Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44437

David Licauco umaming umiiwas kapag natatanong sa personal life

$
0
0
David Licauco umaming umiiwas kapag natatanong sa personal life

David Licauco

KAHIT na isang celebrity at tinatawag na public property, mas nais pa rin ng Kapuso actor na si David Licauco na panatilihing tahimik ang kanyang private life.

Kaya naman hangga’t maaari ay iniiwasan niyang magbahagi ng personal na mga detalye sa publiko tungkol sa kanyang sarili pati na ng kanyang pamilya.

Inamin ni David na kapag may mga interview siya o nasa presscon, may mga pagkakataon na talagang umiiwas siya sa ilang personal questions in a respectful way.

“Siyempre hindi naman dapat lahat malaman ng mga tao, especially if it’s private, especially if it’s about your personal life.

“I’m a very private person so I try to evade those questions and just say something na general,” ang pagbabagagi ng binata sa isang online video para sa kanyang latest movie na “Samahan ng mga Makasalanan.”

May pahayag din ang Kapuso star at leading man ni Barbie Forteza tungkol sa isyu ng mga magdyowa sa showbiz na isinasapubliko pa ang paghihiwalay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kapag nakipag-break ka, hindi mo naman agad talaga sasabihin sa mga tao. Hindi naman ‘yun dahil nasa showbiz ka.

“I think it’s better to give room for, you know, baka may magbago. Baka ma-realize mo, ma-realize noong partner mo na mahal niyo pa pala ‘yung isa’t isa,” katwiran ng aktor.

Samantala, showing na ngayon sa mga sinehan ang “Samahan ng mga Makasalanan” kung saan gumaganap si David bilang si Reverend Sam, na isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, isang bayan na puro makasalanan ang nakatira.

Ang misyon ni Reverend Sam, ituwid ang mga pagkakamali ng samahan ng mga makasalanan sa naturang lugar. Ang tanong, magtagumpay kaya siya?

Kasama rin sa movie sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba. Ito’y mula sa GMA Pictures at sa direksyon ni Benedict Mique.

The post David Licauco umaming umiiwas kapag natatanong sa personal life appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44437

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>