DALAWA sa mga baguhang female singer natin ngayon sa music industry ang nakikita ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha na posibleng sumunod sa kanyang mga yapak.
Sa presscon ng susunod na major concert niya sa Araneta Coliseum sa Dec. 6, sinabi ni Lani na malaki ang nakikita niyang future sa industriya ng musika at concert scene kina The Voice of the Philippines season 1 finalist Klarisse de Guzman at Morissette Amon.
“Si Klarisse de Guzman and Morissette kung pag-uusapan ang style at timbre ng boses,” ani Lani.
Dugtong pa niya, “Darating at darating ‘yung panahon na mayroong papalit at papalit who’s much prettier, who’s much better, who has more of the talent. That’s the reality in life.”
Samantala, siniguro naman ng Pinay diva na ile-level up nila ang gagawin niyang concert sa Big Dome na pinamagatang “La Nightingale”. Tiniyak pa ni Lani na mala-Las Vegas production ang mapapanood ng kanyang supporters.
Magiging special guests niya rito sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force at marami pang iba.
“We will be putting new songs. Alam niyo naman ako, when I do shows, iba-ibang genre ang maririnig niyo. Whenever I do shows I incorporate classical music,” sey pa nito.
“When it comes to production, we would put a Las Vegas feel in our production. May similarity, hindi man mapantayan, ang goal namin medyo may Cirque du Soleil ang isa sa mga songs doon. ‘Yun ang binubuo namin,” she said, referring to the iconic modern circus troupe that is also a mainstay in Las Vegas.
“I really just want to concentrate in singing pero let’s see kung ano ang magagawa kong mga productions here when it comes to dancing and yung patiwarik,” ani Lani.
Makakasama rin sa concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra under the baton of Gerald Salonga, “Kami ni Gerard maraming beses na kaming nagkasama pero, kung hindi ako nagkakamali, ito ang first time ko with ABS-CBN Philharmonic. So
I am looking forward to this event na makakasama ko sila.”
Ang “La Nightingale” ay sa direksiyon ni Paul Basinillo with Louie Ocampo as musical director.
Wish naman ni Lani na sana’y mas marami pang Pinoy artists ang makapag-perform sa Las Vegas dahil naniniwala siya na world class talaga ang talent ng mga Filipino pagdating sa pagkanta.
“Sa Las Vegas kasi kami nakatira. Maraming banda, performers. Sana meron pang ibang Pinoy na magkaroon ng chance na mag-perform doon na araw araw ‘yung show.”