
PHOTO: Instagram/@ashleyortega
PARA kay Ashley Ortega, hoping siya na ang boyfriend na si Mavy Legaspi ang kanyang “forever” at “the one.”
Ito ang inamin ng young actress nang makausap ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog.
Isa sa mga naging topic ang lovelife ni Ashley at naitanong nga sa kanya ni Ogie kung nakikita niya si Mavy na makakatuluyan niya sa huli.
“Sana, kasi ang dami ko na rin po naging mga ex,” sagot ng aktres.
Baka Bet Mo: Ashley Ortega dyowa na si Mavy Legaspi; pinuri sina Zoren at Carmina
Paliwanag niya, “Syempre lover girl ako, gusto ko long-term relationship. Alam niya na rin naman ‘yun.”
Naikwento pa nga ni Ashley na bago maging sila ni Mavy ay tinanong muna niya ito kung sigurado na sa papasuking relasyon, lalo na sa kanilang age gap.
“Nung nanliligaw pa lang siya, he’s three years younger than me. Sabi ko, ‘Sure ka ba, sakin ka? Enjoy mo muna ‘yung youth mo. You’re young, you’re handsome, you have a career,” chika niya kay Ogie.
Dagdag pa ng 26-year-old actress, “Ako matanda na ako, syempre ‘yung next step ko in life is to settle down na at the right age. Ayoko na mag-invest ng feelings sa isang lalaki tapos ang ending, magbi-break rin naman. Ayoko na ng ganon.”
“Pero hindi ko naman siya prinessure sa ganon. Masiyadong maaga ‘yun. Kumbaga sinabi ko, this is my mindset, if I’m going to have a boyfriend. Sana ‘yun na ‘yung last,” paglilinaw pa niya.
Sinabi rin ni Ashley na tiniyak sa kanya ni Mavy na gagawin nito ang kanyang makakaya upang maging deserving sa kanya.
“I hope it’s him. Ayoko na ng heartbreak. Hindi ko na kaya. Pero syempre huwag tayo magsalita ng tapos, we’ll never know. ‘Yung mga long-term relationships nga ‘diba naghihiwalay rin,” saad niya.
Kasunod niyan ay nagpasalamat siya sa ina ni Mavy na si Carmina Villaroel dahil naging supportive ito sa kanya matapos ma-evict sa reality show na “Pinoy Big Brother.”
“Wala naman silang binilin sa’kin. Kung sino naman ‘yung parang mahal ni Mavy sinusuportahan talaga nila,” sey niya.
Aniya pa, “Nung kakalabas ko lang ng bahay ni Kuya, nagtext sakin si Tita Mina…Na-appreciate ko kasi supportive sila sa’kin. I hope because of PBB mas nakilala rin nila ako.”
Noong Pebrero, kinumpirma ni Ashley ang real score nila ni Mavy.
Kung maaalala, dati nang naging karelasyon ng aktres si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Habang si Mavy naman ay na-link sa aktres na si Kyline Alcantara, na ngayon ay boyfriend ang basketball player na si Kobe Paras.
The post Ashley umaasang si Mavy na ang ‘the one’: Ayoko na ng heartbreak! appeared first on Bandera.