$ 0 0 MARAMI ang nagulantang sa balitang isinugod daw si Vice Ganda sa hospital for some undisclosed reasons. Papunta raw si Vice sa It’s Showtime nang bigla raw nitong i-request sa kaniyang staff and driver na dumiretso na sila sa hospital dahil ang taas na ng lagnat niya. Ayon sa inisyal na ulat, na-confine ang gay comedian sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City due to fever and LBM. Hindi na raw kasi kinaya ni Vice ang sakit ng katawan matapos ang sunud-sunod na trabaho. Sabi ng pamilya ni Vice, hanggang kahapon ay may lagnat pa rin ang TV host at hinihintay pa rin nila ang resulta ng isinagawang laboratory test sa kanya. Kasalukuyan namang nasa hospital din ang aktres-TV host na si KC Concepcion for dengue. At tulad ng anak ni Megastar Sharon Cuneta, nababahala ang pamilya at mga kaibigan ni Vice na baka dengue rin ang sakit nito. “Masyadong mababa ang platelets ni KC. Bumagsak sa 70 lang samantalang ang safe daw ay 200 up. Kaya dapat ay maagapan ito. Sana hindi dengue itong kay Vice, mahirap talaga sa panahon ngayon na umuulan madalas. Maraming stagnant water around. Kaya dapat ay maingat tayo. Plus the fact na there are many of us na mahina ang immune system, naku, madadale ka talaga,” sabi ng isang kaibigang nagwu-worry kina KC at Vice. Anyway, makikibalita tayo sa mga friends natin regarding Vice Ganda. Kasi si KC ay napag-alamang positive na sa dengue. Sana hindi naman ganoon yung kay Vice. Mahirap magkasakit, bah!