NAGING viral ang mga litrato at video ng isang babae na nakahandusay sa sahig na palaisipan pa kung nag-suicide o aksidenteng nahulog sa mismong Araw ng mga Puso nitong Linggo ng gabi sa loob mismo ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Sa dalawang segundong video na ipinost ni @GioseppeTabs ganap na alas-7:33 ng gabi, makikita ang isang babaeng nakahandusay sa sahig.
“GOH MY GAH! May dead scene dito sa Megamall. Nagsuicide yung girl, she jumped from the 4th or 5th! I am so scared,” sabi ni @GioseppeTabs sa kanyang post.
Nagpost naman ng mga litrato si @princekurt kaugnay ng insidente.
“Ang creepy nung nagpakamatay sa Megamall. CTO,” ayon sa post ni @princekurt ganap na alas10:06 pm noong Linggo ng gabi.
Sa isang opisyal na pahayag naman ni SM Supermalls Senior Vice President Steven Tan, sinabi niya na nahulog ang babae sa Building B ng SM Megamall.
Idinagdag ni Tan na agad na itinakbo sa ospital ng mga tauhan ng mall ang biktima matapos ang pangyayari.
Ayon pa kay Tan, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pamunuan ng mall at tiniyak ang kooperasyon nito sa pulis.
Ito ang buong pahayag ni Tan:
“A woman fell at Building B in SM Megamall. She was immediately rushed to the hospital by the mall personnel. The mall security and the local authorities are currently investigating the matter. We will cooperate for further inquiry.”
Patuloy na nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon kaugnay ng insidente.
The post Litrato ng babaeng pinaniniwalaang nag-suicide sa Megamall nag-viral appeared first on Bandera.