
PHOTO: Facebook/AKTOR – League of Filipino Actors
IBINANDERA ng League of Filipino Actors (Aktor PH) ang kanilang panawagan kaugnay sa Senate Bill No. 2805.
Ayon sa kanilang official statement, maaari kasi nitong pigilan ang malayang pagpapahayag at makasama pa sa kabuhayan ng mga nagtatrabaho sa creative industry.
Para sa mga hindi aware, ang panukalang batas ay ini-sponsor ni Senador Robin Padilla, na dati ring aktor.
Layunin nitong palawakin ang kapangyarihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang maisama ang mga online content at on-demand streaming platforms sa kanilang saklaw.
Baka Bet Mo: Dingdong maibibigay na ang bonggang health package para sa mga miyembro ng AKTOR PH
Sa isang Instagram post, nanawagan ang Aktor PH na itigil ang panukala at makipagtulungan muna sa mga nasa industriya upang bumuo ng patas at makatarungang reporma.
“AKTOR, the League of Filipino Actors, calls on Congress to halt Senate Bill 2805 and initiate meaningful, inclusive dialogue with the creative industry. Any legislation that impacts freedom of expression, artistic integrity, and livelihood must be shaped with those who live and work in this space,” sey sa kanilang statement.
Bagama’t ipinapakita sa panukala na layon nitong protektahan ang kababaihan at kabataan mula sa mapanirang online na content, iginiit ng Aktor PH na maaaring magdulot ng kalituhan ang malabong mga probisyon nito.
“We support protection against harm and exploitation—but not vague standards or sweeping controls that risk limiting voices and reducing opportunities for Filipino creatives,” dagdag pa nila.
Binigyang-diin din ng grupo ang kahalagahan ng self-regulation sa loob ng industriya.
Ayon sa kanila, may kakayahan ang mga nasa creative sector na ituwid ang sarili gamit ang umiiral na mga pamantayan.
“We urge our legislators to bring the industry to the table and begin again—so that any regulatory framework truly protects, not polices, the creative space,” patuloy ng Aktor PH.
Anila, “We stand ready to help shape a better, fairer system—one that honors both the rights of the audience and the freedom and integrity of the Filipino artist.”
View this post on Instagram
Ang panawagan ng Aktor PH ay kasabay ng lumalawak na pagkontra mula sa iba pang mga personalidad sa creative industry, tulad ng mga independent filmmakers at iba pang tagapagtaguyod na nais ding magkaroon ng bukas at makabuluhang konsultasyon sa paggawa ng mga polisiya na direktang nakaapekto sa kanilang trabaho.
Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) sa panukalang batas, na tinawag pa nilang isang “cash cow” o pinagkakakitaan lamang.
The post Aktor PH nais ipatigil ang ‘censorship’ sa online content, wish makipag-dialogue appeared first on Bandera.