
Christopher Diwata at Ronalyn Diwata
NAPA-SANA all na naman ang mga netizens sa patuloy na pagdating ng blessings sa buhay ni Cristopher Diwata, ang viral KaloKalike ng Hollywood actor na si Taylor Lautner.
Sikat na sikat ngayon si Christopher dahil sa kanyang pak na pak na dialogue na “What hafen Vella” na hanggang ngayon ay trending sa social media at patuloy na bukambibig ng mga Pinoy.
Sa gitna nga ng tinatamasa niyang kasikatan (may mga TV guesting na rin sa iba’t ibang network) ay may panibagong biyaya na naman siyang natanggap.
Iyan nga ay ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyan na masasabing katas ng pag-i-impersonate niya kay Taylor Lautner, partikular sa karakter na pinasikat nito sa pelikulang “Twilight.”
Sa isang TikTok video, ibinandera ng asawa ni Christopher na si Ronalyn Diwata ang ilang litrato kung saan makikita ang nabili nilang sasakyan.
“Thank you sa mga sumuporta sa asawa ko dahil po sa inyo natupad niya unti-unti pangarap niya,” ang caption ni Ronalyn sa kanyang TikTok post.
Sa panayam ng GMA kay Cristopher, nabanggit nito na nabili nila ang naturang second-hand car dahil sa pakikipag-collab niya sa ilang brands.
“Sa mga brands po na nakakatrabaho ko po, maraming salamat po sa pagtitiwala. At sa mga supporters ko po maraming salamat po sa mga good comment sa pagbili ko po ng kotse po para mas mapadali po ang mga lakad ko po,” sabi ng content creator.
Nagkomento rin siya sa mga concerned netizens na nag-aalala dahil sa brand ng nabili nilang kotse.
“Sa mga concern po na dahil po sa brand ng unit na sirain daw po. Lagi po natin tandaan hindi po natin alam ang mangyayari bukas at sa mga susunod pa po.
“Like sa nangyari sa buhay ko ni mismong ako po ‘di ko inaakala na makakabili po ko ng ganito. Dahil sa hirap ng buhay.
“Malay n’yo po bago pa ‘to masira dahil sa mga supporta n’yo eh mas malaking service na po ang mabili natin,” paliwanag ni Cristopher.
Pakiusap pa niya sa kanyang mga tagasuporta, “Sana po wag po kayo magsawang sumuporta po sakin.. At hinding-hindi po ako magbabago sa pagkakakilala n’yo po sakin.
“Salamat po mga vela, vampire at mga ka wolf.. I love you all…Raket endorsement ryt,” saad pa ng komedyante.
Matatandaang unang nag-join si Cristopher sa segment ng “It’s Showtime” na “KaloKalike 12 years ago.
May nag-upload sa socmed ng video kung saan mapapanood ang naging performance niya bilang Jacob Black ng “Twilight” na bigla ngang nag-viral dahil sa kanyang linyahan na, “What hafen, Vella? Why you cryin’ again? I know, vampire, right? Vampire will feyt to me.”
Bukod nga sa nabiling sasakyan, isa pa sa natanggap na blessing ni Christopher ay ang kanyang guest appearance sa Kapuso Prime series na “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix.
The post Christopher Diwata nakabili na ng sasakyan dahil sa ‘Wat hafen, Vella?!’ appeared first on Bandera.