Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44682

Heidi Mendoza sa LGBTQIA rights: Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba?

$
0
0

Heidi Mendoza sa LGBTQIA rights: Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba?

NAGNILAY ang former Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza sa mga karaoatan ng mga kasapi ng LGBTQIA+ community.

Ngayong buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Pride Month kung saan inaalala, ipinaglalaban, at sini-celebrate ang karapatan ng mga parte ng naturang community.

Matatandaang kamakailan lang nang madawit ang pangalan ni Heidi sa mga posts at memes na umano’y siya ang magdidisiplina sa “kabaklaan” matapos ang pagtakbo sa eleksyon.

Dahil dito ay napaisip siya tungkol sa mga karapatan ng ating mga kapatid sa LGBTQIA+ community.

Baka Bet Mo: Heidi Mendoza nag-sorry kay Sassa Gurl: Maraming salamat pa rin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba? Kailan naging punchline ang identidad at pakikibaka ng isang buong komunidad?” saad ni Heidi.

“Hindi ako homophobic. Hindi ako transphobic. Hindi ako bigot. Pero aaminin ko, lumaki akong konserbatibo, babae mula sa probinsya, pinalaki ng mga magulang na may simpleng pananaw sa buhay,” pagpapatuloy niya.

At dahil sa kanyang kinagisnan sa buhay ay hindi niya agad naintindihan kung bakit kinakailangang ipaglaban ang SOGIESC equality.

Lahad pa ni Heidi, sanay siya na sumisita ng mali at kumukontra sa katiwalian kaya nasasakyan siya na nagiging tahimik siya pagdating sa pakikipaglaban ng karapatan ng mga LGBTQIA+.

“Kung may natutunan ako sa birong ginawang pangalan ko, ito iyon. Minsan, sa likod ng tawanan, may panawagan.

“At kung cinall-in ka, makinig ka. Baka hindi ka kinakalaban. Baka inaanyayahan ka lang na lumaban kasama nila,” sey pa ni Heidi.

Matatandaang naging usap-usapan si Heidi noong nagdaang eleksyon dahil sa kanyang stand sa same-sex marriage.

Dahil nga kontra siya rito ay nagbitaw ng suporta sa kanyang ang kilalang social media personality na si Sassa Gurl.

The post Heidi Mendoza sa LGBTQIA rights: Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba? appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44682

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>