Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44478

13-month old apo ni GMA kay Luli namatay

$
0
0

NAMATAY  ang apo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. ‎

Kinumpirma ni Atty. Larry Gadon, isa sa mga abugado ni Arroyo, ang pagkamatay ang 13-buwang gulang na si Jorge Alonzo Arroyo Bernas.

Namatay ang bata sa Philippine Heart Center alas-9:30 ng umaga kahapon sanhi ng congenital heart disease.

‎ Si Bernas ay anak nina Luigi Bernas at Luli Arroyo-Bernas, ang nag-iisang anak na babae ng dating pangulo.

Maghahain ang dating pangulo ng petisyon sa Sandiganbayan upang makapunta sa burol at libing ng apo.

Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44478

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>