
Rabin Angeles, Angela Muji at ang iba pang cast members ng ‘Seducing Drake Palma’
IN FAIRNESS, ang lakas din ng chemistry on screen ng bagong tambalang aabangan sa pak na pak na ngayong streaming platform na Viva One.
Ang tinutukoy namin ay ang isa na namang pambatong loveteam ng Viva Artists Agency (VAA) – sina Rabin Angeles at Angela Muji.
Sila ang masuwerteng napiling bumida sa digital series na “Seducing Drake Palma”, ang tinuturing na isa sa mga pinakasikat na nobela sa Wattpad.
Mula sa malikhaing isip ni Ariesa Jane Domingo, o mas kilala sa pen name na “Beeyotch”, ang librong ito ay may tinatayang 120 million reads sa ngayon, kasama na ang book 2 na Dating Alys Perez.
Sa kwento, aakitin ni Alys ang “Crush ng Bayan” na si Drake alang-alang sa kanyang boy bestfriend na karibal din ni Drake.
Mula sa Wattpad, malapit nang mapanood ang seryeng ito sa Viva One ngayong June 15, handog ng Studio Viva.
Mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino (2025 Manila International Film Festival at 2024 MMFF Best Director for “My Future You”, 2019 MMFF Special Jury Prize Winner and 2020 Osaka Film Festival ABC Award for “Write About Love”), ito ay pagbibidahan ng mga new gen artists ng Viva.
View this post on Instagram
Minahal ng marami bilang si Yuri Hanamitchi sa “Ang Mutya ng Section E”, handang-handa na si Rabin Angeles sa papel na Drake Palma. Siya ay bagong lipat na estudyante.
Mayaman, matalino pero masungit. Lapitin siya ng mga babae, pero wala siyang siniseryoso sa kanila.
Si Angela Muji ang funny, taklesa, at strong-willed na si Alys Perez. May lihim siyang pagtingin sa kanyang best friend na ngayon ay brokenhearted.
Pakikiusapan siyang akitin si Drake para mailayo ito sa ex ng kanyang best friend at magkaroon pa sila ng chance na magkabalikan. Wala sa isip ni Alys na possible pala siyang ma-in love kay Drake.
Habang pilit na lumalapit si Alys kay Drake, papasok naman sa eksena si Tripp Marco Palma, ang pinsan ni Drake, na gagampanan ni Dylan Menor. Ang mantra nito ay “go with the flow”.
Mahilig siya sa motor at sa larong guitar hero. Magkakaroon siya ng interes kay Alys, na magdudulot ng problema sa kanilang magpinsan. Noon pa man ay may inggit na si Tripp kay Drake.
Si Ethan David ang gaganap na Sheen Mendoza, ang best friend ni Alys na football player. Madali itong makipagkaibigan pero may pagkaiyakin. Kahit break na sila ng girlfriend niya ay mahal na mahal pa rin niya ito.
Si Rafa Victorino ay si Kei Chui, ang head ng cheerleading team. Nakipag-break kay Sheen dahil bored na sa kanilang relasyon.
Nang dumating si Drake, agad siyang na-attract dito. Para sa kanya isang exciting challenge ang mapalapit kay Drake.
Si Yumi Garcia ang gaganap na Aya Pineda, ang weird pero nakaaaliw at caring best friend ni Alys. May pagka-marites. Hindi buo ang loob niya pagdating sa pag-ibig.
Si Frost Sandoval ay si Kent Valdez, classmate at kaibigan ni Sheen. May pagka-playboy at liligawan niya si Aya.
Si Sara Joe ang gaganap na Shaira Silos, kaibigan ni Drake at first love ni Tripp. “Husband/hubby” ang tawag niya kay Drake. Mabait ito pero may suicidal tendencies.
Magdadagdag din ng excitement sa series sina Denise Esteban bilang Katrina Palma, na may koneksyon kay Drake at sa kanyang ama; at Nikka Ruiz bilang Dana, ang ina ni Alys.
Kukumpleto sa cast ang ilang seasoned actors na tiyak magdadagdag ng lalim dahil sa kanilang mahahalagang papel sa kwento: si Mark Anthony Fernandez ay gaganap na Steve Palma, ang ama ni Drake; si Christopher Roxas ay si Andy, ang stepfather ni Alys; at si Lander Vera Perez ay si Cyriel, ang biological father ni Alys.
Binubuo ng 16 episodes, ang “Seducing Drake Palma” ang pinakabagong Viva One offering na masayang masubaybayan. Mag-download na ng Viva One app at mag-subscribe.
The post Rabin Angeles, Angela Muji magpapakilig sa ‘Seducing Drake Palma’ appeared first on Bandera.