SUNUD-SUNOD ang reactions ng netizens sa napanood nilang Christmas Station ID 2014 ng ABS-CBN – nasaan daw si Kris Aquino?
Noong Huwebes ng umaga kinunan ang Christmas station ID ng Kapamilya network na halos lahat ng artistang sikat at empleyado ay kasama maliban sa Queen of All Media.
Nag-text kami kay Kris kahapon pero hindi kami sinagot kaya ang personal assistant niyang si Alvin Cagui ang tinanong namin tungkol dito, pero ang sabi tulog pa raw. Sa pagkakaalam namin, araw-araw na kasi ang shooting ni Kris kasama si Coco Martin ng “Feng Shui” para umabot sa deadline nito sa MMFF 2014.
Baka naman hindi pinayagan ni Chito Roño si Kris na umalis sandali sa set ng “Feng Shui” dahil nga naghahabol na sila sa oras.
Hindi kaya may ikalawang version ang Christmas station ID 2014 ng ABS-CBN at baka kasama na roon si Kris?