
AC Bonifacio
GRABE pa rin ang ginagawang pamba-bash ng ilang negang netizens sa Kapamilya actress-dancer na si AC Bonifacio.
Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga haters na na-bad trip sa kanya bilang celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” ng GMA 7 at ABS-CBN.
Kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita ang patuloy na ibinabato sa kanya ng mga taong walang magawa sa buhay.
Sa isang Instagram story, ibinahagi ni AC ang screenshot ng nakakalokang message na ipinadala sa kanya ng isang hater.
“AC plastik lumayas kana sa PBB tska sa mundo para mabawasan mga taong katulad mo. Problematic!!!” ang banat ng netizen kay AC.
Dagdag pa nito, “Ul*l mamatay ka na AC sana masagasaan ka ng truck.”
Chill na chill naman itong nireplayan ng dalaga sa pamamagitan ng text caption ng kanyang IG story.
View this post on Instagram
“Wait lang, Ate, may pangarap pa po ako. Darating din tayo dyan pero baka matagal pa. Iiwas na lang ako sa truck,” hirit ni AC.
Sa panayam ng BANDERA kay AC sa naganap na Star Magic Spotlight presscon, nagsalita ang Kapamilya star tungkol sa kanyang nga bashers.
Si AC, na unang nakilala bilang isang dance prodigy, versatile actress, ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa Bahay ni Kuya.
“In that house, we were able to really form a genuine new bond, and if we had any issues, kinoconfront po talaga namin, and we would fix it right on the day, right on the spot, para the next day—new day, restart for us housemates.
“So, regrets, wala po. I made good, good, good connections that I will bring out here to the outside world,” aniya nang matanong kung nagsisisi ba siya na pumayag maging housemate sa Big Brother house.
Ibinahagi rin ni AC ang mga reflections and realizations niya pagkalabas ng “PBB”, “Now, you guys know me as a human being na nagkakamali rin. Na I’m not perfect. Na may mga times na I accidentally say things that I have no intention of it being a bad way.
“But know that I am trying to be better, and ‘m really taking in all your concerns and comments,” sabi ng dalaga.
The post AC Bonifacio bumuwelta sa basher na nagsabing ‘plastik, mamatay ka na’ appeared first on Bandera.