Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44632

Shaira Diaz, EA Guzman 3 beses nag-prenup shoot: Sobrang magical!

$
0
0
Shaira Diaz, EA Guzman 3 beses nag-prenup shoot: Sobrang magical!

EA Guzman at Shaira Diaz

TATLONG beses nag-prenuptial shoot sa iba’t ibang lugar ang Kapuso celebrity couple na sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.

Two months na lang at ikakasal na sina EA at Shaira kaya naman super busy na ang future husband and wife sa pagsasaayos ng iba pang mga kailangan sa kanilang wedding.

Katatapos nga lang daw ng ikatlo nilang prenup shoot, ang una ay ang ginawa nilang pictorial somewhere in Quezon City na sinundan ng bonggang shoot nila sa South Korea.

“Sobrang magical for me kasi it’s a one day shoot. Parang Koreanovela, ‘yun talaga ‘yung peg namain kasi si Shaira nga is talagang fan ng mga K-drama. ‘Yun talaga ‘yung gusto niya,” pahayag ni EA sa panayam ng GMA.

Super excited na nga raw ang engaged couple na ipasilip sa kanilang mga kapamilya, kaibigan at mga fans ang buong video ng kanilang prenup shoot.

Samantala, babalik naman sa Korea si Shaira one of these days para personal na pik-apin ang napili at ipinagawa niyang wedding gown doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)


“Susunduin ko siya (wedding dress). Gusto ko nang sunduin sa Korea kaysa i-ship kasi baka magkaroon ng delays.

“Naku, patay! Wala talaga tayong susuutin pa. ‘Yun pa lang naman, babalik ako sa Korea para sure,” chika ni Shaira.

Patikim pa ng Kapuso star sa magaganap na kasal nila ni EA, “Gusto ko siyempre, ilakad ako ng parents ko, ihatid talaga ‘ko ng mom and dad ko, especially my dad.

“‘Yun din ‘yung promise din ni Edgar sa kanya, na ito, ilalakad ko ‘yung anak niyo. Hindi ko siya lolokohin. Finally, tuloy na tuloy na talaga ‘yung wedding,” sey pa ni Shaira.

Ibinalita rin ni EA na may inihanda siyang special gift para kay Shaira sa mismong araw ng kanilang kasal na masisilbing soundtrack ng kanilang wedding day.

“‘Yung isinulat kong kanta for her 10 years ago, ngayon tapos ko na siyang i-record. 2015 ko siya sinumulan. It’s my original composition.

“Sinulat ko ‘yun. ‘Yung lyrics noon is about our love story, paano kami since day one, nagkita, hanggang sa promise ko sa kanya,” chika pi ni EA.

Ikakasal sina Shaira at EA sa August, 2025 sa Silang, Cavite. Taong 2021 nang mag-propose ang aktor sa dalaga makalipas ang 12 years nilang relasyon.

The post Shaira Diaz, EA Guzman 3 beses nag-prenup shoot: Sobrang magical! appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44632

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>