Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Pride Month 2025: Payo ni Regine pagdating sa LGBT community: ‘Be sensitive!’

$
0
0
Pride Month 2025: Payo ni Regine pagdating sa LGBT community: 'Be sensitive!'

Regine Velasquez-Alcasid, Dia Mate

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month, inalala ni Dia Mate ang makabuluhang payo sa kanya ni Regine Velasquez-Alcasid hinggil sa LGBTQIA+ community.

“When it comes to the [LGBT] community, be sensitive,” sey ng Reina Hispanoamericana 2025 titleholder sa eksklusibong panayam ng BANDERA matapos niyang i-release ang collaboration song nila ng Asia’s Songbird na pinamagatang “Ina”, isang heartfelt tribute sa mga miyembro ng Golden Gays.

Chika pa ng beauty queen, “I don’t know what they’re going through ‘di ba because I’m just an ally in a sense. I can only observe, I can only help, but in reality, I am not part of the community.”

Ayon pa raw kay Regine, anuman ang intensyon, mahalaga ang pagiging maingat sa mga salitang binibitawan, lalo na kung hindi ka miyembro ng komunidad. 

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Dia Maté aminadong buhay-‘Reina’ sa araw, pop star sa gabi

At isa na nga sa mga halimbawa riyan ay ‘yung paggamit ng salitang “bakla.”

“She even said that the word ‘bakla’—for example—she can say it because the gays have given her pass, but in general, as much as possible don’t say the word ‘bakla’ because for some, they may get offended. It’s for them to say, not for us to say,” lahad ni Dia.

Para sa young singer, malaking karangalan ang makatrabaho si Regine, na itinuturing ng queer community bilang isang tunay na Filipino gay icon.

“Kasi according to the queer community, she’s the gay icon of the Philippines…She is an inspiration to so many people in the queer community,” pahayag niya.

Inalala rin niya ang naging reaksyon ni Regine sa kanilang awitin nang una niya itong iparinig sa recording studio.

“She looked at the lyrics and listened to the demo, she really loved it because it really had a message that was for the community. She really acknowledged that babaeng bakla siya… so she said yes kaagad and she was the best person to work with. It was like being in a masterclass talaga with her,” kwento niya.

Dagdag pa ni Dia, maliban sa pagiging sensitibo sa mga isyu ng komunidad, turo rin ni Regine ang kahalagahan ng dedikasyon sa musika at pangangalaga sa kalusugan, lalo na para sa mga singer na nais tumagal sa industriya.

Ngayong Pride Month, dalangin ni Dia na magsilbing paalala ang kanilang kanta na “Ina” na patuloy tayong makinig, matuto, at makiisa sa laban para sa pagkakapantay-pantay at respeto –kahit hindi ka direktang bahagi ng komunidad.

“As much as possible, really immerse myself to the community,” pagtatapos niya.

The post Pride Month 2025: Payo ni Regine pagdating sa LGBT community: ‘Be sensitive!’ appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>