila Water ipinadala sa mga ‘bakwit’ ng Taal

$
0
0

NAGDISPATSA ang Manila Water ng 3o water tankers sa mga evacuees na apektado ng pag-aalburuto ng Taal volcano.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng subsidiary nitong Laguna Water, ang unang mga tankers ay ipapadala sa tatlong bayan sa lalawigan ng Batangas.

Apat na tanker ang idineploy sa Tanauan City: Poblacion Balele West Covered Court, Poblacion Gloria at sa Tanauan City Gym 2; dalawa naman ang ipapadala sa PUP Gymnasium sa Sto. Tomas habang anim naman ang hihimpil sa Bolbok Provincial Sports Complex sa Batangas City. Nakatanggap na rin ang Laguna Water ng karagdagang hiling para sa water tanker para sa San Luis Municipal Hall at Taal Municipal Hall, gayundin para sa bayan ng Alfonso sa Cavite.

Ang natitirang mga water tanker ay naka-standby para sa mga iba pang local government unit na hihiling ng ayuda sa tubig para sa kani-kanilang evacuation sites.

Ang mga water tankers na gagamitin ay pupunuang muli ng Laguna Water hangga’t kinakailangan. Susuporta rin ang mga kawani ng Laguna Water sa tankering activities na ito.

Samantala, ang Manila Water Foundation (MWF) ay magpapadala rin ng 2,000 ng 5-gallon na lalagyan ng maiinom na tubig para sa mga evacuation sites, sa pakikipagtulungan sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

The post 30 water tanker ng Manila Water ipinadala sa mga ‘bakwit’ ng Taal appeared first on Bandera.

Taal lalong nag-alburuto; magmatic eruption naitala

$
0
0
NAGKAROON ng magmatic eruption ang Bulkang Taal Lunes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naganap ang lava fountaining alas-2:49 ng umaga at nasundan ng alas-4:28 ng umaga.
Alas-5 ng umaga, nakapagtala na ang Philippine Seismic Network ng 75 volcanic earthquake sa Taal region.
Sa mga ito, 32 ang naramdaman at may lakas na Intensity II hanggang V. Naramdaman ito sa Tagaytay City, Cabuyao, Laguna, Talisay, Alitagtag, Lemery at Bauan, Batangas.
“Such intense seismic activity probably signifies continuous magmatic intrusion beneath the Taal edifice, which may lead to further eruptive activity.”
Noong Linggo ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 4 ang Taal Volcano.
Nagpatupad na rin ng total evacuation sa Taal Volcano Island at mga kalapit na lugar na nasa loob ng 14-kilometrong radius mula sa bunganga ng bulkan dahil sa pyroclastic density currents at volcanic tsunami.
“Areas in the general north of Taal Volcano are advised to guard against the effects of heavy and prolonged ashfall.”

The post Taal lalong nag-alburuto; magmatic eruption naitala appeared first on Bandera.

Higit 20K lumikas sa pagputok ng Taal Volcano

$
0
0

AABOT sa 23,701 katao na ang nagsilikas sa Batangas dahil sa pagputok ng Taal Volcano, ayon sa Office of Civil Defense-Calabarzon.

Ang bilang ng mga evacuee, na mula sa 24 bayan at lungsod, ay naitala sa 73 evacuation center dakong alas-5 ng umaga Lunes, ayon sa ahensiya.

May naitala ring 1,396 kataong nagsilikas sa Tagaytay City, Cavite, ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kablang sa mga nagsilikas ang aabot sa 1,000 katao mula Batangas na “umakyat” sa Alfonso, Cavite, sabi ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste sa isang panayam sa radyo Linggo ng gabi.

Una dito, sinabi ng mga awtoridad na aabot sa 300,000 katao ang kailangang ilikas kung sakaling magkaroon ng full-blown eruption ang Taal Volcano.

Ayon kay Leviste, ang worst case scenario ay ang pagkakaroon ng “horizontal explosion,” na makakaapekto sa maraming bahagi ng Batangas, at maging sa Cavite.

Dakong alas-3:20 ng umaga Lunes, nagbuga ng lava ang bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Mahigit 75 volcanic earthquake na ang naitala mula nang mag-umpisang mag-alburuto ang bulkan Linggo ng tanghali.

Nagsimula namang dumanas ng ash fall ang maraming bahagi ng Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal, dakong alas-4:30 ng hapon Linggo.

Dumanas din ng ash fall ang ilang bahagi ng Metro Manila at Central Luzon.

Wala pang naitatalang nasawi o nasugatan dahil sa pagputok ng bulkan, ayon sa OCD.

The post Higit 20K lumikas sa pagputok ng Taal Volcano appeared first on Bandera.

Pinoy celebs nag-alay ng dasal sa pagputok ng Bulkang Taal; ilang artista apektado rin

$
0
0

ALDEN RICHARDS

GINULAT ng Taal Volcano ang buong bansa nang bigla na lang itong sumabog kahapon.

Maraming lugar sa Batangas, Laguna at Cavite ang nakadama ng bagsik nito. Bukod sa malawakang ashfall, sunud-sunod ang naganap na lindol sa paligid ng nag-aalburotong bulkan.

Sa tindi ng galit ng Taal at sa pagbuga nito ng putik at bato, umabot na rin sa Metro Manila at kalapit probinsiya na Bulacan at Tarlac ang ashfall na dulot ng pagsabog.

JERIC GONZALES

Agad naming tinext ang manager ni Alden Richards na si Daryl para kumustahin ang Pambansang Bae. Taga-Sta Rosa, Laguna kasi si Aden at located naman sa Silang, Cavite ang kanyang Concha’s restaurant.

Wala pang balita kay Alden ayon sa manager niya. Wala ring ipino-post na updates ang aktor sa kanyang social media accounts.

Ang ilan pang celebrities na nakatira sa Laguna ay sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. May mga showbiz events na nakansela rin dahil sa Taal eruption.

Ilan naman sa mga nanawagan sa publiko para magdasal habang pumuputok ang Taal ay sina Ai Ai delas Alas, Dingdong Dantes at Ogie Alcasid.

Nag-share rin ng maikling dasal si Anne Curtis para sa mga apektado ng Taal volcano eruption, “Praying the taal volcano eruption doesn’t cause too much damage and all locals are safe from harm.”

Wala pang reply sa amin si Mother Lily Monteverde ng Regal Films nang kumustahin namin ang lagay ng kanyang Taal Imperial Resort.

Na-stranded naman si Rufa Mae Quinto sa Hong Kong pabalik ng Manila matapos ma-cancel ang flight nila.

“Kami naman dito sa Hong Kong airport, stranded … na-cancel ang flight naming mag-ina at family. Ang tagal namin sa airport nag-wait and also, kagulo. Hindi sure when uuwi, I was not feeling well and was hungry,” mensahe ng komedyana.

Aniya pa, “Basta, I prayed for Taal Volcano eruption [na] sana walang masaktan. Kaya ako simple na lang, ang importante safe kaming family, kahit anong pagdaanan…Lord God, please save the Philippines.” 

Patuloy nating ipagdasal ang mga kababayan nating apektado sa pag-aalburoto ng Taal Volcano at nawa’y hindi na tumindi pa ang pagsabog nito.

The post Pinoy celebs nag-alay ng dasal sa pagputok ng Bulkang Taal; ilang artista apektado rin appeared first on Bandera.

Manila Vice Mayor binatikos ang pagtaas ng presyo N95 face mask

$
0
0

BINATIKOS  ni Manila Vice Mayor Honey Lacuña-Pangan ang pagtaas ng presyo N95 matapos na umabot ng P200 ang presyo kada isang piraso sa Maynila sa harap naman ng narararanasang ashfall dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sinabi ni Lacuña-Pangan na base sa natanggap niyang mga reklamo mula sa mga residente, umabot na ng P200 kada isa ang presyo ng N95 mask mula sa dating P25 hanggang P30 kada isa.

Ipinag-utos na ni Lacuña-Pangan sa Manila Bureau of Permits and Manila Licenses Office ang inspeksyon sa mga tindahang nagbebenta ng naturang mask.

“Huwag naman po natin gamitin ang panahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito (Let us not use this time to take advantage of others. Let us remember that this [ash fall] is dangerous to their health),” dagdag ni Lacuña-Pangan.

“Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask,” ayon pa sa Vice Mayor.

Nagkakaubusan na rin ng mga face masks sa mga pharmacy.

Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng N95 mask, imbes na ang regular surgical face mask sa nararanasang ash fall.

The post Manila Vice Mayor binatikos ang pagtaas ng presyo N95 face mask appeared first on Bandera.

Viewing all 44287 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>