Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44643

Bahay Modernismo Museum bagong pasyalan sa QC, dating bahay ng pamilya Aquino

$
0
0
Bahay Modernismo Museum bagong pasyalan sa QC, dating bahay ng pamilya Aquino

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez

MAY bagong pasyalan sa tinaguriang City of Stars na tiyak ay puno ng kwento at history.

Opisyal nang binuksan sa publiko ang Bahay Modernismo Heritage House Museum na matatagpuan sa loob mismo ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Naimbitahan ang BANDERA sa grand opening nito noong Biyernes, May 30, at present diyan ang alkalde ng lungsod na si Mayor Joy Belmonte, ang curator at designer ng museo na si Arch. Gerard Rey Lico, ang founder ng Las Casas Filipinas de Acuzar na si Jose Rizalino “Jerry” Acuzar, pati na rin ang ilang opisyal mula sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

Nasaksihan namin na ang Bahay Modernismo ay ang reconstructed split-level bungalow na inspired at ginamitan ng ilang original materials mula mismo sa dating bahay ng mga Aquino na nasa #25 Time Street.

Baka Bet Mo: QC, Gaming Library sanib-pwersa sa biggest board game event sa Pinas

Pero take note mga ka-BANDERA, hindi lang ito basta bahay dahil tila naging isa itong time machine na ibinabandera ang Pinoy life noong 1950s hanggang 1970s!

Sa talumpati ni Mayor Joy, inamin niya na matagal na niyang pinangarap na ma-preserve ang iconic na bahay. 

“Bakit po? Tahanan [ito] kung saan lumaki ang ating Pangulong Noynoy Aquino, tahanan ng ating dating Pangulong Corazon Aquino, ng ating National Hero Ninoy Aquino, tahanan at that time girlfriend ng mayor namin Mayor Herbert Bautista –tahanan ni Kris! And so I was thinking na kailangang ma-preserve ang bahay na ‘yan,” sey ng alkalde.

“There were parts of the [demolished] house that could still be reconstructed…original, so we were able to reconstruct it here in the Memorial Circle,” dagdag pa niya na pinasalamatan si Arch. Gerard sa creative direction ng buong proyekto.

Pagmamalaki naman ng arkitekto, ito ang unang museo na tungkol sa modern heritage ng Pilipinas na ipinapakita ang parallelism ng urban development, modernism, at popular culture ng mga Pinoy mula 1950s hanggang 1970s. 

Kaya kung mahilig ka sa aesthetic ng lolo’t lola mo, swak na swak ito!

“[It’s] a museum, a memory, a living narrative of post-war Filipino identity,” wika ni niya.

At gaya ng sinabi ng mayor, kahit reconstructed na raw ang bahay, may mga original fragments pa rin mula sa Aquino home na nagbigay ng aura of authenticity.

Sinabi din ni Giana Aira Barata, Acting Chief Tourism Officer ng QC na dito mae-experience ng mga bisita kung paano mamuhay ang mga QCitizens noon.

“Through the exhibits, you will be able to marvel the home and family living of early of early QCitizens back in the 1950s na karamihan sa atin ‘yung sa dating picture lang natin nakikita ngayon up close and personal na nating mae-experience,” pagmamalaki niya.

Bukod diyan, ibinunyag ng QC Tourism Department na may mga aabangan pang mga bagong pasyalan sa lungsod.

Para sa mga nais bisitahin ang Bahay Modernismo Museum, bukas ito mula Martes hanggang Linggo, 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Ang good news pa ay libre lang ito o walang entrance fee!

The post Bahay Modernismo Museum bagong pasyalan sa QC, dating bahay ng pamilya Aquino appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44643

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>